Share

TMLO 03: Ang Katotohanan

KABANATA 3: ANG KATOTOHANAN (The Truth)

ㅡ Julliana

Napatayo ako mula sa pagkakahiga. Kaagad akong napahawak sa aking sintido dahil sa nararamdamang sakit at kirot nito. Ipinalibot ko ang aking paningin nakasalukuyang malabo pa, at doon ko lamang napagtanto na nasa isang malawak na kwarto ako.

Pilit kong inaalala kung paano ako napunta dito. Hanggang sa naramdaman ko na lamang ang isang bisig na nakayakap sa akin. Hindi ako nakagalaw at nanlaki kaagad ang mga mata ko saka unti-unting tumingin sa side nito.

Sino ang lalaking ito?!

Pinakiramdaman ko ang sarili ko at doon ko napagtanto na wala akong suot kahit isa! Magkadikit ang aming balat at tanging kumot lamang ang nagtataklob sa hubad na katawan naming dalawa. At ang ibig sabihin no'n ay may nangyari sa amin! Hindi 'yon maitatanggi mula sa huling alaala na mayroon ako. F*ck! Anong ginawa ko? Bakit ko hinayaang maibaba ng lalaking ito ang bandera?!

Dahan-dahan kong inalis ang kamay nito sa aking tiyan, saka ako tumayo. Literal na naramdaman ko ang hapdi sa aking pagkababàe, at ang sugat ko sa binti. Tumingin ako sa kamang inalisan ko at nakita ko roon ang kulay pulang mantsa. Ito ang patunay na may nangyari sa amin. Tiniis ko ang hapdi sa aking pagkababàe at saka pinulot isa-isa ang mga saplot ko. Kailangan kong makaalis dito. Siguradong hinahanap na ako ni Auntie Isabel lalo na si Manang Lolit.

Walang alinlangan akong lumabas ng pinto. Nagulat pa ako nang makitang mayroong matandang lalaki ang nasa gilid no'n. Yumuko ito sa akin ngunit ang mga titig nito ay tila may kahulugan, tila galit.

"Mabuti naman at nauna kang nagising. Ngayon ay oras na para umalis ka bago pa magising si Señior," sambit nito, kaya naman napakunot ako ng noo. "Alam kong hindi ikaw si Señiora Clarisse kaya naman ngayon pa lang ay binibigyan na kita ng pagkakataon para makatakas. Halika at sumunod ka sa akin."

Wala na akong nagawa pa kung 'di sundan ito. Hindi ko naman mapigilan ang sarili ko na hindi mamangha sa sobrang laki at ganda ng mansion na ito. Dinala ako ng matanda sa likod ng mansion. Doon ay may naghihintay na isang limousine.

"Bago ka umalis, ipangako mong ititikom mo ang bibig mo sa lahat ng nakita at nasaksihan mo kasama si Señior, kung hindi ay buhay mo at ng mga mahal mo sa buhay ang magiging kapalit," tila may pagbabanta na sambit ng matanda.

"O-Opo, huwag po kayo mag-alala, t-tatahimik po ako," natatakot na tugon ko.

"Mabuti at nagkakaintindihan tayo."

Mabilis akong sumakay sa loob ng limousine. Nang umandar ito ay sinulyapan ko pang muli ang mansion. Sa isang iglap ng buhay ko ay naranasan ko ang hindi inaasahang trahedya ng buhay ko. Ngayon ay ibabaon ko na sa limot ang lahat ng naranasan ko. Hindi ko hahayaan na manganib ang buhay ng mga taong natitira bilang pamilya ko.

×××

"NAPAKASIMPLENG tanong lang, Julliana! Bakit hindi mo pa masagot? Uulitin ko, sino ang ama ng batang dinadala mo?!" sigaw na tanong ni Auntie Isabel kaya naman napapikit ako at napahawak sa tiyan ko.

Hindi ko pa malalaman na buntis ako kung hindi tiningnan ni Manang Lolit ang pulsuhan ko. Ilang araw na kasi akong walang ganang kumain, at tanging puro tulog lamang ang ginagawa ko. Doon na naghinala si Manang Lolit. At para masiguro ay nag PT ako, saka naman akisdenteng nakita ni Auntie Isabel ang resulta, pero kahit anong piga niya sa akin ay hindi ko naman talaga kilala ang ama ng dinadala kong sanggol sa aking sinapupunan.

Tanging alam ko lang ay ang pangalan nitong G-Dragon. At isa pa, nangako ako na wala akong ibang pagsasabihan. Hindi puwedeng mapahamak sila, lalo na't buntis ako. Ayokong mapahamak ang baby ko.

"Julliana naman! Magsalita ka na! Kung kailan naka-handa na ang kasal mo ay bakit hindi ka pa nakapaghintay?! Bakit sa ganito mong paraan sisirain ang pangalan ng mga yumao mong magulang?!"

Napatingin ako kay Auntie Isabel dahil sa rebelasyong sinabi nito.

"A-Ano pong kasal?" naguguluhang tanong ko.

"Your parents didn't tell you?" balik na tanong nito. Napailing ako saka naman ito bumuntong hininga. "Naka-arranged marriage ka with David Asuncion, anak ng isa sa mga co-investor ng Papa mo."

Napatayo ako saka napakunot ng noo.

"Hindi... Hindi ko alam ang tungkol diyan dahil hindi ko naman kilala ang lalaking 'yon! Kaya hindi rin matutuloy ang kasal lalo pa't buntis ako!"

"Mas lalong kailangan mong maikasal ngayon! Dahil kung hindi ka maikakasal sino ang ipapakilala mong ama ng batang dinadala mo?!" sabay duro nito sa tiyan ko. "Kakalat na isa kang disgrasyadang babae! Masisira ang pangalan ng Papa mo at iyon ang hindi ko hahayaang mangyari! Hindi ang kagaya mo ang siyang makakasira sa kapatid ko!"

"Pero Auntie--"

"Wala ng pero-pero! Magpapakasal ka o ipapalaglag mo ang batang 'yan?!"

Niyakap ko ang tiyan ko saka umiling. Hindi. Hindi ko gagawin na patayin ang anak ko. Ito na lamang ang natitirang pag-asa ko. Siya na lamang ang mayroon ako na makakasama ko sa buhay. Kahit nabuo siya sa hindi inaasahang pangyayari ay hindi ko siya makakayang bitawan na lamang.

"S-Sige po... Magpapakasal ako, pero Auntie huwag po sana madamay ang anak ko. Ayoko pong mawala siya," naluluhang sambit ko.

Masama ang tingin sa akin ni Auntie Isabel at padabog itong umakyat sa kwarto nito. Mabilis naman akong niyakap ni Manang Lolit at dito na tuluyang bumuhos ang luha ko. Nagpapasalamat na lamang ako dahil narito pa si Manang Lolit dahil ngayon ay kailangan ko ng taong mapagkakatiwalaan ng lubos.

"Tahan na, Anak. Makakasama sa baby mo ang labis na pag-iyak mo."

"Salamat po, Manang."

Isang buwan ang lumipas at hindi pa rin gaanong halata ang tiyan ko. Nakilala ko na rin ang lalaking ipapakasal sa akin. Sa tingin ko ay mabait naman ito dahil sa ilang linggo na nakasama ko siya ay pinakisamahan ako nito ng mabuti, kahit na minsan ay umaarangkada ang paglilihi ko. Nakilala ko na rin ang pamilya nito. Mukha naman silang mababait ngunit hindi maitatangging strikto ang mga ito. Tiyak ko na magkakaproblema kapag nalaman nila ang tungkol sa sitwasyon ko.

Hindi na rin naman pinatagal pa ang kasal namin at tila sang ayon rin naman si David kaya hindi na nagkaroon pa ng problema.

"This year or by next year, umaasa kaming bibigyan niyo na kami ng apo," dahil sa sinabi ng Daddy ni David ay nasamid ako't napaubo.

Mabilis na inabot sa akin ni David ang isang basong tubig.

"Dad, huwag niyo naman po kasi binibigla ang asawa ko. Hayaan niyo po at makakaasa kayong mabibigyan namin kayo kaagad ng apo."

"Asawa ko..." paulit-ulit 'yon sa aking pandinig.

"Siguradong tuwang-tuwa si Ernesto sa nasasaksihan niya ngayon," dagdag pa ng matandang lalaki at tukoy nito sa yumaong Ama ko.

Napatingin naman ako kay Auntie Isabel na matalim ang tingin na ipinupukol sa akin. Umiwas na lamang ako ng tingin dito at ipinagpatuloy ang pagkain ko.

Ngayon na kasal na kami ay dumating na rin ang isa sa pinakakinakatakutan ko, ang kailangan kong pagsiping sa kaniya. Kasalukuyan na kaming narito sa bahay na iniregalo ng mga magulang ni David. Naunang naligo si David habang ako ay hindi mapalagay. Natatakot ako na baka mapansin nito ang kaunting umbok ng tiyan ko. Natatakot akong malaman niya ang totoo.

Nang lumabas ito sa shower room ay nakasuot lamang ito ng boxer habang nakasukbit sa balikat nito ang towel. Kinakabahan akong ngumiti dito at kinuha ang wardrobe na gagamitin ko at nag umpisa ng maglakad upang ako naman ang maligo.

"Hindi mo kailangang mag-alala, dahil alam kong buntis ka."

Mabilis akong napahinto at natulos sa kinatatayuan ko dahil sa prangkang sinambit ni David. Nabitawan ko rin ang towel at wardrobe. Naramdaman ko na rin ang unti-unting pangingilid ng luha sa aking mga mata.

"D-David, paano mo--"

"Paano ko nalaman? Simple lang," naglakad ito papalapit sa kama habang pinupunasan ng towel ang basang buhok. "Pinaimbestigahan kita, and I found out na mayroon kang monthly check up sa isang ob-gyne," prente itong nakaupo ngayon sa kama.

Napayuko ako. Hindi ako naging maingat. Ano ng gagawin ko? Tiyak na magagalit si Auntie Isabel once na malaman ng mga magulang ni David ang sitwasyon ko at kumalat ang pagtatago namin ng katotohanan. Ang mas lalo ko pang ikinakatakot ay baka ipagpilitan niyang ipalaglag ang bata.

At iyon ang hinding-hindi ko hahayaang mangyari kahit itakwil niya pa ako bilang Delos Reyes.

"Alam mo ba kung ano ang unang tanong ang nasa isip ko ngayon, Julliana?" may nakakalokong ngiti ang nakarehistro sa labi nito.

"A-Ano?" kinakabahang tugon ko.

"Sino ang ama ng batang dinadala mo?"

Napapikit ako sa itinanong nito saka ako nahihiyang yumuko at umiling.

"Hindi ko alam. Hindi ko kilala."

"Gusto niyo akong lokohin ng Tiyahin mo, at ako ang palabasin na Ama. Ang pangalawa ko namang tanong, anong pumasok sa isip niyo at naisip niyong hindi kayo mabubuko?"

Humarap kaagad ako kay David saka lumuhod. If this is the only way para mapatawad niya ako at huwag ipaalam sa mga magulang niya ang katotohanan, kahit maghapon pa akong lumuhod ay gagawin ko.

"Patawad, David. H-Hindi ko naman gustong maikasal sa 'yo, pero ayaw ni Auntie Isabel na kumalat na walang ama ang dinadala ko. A-Ayoko rin naman itong ipalaglag, k-kaya sana naman ay mapatawad mo ako, at sana... t-tanggapin mo ang anak ko," tuloy-tuloy lamang ang pag agos ng luha mula sa aking mga mata.

Nakita ko ang ilang pagtango ni David at tila nag-iisip ito.

"Okay, pumapayag ako, pero sa isang kondisyon."

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
MeriDens G. Vierne
hala my kondisyon c David kainis nman kc tiyahin mo pinakasal kpa dyan bka malagay sa panganib pinagbubuntis mo
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status