Mahirap talagang kalimutan ang isang taong naging bahagi ng buhay mo, kahit gaano pa kasakit ang dinulot niya sa'yo. Hindi mo siya basta-basta maaalis sa isip mo, dahil tumatak na siya sa puso't buhay mo. Tulad ko, noong una, hirap na hirap akong mag-move on. Nakakabaliw, hindi ba? Ako na nga ang biktima, pero heto ako, hindi siya makalimutan.
Hinahanap-hanap ko pa rin ang mukha niya, pero pinilit kong kalimutan siya. Ginawa ko ang lahat—tinapon ko lahat ng dyaryong may mukha niya, sinunog ko pa. Hindi na rin ako nanonood ng TV, kahit yun ang libangan ko sa bahay. Iniwasan ko ang mga tao at tsismis tungkol sa kanya. Ngayon, nag-iimpake ako ng gamit dahil babalik na ako sa probinsyang pinanggalingan ko—ang lugar na matagal ko nang iniwan para maghanap ng trabaho. Pero iba ang ibinigay ng tadhana. “Cass! Tara na, baka mahuli tayo sa byahe.” Isinara ko ang itim na bag bago tumingin kay Lory. Nagpumilit siyang sumama sa akin, dahil wala siyang kamag-anak dito at malapit na rin akong manganak. Ayaw niyang mahirapan ako. Napakasaya ko nang makilala siya—ang nag-iisa kong kaibigan at sandigan sa lahat ng problema. “Tara na,” sagot ko, habang binibitbit ang bag palabas ng bahay. Bago ako umalis, nilingon ko ang bahay sa huling pagkakataon. Mamimiss ko ito. Bumuntong-hininga ako at tinakpan ng bulaklaking tela ang ulo ko. Hinimas ko ang malaking tiyan ko at sumunod kay Lory. Bagong lugar, bagong buhay. Sana tahimik na ang buhay ko pagdating doon. “Naku! Ang laki-laki mo na, Cassandra. Buti at bumalik ka sa probinsya natin. Namiss kita,” masayang bati ni Aling Fe nang dumating kami. Siya ang kapitbahay namin at ang nag-alaga sa bahay namin. “Namiss ko rin ang hangin dito,” masaya kong sagot. “Hala! Tuloy kayo. Malayo pa ang biyahe niyo.” Napangiti ako habang pinagmamasdan ang bahay. Wala itong pinagbago, at alagang-alaga pa rin. Malaki ang pasasalamat ko kay Aling Fe. Kung wala siya, ewan ko kung ganito pa rin ito ngayon. Isang linggo kaming masayang nagkwentuhan. Kilala pa rin ako ng mga tao sa bayan, kahit matagal na akong nawala. Akala ko huhusgahan nila ako dahil buntis ako, pero hindi. Masaya ako dahil kahit hindi nila alam ang buong kwento, tinanggap nila ako. Ang sabi nga nila, "Ganyan talaga ang buhay. Hindi natin inaasahan ang mga pangyayari, pero minsan, iyon pala ang biyaya." Naging abala kami ni Lory sa pagtatanim ng gulay at bulaklak, na siya na rin naming ikinabubuhay. Tama ang desisyon kong bumalik sa probinsya. Hindi ko pinagsisihan ang tahimik na buhay dito, malayo sa mga mapanghusga. --- Sa gitna ng gabi, nagising ako dahil sumakit ang tiyan ko. Hinimas ko ito, umaasang mababawasan ang sakit. Pumikit ako, pero lumakas ang kirot. “Jusko! Wag naman ngayon, Lord, pwede bang bukas na lang?” bulong ko. Sumirit bigla ang tubig sa hita ko. Pumutok na ang panubigan ko. “Lory,” mahina kong tawag. “LLLOORRYY!” sigaw ko nang muling humilab ang tiyan ko. Biglang bumukas ang pinto at nakita ko si Lory, may hawak pang sandok at magulo ang buhok. “Nasaan? Nasaan ang magnanakaw?” taranta niyang tanong. Napapikit ako, hindi ko alam kung tatawa o maiinis. Pero bigla na namang sumakit ang tiyan ko, kaya napahiyaw ako. “Manganganak na ako, Lory.” “Huh? Manganganak ka na? Ay yun lang pala—ANO? Manganganak ka na? Jusko! Bakit ngayon pa? Pakisabi sa anak mo, bukas na lang, inaantok pa ako!” “LLOOORRYY!” “Oo na, oo na! Jusko! Anong gagawin ko? Ah, tricycle! Ay, hindi, komadrona pala!” Aligaga niyang sagot. “Tangina, Lory! Komadrona ang kailangan ko! Tawagin mo si Aling Linda!” Hindi ko mapigilang mainis. “Ito na, tatawag na ako!” Isang oras akong umire bago ko nailuwal ang mga anak ko. Apat silang lahat. Napa-react si Aling Linda, “Apat? Anong klaseng sem*lya meron ang ama nito?” Nagkagulo ang lahat dahil kay Aling Linda. Kahit hinang-hina na ako ay nakuha ko pang matawa sa sitwasyon namin. "Susko! Natalo pa ata si Cassandra sa reaksiyon ni Linda. Pambihira!"rinig ko pa mula kay Aling Fe. Napangiti akong nilingon ang mga anak ko sa tabi ko. Suot nila ang binili namin ni Lory na damit nila. Pati ako ay hindi din makaniwala na apat ang isisilang ko. "Mga anak ko. Pambihira bakit kamukha niyo ang ama niyo? Ako ang naghirap tapos ganito? Unfair.""Darling..." Bumuntong-hininga si Nix habang hawak ang mga kamay ko. Halata sa kanyang mukha ang bigat ng loob, parang ang bawat salita niya ay may dalang sakit na pilit niyang pinipigilan.Nasa kwarto kaming dalawa, at ramdam ko ang tensyon sa pagitan namin. Sinabi niyang may ipagtatapat siya, at sa wakas, ito na ang tamang oras para malaman ko ang katotohanan. Ngunit habang nakatingin ako sa kanya, hindi ko maiwasang kabahan. Ano nga ba ang kasalanan niya? At anong kinalaman ni Virgo sa gabing iyon?Ang dami kong tanong na umiikot sa isipan ko, pero sa tingin ko, si Nix lang ang may sagot sa lahat ng ito."Darling, I don't know how to begin. But I want you to know that none of this has been easy for me." nagsimula siya, habang pilit na iniiwas ang tingin niya sa akin. Halatang hirap siya sa sasabihin niya, pero hindi ko siya binigyan ng pagkakataong umatras."Sabihin mo na, Nix," bulong ko. "Kaya ko 'to. Kailangan kong marinig ang totoo."Tumango siya, parang hinihintay niya ang lak
Ang seryoso at tila galit na si Dr. Montero at isang masayahing lalaki. Pogi, lalaking-lalaki, brown yung mga mata, matangkad, at magulo ang kulay itim nitong mga buhok. May silver earring siya sa kaliwang tenga. Nakatayo lamang kami ni Frozina. Ang mga sanggol ay nasa kanilang duyan mahimbing na natutulog. Napansin ko kung paano hinanap ng mga mata ni Dr. Montero si Frozina. Ang nag-aapoy nitong mga mata ay naging kalmado ngunit saglit lang yun at mabilis sinuntok si Virgo na kinatili naming dalawa. "F*ck! Stop it, motherf*cker. You're damn in my house." Malamig na utos ni Nix sa kanila kung saan ay pilit hinila paalis si Dr. Montero sa ibabaw ni Virgo na tawa lang ng tawa kahit pinag-uulanan na ng suntok. "Grabe ka naman, Doc. Masakit. Ouch! Tama na." Nakangiti nitong turan at umaaktong nasasaktan. "F*ck you, Maranzano. F*ck you!" Malutong na mura ni Doc pero tawa pa rin ng tawa si Virgo habang iniiwasan ang suntok ni Doc na ngayon ay nakatayo na. Nanlaki ang mga mata ko habang
Napangiti akong makitang mahimbing natutulog si Athena sa kanyang duyan. Buti’t hindi iyakin ang anak ko dahil hindi ko talaga kaya kapag ako lang ang mag-isa. Kahit may karanasan akong mag-alaga ng sanggol, natataranta pa rin ako. Madalas blanko ang utak ko at hindi alam kung ano ang uunahin. Nung una nga, naiiyak din ako kapag nakita kong umiiyak ang anak ko. Buti na lang nandiyan si Nix. Bagamat minsan nalilito rin siya kung sino ang una niyang papatahanin—ako ba o ang anak namin. Speaking of Nix, wala siya ngayon sa bagong bahay namin. May kailangan siyang asikasuhin. Hindi ko na tinanong kung ano, pero alam kong may kinalaman ito sa kaibigan niyang si Dark. Inilibot ko ang mga mata ko sa bahay namin. Hindi ito ganoon kalaki, pero hindi rin masikip—sakto lang, at higit sa lahat, komportable. Half-cement ang bahay namin, at ang disenyo ay simple lang. Ayokong puro semento ang paligid dahil parang masakit sa mata at naiinitan ako. Napanganga ako saglit habang iniisip kung gaano k
SAGLIT akong napasulyap sa katabi ko na humahagikhik habang may pinapanood sa kanyang cellphone. Gusto ko siyang batukan dahil dumagdag siya sa problema ko sa buhay. Stress na stress na nga ako sa kakahintay ng jeep tapos sobrang init pa, dadagdag pa siya. Di na ako natutuwa sa life ko ngayon. Lintek talaga. Kung di lang ako mahirap di sana ako magtatyagang maghintay ng jeep para mag-apply ng trabaho. Gusto ko na lang maging kamote. Napatingala ako. Lord! Bigyan mo naman ako ng sign. Aahon na ba ako sa kahirapan? Di na ba lubog buhay ko? Palaging binabagyo buhay ko kaya baha araw-araw. Lubog na lubog. Huminga ako ng malalim at pinagtitinginan ang mga tao. Busy buhay nila kagaya ko pero nakatutok naman sa phone. Kahit saang sulok ng kalye may hawak silang phone. Ako lang ata ang wala. Di bale very soon magkakaroon din ako niyan. "Naku! Ang dami na naman nakidnap. Halos mga babae." "Oo nga! Kaya di ko pinayagan ang anak ko lumabas ng bahay dis oras ng gabi. Delikado na talag
The air in the black market was thick with the scent of desperation and greed, a mingling of sweat, smoke, and the sharp tang of illicit transactions. Phoenix Eadmaer Koznetsov, ex-military captain and now the formidable head of La Nera Bratva, navigated the labyrinthine alleys with the ease of a man who had long ago made his peace with the shadows. The market, hidden in the bowels of the city, was a cacophony of haggling voices and the constant buzz of clandestine activity. Stalls and makeshift shops lined the narrow paths, each offering a variety of contraband: we*pons, stolen goods, counterfeit money, and dr*gs. Phoenix was here for the latter, ensuring a major deal went smoothly. Flanked by his trusted underboss and consigliere, Demetri and Grey, Phoenix moved with a purposeful stride. His presence commanded respect and fear in equal measure. Conversations halted and eyes averted as they passed, the crowd parting like the Red Sea. They approached a small, nondescript tent at
As I arrived home from a long day at work, the warmth of my family’s laughter drifted through the door, and I couldn’t help but smile. The second I stepped inside, our son, Poseidon, dashed over, his little face lighting up as he wrapped his arms around my legs. “Daddy!” he cheered, his voice full of excitement and love. His ate Athena quickly followed, the two of them surrounding me, competing for hugs and my attention. Each one of them reminded me why I fought so hard, why I worked tirelessly, and why I pushed through the shadows of my past every single day. I gazed across the room, and there, in the kitchen, was Athenrose, my darling, bustling with dinner preparations. She caught my eye and gave me that gentle smile she always did—one that carried understanding, love, and acceptance, despite knowing the darkness I came from. As I watched her, memories began to flood back. The life I left behind… It was never something I could entirely forget. I was once a man of honor, a soldier
"Naku, Nix. Kapag ako matapilok, matatamaan ka sa akin." Inis kong sabi ni Nix.Nakablindfold ako at hindi ko alam kung saan ako dadalhin ni Nix na tudo alalay sa akin. Mahigpit akong napahawak sa kamay niyang nasa balikat ko."Calm down, darling. I'll not be fall. I'm here." Mahinahon nitong sabi.Napanguso ako at nagdecide na huwag nang magtanong. Hinayaan ko siya, hawak-hawak pa rin ang kamay niya habang tinatahak namin ang hindi ko alam na daan. Habang inalalayan niya ako, hindi ko mapigilang mapansin ang katahimikan ng paligid. Napakatahimik at tila malamig ang hangin na humahaplos sa balat ko. Ang naririnig ko lang ay ang huni ng mga ibon at ang mahinang ihip ng hangin. Hindi rin masakit sa balat ang init ng araw. Siguro’y hapon na.Huminga ako nang malalim, ninanamnam ang sariwang hangin, habang ang mga hakbang namin ay mas nagiging mabagal at maingat. Ramdam kong malapit na kami sa destinasyon, pero hindi ko maisip kung ano ang naghihintay sa akin.Pagkalipas ng ilang saglit,
"We are going to France, mother? Why po?" Inosenteng tanong ni Athena sa akin. Napahinto ako sa pag-aayos ng damit niya at tumingin sa kanyang mukha. Sumalubong sa akin ang kulay brown niyang mga matang nakuha kay Nix. "Kase nga po, doon ang kasal ni Tita Cassy mo at Tito Dark." Nakangiti kong sabi. Kumunot ang noo niya. "I'm still wondering why po malayo? They can married naman here sa Philippines. Is it required to marry in other country, mother?" Umiling ako. "Hindi naman po. Kase po, si Tito Dark mo doon siya pinanganak at lumaki. Gusto ng Tito Dark mo pakasalan si Tita Cassandra kung saan siya galing, sa bansang malapit sa kanyang puso," mahinahon kong sagot habang sinusuot ko ang maliit na bulaklakin na headband sa ulo ni Athena. Napaka-inosente ng kanyang tanong, at halatang naguguluhan siya sa ideya ng isang kasal sa ibang bansa. "Mother, is it a magical place like in the movies?" tanong niya, may kislap ng excitement sa kanyang mga mata. Tumango ako at ngumiti, pi
"Uy, Cass. Tampo ka pa rin?" tanong ko, sabay kinalabit si Cassandra, na nakataas pa rin ang kilay at tahimik na nakatanim ang mga braso sa kanyang dibdib. Alam kong napikon siya sa balitang ikinasal na ako at may anak na rin, at hindi ko man lang siya naabalan noon para magpaalam o magbigay ng kahit anong clue."Ikaw ha, Lory. Magsasawa ka sa sermon ko mamaya," sabi niya, pero may bahagyang ngiti na rin sa kanyang mga labi. Hindi ko mapigilan ang matawa sa kakulitan ng best friend ko.Habang sinusuyo ko siya, biglang sumingit ang siraulong si Frozina, na kanina pang nagtatawa sa gilid. "Happy? Happy?" bulong niya, sabay kindat at mas lalong lumapit para lang mang-asar.Sinamaan ko ng tingin ang Frozina na 'to. "Ewan ko ba sayo! Bakit ka ba kase dumating, br*hang ka?" inis kong sagot habang pilit siyang tinutulak palayo. "Dapat nga ikaw yung nasa hot seat, eh. Ikaw ang bagong tao dito, tapos asawa ka pa ni Dr. Montero! Bakit ako ang pinag-initan?"Umikot lang ang mga mata ni Frozina a