"Good morning! Kumusta naman ang tulog ng aking prinsesa? Tinanghali ka na ng gising ah?" bugad ni Maya kay Lucky nang pumasok siya sa kusina. Ang sarap ng tulog niya at tinanghali na siya ng gising. "Pasensya na... Ang sarap kasing matulog." Naupo si Lucky sa dining table at agad naman siyang pinagsilbihan ng katulong. "Okay lang. Understable naman ang situation mo Madam. Sina Mr. and Mrs. Gevorgian pala maagang umalis since may maagang meeting si Mr. Gevorgian at meron namang mahalagang aasikasuhin si Mrs. Gevorgian." Tumango si Lucky. "Si Genesis? Anong oras daw ba darating?" "Ay, dumating na Miss Lucky. Nagulat nga ako kaninang paggising ko nasa may pool area nagsu-swimming. Ngayon ko lang nalaman, ang ganda pala ng katawan ni Sir Genesis, ano? Now I know kung bakit andaming babae ang naghahabol sa future husband mo," Maya started giggling. Napailing si Lucky. "Ngayon nga pala namin kakausapin ang parents ko." Napabuntong-hininga siya, hindi pinansin ang mga papuri ni Maya s
"Is it true that you're pregnant with Genesis child?" Tiim bagang na tanong ng ama ni Lucky. Ang dalaga naman ay hindi makatingin ng direkta sa mata ng ama, nang tumango bilang kompermasyon. Nasa harap nila ngayon ni Genesis ang mga magulang ni Lucky. Tulad ng napagkasunduan nila ng kaibigan aaminin nila ang tungkol sa pinagbubuntis niya. "I'm sorry if I have disappointed you, Pa." "You also let your grandfather down and betrayed yourself, Lucky." Isang napakalalim na buntong-hininga ang pinakawalan ng ama ni Lucky. "Kung gusto niyo palang mag-anak, bakit hindi niyo na lang inuna ang kasal kesa ang gumawa ng imoral? Alam mong mariin na tinututulan ng pamilya natin ang premarital s*x. Wala ka na ba sa tamang pag-iisip para gawin ang bagay na 'yon kasama ang lalaking hindi mo naman asawa? Para mo naring binastos ang Diyos sa ginawa ninyo, sagrado ang kasal, maging ang pakikipagtalik-" "Dear. . ." Umiling ang ina ni Lucky. Pinatitigil ang asawa sa pangangastigo kay Lucky. "Mawalan
"That boy fell in love with you the first time you two met. I consider Genesis to be my son..." Naging seryoso ang tono ni Carol. "Kilala ko ang batang iyon. It's not that I don't believe you two, it's just I knew that he would never take advantage of you, hija. Kung may nililihim kayo sa amin, hindi ko kayo pipilitin na magsalita, you can tell us whenever you're both ready. Huwag lang sana ninyong hayaan na makagawa kayo ng maling mga desisyon para lang pagtakpan ang totoo. Living in lies will only bring you pain..." Kinagat ni Lucky ang ibabang labi. Dapat na ba niyang sabihin? Would she tell her that it was all her fault? Ililigtas ba niya si Genesis sa galit ng ama o hahayaan na lang ang kaibigan na akuin ang kanyang kasalanan? Natatakot siya... Her plan is to tell her parents the procedure she underwent and that she is sick Hindi kasama ang pag-amin niya sa ginawa niya kay Genesis. Ano na lang ang sasabihin ng magulang niya kapag nalaman ng mga ito ang totoo? "I-" Bumuka ang
"Careful..." Binuksan ni Genesis ang pinto ng passenger seat para kay Lucky. "Thanks!" ani Lucky at tinanggap ang kamay ng kaibigan na nakalahad sa harap niya. Inalalayan siya ni Genesis na pumasok ng sasakyan at ito na rin ang nagsara ng pinto nang maupo na sa loob ang dalaga. Sinundo ni Genesis ang dalaga sa bahay nito, ngayon araw kasi sila magpapasukat para sa susuotin nila para sa kasal. Hindi sila kumuha ni Lucky ng entourage, simple lang kasi ang kasal na gusto ni Lucky. Dalawang witness, bestman at maid of honor lang ang pinunan nila. "Hindi ba sasabay sa atin si Maya?" tanong ni Genesis nang makapasok ng drivers seat. Akala niya ay kasama ang assistant ni Lucky, ito kasi ang napili ng dalaga na maging maid of honor nito. "Susunod na lang siya sa store. Ang alam ko may importante siyang inaasikaso ngayon." "Mhmm..." Tango ni Genesis at binuhay ang sasakyan. Sa wedding boutique ng kaibigan ng ina ni Genesis ang punta nila ngayon. Kukunan lang naman sila ng sukat para sa m
"You, okay?" "Mhm! Pasensya na natagalan, nagpunta pa kasi ako sa restroom. Ikaw, okay ka na ba?" tanong ni Lucky na pilit iniiwas ang mata kay Genesis. Baka mahalata nitong galing siya sa pag-iyak. "Yeah, nagkita nga pala kami ni Apple. Do you remember her? Iyong classmate mo na girlfriend ni Andrew." Tumango siya. Si Andrew ang isa sa mga fake friends ni Genesis noong highschool. Sumasama lang sa kaibigan niya dahil sa mga babaeng naghahabol kay Genesis. Nasa party rin ni Genesis ang lalaking iyon nang gabing iyon... "Ikakasal na ba sila ni Andrew?" curious kunwari niyang tanong kay Genesis. Pinili kasi niyang umalis at bigyan ng privacy ang pag-uusap ng dalawa kanina. "Nah... Naghiwalay rin sila ni Andrew after ng graduation. Isang head chief sa isang kilalang hotel ang groom ni Apple." "I see." Tango niya. "She also congratulates us about the wedding..." Patuloy lang sa pagsasalita si Genesis habang naglalakad sila palabas ng boutique. Si Nathaniel ay nakasunod lang sa lik
"It's time. Kill her..." Nakunot ni Maya ang noo. Inalis niya ang phone sa tenga at dinobol check ang number ng caller. Mhm! Unknown number nga! Pagkatapos ay muling binalik sa tenga ang telepono. "Sino to? Tang*na mo! Anong kill her? Mukha ba akong taga tumba ng tao?" "Who are you?" "Aba! Ikaw itong tumawag ako ang tatanungin mo? Ikaw sino ka?" singhal ng dalaga sa kausap. "You called me Master!" "Luh? Eh, akala ko ikaw iyong kalaro ko sa online game. Master ang username name niya. Teka nga, bakit ba ako nagpapaliwanag sayo, eh killer ka!" "I don't know." "Anong, I don't know? Hindi mo ba alam na masama ang pumatay? I-re-report kita sa pulis!" pananakot ni Maya sa kausap. "You're annoying." "Mas annoying ka! Tell me your name! Kung hindi mo sasabihin, fine! Kaya pa rin kitang ipa-track and I'll make sure to send you behind bars-" "You're babbling nonsense. Goodbye... Stupid!" "Hoy! G*go ka! Sabihin mo muna kung sinong ang ipapatumba-" Maya heard the beeping sound. Binaba
"Hindi pa rin ba sila nagsasalita?" tanong ni Genesis kay Nathaniel nang sila na lang dalawa ng kababata. Lumabas si Caladieae ng silid para i-double check ang mga kargamentong dumating.Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ni Nathaniel. Stressed siya sa assignment niyang ito."No. Iyong lalaking binaril mo sa tuhod, he killed himself," pagtatapat ni Nathaniel. Kanina lang din niya nalaman na nagpakamatay ang lalaking nahuli nila nang papunta siya sa hideout nila."Just like the others, huh?""Mhmm... Pero malakas ang kutob kong iisang tao lang ang may pakana ng lahat ng ito," ani Nathaniel.Hindi lang isa o dalawang beses tinambangan si Genesis, ang nangyari kanina sa harap ng shop ay isa lang sa mga hindi mabilang na mga pagtatangka sa buhay ng binata. Ngunit ang lahat ng iyon ay nagawa niyang lusutan. Well, Genesis was trained to be in that kind of situation."That's what I thought." Sumimsim si Genesis sa hawak na sigarilyo. Sinandal niya ang ulo sa couch at saka pinan
"Miss Lucky, hindi ko ba talaga pwedeng landiin 'yang bodyguard mo? Tingnan ko lang natatakam na 'ko," makulit na wika ni Maya. Ang mga mata ay sinusuri ang nakatayong si Psalm, ilang metro ang layo mula sa kanila. "Magpigil ka nga ng kalandian mo Maya. Pambihira ka talaga, pati si Psalm ayaw mong tigilan." "Paano ko naman titigilan 'yan Miss Lucky? Masyado niya akong tinatakam?" Nilapag ni Maya ang hawak na brochure. Pagkatapos ay inilapit ang mukha kay Lucky, habang ang tingin ay nasa bodyguard pa rin. "Ikaw ba Miss Lucky? Hindi ka ba natatakam kay Papa Psalm?" tudyo ni Maya at bumungisngis. Ang mata ni Lucky ay wala sa kanyang hawak na brochure, umangat ito sa matipunong lalaki na nakatayo sa malayo. Kung si Lucky ang tatanungin hindi naman siya into handsome or physically fitted man, lamang pa rin ang lalaking may mabuting puso para sa kanya. Pero hindi niya itatanggi na paminsan-minsan ay lumalabas ang kalandian niya, nasa mga pantasya rin niya iyong mga lalaking gwapo at may