Share

The Mafia Lord's Elusive Wife
The Mafia Lord's Elusive Wife
Author: alittletouchofwinter

Prelude

Prelude

    HILONG-HILO na bumalik ang kamalayan ni Amelia mula sa sandaling pagkawala ng malay. Noong sinubukan niyang gumalaw, nanakit ang kanyang buong katawan, lalong-lalo na ang likod na nilatigo ng lalaking basta na lang kumuha sa kanya. 

She clenched her fist as she tries to think of a way to escape here. But how can she do that if she's locked up? 

Hindi na niya mabilang kung ilang araw na ba o linggo na hawak siya ng lalaki. Basta nagising na lang siya rito mismo sa loob ng barko na hawak na nito at sinasabi na malaki ang pagkakasala ng ama niya sa lalaki kaya siya ang binalikan nito. 

That man told her that she was taken away by them so he could inflict pain to her father and would also cut down the filthy blood that's flowing inside her body. 

She was told that since she's the daughter of Faustino Castillo, she's the one who's going to experience hell for her father. Then he called her Sofia while she was being tortured. When Amelia denied being that woman, the more that man whipped the lash on her body while calling her names she choose not to remember. 

Walang kaalam-alam ang lalaki na baka ikatuwa pa ng ama kapag nalaman nito na hindi si Sofia ang nakuha ng lalaki kundi siya: ang anak nitong hindi nito kailanman minahal. Ligtas ang mahal na anak nito kaya wala itong oras para alalahanin pa siya. 

Amelia was close to freedom that she's craving for. Naroon na, e. Nakatakas na siya sa malupit na pamilya niya, sa walang pusong ama at walang pakialam na ina. The only one who cared about her was the head maid. But even that woman betrayed her. Kinuha nito ang tiwala niya para ipagkanulo sa ibang tao. 

And when she just got away from her family, she was unfortunately caught by that man. 

Hindi man lang niya nalasap ang kalayaan na inaasam niya at ngayon, ito siya, puno ng sugat ang katawan nang dahil pa rin sa kalasanan ng ama na wala naman siyang koneksyon. Pilit man niyang tinatakbuhan ang buhay na meron siya, pilit siyang binabalik ng tadhana sa mapait na buhay na tinatakasan. 

Did she deserve this? Tumulo ang luha ni Amelia. 

Ito lang ba ang papel niya sa mundo? Ang pagmalupitan nito? Mula sa pamilya hanggang sa ibang tao? Wala ba siyang halaga kung hindi ito lang? 

Naputol ang pag-iisip ni Amelia nang makaramdam na naman siya ng hapdi mula sa may sugat na pisngi na dinaluyan ng kanyang luha. Pinilit niya ang sarili na hindi na muling umiyak dahil wala rin namang mangyayari. 

Don't cry, Amelia. Tears won't save you and it'll just hurt you furthermore. 

Amelia chose to be rational. She needs to think on how to escape this ship. Kung kinakailangang talunin niya ang dagat at lumangoy sa paroon, gagawin niya huwag lang siyang maburo dito. 

Sinubukan niyang marahan na gumalaw dahil ayaw niyang bigla na lang muling kumirot ang mga sugat sa katawan. Doon niya lang din napansin ang sarili na walang gapos. 

Sa kakarampot na liwanag mula sa maliit na bintana kung saan siya naroroon nakapiit, pinagmasdan ni Amelia ang sarili.

She's really freed from the ropes! Did the guards forgot to tie her up? This is the first time it happened and she won't waste this chance! Ah, there's no time to think about the reason. 

Dahil sa nalaman, hindi na niya inalintana ang kumikirot na sugat, ang pagdaloy ng dugo mula sa likod niya, maging ang pagsakit ng bawat himaymay ng buong katawan. Tinukod ni Amelia ang kamay sa sahig na kinasadsadlakan at sinubukang tumayo. 

But she overestimated herself. Sumadsad siyang muli sa sahig at gumasgas pa ang kanyang mukha sa mabuhangin at maalikabok na sahig. Napapikit si Amelia sa naramdamang paggapang ng kirot ng mukha at pinigil ang sarili na mapasigaw sa sakit. Mariin niyang pinaglapat ang mga ngipin at muling sinubukang kumilos. Hindi siya maaaring sumuko rito. Dapat siyang makalaya! 

Siguro ay naawa na ang Diyos sa kanya kaya nagkaroon siya ng kaunting lakas para makatayo. Para maipon ang kakaunting lakas na mayroon siya, sumandal siya sa dingding at doon umusod nang umusod upang marating ang pinto. 

Dahil walang sumisilip sa kanya, nanghihina man ay narating nga ni Amelia ang pinto at noong pihitin niya iyon, bukas din ito. 

Wala nang oras pa si Amelia para isipin kung paano nangyari na wala siyang gapos sa katawan at bukas din ang hawla niya dahil ang tanging tumatakbo sa utak niya, kailangan niyang makalaya! 

Nakalabas nga si Amelia at wala ring tao sa labas. Mas nagmadali siyang kumilos lalo na noong makarinig siya ng mga yabag. 

Hindi man alam ang patutunguhan, wala na siyang oras para mag-isip pa kaya diniretso ni Amelia ang daan. Hindi niya namalayan na sa daan na iyon, narating niya ang upper deck ng barko. 

Marahas na humampas sa mukha ni Amelia ang malamig na hangin mula sa dagat. Papadilim na ang langit at kitang-kita ang naghahalong kulay ng kahel at dilaw sa kalangitan. 

“Nawawala ang babae! Hanapin ninyo!”

Nanlaki ang mga mata ni Amelia sa narinig. Nalaman kaagad nila na nakaalis na siya! Kung saan-saan luminga si Amelia at naghahanap ng mapagtataguang lugar ngunit wala siyang makita. Malinis ang malaking espasyo ng deck. 

Patalikod na naglakad si Amelia at doon din dumating ang mga lalaking naghahanap sa kanya, wala na siyang oras para magtago. 

“Narito ang babae!” sigaw ng isa sa mga lalaki. Tinaas nito ang baril na hawak at tinutok sa direksyon niya. 

Amelia's heart took a leap. Is this the end of her? She knows that once she's caught by them again, they will never be lenient at her. Baka mas lalo siyang pahirapan ng mga taong ito!

Muli siyang napaurong sa kinatatayuan kahit na nanghihina na siya. “H-Huwag kayong lalapit! Hu—”

Napapikit siya at bahagyang napatili nang may balang tumagos sa gilid niya. 

“Mananahimik ka o sa katawan mo na ang susunod na tatamaan ng bala sa baril na 'to?”

Mariing naglapat ang mga labi ni Amelia ngunit tuloy-tuloy na umagos ang luha niya, hindi na inintindi ang kirot mula sa mga sugat na inagusan ng maalat na likido mula sa mga mata. 

Then, Amelia heard a gunshot again synchronized with that booming voice and the one who pointed the gun at her dropped dead in front of her.

“Who told you to fire your gun at her?!”

She let out a silent gasp, her eyes turned wide while staring at the dead man unblinkingly.

The blood of the man quickly coated the floor of the deck that Amelia took a step back, averting the flowing liquid going towards her. 

“A-Ame?”

Nawala ang atensyon ni Amelia sa taong bumagsak sa harapan niya at nalipat iyon sa lalaking tumawag sa pangalan niya. 

He's the ruthless man who kidnapped and tortured her! Pero bakit alam na nito ang pangalan niya? Alam na ba nito ang totoo? Sa naisip, umusbong ang pag-asa sa dibdíb ni Amelia. 

Are they going to let her go now? 

Ngunit noong tinangka ng lalaking lumapit sa direksyon niya, lumukob ang takot ni Amelia at muli siyang umurong na napasandal siya sa balustre ng barko. 

“L-Lumayo ka...”

Takot na palihim na sinulyapan ni Amelia ang lalaking may suot ng maskara sa mukha nito. Makita niya pa lang ang maskara nito, pakiramdam niya, nangangatog na siya at bumabalik sa balintanaw ang naranasan niya sa mga kamay nito. 

Kaya noong biglang alisin ng lalaki ang maskara sa mukha nito nang walang pasabi at sinubukan muli siyang abutin, napatanga si Amelia sa mukha ng lalaki. 

He seemed familiar. Amelia blinked her misty eyes. Then she was called again by her real name. 

“Amelia... I-I'm your—”

Like a broken film, some scenarios flashed inside Amelia's mind. Pamilyar sa kanya ang mukha ng lalaki dahil ito ang taong laman ng panalangin niya gabi-gabi, iyong taong pinangarap at inaasam niyang makitang muli. 

Iyong lalaking inaasahan niyang magliligtas sa kanya mula sa pamilya niya at ang taong nanakit sa kanya't nagpahirap; iisa lang pala sila! 

Maraming emosyon ang naramdaman ni Amelia nang mga oras na iyon ngunit mas nangibabaw ang sakit dahil sa katotohanang nalaman. 

Inisip niya pa noong nakalaya siya sa kamay ng ama, hahanapin niya ang lalaki dahil ito lang ang taong alam niyang hindi siya sasaktan. Pero isa palang malaking kasinungalingan iyon. 

Knowing that this ruthless man in front of her was also the savior she's looking for, it made her laugh mockingly. Ang laki ng biro sa kanya ng tadhana. 

And this time, Amelia felt suddenly tired of how her life is going. Gusto na lang niyang matapos lahat ng ito. 

“Amelia—”

Hindi niya inintindi ang sinasabi ng lalaki sa harap niya at ang ginawa ni Amelia, palihim na nilingon ang dagat sa likuran niya. Malakas ang hampas ng alon, parang sinasabayan ang galit at poot niyang nararamdaman ngayon. 

Malapit na ang lalaki sa pwesto ni Amelia at tinaas nito ang kamay para abutin siya nang mas sinandal ni Amelia ang katawan sa balustre at palihim ding sinampa ang paa sa isang baitang noon. Pagkatapos, hinarap niya ang lalaki at malamig ang ekspresyon na nagsalita siya.

“Nagsisisi ka bang nakilala mo kung sino ang pinahirapan mo? But you already hurt me. Sana pala, hindi na kita niligtas noon. Pinagsisisihan kong nakilala at inasahan kitang babalikan ako.”

Bumalatay ang sakit sa mukha ng lalaki at muli itong kumilos para hawakan siya ngunit pinadausdos na ni Amelia ang mga paa sa stainless ng balustre kung saan siya nakatungtong, at doon, padulas siyang nahulog sa dagat. 

Nanlaki ang mga mata ng lalaki at dumaan ang takot sa mga mata nito ngunit tuwa naman ang naramdaman ni Amelia. 

“No! No! Amelia!” Pinilit nitong abutin siya pero hindi na ito nagtagumpay. 

“Fvcking save her! Save her!”

Ipinikit ni Amelia ang mga mata kasabay ng pagbagsak niya sa humahampas na malamig na alon. 

At last, freedom for her.

×××××

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status