The Mafia Lord's Obsession (TAGALOG)

The Mafia Lord's Obsession (TAGALOG)

last updateTerakhir Diperbarui : 2025-03-27
Oleh:  febbyflameOn going
Bahasa: Filipino
goodnovel16goodnovel
10
27 Peringkat. 27 Ulasan-ulasan
21Bab
23.8KDibaca
Baca
Tambahkan

Share:  

Lapor
Ringkasan
Katalog
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi

"I will make you mine. I am not Phoenix Dark Mariano for nothing." Julliana Delos Reyes is a brave and gorgeous woman. Matapos ang isang trahedya sa buhay niya ay pilit siyang ipinakasal ng kaniyang tiyahin sa lalaking hindi niya kilala. David Asuncion, made her life miserable, palagi siya nitong binubugbog at ipinapahiya sa mga nagiging babae nito. In order to protect her daughter wala siyang magawa kung 'di tiisin ang lahat ng 'yon. Not until, she met Phoenix Dark Mariano. Nakuha ng binata ang atensyon niya dahil sa kakaiba at misteryosong presensya nito. Phoenix Dark Mariano is a CEO of XV Company, ngunit nakatago ang tunay niyang pagkatao bilang Mafia Lord. Nang makita niya si Julliana ay tila nagbalik muli ang isang bangungot sa buhay niya. Gusto niyang mas makilala pa ang pagkatao nito. Ngunit paano kung malaman niyang kasal na ito at may pamilya na? Are they both willing to commit sins in order to be happy? Paano kung malaman ni Julliana ang tunay niyang pagkatao pati na ang kaniyang pakay? Kapwa pa ba nila maituturing na pag-asa ang bawat isa kung ang nakaraan nilang dalawa ay ang dahilan ng pagkasira nila?

Lihat lebih banyak

Bab 1

TMLO 01: Kapalit na Babae

KABANATA 1: KAPALIT NA BABAE [Substitute Woman]

"Ju-Julliana... A-anak..." nanginginig at naiiyak na tawag sa kaniya ng kasambahay na si Manang Lolit. "M-may masamang balita... k-kasama raw sa mga n-nasawi ang mga m-magulang mo sa s-sumabog na eroplano."

Paulit-ulit sa pandinig ni Julliana ang sinabing iyon ni Manang Lolit. Nanginginig ang kaniyang mga kamay, kasabay nito ang pagbitaw niya sa hawak na cellphone. Ang buong katawan niya ay nababalutan ng lamig. Unti-unit siyang napaupo at nakatitig lamang sa kawalan.

"No... that's not true."

Hindi na niya namalayan pa ang pagtulo ng kaniyang mga luha. Sunod-sunod iyon at nasundan pa ng malakas na hikbi na kinalaunan ay naging palahaw na ang iyak niya. Hindi maaaring kasama ang mga magulang niya rito, dahil ang sabi ng mga ito ay bukas pa sila darating, sa mismong kaarawan niya.

Ito ang regalong kahit kailanman ay hindi niya matatangap.

MATAPOS ilibing ang kaniyang mga magulang ay siyang sulpot naman ng kaniyang tiyahin sa kanilang bahay.

"Since wala na ang mga magulang mo, ako na lang ang naiiwan mong kamag-anak. At ibig sabihin no'n dito na rin ako titira sa pamamamahay na 'to, bilang gurdian mo," sambit ng kaniyang Auntie Isabel. "Wala naman sigurong problema sa iyo 'yon?"

Wala sa sariling napatango na lamang siya. Hanggang ngayon ay hindi niya pa rin matanggap ang lahat ng nangyari. Hindi niya maintindihan kung bakit kailangan mangyari ang ganitong trahedya sa pamilya niya.

Halos hindi na siya nakakatulog ng maayos, wala rin siyang ganang kumain. Nawala rin ang focus niya sa trabaho bilang designer. Inilayo niya rin ang sarili niya sa mga taong malalapit sa kaniya, katulad na lamang sa kaibigan niyang si Siena. Gabi-gabi siyang dinadalaw ng isang bangungot na nangyari sa kaniyang mga magulang. Halos gabi-gabing puno ng pagluluksa ang kaniyang kwarto.

Kinabukasan, hindi na niya kinaya pa ang emosyon na nararamdaman kaya naisipan niyang bisitahin ang puntod ng magulang niya. Hindi siya nagpaalam sa kaniyang Tiyahin o kahit sa mayordomang si Manang Lolit. She's now in a legal age. Naisip niyang hindi na big deal sa mga ito kung hindi man siya mag sabi.

Nagsuot lamang siya ng t-shirt na pinatungan ng jacket at pinaresan ng pants. Halos madaling araw pa lang nang mga oras na 'yon. Ngunit walang takot siyang nagmaneho patungo sa sementeryo, kung saan nakalibing ang mga labi ng kaniyang mga magulang.

Doon niya binuhos ng malakas ang kaniyang pag-iyak. Hindi niya alam kung makakaya niya ang mag-isa. Sobrang mahal niya ang kaniyang mga magulang. Kusa rin naman na huminto ang mga luha niya dahil na rin siguro sa pagod.

Akmang tatayo na siya nang makarinig siya ng putok ng baril. Dahil sa gulat ay napapitlag siya at napatingin sa paligid. Hinahanap ng kaniyang paningin kung saan ito galing. Mula sa dulo ng sementeryo ay doon niya naaninagan ang tila mga nakatayong tao. Kinakabahang dahan-dahan siyang naglakad papalapit sa mga ito habang nakayuko.

"Idiretso niyo na sa hukay ang taong 'to," boses iyon isang babae.

Doon pa lamang siya napatingin sa lalaking nakahandusay at tila wala ng buhay. Napasinghap siya dahil sa gulat. Nakuha niya ang atensyon ng mga ito at iyon ang mas lalong nagpakaba sa kaniya. Dali-dali siyang tumakbo upang lumabas ng sementeryo.

"Damn it! Habulin niyo ang babaeng iyon!" rinig niya pang sigaw ng babae, tila ba ito ang boss nila.

Mas binilisan niya pa ang pagtakbo habang panay ang tingin niya sa kaniyang likuran. Tatlong lalaki ang humahabol sa kaniya. Matatangkad ang mga ito at mga naka-itim na damit.

Sa sitwasyon niya ngayon ay nahihirapan siyang mag isip ng tama. Tagaktak na ang malamig niyang pawis sa buong katawan. Malayo pa niya naiparada ang kotseng ginamit, kaya naman mas binilisan niya pa.

"Tumigil ka!" sigaw ng isa sa mga lalaki.

Hindi niya 'yon pinakinggan, at muli nanaman nakarinig ng putok ng baril. Kung titigil siya ay tiyak na mahuhuli siya ng mga ito, at pag nagkataon ay baka dito na rin siya mamatay. Naisip niya ang mga magulang niya, kahit wala na ang mga ito ay tiyak na hindi gugustuhin ng mga magulang niya na sumunod siya sa kanila.

Ang sumunod na putok ng baril ang tuluyang nakapagpatigil sa kaniya. Bumagsak ang katawan niya sa damuhan at ramdam niya ang pagkapunit ng laman niya sa binti. Ngayon ay mumuo ang sakit at pagkamanhid ng binti niya kasabay nito ang tuloy-tuloy na daloy ng dugo.

Doon ay papalapit na ng papalapit ang tatlong mga lalaki.

"T*ngina!" sigaw ng isang lalaki sabay dumura. "Ano ba kasing ginagawa mo dito ng ganitong oras?!" galit na tanong sa kaniya habang nakaduro sa kaniya ang isang baril.

"Kakaligpit lang natin ng basura, tapos mayroon nanamang isa," sambit naman ng isa pang kasamahan nitong lalaki.

"No... please d-don't kill me. Wala naman akong nakita! Hindi ako magsusumbong sa mga pulis!" naiiyak na sambit niya.

Sa hindi malamang dahilan ay nagsitawanan ang tatlong lalaki. Iyon ang mas lalong naging dahilan ng pagkatakot niya dahil para bang mga baliw ang mga ito.

"Miss, sa tingin mo ba ay natatakot kami sa mga pulis?" tanong naman ng pangatlong lalaki.

Hindi siya makapagsalita.

"Mabuti naman nahuli niyo at hindi pinatay kaagad," sabay sabay silang napatingin sa kadarating lamang na babae. Doon lamang napansin ni Julliana na naka-suot pala ito ng isang maskara. "May naisip akong solusyon sa problema natin. Iyan ang ipapalit natin sa babaeng pinakawalan ni James," dugtong pa nito.

"Papaano 'yon?" tanong ng lalaking bumaril sa kaniya. "Tinamaan ko na ang binti nito."

"That's good, may dahilan tayo kung bakit tayo umalis sa hide out. Hindi naman na malalaman ni boss kung ito ba ang babae o hindi. Ang mahalaga, ay maitatak natin sa isip ng lalaki na 'yon na ang babaeng pinakamamahal niya ang pahihirapan niya."

"Ayos, wala na tayong problema!"

Naguguluhan siya sa pinag-uusapan ng mga ito, hindi na rin niya alam kung gaano na karaming dugo ang nawala sa kaniya. Unti-unti na siyang nanghihina. Sabay-sabay siyang nilapitan ng mga lalaki saka itinayo.

"S-Saan... saan niyo ako d-dadalhin?" bakas sa boses niya ang takot at panghihina.

"Sa langit, Miss!" at tinakpan na nito ng puting panyo ang kaniyang ilong.

Dito na tuluyang huniwalay ang kaniyang gising na diwa at tuluyan nang nawalan ng malay.

×××

"Siguraduhin niyong mapapatay niyo ako, dahil kung hindi sisiguraduhin ko na makikilala ko kayo at isa-isa kayong paglalamayan," madiin at may pagbabanta na sambit ng isang lalaking nakagapos ng kadena.

N*******d ito ng pang itaas na damit habang ang kamay at paa ay nakagapos ng kadena. Bakas sa katawan nito ang pagpapahirap dahil sa mga sugat at dugong sariwa pa lamang. Kasalukuyan itong pinapalanghap ng iba't-ibang uri ng droga na mismong ipinapasok sa loob ng kwarto nito.

May dalawang lalaki rin ang nasa loob ng kwarto habang nakatakip ang ilong at bibig ng mga ito. May mga itinuturok sa lalaki na dalawang klase ng droga.

Isang ecstasy at isang séx drugs. Ngunit tila ba wala itong pakialam kung ano mang gawin, iturok o ipainom sa kaniya. All that matter to him is the safety of his fiance.

"Hindi pa dito natatapos ang surpresa ko sa 'yo, kaibigan," sambit naman ng isang lalaki mula sa speaker.

Mayroon itong gamit na voice changer device kaya naman hindi makilala ng lalaki kung sino sa mga miyembro o kalaban ng organisayon.

Dumura siya ng dugo.

"Don't touch my fiance, or else ito na ang huling araw na makakalanghap ka ng hangin sa mundo."

"Oh no! Of course not, hindi ko sasaktan ang pinakamamahal mong babae, because... you're the one who will do that for me," at sunod-sunod na ang halakhak nito mula sa speaker.

Lumabas muli ang dalawang lalaki nang matapos na ito. Pilit naman na kumakalas sa kadena ang lalaking puro sugat at tila alam na niya kung ano ang ibig-sabihin nito. Hindi niya inakalang sa ganito aabot ang pagiging isang leader ng kaniyang Ama sa isang orginasasyon. Hindi pa man siya nakakaupo sa posisyon upang palitan ang kaniyang Ama ay pilit na siyang ipinapatumba ng sino mang kalaban o kakampi sa loob ng organisayon.

Nagdadalawa na ang kaniyang paningin at nanlalabo na 'yon. Unti-unti na niyang nararamdaman ang tama ng mga drogang nalanghap niya at pilit ipinasok sa katawan niya. Napapailing na lamang siya nang tila ba pakiramdam niya ay nakalutang siya sa ere. Naramdaman niya na rin ang unti-unting panghihina ng katawan.

"This is the right time. Ipasok niyo na ang babae at sabay-sabay nating panuorin kung paano niya pahirapan ang babaeng pinakamamahal niya," sambit ng matandang lalaki sa mga tauhan nito.

May pumasok muling lalaki sa loob ng kwarto at tinggalan siya ng kadena.

Nakapiring naman ang mga mata ni Julliana habang kinakaladkad siya ng dalawang tao.

"Saan niyo ako dadalhin?! Pakawalan niyo 'ko!" sigaw niya sa mga ito habang pumipiglas.

Halo-halo ang nararamdaman niyang emosyon sa mga oras na 'yon. Nanlalamig ang kaniyang buong katawan at sa pakiramdam niya ay pinagapapawisan siya. Doble ang kabog at malakas na pintig ng kaniyang puso na tila ba gusto nitong lumabas mula sa kaniyang dibdib.

Unti-unting tinanggal ng dalawang lalaki ang piring niya pati na ang pagkakatali ng kaniyang dalawang kamay. Sandaling nag adjust sa liwanag at dilim ang kaniyang paningin. Mayamaya pa ay napansin na niya na nasa isang kwarto siya. Mayroon lamang na dim light ang kwartong iyon at tila ba may kakaibang amoy.

Ipinalibot niya ang paningin sa paligid. Dito niya lang napansin na may isang lalaki ang nakaluhod. Wala itong saplot na damit. Napakunot siya ng noo nang mapansin na puro dugo ang katawan nito. Natulos siya sa kaniyang kinatatayuan. Hindi niya tiyak kung masama ba itong tao o kung mabuti ba ito.

Madali siyang pumunta sa nakasarang pintuan kahit pa sumasakit ang binti niya. Nanginginig ang buong katawan niya dahil sa takot. Malakas niyang hinampas ang pinto.

"Palabasin niyo ako dito! Parang awa niyo na!" umiiyak na pakiusap niya sa kung sino man ang nakakarinig sa kaniya. "Tulong! Tulungan niyo ako!"

Nakarinig siya ng ilang yabag mula sa kaniyang likuran kaya naman kaagad siyang napatingin dito. Tuluyan niya ng nakita ang itsura ng isang lalaki. Ang katawan nito ay may mga tattoo at hindi maitatangging matipuno ito, ngunit napupuno 'yon ng mga sugat.

"Clarisse..." sambit nito habang nakatingin sa mga mata niya.

Umiling siya. "H-Hindi po ako si Clarisse," naiiyak niyang sambit.

Ngumiti naman ang lalaki. Isang ngiting hindi niya inaasahan na tila ba puno ng pagnanasa. Dito na lamang niya napansin ang mapula nitong mga mata. Mabilis na hinampas niyang muli ang pintuan dahil sa takot.

"Tulong! Tulungan niyo ako! Ilabas niyo 'ko dito parang awa niyo na!" malakas niyang sigaw habang humahagulgol ng iyak.

Naramdaman niya bigla ang pagyakap sa kaniya ng lalaki mula sa kaniyang likuran na siyang ikinatuod ng buo niyang katawan.

"Sweetie, they drug me," bulong nito sa kaniyang tainga. "Hindi ko alam kung hanggang kailan ko kayang pigilan ang sarili ko, but please do favor for me. Kapag sinaktan kita, kapag pinilit kita sa hindi mo gusto, please kill me. I don't want to hurt you, mas pipiliin ko na lamang na mamatay."

Tampilkan Lebih Banyak
Bab Selanjutnya
Unduh

Bab terbaru

Bab Lainnya

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Komen

10
100%(27)
9
0%(0)
8
0%(0)
7
0%(0)
6
0%(0)
5
0%(0)
4
0%(0)
3
0%(0)
2
0%(0)
1
0%(0)
10 / 10.0
27 Peringkat · 27 Ulasan-ulasan
Tulis Ulasan
user avatar
Ma Sofia Amber Llanda
pa update nmn po author please
2025-01-09 11:16:50
1
user avatar
Dong Yi
update po, ganda
2024-12-10 22:18:05
0
user avatar
Dianne Kharengiel Manuel Segobre
Hala story ni dark and Phoenix........... wow na wow.., dito ko po pla Eto makikita..Thankyou so much..
2024-11-02 17:14:55
1
user avatar
Johnclar Seladna
maganda ang story nakaka excite basahon
2024-10-10 13:48:50
1
user avatar
Eve Lyn
update please
2024-10-04 08:27:39
1
user avatar
Ma Sofia Amber Llanda
sayang ang novel nia hndi n ipinagpatuloy ang pagsusulat mukhang exciting p nmn ang story at kaabang abang
2024-04-19 15:44:34
3
user avatar
lalaine Olmeda
Ang tagal mag update grabe
2023-10-13 20:11:41
2
user avatar
lalaine Olmeda
update please
2023-09-27 20:29:18
1
user avatar
armida bangit
pa update po ng next episode po
2023-09-24 10:57:12
1
user avatar
armida bangit
bkt ng update po
2023-09-24 10:56:40
0
user avatar
Melody Valencia
update pls
2023-08-03 19:08:02
2
user avatar
febbyflame
UNLI ADS TO UNLOCK PO TODAY~ Read na po kayo~ ^.^
2023-03-20 16:23:08
0
user avatar
Aizel Dump
i love this story, highly recommended!!...
2023-02-02 17:07:31
2
user avatar
Mikael
Waiting sa update :)
2022-12-18 09:58:29
3
user avatar
Queenregina1994
Congrats Ms. A, I'm looking forward for your stories. Hope we can be mutual. ... Bago lang ako sa goodnovel.
2022-12-03 06:16:06
4
  • 1
  • 2
21 Bab
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status