Share

TMLO 04: Mapanakit na Asawa

KABANATA 04: MAPANAKIT NA ASAWA (Abusive Husband)

"Wala ka talagang kwenta!"

Malakas na sampal ang tumama sa aking mukha. Ramdam na ramdam ko ang hapdi at pagkamanhid ng aking pisngi at halos ikaluhod ko ang pagsampal sa 'king 'yon ni David. Gustuhin ko mang umiyak pero wala ng luhang lumalabas. Marahil ay napagod na ang mga mata kong lumuha.

Limang taon na ang nakalipas simula nang ikasal kami at tanggapin niya ang anak kong si Misha. Tunay na itinuring niya itong parang tunay na anak. Ngunit pagdating sa akin ay tila isa akong maruming babae, isang parausan, isang tauhan.

"Napakasimple lang ng pinapagawa ko sa 'yo pumalpak ka pa?!" muling sigaw nito. "Aakitin mo lang naman si Mr. Cortez, iyon lang ay nag inarte ka pa? Now, ayaw na niyang mag invest sa company ko!" hinila ni David ang buhok ko saka ako ibinalibag sa lamesa nito.

Ang tinutukoy nitong Mr. Cortez ay isang matandang lalaki na siyang CEO ng EFGHI Company sa America. Pinag-aagawan ito ng iba't-ibang company dito sa Pilipinas dahil kilala rin ito bilang walang takot mag invest sa mga company na puwede siyang kumita ng malaki. And it happens na isa si David sa pinalad na makausap ito.

David want me to seduce Mr. Cortez while they're having a meeting. Hindi na bago sa akin ang pinapagawa niya ngunit sadyang hindi lang ako sanay, dahil bilang babae ay sobrang nahihiya at ang babaw na ng tingin sa sarili ko. Pinag suot niya ako ng halos kita na ang buong katawan ko. When Mr. Cortez touch my legs, doon na ako umalma at tila ba ito nawalan ng gana sa meeting nila ni David.

At ito ang resulta ng pag-alma ko, ang harapin at tiisin ang galit ni David.

"Akala mo kung sino kang disenteng babae. Baka nakakalimutan mo kung anong kalandian ang mayroon ka five years ago? Ipapaalala ko sa 'yo, na miski ama ng anak mo ay hindi mo kilala!"

"Ahh!" d***g ko nang maramdaman ko ang pagtama ng sinturon sa aking balat. "David, t-tama na... please. Ahh!"

Paulit-ulit ang ginagawang paghampas ng sinturon ni David sa aking likuran. Dito na unti-unting tumulo ang luha ko dahil sa matinding sakit. Hindi na ito bago sa akin, ngunit ang pananakit niya ngayon ay sobra at punong-puno ng galit, dahil lamang sa hindi ko nagawa ang gusto niyang mangyari.

"Malandi ka, Julliana! Tandaan mo 'yan! At iyang kalandian mo ang kailangan ko para dumami ang investor sa company hindi para isa-isa silang umalis!"

Napakapit ako ng mahigpit sa kanto ng lamesa dahil sa matinding sakit na nararamdaman. Awang-awa ako sa sarili ko ngunit kailangan kong magtiis para sa anak ko. Kailangan kong maging matatag at matapang para hindi siya ang masaktan.

"T-Tama na, David."

Muli nitong hinila ang buhok ko at itinapat ang mukha ko sa mukha niya. Hawak nito ng mahigpit mukha ko. Namumula ito at nanlilisik ang mga mata. Halata sa itsura nito ang matinding galit.

"Alam mo, kung hindi mo kayang sundin o gawin ang gusto at ipinapagawa ko sa 'yo, baka puwedeng anak mo na lang ang siyang pagawain ko ng mga gusto ko. We both know that Misha is obedient not like you!"

Mabilis akong kumapit sa braso ni David habang umiiling. Lumuhod ako at kumapit sa bunti nito.

"H-Huwag... Huwag si Misha. Parang awa mo na, David. H-Huwag ang anak ko, ako na lang! Gagawin ko na! S-Susunod na ako sa 'yo, sa lahat ng g-gusto mo, kahit anong ipagawa mo ay gagawin ko!"

Muling tumama sa aking pisngi ang isang malakas na sampal.

"T*ngina, bakit ba kailangan ka pang takutin para sumunod?! Tandaan mo, ito na ang huling pagkakataon mo para gawin ang inuutos ko. Alam mo na ang mangyayari kapag pumalpak ka ulit."

Bago muling tumalikod si David ay nagawa pa nitong ibato sa akin ang hawak nitong sinturon. Nang tuluyan na itong makalabas ng silid ay saka pa lamang ako napahawak sa aking pisngi at sinubukan kong hipuin ang aking likuran. May koning bahid ng dugo ang aking daliri. Doon ay tuluyan na akong napahagulgol ng iyak.

Ano bang nagawa ko para magdusa ng ganito? Mama, Papa, miss na miss ko na po kayo. Nahihirapan na po ako, pero hindi ko po hahayaan na masaktan at mahirapan si Misha. Tulungan niyo po sana akong protektahan siya.

Ilang oras akong hindi makatayo mula sa sahig. Nang dumating si Manang Lolit ay may dala na itong panlinis sa aking mga sugat. Kitang-kita ko sa mga mata nito ang matinding galit at pagkaawa sa sitwasyon ko. Kaagad niya akong tinulungan na tumayo. Dahan-dahan niyang hinubad ang suot kong dress at doon tumambad ang sariwang sugat at ang ibang sugat na mula sa nakaraan na tila naghilom na.

"A-Anak... h-hindi ko na kayang m-makita kang g-ganito ang sitwasyon," basag ang boses nito at mababakas na tila pinipigilan na maiyak.

Tumingin ako sa malaking salamin na nasa harap ko. Kitang-kita ko kung gaano kalaki ang pinayat ko. Kitang-kita ko ang isang babaeng puro pasa at may sugat sa katawan. Isang babaeng walang laban at nakakaawa.

Napayuko ako. "M-Manang, ayos lang naman po ako. Nandyan naman po kayo para gamutin ako, maya maya lang ay mawawala na ang sakit niyan," tugon ko.

"Hindi, anak. Hindi ka maayos, tingnan mo ang sarili mo. Hindi ikaw 'to, hindi na ikaw ang batang masayahin na pinalaki ko."

Naalala ko na naman sila Mama. Kung buhay pa sila at nalaman nila ang sitwasyon ko marahil ay kaagad nila akong babawiin kay David. They protect and treasure me, but now I'm just like a trash.

"O-okay lang po talaga ako," pinipigilan kong muling mapaluha ngunit hindi ko nagawa. Tuluyang muling dumaloy ang luha mula sa aking mga mata. Mabilis ko itong pinunasan saka ngumiti. "Si Misha po, kamusta? Tulog na po ba siya?" pag-iiba ko ng topic.

"Bakit hindi ka na lang kasi makipaghiwalay kay David?" tanong nito na tila hindi narinig ang tanong ko.

Napangisi ako. Kung gano'n lang kadali ang hiwalayan siya ay matagal ko ng ginawa. Ngunit hindi, I know what he can do. Maraming beses na niyang pinagbantaan ang buhay ko, maraming beses na niya akong sinaktan, at hinding-hindi ko hahayaan na ang anak ko naman ang saktan niya. Sinabi na nito noon, na kapag naisipan kong makipag-divorce o tumakas, sisiguraduhin niyang mahahanap niya kami at pahihirapan niya si Misha.

"Kaya ko pa naman po."

"Eh, hanggang kailan mo kakayanin? Kung sana ay nakilala mo ang ama ni Misha, siguro ay hindi ganito ang sitwasyon mo ngayon."

Alam ni Manang Lolit ang tunay nangyari sa akin. Sa kung paano nabuo si Misha. At inaamin ko hanggang ngayon ay minsang sumasagi sa isip ko ang lalaking 'yon. Kung ano ba ang estado nito sa buhay. Kung nakasama na ba nito ang fiance niya. Kung may pamilya na ba siya. Kung naaalala niya pa ako. Pero sigurado naman ako na hindi, dahil hindi naman ako ang nobya niya.

That night is a just unexpected mistake.

Nang matapos linisan ni Manang Lolit ang katawan ko ay tinulungan na ako nitong magtungo sa kwarto ko. Sa limang taon na pagsasama namin ni David ay ni minsan hindi pa kami nagtatabing matulog. Ngunit sa tuwing sasaktan niya ako't aangkinin ay sa library niya ako kinakaladkad at iiwan. Doon ay soundproof at hindi maririnig ng anak ko kung paano ako saktan ni David.

Naitago namin iyon kay Misha sa loob ng limang taon, dahil gusto kong maramdaman niya na isa kaming masayang pamilya. Gusto kong iparamdam sa kaniya kung gaano namin siya kamahal. Isa lang ang pinakapasasalamat ko kay David na ni minsan ay hindi niya ako sinaktan sa harap ng anak ko.

Siguro ay para hindi matakot sa kaniya ang bata, or because of his secret.

Nang makahiga ako ay pinilit kong ngumiti sa harap ni Manang Lolit. Niyakap naman ako nito saka marahan na hinalikan sa aking noo. Simula nang maikasal ako ay kahit kailan hindi ako nito iniwan. Maraming ng nangyari sa loob ng limang taon, at isa na doon ang pagkaubos ng mga pag-aari ng mga magulang ko.

Auntie Isabel sold our some property, ang iba naman ay ipinambayad niya ng utang dahil nalulong ito sa sugal. Ngunit ang bahay ay hindi niya magawang ibenta dahil sa akin na nakapangalan 'yon. Kaya naman tanging ang bahay na lamang ang tanging natitirang katas ng pagsusumikap noon ni Papa.

"Tulog na po ba si Misha?"

"Oo, binasahan ko ng paborito niyang story--"

"Mommy!" malakas na sigaw ni Misha kaya nagkatinginan kami ni Manang Lolit.

Rinig na rinig ko iyon na sinabayan ng malakas at palahaw ng iyak. Naalala ko bigla ang galit na mukha ni David. Mabilis akong bumangon at naglakad. Hindi ko na alintana ang sakit at sugat ng buong katawan ko makarating lamang sa pintuan. Ngunit hindi pa man ako nakararating sa pinto ay natumba na ako dahil sa pagkanginig ng tuhod ko.

"Julliana, anak! Ako na lamang ang bababa!" saway ni Manang.

"Si Misha, Manang baka sinaktan siya ni David," naluluhang sambit ko at pilit na tumayo.

Tinulungan ako ni Manang Lolit kasabay nito ang pagbukas ng pinto. Nakita ko si David na buhat-buhat si Misha habang ito ay umiiyak. Nagsimula ulit akong maglakad, at sinalubong naman ako ni David saka ibinaba si Misha. Mabilis na tumakbo ang anak ko papalapit sa akin at saka ko ito niyakap habang patuloy pa rin itong umiiyak.

"Anong ginawa mo, David?" kaagad na tanong ko rito.

"I had a bad dream, Mommy," sa halip tugon ni Misha habang pinupunasan ko ang pisngi nito na basa ng luha. "Kinuha raw ako ng bad guy, Mommy at inilayo sa 'yo," pagpapatuloy nito.

Napatingin naman ako kay David na kasalukuyang nakasandal sa hamba ng pinto habang nakapamulsa ito. Napangisi ito at alam kong may kahulugan ang pag-ngisi niyang 'yon. Dahan-dahan naman itong lumapit sa amin at saka niyakap ang anak ko.

"I told you it's just a dream. Hindi 'yon mangyayari. Hindi 'yon hahayaan ng Mommy mo," at hinalikan nito ang noo ni Misha. "Right, Honey?" nakakalokong tanong nito.

Marahan akong tumango at tinitigan si David.

"Y-Yes, anak. Hindi hahayaan ni Mommy na makuha ka ng bad guy."

"So let's go back to your room, Misha," sambit ni David.

"Puwede po bang tabi tayo nila Daddy matulog? And why are you here, Mommy?"

Tiningnan ko si Manang na para bang nanghihingi ng tulong kung anong puwede kong dahilan. Ngunit, bago pa ito magsalita ay naunahan na ito ni David.

"Your mommy need rest because she's not feeling well. Ang sabi ko nga ay doon na siya matulog sa kwarto namin, kaso makulit si Mommy mo dahil ayaw niya daw tayo mahawaan."

Hindi ko alam kung dapat ba akong mainis o matuwa dahil nakaisip 'agad siya ng dahilan. Kung tutuusin ay siya naman kasi ang dahilan kung bakit hindi ako okay. Pero ayos na rin ang sinabi niyang 'yon para hindi na maghinala at magtanong pa si Misha.

"Manang is with you. Siya muna ang katabi mo ngayon, ha?" hinimas ko ang buhok nito.

"Okay, Mommy. Rest well, I love you, Mommy and Daddy."

"I love you too, baby." sabay na tugon namin ni David.

Hinalikan ko ito sa noo at sumama na ito kay Manang Lolit palabas ng kwarto. Laking pasasalamat ko na lamang dahil hindi napansin ni Misha ang mga sugat ko dahil sa ointment na inilagay ni Manang. Nang makaalis na ito ay dahan-dahan akong tumayo dahil ramdam ko pa rin ang hapdi sa aking mga sugat.

Sumunod na rin si David na naglakad palabas ng kwarto ngunit huminto ito nang malapit na ito sa pinto at saka muling humarap sa akin.

"Next week, we will having a meeting with Phoenix Dark Mariano. He's the CEO of XV Company. He's a big time. Huwag mo akong bibiguin."

Mga Comments (2)
goodnovel comment avatar
Sha Rina
kawawang Julliana, sarap sakalin ni David
goodnovel comment avatar
MeriDens G. Vierne
grabe nman c David tumakas na kayo ng anak mo Juliana bwct na yan sarap patayin
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status