LOGINZacchaeus "Dark" Smith, a ruthless mafia lord, made a fateful mistake one night that changed Cassandra Evangelista’s life forever, leaving her pregnant and forced to flee. Years later, after living in peace, Cassandra must return to Dark’s territory when tragedy strikes one of her children. Unaware that Dark now controls the area, she faces him again. What will happen when he discovers her secret? Will she stand her ground or face his wrath?
View More"Darling..." Bumuntong-hininga si Nix habang hawak ang mga kamay ko. Halata sa kanyang mukha ang bigat ng loob, parang ang bawat salita niya ay may dalang sakit na pilit niyang pinipigilan.Nasa kwarto kaming dalawa, at ramdam ko ang tensyon sa pagitan namin. Sinabi niyang may ipagtatapat siya, at sa wakas, ito na ang tamang oras para malaman ko ang katotohanan. Ngunit habang nakatingin ako sa kanya, hindi ko maiwasang kabahan. Ano nga ba ang kasalanan niya? At anong kinalaman ni Virgo sa gabing iyon?Ang dami kong tanong na umiikot sa isipan ko, pero sa tingin ko, si Nix lang ang may sagot sa lahat ng ito."Darling, I don't know how to begin. But I want you to know that none of this has been easy for me." nagsimula siya, habang pilit na iniiwas ang tingin niya sa akin. Halatang hirap siya sa sasabihin niya, pero hindi ko siya binigyan ng pagkakataong umatras."Sabihin mo na, Nix," bulong ko. "Kaya ko 'to. Kailangan kong marinig ang totoo."Tumango siya, parang hinihintay niya ang lak
Ang seryoso at tila galit na si Dr. Montero at isang masayahing lalaki. Pogi, lalaking-lalaki, brown yung mga mata, matangkad, at magulo ang kulay itim nitong mga buhok. May silver earring siya sa kaliwang tenga. Nakatayo lamang kami ni Frozina. Ang mga sanggol ay nasa kanilang duyan mahimbing na natutulog. Napansin ko kung paano hinanap ng mga mata ni Dr. Montero si Frozina. Ang nag-aapoy nitong mga mata ay naging kalmado ngunit saglit lang yun at mabilis sinuntok si Virgo na kinatili naming dalawa. "F*ck! Stop it, motherf*cker. You're damn in my house." Malamig na utos ni Nix sa kanila kung saan ay pilit hinila paalis si Dr. Montero sa ibabaw ni Virgo na tawa lang ng tawa kahit pinag-uulanan na ng suntok. "Grabe ka naman, Doc. Masakit. Ouch! Tama na." Nakangiti nitong turan at umaaktong nasasaktan. "F*ck you, Maranzano. F*ck you!" Malutong na mura ni Doc pero tawa pa rin ng tawa si Virgo habang iniiwasan ang suntok ni Doc na ngayon ay nakatayo na. Nanlaki ang mga mata ko habang
Napangiti akong makitang mahimbing natutulog si Athena sa kanyang duyan. Buti’t hindi iyakin ang anak ko dahil hindi ko talaga kaya kapag ako lang ang mag-isa. Kahit may karanasan akong mag-alaga ng sanggol, natataranta pa rin ako. Madalas blanko ang utak ko at hindi alam kung ano ang uunahin. Nung una nga, naiiyak din ako kapag nakita kong umiiyak ang anak ko. Buti na lang nandiyan si Nix. Bagamat minsan nalilito rin siya kung sino ang una niyang papatahanin—ako ba o ang anak namin. Speaking of Nix, wala siya ngayon sa bagong bahay namin. May kailangan siyang asikasuhin. Hindi ko na tinanong kung ano, pero alam kong may kinalaman ito sa kaibigan niyang si Dark. Inilibot ko ang mga mata ko sa bahay namin. Hindi ito ganoon kalaki, pero hindi rin masikip—sakto lang, at higit sa lahat, komportable. Half-cement ang bahay namin, at ang disenyo ay simple lang. Ayokong puro semento ang paligid dahil parang masakit sa mata at naiinitan ako. Napanganga ako saglit habang iniisip kung gaano k
SAGLIT akong napasulyap sa katabi ko na humahagikhik habang may pinapanood sa kanyang cellphone. Gusto ko siyang batukan dahil dumagdag siya sa problema ko sa buhay. Stress na stress na nga ako sa kakahintay ng jeep tapos sobrang init pa, dadagdag pa siya. Di na ako natutuwa sa life ko ngayon. Lintek talaga. Kung di lang ako mahirap di sana ako magtatyagang maghintay ng jeep para mag-apply ng trabaho. Gusto ko na lang maging kamote. Napatingala ako. Lord! Bigyan mo naman ako ng sign. Aahon na ba ako sa kahirapan? Di na ba lubog buhay ko? Palaging binabagyo buhay ko kaya baha araw-araw. Lubog na lubog. Huminga ako ng malalim at pinagtitinginan ang mga tao. Busy buhay nila kagaya ko pero nakatutok naman sa phone. Kahit saang sulok ng kalye may hawak silang phone. Ako lang ata ang wala. Di bale very soon magkakaroon din ako niyan. "Naku! Ang dami na naman nakidnap. Halos mga babae." "Oo nga! Kaya di ko pinayagan ang anak ko lumabas ng bahay dis oras ng gabi. Delikado na talag












Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
reviewsMore