Share

Chapter 5

Chapter 5

    

    LANCELOT put down the gun he's holding when he saw how pale the face of the person he's facing. 

Pathetic idiot. 

He was courageous to whisper something behind his back but now he pointed his gun at him, all he could do was to be scared stiff?

Good thing that he's in a good mood right now and he didn't want to ruin it. Then he continued to walk ahead and looked at his subordinates. 

The henchmen were in front of him minus Quá since he was left in the island to silently protect his Madamé, his wife Amelia. 

Lancelot talked to his subordinates to give out his orders. They all listened attentively while looking at him from time to time. Lancelot acted like he didn't see their little actions. He knew that they're staring at the tied hair on top of his head. 

Noong matapos si Lancelot magbigay ng utos, pinaalis na niya lahat ng tauhan doon maliban sa limang may katungkulan at talagang kilala siya. 

He took off the mask from his face and put it on the table then faced the people around him. 

"Any news about my wife's family?"

Tri pushed his eyeglasses upward and straightly reported what he found out. "Faustino Castillo is vehemently looking for Madamé. But we blocked any possible news that could escape and report back to him. We also picked up some of the mole he put inside our organization and gave the punishment they deserved."

A smirk crept on his face. His people know how to make him satisfied. As long as those people won't know that he's hiding his treasure, his mood would be better. 

"Good work. Anything else?"

Uno also reported some things about their organization that seemed trivial for Lance so he didn't make noise and let him finish. 

Marami itong sinabi na hindi na inintindi pa ni Lancelot at lumilipad ang isip niya, bumabalik sa isla kung nasaan ang asawa. 

The thought of Lia caused a drastic change to come over Lancelot; his icy-cold and indifferent expression warmed and softened by a visible degree that was noticed by his henchmen and they looked at each other at a loss of what to do. 

Sei bumped her shoulder at Cin and pointed at their Lord using her lips. "What happened to the Boss?"

"He's thinking about the Madamé," Cin mouthed at Sei but her face showed a hidden disgust for what she uttered. 

Namilog ang mga mata ni Sei at tumango-tango, nanatiling nakatingin kay Cin. May ngiti itong pinakita na parang may alam ito. "I'd like to meet our Madamé and see how she thawed out our ice hearted Boss."

"Who's the one you'd like to meet, Sei?" Lancelot heard them and asked that. 

Sei, instead of feeling afraid of being called out by Lancelot, turned her attention to their Lord and gave out a cheeky grin. "Our Madamé, Boss. When will we meet her? Looks like she's making you happy."

Lancelot, rarely feeling happy, felt elated at that moment at the mere mention of his wife. A smile escaped his lips and an image of his Lia flashed inside his mind. He suddenly missed how he spent his days with her. He also remembered how soft she is inside his arms and if possible, let her remain there forever. 

"Your Madamé is a great lady. You will meet her soon."

Noong sabihin niya iyon, ilan sa mga taong naroon ay nahulog sa malalim na pag-iisip. Si Sei lang yata ang kita sa mukha ang pagiging interesado at dumikit kay Cin. "You're brokenhearted right now, Cin? Our Boss man really loved our Madamé," tuksong bulong nito sa babaeng kasama. 

Sa inis ni Cin, mabilis nitong kinuha ang kutsilyó sa bulsa at tinutok sa leeg ni Sei. Sei just laughed at her, didn't feel threatened at all. 

"You shut your fúcking mouth, Nyx!" sigaw ni Cin sa totoong pangalan ni Sei. 

"As you wish, Gaia," pagsabi rin ni Sei sa totoong pangalan ni Cin at paloko nitong sinara ang bibig ngunit may panghahamon pa rin ang titig kay Cin. 

Isang pútok ng baril ang narinig nila na nagpatigil sa gulo nilang dalawa. Pagtingin, nakaturo sa kanila ang baril ni Lancelot at madilim ang itsura ng lalaki. 

"Is this how you act in front of me?" 

Umayos nang tayo si Cin at Sei at sabay na nagyuko ng ulo. "We're sorry, Boss."

Lancelot didn't want to waste his time on this irrelevant fights between them. He got up from his seat and was ready to go out when Uno suddenly went to him. He seemed nervous. Uno is a credible right hand man and he rarely shows emotion. If he's nervous right now, surely, things are bad. 

"Boss, the side branch was attacked and almost all of our people were wiped out!"

Lancelot's face went grim as he muttered a curse. Fúcking damn it. 

A plan to go home to his wife is now put in a halt. 

    THEY went where the attack happened. The place was a remote building that housed almost a hundred of their people but now, suddenly it dwindled in the blink of an eye. Lancelot led the henchmen and counter-attacked at the enemy. 

He was in the midst of exchanging fire with his enemies when the phone inside his pocket rang. 

Amelia suddenly crossed his mind and Lancelot knew that she's the one who's calling him.

He aimed the gun at the person who tried to shot him and fired his gun while he fished out his phone. But with the sudden distraction of it, an inconspicuous person that's on Lance's blind spot pulled the trigger in his direction and the bullet hit Lance.

Uno, who noticed this, quickly shot the man and nervously shouted at Lancelot. 

"Boss!"

    HINDI mapakali si Lia hanggang ngayon. Parang may gusto siyang gawin ngunit hindi naman niya matukoy kung ano ba iyon. 

Pabalik-balik siya sa paglalakad sa buong kabahayan at maya'tmayang pumapasok sa isip si Lancelot. 

Maayos ba ang asawa niya? Bakit ba kasi siya biglang kinabahan? 

Ah, bakit hindi niya tawagan?

Sa naisip, kinuha ni Lia ang cellphone na de-keypad sa kwarto at hinanap sa phonebook ang pangalan ni Lance sa cellphone. Noong nakita niya ang ‘Asawa Ko’, pinindot niya ang call at tinapat sa tainga ang hawak. 

Nag-ring ng ilang beses iyon ngunit hindi dinampot ni Lance ang tawag! Kumunot ang noo ni Lia at mas lalong kinabahan. Dati-rati naman, isang tawag niya lang ay sinasagot ni Lance ang tawag niya. Bakit ngayon ay natapos na lang ang pagtawag niya, hindi ito sumagot? 

Muli pang nag-dial si Lia at nakahinga siya nang maluwag noong sumagot na sa wakas si Lance.     

"Lance!" masaya niyang tawag dito. 

"Lia ko," mababa ang boses ni Lance at parang may mali.

"Lance? May problema ka ba? Bakit parang may masakit sa 'yo?" 

Umingay ang lugar kung nasaan si Lance. Ngunit noong sumitsit ito, biglang parang natahimik naman ang paligid. 

"A-Ayos lang ako, Lia. Ikaw, kumusta ka? Kumakain ka ba nang maayos? Nililibang mo ba ang sarili mo?"

"Maayos naman ako rito, Lance. May bunga na rin ang mga tanim kong okra at talong. Hindi ba gusto mo ng sinabawang gulay? Pag-uwi mo, lulutuan kita n'on. Kaya bilisan mong umuwi, ha?"

Narinig niya ang tawa ni Lance sa kabilang linya at nagsalita ito gamit ang masayang boses. "Uuwi na ako sa isang araw. Hintayin mo ako, hmm?"

Umingay na naman sa paligid ni Lance at parang may narinig siyang sumisigaw ng ‘no’sa kabilang linya na kinataka niya. 

"Lance, ang ingay yata sa lugar kung nasaan ka?" 

Narinig ni Lia na may sumigaw nang diretsong ingles at talagang tumahimik nga paligid. Pero sa narinig ni Lia, parang kaboses ni Lance ang sumigaw? Ah, siguro guni-guni niya lang iyon. 

"Naririnig mo na ba ako, Lia?"

"Oo. Kasi kanina, ang ingay kasi. Sa isang araw ka na uuwi? Hindi na ako makapaghintay na makauwi ka," nilambingan ni Lia ang boses. 

"Konting tiis na lang, Lia. Marami pala akong pasalubong sa 'yo."

Gumapang ang ngiti sa labi ni Lia. "Talaga? Hala, gusto ko na kaagad makita!"

Mukhang nasiyahan naman si Lance sa sinabi niya dahil narinig niyang humalakhak ito. Maraming binilin sa kanya si Lance na dapat niyang gawin habang mag-isa sa bahay at matamang nakinig naman si Lia, walang pinalagpas sa sinabi ng asawa. Pakiramdam niya kasi, ang cool at sobrang guwapo ni Lance kapag seryoso itong kinakausap siya. 

Mayamaya, nagpaalam na ito dahil babalik na raw ito sa trabaho. Nag-alinlangan si Lia na ibaba ang tawag ngunit kinakailangan nang bumalik ng asawa sa ginagawa nito. 

"S-Sige. Ingat ka r'yan, ha, Lance? Mahal kita."

Sandaling natahimik ang kabilang linya ngunit nagsalita rin si Lance, mababa ang tinig. "Mahal na mahal din kita, Lia."

Pagkasabi noon, binaba rin ni Lia ang tawag. Ngayon, nawala na ang agam-agam niya. Bumalik na rin sa normal ang tibok ng puso niya noong marinig ang boses ni Lance. Ngayong sigurado siyang maayos ang lagay ni Lance, panatag na si Lia. 

Balak na sana ni Lia na mag-ayos ng bahay noong tawagin siya ni Josie at sinabi nitong may nag-aalok ng mga damit sa may labas nila. Hinarang pa raw ng kaibigan ang tindero bago siya pinuntahan. Anito, bilhan na raw niya si Lance ng gamit lalo na ang pantalon na pang-alis-alis. 

Sandaling nag-isip si Lia bago pumayag. Natandaan niyang iilan na lang ang maganda pang kalagayan na damit ng asawa. Ang iba sa damit ni Lance, kupas na. 

Pumili nga si Lia ng ilang damit at pantalon para kay Lance. Dahil asawa niya ito, alam niya kung ano ang sukat ni Lance. Ginalaw niya na lang ang kaunting ipon. 

Ito ang ireregalo niya sa asawa pag-uwi nito.

"Ang ganda ng mga napili mo, Lia! Tiyak na matutuwa si Lance kapag uwi niya. Ang ganda ng tatak, o. Levi's ba 'to? Sikat 'to, 'di ba? Rejected lang sa malalaking pamilihan 'to pero pwede na 'to sa ating mahihirap."

Ngumiti rin si Lia at tumango-tango. "Lalabhan ko na 'to kaagad, Josie. Para kapag umuwi si Lance, ipasusukat ko kaagad sa kanya."

Tinaboy siya ni Josie at ito rin daw, maglalaba na rin ng mga pinamiling damit. 

Ginugol ni Lia ang oras sa paglalaba at paglilinis ng bahay. Noong matuyo ang mga damit, pinasok na iyon ni Lia at baka makaligtaan niya. 

Nilagay niya muna iyon sa kama at tiniklop bago niya tinungo ang aparador. Dahil may ilan sa gamit ni Lance ang nakasabog at hindi maayos ang tupi, nilabas lahat ni Lia ang mga damit para ulitin ang pag-aayos. 

Habang nilalabas niya ang mga gamit ni Lance, may itim na bagay sa ilalim ng aparador na napansin niya. Noong damputin niya iyon, muntik niyang mabitiwan ang hawak dahil napagtanto niya kung ano iyon. 

Ilang ulit siyang napalunok at butil-butil ang pawis sa noo ni Lia. Parang nanlalaki rin ang ulo niya at pumipintig-pintig iyon sa kaba at takot na naradama. 

Bakit may baril dito sa aparador? Sa asawa niya ba ito? 

Biglang bumalik sa utak niya ang sinabi ni Marietta noong nakaraan. Paano kung sangkot nga si Lance sa pagwawakas ng buhay ng mga taong bumástos sa kanya? 

Nilukuban ng ibayong takot si Lia.

×××××

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status