Beranda / Romance / The Mafia Lord's Obsession (TAGALOG) / TMLO 05: Pang-aakit Kay Mr. Mariano

Share

TMLO 05: Pang-aakit Kay Mr. Mariano

Penulis: febbyflame
last update Terakhir Diperbarui: 2022-08-17 23:57:46

KABANATA 05: PANG-AAKIT KAY MR. MARIANO (Seducing Mr. Mariano)

"Anak, sigurado ka na ba? Tumakas na lang kaya tayo, tutulungan ko kayo magtago ng anak mo sa probinsya kung gusto mo. Huwag ka ng tumuloy, hindi maganda ang pakiramdam ko sa gagawin mo," bakas sa boses at hilatya ng mukha ni Manang Lolit ang labis na takot at pag-aalala.

Marahan akong ngumiti at saka hinimas ang balikat nito. Kung tutuusin ay sobra na ang naitulong sa akin ni Manang Lolit. At ayokong madamay siya sa galit ni David. Hanggat kaya ko ay gagawin ko ang lahat maprotektahan lamang silang dalawa ni Misha, dahil siya na rin ang tumayo bilang mga magulang ko.

"Hindi na po Manang Lolit. Wala na pong atrasan ito, kayang-kaya ko po iyon. Magtiwala po kayo sa akin. Sa tingin ko naman po ay madali lang akitin ang lalaking tinutukoy ni David. Pagtapos naman niya pong pumirma ng contract ay hindi namuli kami magkikita."

Ngunit sa totoo lang ay natatakot ako at kinakabahan. Bakas iyon sa malamig kong mga kamay at pakiramdam ko ay pinapapawisan din ako ng malamig. Iniisip ko pa lang ang kailangan kong gawin ay kinikilabutan na ako. Tingnan ko pa lang ang suot ko ngayon ay labis na ang kahihiyan nanararamdaman ko.

"Basta tawagan mo ako kung hindi mo kaya, kung babastusin ka niya dapat ay lumaban ka!"

"O-Opo, kayo na po muna ang bahalang magbantay kay Misha."

Niyakap ako nito ng mahigpit bago umalis ng kwarto. Mabilis na nanghina ang mga tuhod ko kaya napaupo ako. Napatitig ako sa salamin kung saan kitang-kita ko ang sarili ko.

Nakalapat sa aking mukha ang makapal na make up, gaya ng ipinag-utos ni David sa tauhan niya. Ang suot ko naman ay may isang leather bodycon dress. Ang pang itaas kong suot ay isang leather na may butas sa gitna na siyang nagtutulak at nagpapakita ng aking dibdìb. Habang ang pang ibaba ay isang mini-skirt.

Sinigurado ni David na maaakit ko kaagad ang ka-meeting niya ngayon sa pamamagitan pa lamang ng suot ko. Nasabi na rin sa akin ni David sa kung paano ko ito aakitin na para bang nasa isang telenobela ako, dahil scripted lahat ng mangyayari.

"Ma'am Julliana, tumawag na po si Sir David. Dumiretso na lang daw po kayo sa office niya," sambit ng tauhan nito.

Napatango na lamang ako rito. Muli ko namang tiningnan ang sarili ko sa salamin saka ako napapikit at bumuntong hininga. Inisip ko ang kapakanan ng anak ko. Kailangan kong magawa ng tama ang sinabi ni David. Kailangan ko siyang mapa-pirma. Hindi na ako puwedeng pumalpak, ito na ang huling pagkakataon na binigay ni David, kaya kailangan magawa ko na ng tama.

Naka-jacket ako nang lumabas ako ng kwarto para kahit makita ako ni Misha ay hindi ito magtaka sa istura ng suot ko, dahil kilala naman nito na hindi ako nagsusuot ng mga ganitong kasuotan na masyadong revealling. Nang makababa ako ay nakita ko g naghihintay si Manag Lolit, si Misha at si Siena na matalik kong kaibigan.

"Mommy, take care po, ah? Buy me a toys if makakadaan po kayo ni Daddy sa mall! Enjoy po sa date niyo ni Daddy!"

Iyon ang alam niya, ang may date kami ni David, pero ang hindi niya alam ay tila ba binubugaw ako nito.

Pilit akong ngumiti at ginulo ko ang buhok ni Misha saka pinisil ang pisngi nito. Sobrang cute ng anak ko. Sa totoo lang ay tanging mga mata ko lamang ang nakuha nito, and the rest is not mine, for sure to his real father. Masyado na rin matagal ang nakalipas simula nang gabing 'yon at tila nakalimutan ko na ang buong itsura nito.

"Of course, mage-enjoy kami ng Daddy mo and next time ay kasama ka na namin. Huwag mo na ako hintayin if ever na gagabihin ng uwi si Mommy, ah? And I promise that I will buy you a new set of cooking utensils!

"Yehey! Bye, Mommy!" at hinalikan ako nito sa pisngi.

Napatingin naman ako kay Manang Lolit at Siena.

"Kayo na muna ang bahala kay Misha, ah?"

Tumango Manang Lolit, "Mag ingat ka. Tandaan mo ang ibinilin ko sa 'yo."

Napangiti ako ng mapait. Kakayanin ko ito, para kay Misha at para sa 'yo, Manang.

"Opo, maraming salamat po, Manang."

"Open lagi ang phone ko, tumawag ka at kaagad kong sasagutin!" nakangiting sambit ni Siena upang hindi mahalata ng anak ko ang tila pag-aalala sa boses nito.

She knows also everything, kung anong nangyayari sa akin. And I don't want her na mapahamak kaya kahit anong pilit nitong pagsumbungin ako sa mga pulis ay hindi ko ginagawa.

Lumabas na ako ng bahay at sumakay ng kotse. Habang nasa biyahe ay nagdarasal ako na sana makaya ko o 'di kaya ay magkaroon ng milgaro na sana ay hindi ko na kailangan na akitin pa ito upang pumirma. Kahit malamig sa loob ng kotse ay nararamdaman ko ang malamig na pawis sa aking katawan. I inhaled and exhaled so many times, para pakalmahin ang sarili ko.

I hope this day will end so fast.

Nakarating kami sa parking lot ng company ni David. Alam ng lahat na may pamilya na ito, ngunit walang nakakaalam kung sino ang asawa niya kaya naman wala ring nakakaalam sa company nito kung sino ako, pwera na lamang sa persnal aassitant ni Daivid. Bumaba ako ng kotse at kinakabahan na sumakay ng elevator. I use the CEO' and VIP's elevator dahil mayroon naman akong VIP ID na ibinigay ni David.

Nang marating ko ang opisina nito ay hinahanap ko ang assistant nito upang ito na lamang ang tumawag kay David bago ako pumasok. Ngunit wala ito kaya naman kumatok na lang ako ng talong beses ngunit wala pa rin ang sumasagot. I got no choice so I opened it.

Tumambad sa harapan ko si David na nakaupo sa upuan nito at nasa ibabaw nito ang Assistant nitong si Lucy habang may milagrong ginagawa. Marahil ay hindi na ako napansin ng dalawa dahil kapwa sabik ang mga labi ng mga ito sa isa't-isa.

Tuluyan na akong pumasok at saka isnara ang pinto bago pa may makakitang ibang tao. Mariin aong napahawak sa door knob bago ko bitwan iyon at saka humarap sa dalawa. Kitang-kita ko kung paano nanlaki ang mga mata ni Lucy at halos malaglag ito sa biglaang pag alis niya sa ibabaw ni David.

Samantalang si David ay napahilot sa kaniyang sintido at inayos ang zipper ng suot nitong pants na para bang walang nangyari. Napangiti na lamang ako ng mapait saka nagpatuloy lumakad at umupo sa upuan na katabi ng lamesa ni David. Bigla ay naging maamo ang itsura ni Lucy at tila pusang takot masaktan.

She's the only one who knows who I am in David's life, and yet she betrayed me.

"P-Patawad po, Ma'am Julliana," nakayukong paghingi nito ng tawad.

"Leave, go to your desk," sa halip ay tugon ni David.

Tiningnan naman ako ni Lucy na para bang hinhintay niya ako na nagsalita ako, ngunit nang hindi ako magsalita ay dali-daling lumabas ito ng opisina ni David.

"Hope you read all the documents, para naman hindi ako mapahiya. Alam mo naman kung ano ang puwedeng mangyari, Julliana."

"O-Oo, nabasa at n-napaghandaan ko na lahat."

Mayroon kasing part na ako ang magpapaliwanag about business proposal ni David. Ang dapat ay kasama ang iba pang mga investor ngunit si Mr. Mariano daw mismo ang nagsabi na dalawang tao lamang ang gusto niyang mag present. Hind na ako magtataka dahil base sa nakalakap kong impormasyon ay masyado raw itong ilag sa mga tao. Ngunit ang ipinagtataka ko ay ni isa ay wala itong litrato.

Magsisimula ang pang-aakit ko sa part na ipinapaliwanag na ni David ang patungkol sa investment hanggang sa matapos kami. Kapag hindi ko ito makuha while having a meeting, mayroon pang plan B which is I'm not okay with that plan.

Nakatanggap ng tawag si David at sa tingin ko ito ang taong ka-meeting namin ngayon. Bago pa kami lumabas ng opisina nito ay hinawakan ng mahigpit ni David ang braso ko.

"Ayoko ng tatanga-tanga, Julliana. Kapag hindi maganda ang kinalabasan nito, I will kill you and your daughter."

Napatiim-bagang ako saka napakuyom ng kamao. Naunang lumabas si David kaya naiwan ako sa likuran niya. Hindi ko namalayan ang nangingilid kong luha ay tuluyan na palang tumulo dail sa takot.

"C-Can I go to the bathroom? Mabilis lang ako, hindi ako magtatagal," paalam ko bago pumasok ng conference room.

"Go."

Mabilis akong nagtungo sa confort room at pumasok sa isang cubicle. Doon ay pilit kong pinakalma ang sarili ko saka lumabas. Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin.

"Kaya ko 'to. Hind ako papalpak. Mapapapirma ko ang Mr. Mariano na 'yon," pagpapalakas ko ng loob.

Lumabas na ako at saka pumask sa loob ng conference room. Si David lang ang nandoon at isang matandang lalaki. Bumilis ang tibok ng puso ko nang tumingin ito sa akin. Hindi nga ako nagkamali na matanda na nga si Mr. Mariano. Sa tingin pa lang nito sa akin ay parang sinusuri ako nito mula ulo hanggang paa. Nakatitig ito sa mukha ko na tila ba nagtataka at kinikilala ako.

"This is my personal assistant, Miss Delos Reyes," pakilala ni David sa akin.

Lumapit ako sa dalawa at nakipag-kamay ako sa matanda.

"I'm glad to meet you, Mr. Mariano."

"Hindi po ako si Mr. Mariano."

Nagkatininginan kami ni David dahil sa sinabi nito kaya naman ibinaba ko na ang nag-aabang kong kamay. Bigla namang bumukas ang pinto ng conference room at sabay-sabay kaming napatingin dito nang may pumasok na lalaki. Nang huminto ito sa harap namin at tinapunan ako ng tingin ay napanganga ito at nanlaki ang mga mata habang nakatitig sa akin.

"C-Clarisse?"

Sa narinig kong pangalan ay tila tinambol ang tibok ng puso ko dahil sa kaba.

No... It can't be.

Itinuon ko ang buong atensyon ko sa mga ito at inalis ko sa aking isip ang pangalan na nabanggit. Nang tumingin naman ako kay David na ngayon ay naniningkit ang mga mata.

"N-Nagkakamali po 'ata kayo. Julliana po ang pangalan ko."

"Let's start. I don't wanna waste my time."

Muli ay napatingin kami sa lalaking nagsalita na nasa likuran nito. Isang lalaki na may matipunong pangangatawan at tila isang modelo dahil sa angking kagwapuhan nito ngunit may nakakatakot na awra.

"Are you just gonna stare at me, Mr. Asuncion?" matalim at malalim ang tingin nito kay David, kaya naman sandali itong hindi nakapagsalita.

"A-Ah, Are you Mr. Mariano?" utal na tanong ko rito.

Nang tingnan ako nito ay mabilis na nagbago ang expression nito. Kumunot ang noo nito, at ang mga mata ay tila nagulat sa nakita. Naiilang akong ngumiti at tumingin sa tatlong lalaki na nakatitig lang sa akin. Hind ko na hinintay na sumagot pa ito, dahil sa tensyon na naratamdaman ko.

"Hmm. Good morning po. You may take a seat before we start," sambit ko.

May dumi ba ako sa mukha? Bakit ganyan ang tingin nila? Para bang nakakita sila ng multo. Lalo tuloy akong kinabahan.

"T-Tara po? Upo na po kayo," naiilang kong sambit.

Parang natauhan naman ang mga ito at umupo na ang dalawang lalaki habang ang matanda ay nakatayo lamang sa gilid ng pinto. Marahil ito ay ang body guard nila, pero may edad na ito.

Bago magsimula si David ay inabot ko kila Mr. Mariano ang hard copy ng mga documents regarding David's company and project. Nang makapagsimula na si David ay sinulyapan ko naman si Mr. Mariano upang maisagawa ko ang plano. Nakita ko naman itong nakaharap at nakatitig sa akin. Mabilis akong nag-iwas ng tingin dahil sa kaba.

Nakatitig siya sa akin. Tumatalab na ba ang pang aakit ko? Ngunit wala pa akong ginagawa. Bahagya akong napayuko at napaayos ng upo. Doon ko lamang kasi napansin na konting-konti na lang ay luluwa na ang dibdìb ko habang ang skirt naman na suot ko ay tumataas na rin.

Nakita ko ang pag senyas ni David nang mapansin nitong hindj pa ako kumikilos. Palihim akong napalunok at kinumkumbinsi ang aking sarili na makakaya ko ito, dahil sa akin nakasalalay ang buhay ng anak ko.

Naiilang akong muling tumingin kay Mr. Mariano. Nakatitig pa rin ito sa akin at hindi inaalis ang paningin niya kahit na nahuli ko na siyang nakatingin sa akin. Marahil ay naaakit ko na siya, kaya naman kinuha ko na ang pagkakataong 'yon para simulan ang plano.

Habang nakatitig sa mga mata nito ay itinaas ko ang isang paa ko mula sa ilalim ng lamesa at pinadaosdos ko iyon mula sa binti ni Mr. Mariano hanggang sa hita nito. Nakita ko ang biglaang pagdilim ng mukha nito dahil sa ginawa ko, kasabay nito ang pagkuyom ng kamao nito.

Hindi ko tuloy masabi kung nagustuhan ba nito o ayaw dahil hind rin naman umaangal.

"Is she your assistant?" biglang tanong ni Mr. Mariano kaya nahinto si David sa pagsasalita.

Ako naman ay mabilis na ibinaba ang paa at saka umayos ng upo. Bago sumagot si David ay kitang-kita ko kung paano ako paningkitan ng mga mata nito. Hindi na mapakali ang aking daliri at ramdam ko na ang pagkanginig ng mga ito.

"Yes, is there any problem, Mr. Mariano?"

"Oh, I just want you to know that I think she's trying to seduce me. Siguro naman ay hindi mo strategy ito para mag invest ako sa papalugi mong company."

Nanlamig ang buong katawan ko sa narinig at napakagat ako sa ibabang labi ko dahil sa kahihiyan na sinapit ko. Ngunit hindi iyan ang mas nakakapagpalamig sa akin at kinakatakot ko. Kung 'di ang isipin na pumalpak nanaman ako, at nasa panganib ngayon ang buhay ng anak ko sa mga kamay ni David.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Komen (4)
goodnovel comment avatar
febbyflame
Mayroon na pong update! ......
goodnovel comment avatar
febbyflame
Mayroon na pong update! ......
goodnovel comment avatar
MeriDens G. Vierne
patay na nabisto na
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terbaru

  • The Mafia Lord's Obsession (TAGALOG)   TMLO 19: IN DEBT

    Habang naglalaban sina Dark at Zale, unti-unting nagiging malinaw kay Julliana na hindi lang sila ang nasa kagubatan. Ang pakiramdam ng isang presensya sa paligid ay hindi lang guni-guni—may iba pang nagmamasid.Biglang may narinig siyang mahihinang yabag sa kaliwa niya. Napahigpit ang hawak niya sa patalim at huminga ng malalim. Kung tama ang kutob niya, hindi lang si Zale ang kalaban nila ngayon.Sa gitna ng laban, napansin ni Dark ang pagbabago sa paligid. “Julliana, lumapit ka sa akin! May iba pang paparating!” sigaw niya habang iniwasan ang isang mabilis na saksak ni Zale.Hindi pa man nakakilos si Julliana, isang sibat ang lumipad mula sa anino, tumama sa isang punong malapit sa kanya. Napasigaw siya at napaatras.“Aba, aba… mukhang nahuli na namin kayo,” isang malalim na boses ang narinig mula sa kadiliman.Mula sa anino, tatlong lalaki ang lumitaw, lahat ay armado—isa ay may pana, ang isa’y may dalawang punyal, at ang isa naman ay may hawak na matalim na palakol.Napamura si D

  • The Mafia Lord's Obsession (TAGALOG)   TMLO 18: Dark’s Possession

    Tahimik na naglalakad sina Julliana at Dark sa makitid na daan, napapalibutan ng mga anino ng naglalakihang puno. Ramdam ni Julliana ang bigat ng katahimikan sa pagitan nila. Gusto niyang magsalita, ngunit natatakot siyang sirain ang tensyon. Samantala, si Dark ay tila laging alerto, ang mga mata nito’y paikot-ikot na nagmamasid.Biglang napahinto si Dark. Napasandal siya sa isang puno at tila may nararamdamang kakaiba.“Dark, anong problema?” tanong ni Julliana, pilit na iniwasan ang takot sa kanyang boses.“Huwag kang kikilos nang bigla,” mahinang sagot nito. “May sumusunod sa atin.”Nanlamig si Julliana. Ito rin kaya ang lalaking dumukot sa kaniya kanina? Napalunok siya ng sarili niyang laway. Alam niyang puno ng panganib ang lugar na 'to, pero hindi niya inakalang sunod-sunod ang kapahamakan sa kaniya.Sinubukan niyang lumingon ngunit pinigilan siya ni Dark. “Huwag mong ipahalata na alam natin ang pagsunod niya sa atin.” madiin nitong sabi habang inilapit ang katawan sa kanya, til

  • The Mafia Lord's Obsession (TAGALOG)   TMLO 17: The Promise

    Napatigil si Julliana sa sinabi ni Dark. Naghahalo ang gulat at pagtataka sa kaniyang mukha habang nakatitig sa matatalim na mata nito. “H-Hala, selos agad? Eh, wala naman akong ginagawa—” sagot niya, ngunit agad siyang naputol nang bigla siyang hatakin ni Dark papalapit. Napakalapit ng mukha nito sa kaniya. “I’m serious, Julliana,” mahina ngunit mariin ang boses ni Dark. “Huwag kang magpapadala sa kahit anong nakikita mo rito. Ang mundo ko ay mapanganib at hindi mo alam kung sino ang dapat mong pagkatiwalaan.” Kahit na kinakabahan, pinilit ni Julliana na ipakita ang lakas ng loob. “At ikaw? Dapat ba kitang pagkatiwalaan, Dark?” Natigilan si Dark. Ilang segundo itong nakatitig sa kaniya, tila nag-aalangan. Sa huli, bahagya itong tumalikod at tumingin sa malayo. “Kailangan mo,” sagot nito sa malamig na boses, “Dahil kung hindi, walang ibang makakapagligtas sa iyo.” Napabuntong-hininga si Julliana. Pilit niyang inuunawa ang mga sinasabi ni Dark, ngunit mas lalong nagiging misteryoso

  • The Mafia Lord's Obsession (TAGALOG)   AUTHOR’S NOTE

    Good day, readers! Hindi po muna ako makakapag-update this month, dahil kakapanganak ko pa lang po. Ngunit, maaari niyo pong mabasa ang iba ko pa pong istorya na COMPLETED na. 1. UNEXPECTEDLY HER SPERM DONOR IS A BILLIONAIRE (escape while pregnant + romance + romcom) 2. MARRIAGE FOR PLEASURE (R+18 — SPG) (arranged marriage + taguan ng anak + dark romance) 3. THE BILLIONAIRE’S INNOCENT BRIDE (R+18 — SPG) (contract marrigae + escape while pregnant + taguan ng anak + romcom) COMPLETED po lahat ng ito, at tiyak ko po na magugustuhan niyo po! Sana ay makita ko rin po kayo sa iba ko pa pong istorya! Thank you so much po, and have a blessed day! — Author Febbyflame/Sashiflame

  • The Mafia Lord's Obsession (TAGALOG)   AUTHOR’S NOTE

    Hello po sa inyong lahat! Sa lahat po ng mga nagbabasa ng story ni Julliana at Dark! Ngayon lang po ulit ako nabisita sa kuwento ko na ‘to, at talaga naman na super dami niyo na pa lang naghahanap. Pasensya po, at bitin! 2 years na pong nakalipas ang story na ‘to, running for 3 years na po yata HAHAHAHA tapos ang dami po talagang naghahanap! Pero this November 1, promise po na start na po ulit akong mag-update! ^.^ Huwag niyo na po ako awayin, itutuloy ko po ito kahit wala na po akong bonus na makukuha. Sana po ay mahintay niyo po! Maraming salamat po! Keep safe and God bless! ^.^ — Author Febbyflame

  • The Mafia Lord's Obsession (TAGALOG)   TMLO 16: The Mysterious Guy

    KABANATA 16: Ang Misteryosong Lalaki (The Mysterious Guy)Sa sobrang laki ng kuwartong tinutuluyan ni Julliana ay hindi niya makita kung saan nahulog ang kuwintas niya. Umaga na noong kinabukasan ng mapansin niyang wala na ito. Hindi niya iyon pinatanggal sa tatlong maid kaya nasisiguro niyang hindi ito nakuha o nalaglag noong pinaliguan siya.Hindi niya puwedeng mawala ʼyon, dahil ito na lamang ang alaala niya sa mga magulang niya.Takot man ay naglakas loob pa rin siyang lumabas kahit kabilin-bilinan ni Dark na huwag siyang lumabas nang hindi ito kasama. Hindi siya mapapalagay hanggat hindi niya nahahanap ang kuwintas. Napatingin siya sa lugar ng mansion. This is not just like a mansion, dahil parang palasyo talaga ito.Maraming mga guards na nakatayo sa bawat poste ngunit hindi naman siya nito binabawalan or kahit tingnan man lang ay hindi ng mga ito magawa.“May ganito pa lang lugar dito sa Pilipinas? Teka— nasa Pilipinas pa ba ako?” napasinghap siyang bigla. “Oh my gosh. No. Hind

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status