Share

Chapter 4

Chapter 4

    "KAILANGAN mo talagang umalis?"

Nakanguso si Lia habang nakatitig sa asawa. Binitiwan niya ang hawak na damit na tinitiklop at pinatong iyon sa mga hita. 

Hangggang ngayon, nalulungkot pa rin siya dahil nalaman niyang aalis panandalian si Lance para sa trabaho. Ang paliwanag ng asawa, may kontrata raw ang may-ari ng shop sa kabilang bayan at isa si Lance sa napili para bumuo ng mga muwebles. 

At dahil mamahalin ang mga kahoy na gagamitin, ayaw ng nagpapagawa na iluwas pa ang mga iyon sa bayan nila at sa mismong lugar daw dapat ng parokyano gawin iyon. 

Gustuhin mang pigilin ni Lia si Lance na umalis, alam niyang hindi maaari iyon dahil trabaho ito ni Lance. Pero sa isipin na ito yata ang unang beses na malalayo ang asawa sa kanya, parang nilulukot ang puso ni Lia. 

Kagat-kagat ang labi na kinurap-kurap niya ang mata kay Lance. Pero ang walang puso niyang asawa, imbes na maawa sa ekspresyon niyang pinapakita, tumawa pa ito nang malakas. 

Pumiksi siya sa kinauupuan at sinamaan ng tingin si Lance na humahalakhak pa rin. "Lance!"

Umupo sa tabi niya ang asawa at hinawakan ang magkabila niyang pisngi gamit ang dalawa nitong kamay. Ramdam kaagad ni Lia ang init na nagmumula roon, ang hindi kakapalan na kalyo sa kamay nito na bahagyang sumagi sa malambot niyang pisngi na nagpangiti sa kanya. Itong mga makapal na bahagi ng kamay ng asawa ang patunay na masipag ito at responsableng lalaki para sa kanya. Araw-araw niya yatang ipagpapasalamat na ito ang lalaking binigay sa kanya ng Diyos. 

Hinawakan niya rin ang mga kamay ni Lance na nakasapo sa pisngi niya at tinitigan pabalik ang asawa. Bahagya pa rin siyang nakanguso. 

"Lance... aalis ka talaga?"

Unti-unti muling sumilay ang ngiti sa labi ni Lance at hindi nakahuma si Lia noong patakan nito ng hálik ang tungki ng ilong niya. 

"Ang cute ng Lia ko," mababang boses nito na parang nagpakaliti sa puso ni Lia. Ano ba 'yan! Ngumiti, tumawa o simpleng ganito lang ni Lance, hulog na hulog na siya! Iyong kahit asawa na niya ito, naroon pa rin ang kilig at ang araw-araw na antisipasyon niya na makasama ito? Ganoon ang epekto sa kanya ng asawa. 

Ngunit paano siya kung aalis ang asawa at maiiwan siyang mag-isa sa bahay? Ang lungkot siguro ng buhay niya. Ah, sigurado palang malulungkot siya. Ngayon pa lang na naiisip na wala ito bukas paggising niya, naninikip na ang dibdíb niya. 

"Isip-bata ba ako kung sasabihin kong ayaw kong umalis ka? Ayokong malayo sa 'yo, asawa ko," nakanguso na aniya. 

Nakangiting napapailing si Lance kay Lia. "Hindi. Mas pinasasaya mo pa ako sa sinasabi mo, Lia." Mas umurong ito palapit sa kanya at hinapit ang beywang niya. Pinatong naman niya ang ulo sa balikat ni Lance. "Pero kailangan ko kasing umalis muna. Malaki rin ang kikitain ko rito. Hindi ba't may pinag-iipunan tayo? Pagbalik ko, mabibili na natin iyon. Konting tiis muna, Lia."

Nagpakawala siya ng buntonghininga at niyakap na lang ang dalawang kamay sa beywang ng lalaki. "O sige na nga. Pero mag-iingat ka roon, ha? Lagi ka ring tatawag sa akin para malaman kong ligtas ka. Hindi rin biro na nasa kabilang bayan ka, Lance. Hindi ako mapapanatag."

Hinaplos ni Lance ang maalon-alon niyang buhok at naramdaman ni Lia na tumango-tango ito. "Mag-iingat ako para sa 'yo, Lia. Maghihintay ka sa akin, hindi ba?"

"Oo naman! Ayaw nga kitang paalisin tapos parang hindi ka naniniwala na hihintayin kita? Lance, ha! Nakakainis ka!" reklamo niya at humiwalay rito. 

Pinisil ni Lance ang ilong ni Lia at muli lang tumaas ang sulok ng labi nito ngunit hindi nagsalita. 

Oh tingnan mo, alam kasi nito na sa ngiti pa lang, natutunaw ang inis niya kaya panay ang ngiti ng lalaki sa kanya. Nakakainis talaga! Ang guwapo ng asawa niya! 

Binaling na lang ni Lia ang atensyon sa mga damit na titiklupin pa para dalhin ni Lance. Tinulak si Lance paalis sa kama para mailatag nang maayos ang mga aayusin. 

"Alis ka na nga. Aayusin ko na 'tong mga damit mo."

"Mahal kita, Lia," pang-uuto sa kanya ng asawa na lumulusot naman kay Lia. 

Pinaikutan niya ito ng mga mata at sinusupil ang ngisi pero hindi umubra, napangiti pa rin siya ni Lance. "Heh! Diyan ka talaga magaling. Doon na muna." Pinandilatan niya ito ng mga mata. "Pero mahal din kita. Doon ka na at liligpitin ko 'tong gamit mo."

Tatawa-tawang umalis si Lance at inasikaso ni Lia ang mga gamit nito. Hay, titiisin na lang muna niya na malayo si Lance sa kanya ng ilang araw. Kakayanin naman niya siguro. 

    KINABUKASAN na ang alis ni Lance at may napansin si Lia rito, may kahabaan na pala ang buhok ng asawa. Siya ang madalas mag-ayos nito kaya bago pa makatanggi si Lance, pinalabas niya ito sa maliit nilang bakuran, pinaupo sa kahoy na upuan at pinaghintay niya. Pagkatapos, kumuha siya ng gunting at suklay bago balikan ang asawa. 

"Anong gagawin mo?" tanong ni Lance. 

"Babawasan ko ang buhok mo. Medyo mahaba na pala." Hinarap niya si Lance at tinitigan. Malapit na pala sa balikat nito ang buhok. Sinuklay ni Lia ang buhok ni Lance at bahagyang binawasan. 

Ngunit noong puputulin na niya ang may kahabaang buhok ni Lance, natigilan siya at may kung anong pumasok sa isip. Muli siyang pumasok sa loo ng bahay at kumuha ng maliit na sanrio. Napangiti si Lia sa kalokohan. 

Binalikan niya si Lance at muling sinuklay ang buhok nito bago niya ito pinulupot at tinalian. May ilang hibla ng buhok na hindi sumama at nahulog sa gilid ng mukha ni Lance at noong tingnan ni Lia ang itsura ng asawa, napatanga siya rito. 

Imbes na magmukhang malambot ang asawa, mas lalong tumapang ang itsura ni Lance dahil mas nangibabaw ang kaguwapuhan nito dahil naalis ang harang na buhok. 

Ngumuso tuloy si Lia at hindi mapigilang magreklamo. "Kahit anong gawin ko sa 'yo, ang guwapo mo pa rin talaga. Nakakainis. Siguro marami na namang lilingon sa 'yo dahil sa tali mo."

Sinubukan niyang alisin ang tali ngunit umiwas ang nangingiting si Lance. 

"No—" Bigla itong tumikhim at umiling sa kanya. "Gusto ko ang ginawa mo, Lia. Pwedeng huwag mo nang tanggalin?"

Ngumuso si Lia ngunit hindi na nagpumilit pa. Anong magagawa niya e, talaga namang guwapo si Lance. Baka nga kahit basahan ang ipasuot mo rito, lilitaw at lilitaw ang kakisigan nito. 

"Kapag umalis ka, huwag na huwag mong subukang tumingin sa iba, ha? Kung hindi, makakatikim ka talaga sa akin, Lance. Makikita mo."

"Paano ko makikita?" pagsakay ni Lance sa sinabi niya. Kumikislap ang mga mata nito dahil sa tuwa sa kanya o siguro, natatawa sa kanya. 

Sa inis, kinurot niya ito sa tagiliran na hindi naman iniwasan ni Lance bagkus ay kinatawa pa nito iyon nang malakas. Si Lia ang sumuko dahil ayaw niya rin namang idiin ang kurot sa asawa. 

"Basta umayos ka, okay? Papaluin kita kapag nalaman kong may kinausap kang iba habang wala ako sa tabi mo!" aniya at umismid pa. 

Hinuli siya ni Lance at kinulong sa mga bisig nito. Dahil nakaupo pa rin si Lance at siya naman ay nakatayo, pinatong nito ang ulo sa may bandang tiyan niya. 

"Ikaw lang ang mahal ko, Lia. Magtiwala ka sa akin. Ni ang tumingin sa iba, hindi ko gagawin."

Napanguso sa kilig si Lia. Nangako na si Lance kaya wala na siyang masasabi. E ano pang sasabihin niya, kilig na kilig na siya rito? 

"Pangako 'yan, ha?" paniniguro niya pa. 

Mahinang humalakhak si Lance at naaaliw na tinaas nito ang tingin. Nagtagpo ang mga mata nila at bahagyang kumurba ang dalawang mata nito. "Pangako."

    PARANG may kulang kay Lia ngayong umalis si Lance. Iyong maliit nilang bahay na sakto lang kapag silang mag-asawa ang naroon, parang sobrang laki ngayon para sa kanya. 

Kaya para malibang ang sarili, lumabas siya ng bakuran at tinuon ang pansin sa mga halamang tinanim. Tagumpay naman siguro iyon dahil noong nakita niyang may bulaklak at bunga na ang ilang okra at talong na tanim, ngiting-ngiti si Lia. 

Paborito ito ng asawa kaya pursigido siyang ayusin ang mga tanim. Para kapag umuwi si Lance, may ihahanda siyang pagkain. 

Kumuha si Lia ng maliit na timba at tabo para sumalok ng tubig sa loob ng bahay noong may tumawag sa kanya. Pagtingin niya kung sino iyon, si Marietta ang nakita niya. May dala-dala itong mangkok ngunit hindi niya alam ang laman noon. 

"Lia, nagdala ako ng tinolang manok para sa 'yo. Nagkatay kasi kami ni Daniel. Tara at tikman mo ang luto ko."

Pinagbuksan ni Lia ng gate si Marietta at tuloy-tuloy itong pumasok. Kinuha naman niya ang dala nito at mabilis na pinasok sa bahay. Pagkatapos gawin iyon binalikan niya si Marietta.

"Salamat, Mayet. Hindi na ako magluluto ng ulam ngayong araw dahil sa dala mo."

"Ano ka ba, maliit na bagay. Pero kaunti lang iyon. Wala ba si Lance? Parang hindi ko yata napansin ang asawa mo?"

Inakay niya ang kaibigan maupo sa kahoy na upuang nakapwesto sa labas ng bahay. Nagpatianod naman si Marietta sa kanya at umupo sa tabi niya. 

"May trabaho sa malayo si Lance, e. Mag-isa lang ako ngayon sa bahay."

Tumingin-tingin sa paligid si Marietta at bahagya nitong tinapik ang kamay niya. "Lia, hindi mo dapat sinasabi sa labas na wala kang kasama sa bahay. Kahit na may tiwala ako sa mga kapitbahay natin, iba pa rin na maging maingat ka. Marami pa namang magnanakaw sa panahon ngayon."

Natigilan si Lia at pinaglapat ang mga labi. Napailing naman sa kanya si Marietta. "Ikaw talaga, Lia. Masyado ka talagang inosente."

"Hindi naman, Marietta."

Pumalatak lang si Marietta. Nabigla si Lia noong mataman siyang titigan ng kaibigan na parang may tinitimbang itong sasabihin o ano. 

"Mayet?"

"Lia... matagal na ba kayo ni Lance? G-Gaano mo kakilala ang asawa mo?"

Kumunot ang noo ni Lia dahil sa uri ng tanong nito. "Anong pinupunto mo?"

Humugot ng hangin si Marietta bago ito matapang na nagsalita. "Kasi... siguro hindi mo pansin dahil asawa mo siya pero hindi normal ang tingin ko kay Lance. Dati ko pa 'tong nakikita pero ayaw kong sabihin. Iba ang kilos ng asawa mo, Lia. Parang bawat kilos niya, may bilang - pino. Mga ganoon? Idagdag pang mukhang hindi laki sa hirap si Lance."

Hindi malaman ni Lia kung saan patungo ang usapan nila. Hinayaan naman niyang magsalita pa si Marietta.

"Kakaiba si Lance para sa akin. At isa pa, naalala mo iyong mga bumastos sa 'yong mga lalaki? Hindi sinasadya na makita ko ang tingin na binigay niya sa kanila. Parang papatayin ni Lance sa tingin ang mga iyon na natakot ako."

Sinulyapan niya ang kaibigan. "Marietta, ganoon lang talaga si Lance. At sino bang matutuwa kapag nalaman niyang nabástos ang asawa niya? Normal na reaksyon lang iyon ng isang asawa."

"Pero paano kung may kaugnayan si Lance sa pagkamatây ng mga taong iyon?"

Agad na pinabulaanan ni Lia iyon. "Hindi ganyan ang asawa ko, Marietta. Mabait si Lance. Tahimik lang talaga siya. Huwag mo namang husgahan si Lance dahil lang hindi palakibo ang asawa ko."

Wala nang naging sagot si Marietta. Pero sa loob-loob nito, hindi talaga maalis ang takot niya sa asawa ni Lia. Pero sabagay, baka nga mali lang ang iniisip nito sa asawa ng kaibigan. 

Nagpaalam na si Marietta at naiwan naman doon si Lia na malalim ang iniisip. Ayaw niyang maniwala sa sapantaha ng kaibigan pero noong sabihin iyon ni Marietta, may kung anong takot na lumukob sa kanya na hindi niya maalis. 

Ah, may tiwala siya sa asawa. Hindi niya dapat ito pag-isipan nang masama. At kung totoo man iyon, alam niyang nagawa ni Lance iyon dahil sa kanya. Kaya bakit siya matatakot kay Lance? 

    WHEN their Lord entered the hall, all eyes were on him. Or more specifically, at the top of his head. Did they see it right? Someone tied up his hair like that and their boss agreed? Is this their real Lord? 

Many turned wide eyed as they stare at their leader wearing a man-bun on the top of his head. 

One of the newbie whispered that it looked stupid and their boss should look regal and mighty, not like the one he's seeing right now. 

But that man was aghast when their said leader stopped in front of him and aimed his gun at his forehead. 

"Repeat what you said. Who looked stupid?"

The man gulped a mouthful of air and stared back at the masked man ahead. 

"B-Boss..."

Now, he's regretting what he uttered a while ago. Damn it. Who told him to run his mouth?

×××××

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status