Share

TMLO 06: Help Me!

KABANATA 06: HELP ME! (Tulungan niyo ako!)

Napangisi si Phoenix nang tila ba namutla si David dahil sa sinabi niya habang si Julliana naman ay nakayuko't nanginginig na rin sa takot. Upang hindi mahalata ang takot ni David ay sandali itong napangiti. Hindi niya hahayaan na bumagsak siya pati na ang company at tuluyang mawala si Mr. Mariano.

"Mr. Mariano, mukhang nagkakamali po kayo. Hindi po 'yon magagawa ng secretary ko," taas noong sambit ni David.

Phoenix chuckled. "Then why she's wearing like that?" sabay turo nito sa katawan ni Julliana, na halatang hindi komportable sa suot. "Hindi lang 'yon, nagawa niya pang ipadausdos sa aking hita ang kaniyang paa. Hindi ba't nang-aakit ang tawag don?"

Napayuko si David at ang mga mata nito ay palihim na nanlilisk at nakatitig kay Julliana. Gusto niyang sampalin o sapakin si Julliana ngayon ngunit matindi ang pangangailangan niya at kailangan niyang magtimpi. Hindi niya inaasahan na ganito katindi ang presensya ng Mr. Mariano na ito at mukhang hindi i-epekto ang plano nila.

Napatayo si Phoenix at nakapamulsang tumitig kay David.

"I guess, we're done here," tumingin naman ito kay Julliana. "Nice try, woman."

"Teka sandali-" nahinto ni David ang pagsasalita nang humarang ang tila body guard ni Mr. Mariano. Tinitigan siya nito ng masama saka ipinakita ang baril na nakasuksok sa tagiliran nito, kaya naman wala na itong magawa kung hindi panuoring umalis ang mga ito.

Nang wala nang mga tao sa conference room ay kaagad na sinipa ni David ang isang upuan. Mabilis na tumalsik iyon kasabay nang paglipad ng mga documento sa hangin. Dahil sa nasaksihang pangyayari ay dumoble ang takot ni Julliana.

Tinuon ni David ang atensyon kay Julliana. Nang tingnan ni Julliana ang asawa ay kaagad siyang lumuhod at umiiyak na nanghihingi ng sorry ngunit para bang bingi na ito. Sa galit ni David at mabilis niyang hinalot ang buhok nito at inihamapas sa pader.

"Ahh!" sigaw ni Julliana.

"I told you, I will kill you!" galit na sigaw ni David.

Sinipa nito ang kaniyang tiyan dahilan nang pagkapilipit niya dahil sa sakit. Ilang sipa pa ang naramdaman niya sa iba't-ibang parte ng katawan niya at muli nanaman siya nitong hinablot at saka pinunit ang suot niyang damit.

"Ahh! David, tama na! P-Patawarin mo 'ko, p-parang awa mo na..." hagulgol na ang kaniyang pag-iyak.

"Sinira mo ang buhay ko! Napakawalang kwenta mo! Papatayin kita! Papatayin ko kayo ng anak mo!"

Nang marinig ni Julliana ang pagbanggit sa kaniyang anak ay napakuyom siya ng kamao. Hindi na niya alam kung makakalabas pa siya rito nang buhay kung hindi siya lalaban. Unti-unti ay nagkaroon siya ng lakas ng loob. Muling kumilos si David at nang makita niyang tinatanggal nito ang suot na sinturon ay malakas niyang tinuhod ang gitnang bahagi nito. Mabilis naman na napaluhod si David dahil sa matinding sakit.

Inipon lahat ni Julliana ang lakas niya saka dali-daling tumayo at pilit lumabas sa conference room. Nagtatakang nakatingin sa kaniya si Lucy. Nang makita ang pagdurugo ng labi niya ay kaagad siyang nilapitan nito. Hindi lingid sa kaalaman nito na sinasaktan siya ni David, kaya nama tumingin ito mula sa pinanggalingan niya at tinulungan siyang maglakad patungo sa elevator.

"Mag-iingat po kayo, Ma'am Julliana. S-Sana mapatawad niyo po ako," sambit nito at saka mabilis na pinindot ang button ng elavator patungo sa ground floor parking lot ng company.

Nanlulumong napasalampak si Julliana sa loob ng elevator. Kailangan ay hindi siya maabutan ni David. Kailangan mauna siyang makauwi kaysa rito. Unti-unti ay napahagulgol ng iyak si Julliana. At nang bumukas ang pinto ng elavator ay dali-dali siyang lumabas habang umiiyak at ang kaliwang kamay niya ay nakasuporta sa natitirang damit na suot niya upang hindi tuluyang makita ang katawan niya.

Nagmamadali siyang nagtago sa isang likod ng kotse at nakamasid sa paligid. Hinihiling niya na sana ay may kotseng papaalis upang makahingi siya ng tulong at makasakay. Parang dininig naman ang hiling niya, dahil maya maya pa ay nakakita siya ng kotseng umilaw ang signal light. Para naman siyang mababaliw sa tuwa, kahit papaano ay alam niyang hindi pa rin siya pinababayaan ng Diyos.

Kahit iika-ika at iniinda ang sakit ng buong katawan ay lakas loob siyang humarang sa kotse. Napapikit pa siya dahil sa matinding takot na baka hindi ito huminto. Isang malakas na tunog pa-scratch ng sasakyan ang namayani sa buong ground floor ng parking lot.

Mabilis siyang lumapit sa gilid ng kotse, naghihintay na magbukas ito ng bintana o pinto ngunit wala sa mga iyon ang nangyari.

"Julliana!!! I will f*cking kill you!" malakas na sigaw ni David ang namayani sa buong ground floor ng parking lot.

Lakas loob siyang lumapit sa bintana ng kotse at saka hinahampas 'yon.

"M-Ma'am? Sir? T-Tulungan niyo po ako! Parang awa niyo na!" humahagulhol na iyak niyang pagmamakaawa.

"Julliana!" muling sigaw ni David, na tila hinahanap siya.

Unti-unti namang nagbukas na ang pinto ng kotse, at sa loob nito ay narito ang taong hindi niya inaasahan. Nakatitig ang mga mata nitong walang buhay at tila galit. Natulos siya sa kinatatayuan at hindi malaman kung nararapat pa ba siyang sumakay dito gayong ito ang dahilan ng paghihirap niya ngayon.

"You whore!" tiningnan ni Jullian ang pinanggaliagan ng sigaw na 'yon at doon niya nakitang papalapit na si David.

Wala na siyang nagawa pa dahil kusang nagmamadaling umakyat ang mga paa niya papasok ng kotse at saka sinarado ang pinto. Hindi pa kaagad na nakaalis ang kotse kaya nahampas pa ito ni David. Nanginginig sa takot na napahawak siya sa tainga at napapikit.

"She's my wife, let her go!" dagdag pang sigaw ni David.

"T-Tulungan niyo po ako, Ialis niyo na po ako dito."

Walang kaalam-alam si Jullian kung paano napakuyom ng kamao si Phoenix habang tinititigan siya nitong umiiyak. Gusto niyang paulanan ng bala ang katawan ni David, ngunit iniisip ni Phoenix napakulo lamang iyon ng kalaban nilang organisasyon. Hindi na siya papaloko sa pangalawang pagkakataon. Ngunit ang kanang kamay nitong si Primo ay tila hindi nakapagpigil at itinutok kaagad ang baril kay David kahit pa nakasarado ang salamin ng kotse.

Napailing naman si Phoenix. "Put down the gun, Primo," utos nito.

Mabilis naman siya nitong sinunod at saka pinaharurot ng mabilis ang kotse. Doon pa lamang napadilat ng mga mata si Julliana at tiningnan si David na tila hinabol ang kotse. Kaagad na binuksan niya ng shoulder bag na dala at hinanap ang cellphone niya ngunit wala ito roon. Naalala niya bigla nang simukaraan siya ni David ay tumilapon ang cellphone niya. Napapikit siya dahil ito na lamang ang paraan niya para ma-contact sila Manang Lolit at masabihan na mag inpake na.

Sa hindi malamang dahilan ay hinubad ni Phoenix ang suot nitong coat tuxedo at itinakip iyon sa kaniyang katawan. Sandali siyang nagulat sa ginawa nito at natahimik habang palihim na umiiyak at nakatingin sa labas.

"Kahit diyan na lamang po ako malapit sa bus station, mag taxi na lang po ako pauwi."

Ayaw na niyang makita pa nito ang tunay na nangyayari sa kaniya. Isa pa ay sinabi ni David rito na isa lamang siyang secretary. Ngunit hindi ito ang importante ngayon kung hindi ang buhay ni Misha.

Sinenyasan naman ni Phoenix ang driver na si Sean na sundin na lamang ang gusto ng babae. Nang makababa si Julliana ay nakasakay naman kaagad ito ng taxi. Hindi na ito gustong sundan pa ni Phoenix ngunit may naisip siyang plano. Kaya naman sinunod na lamang ni Sean nang iutos nitong sundan ang taxi.

Nagmamadaling bumaba si Julliana ng taxi at tinungo ang pintuan ng bahay.

"Manang Lolit! Misha! Siena!" sunod-sunod na sigaw niya.

Sinalubong naman kaagad siya ni Manang Lolit. Bakas sa mukha nito ang pagkalito at takot. Kasunod naman nito si Siena na hawak-hawak si Misha sa kamay.

"Anong nangyari, Anak?" tanong ni Manang Lolit.

"Manang, ligpitin niyo po ang mahahalagang gamit niyo. Aalis na po tayo rito, kapag naabutan pa tayo ni David ay baka mapatay niya tayo."

Mabilis na umakyat si Julliana sa kwarto niya at kinuha ang nag iisang gamit, ang kwintas na mula sa nakakalito niyang nakaraan. Sunod na pinuntahan niya ay ang kwarto ni Misha at kumuha ng ilang damit. Mabilis naman siyang bumaba at binuhat ang anak. Inihanda naman ni Siena ang kotse.

"Mommy, ano pong nangyayari?" tila maiiyak na sambit ng anak niya.

"Mommy will explain later okay?" tugon niya.

Patungo na sila sa nakaparadang kotse ni Siena nang humarang si David sa daan nila at nakatutok ang baril sa ulo niya. Mabilis na napatingin si Julliana sa anak, dahil alam niyang matatakot na ito lalo.

"D-Daddy..."

"Go back inside," madiin na utos ni David.

Napailing lamang si Julliana. Ayaw niyang bumalik dahil hindi naman niya alam kung ano pang posibleng mangyari sa loob. Hinihiling na lamang niya na sana ay may dumating na tulong.

"Papasok kayo sa loob o babarilin ko 'tong anak mo?" at itinapat ni David ang baril sa ulo ni Misha.

Mabilis na binuhat niya ang anak.

"Mommy!" humahagulgol na ang iyak nito. "What happened? Are you fighting, D-Daddy?"

"Don't call me, Daddy! I'm not your father, Kiddo!"

"David, stop!"

Pinanlakihan siya ng mata ni David. Pinunasan niya ang luha ni Misha at sinenysan si Siena na umalis na, at isama si Manang Lolit. Gusto pa sana nito bumaba ngunit umiling siya hudyat na huwag na sumunod dahil ayaw niyang pati ang mga ito ay madamay. Tumalikod na si Julliana at madaling naglakad patungo sa loob ng bahay. Ibinaba niya si Misha at sinabihan na magpunta sa kwarto. Kitang-kita sa mga mata nito ang takot at pagkalito ngunit sinunod pa rin nito ang sinabi ni Julliana.

Nang mawala na sa paningin ni Julliana ang anak ay siya namang bilis ng tama ng sampal sa kaniyang pisngi. Kasunod nito ang pagsuntok sa kaniyang sikmura saka siya hinampas sa pader. Walang kalaban-laban si Julliana habang si David ay tila hindi pa kuntento sa nakikita nitong sitwasyon niya.

"Anong sabi ko sa 'yo kapag pumalpak ka?" tanong nito habang hawak ang kaniyang leeg. "Papatayin kita!" dagdag pa na sigaw nito.

"Ma-Maawa ka... D-David..."

Halos umubo na siya dahil pakiramdam niya ay nawawalan na ng hangin sa paligid niya. Patuloy na unti-unting diniinan ni David ang pagkakasakal sa kaniya. Ngunit binitawan rin kaagad at dinala siya sa kusina. Doon ay kinuha nito ang kutsilyo at marahas na hinubaran siya.

"Let's f*cking play before you die, Honey!" tila ba nababaliw na sigaw ni David.

Kitang-kita lahat ni Phoenix ang nangyayari sa pagitan ni Julliana at David. Nalaman din niya na hindi pala talaga ito secretary ni David kung hindi ito ang asawa at mayroon na itong anak. Ngunit palaisipan kay Phoenix nang sabihin ni David na hind siya ang ama.

He's now watching David habang may dala itong kutsilyo. Ang coat na pinasuot niya kay Julliana ay mayroong tila maliit na CCTV device, dahil dito kaya niya nasasaksihan lahat ng nangyayari habang nasa labas sila hindi kalayuan sa bahay ng mga ito.

"Wala ba tayong gagawin, Dark?" tanong ni Primo.

"Nothing."

Napabuntong hininga si Primo. Hindi niya kilala ang babae pero nang makita niya ito kanina ay tila ba muli niyang nakita ang matalik na kaibigan. At ngayon hindi kinakaya ng konsensya niya ang panuorin at pakinggan na lamang na sinasaktan ito.

"Ako ang kompanya, buhay ko ang kompanya! Unti-unti na itong bumabagsak, at ikaw ang tuluyang sumira no'n kaya parang sira at wala na rin akong buhay!" sigaw ni David. "Sisirain ko rin ang buhay mo! Papatayin ko kayo ng anak mo!"

Sa tagpong 'yon ay may planong tumatak sa isip ni Phoenix. Naisip niya na kung sobra ang pagmamahal nito sa company, maaaring lahat ng gusto niyang hilingin ay susundin nito maiangat lang muli ang company. Ngayon ay mukhang magiging maganda ang daloy ng mga pangyayari once na mapasakamay niya ang babaeng tila ginamit ng mga kalaban niya, limang taon na ang nakalipas.

Hindi niya hahayaan na muli pang makawala ito. Buhay sa buhay. Hindi na siya papayag na muling bumagsak, at alilain ng mga kalaban nilang organisasyon.

He's now the Mafia Lord, ang kung sino mang humarang ay tiyak na mamamatay.

Ang bata namang si Misha ay hindi naman talaga pumasok sa loob ng kwarto niya. Nagpunta lamang siya sa harap ng pinto, kaya naman rinig na rinig niya ang lahat. Mula sa iyak at sigaw ng Mommy niya hanggang sa sinundan niya ang mga ito sa kusina. Sa takot ay mabilis siyang lumabas at hinanap ang kotse ng Tita Siena niya ngunit wala na ito doon.

She need to call someone na makakatulong sa kanila ng Mommy niya. Humahagulgol siyang tumawid ng kalsada upang humingi ng tulong sa kapit-bahay, ngunit hindi niya inaasahan ang paparating na kotse. Mabilis na nakapag-preno ito ngunit natulos siya sa kaniyang kinatatayuan.

Bumaba naman ang taong sakay ng kotse at mabilis siyang nilapitan.

"A-Are you okay?" tanong nito.

"Help my, Mom," at tuluyan na nanlabo ang paningin ni Misha saka nawalan ng malay. Mabilis naman itong sinalo ng lalaki at napatingin sa bahay na pinanggalingan nito.

febbyflame

Author's Note: Hello, maraming salamat po sa mga nagbabasa ng story ni Julliana at Phoenix! Sana po ay masuportahan niyo hanggang dulo! ❣

| Like
Comments (10)
goodnovel comment avatar
Bino Janet
next Po plzzzzzz
goodnovel comment avatar
Kristine Jean Mercado-Napone
This is it .........
goodnovel comment avatar
Lie Ju
update po pls
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status