Share

TMST 3 - Caught but not Jailed

"What is that?" Sinubukang hablutin ni Genesis mula sa likod ni Lucky ang cooler ngunit maagap na umiwas ang dalaga.

"No!" Tinapangan ni Lucky ang boses.

"Don't you dare touch my things without my permission, Genesis!" Pagtataas ni Lucky ng boses sa kaibigan. Pinaningkitan niya pa ito ng mata sabay duro sa pagmumukha nito upang bigyan ng babala. Hinding-hindi niya ibibigay ang sperm, tinapon na ito ni Genes at natagpuan niya, so basically speaking, sa kanya na ito.

Nagulat si Genesis sa mabangis na dalaga. Ano naman ang ginawa niya? He's just curious. Lucky even called him by his given name, isa lang ang ibig nitong sabihin, she's seriously not joking.

"Whoa, whoa, whoa..." Itinaas ni Genesis ang dalawang kamay bilang pagsuko, hawak pa rin nito ang baso ng tubig. "Chill! I'm not gonna touch it, okay? Ano ba kasi yan?" pag-uusisa pa rin ng binata. Curious kasi talaga siya sa dala ni Lucky, smell something fishy!

"Not your f*cking business, Genesis."

Napangiwi si Genesis. Given name pa rin niya ang ginamit ni Lucky, which means-it's really not his f*cking business. At hindi na nga siya mangungulit pa, takot lang ni Genesis na magalit ang kaibigan sa kanya. Si Lucky ang kahuli-hulihang tao na gagalitin niya, maliit nga itong babae pero solido naman ang suntok. Masakit parin ang panga niya sa natamong sapak dito noong nakaraang araw dahil lang biniro niya ito. So, no! He's not gonna piss her off, not now.

Tumikhim si Lucky.

"By the way, alis na 'ko alam ko naman may session ka tonight, I did my best to be quiet and quick. May kinuha lang kasi ako sa room ko, and now I'm leaving. Enjoy the rest of the night..."

"Wait," Pinigilan si Lucky ng kaibigan sa braso. "Hatid na kita sa labas..." Offer pa nito na mabilis niyang tinanggihan.

"It's fine. Magta-taxi lang ako since hindi ko dala ang sasakyan ko," anya ngunit hindi pa rin bumitaw si Genesis. Tinignan nito ang relong pambising pagkatapos ay basta na lang siyang hinila pababa ng hagdan.

"Gin! Wait, saan tayo pupunta?"

"I can't invite you to stay here tonight, kaya ihahatid kita sa bahay mo."

"What? No. It's fine, hindi mo kailangang gawin to Gin. I can handle myself," kumbinsi niya sa kaibigan.

"I know, but I still want to drive you home. Anong oras na? It's almost midnight tapos uuwi kang mag-isa?" Narating nila ang labas ng bahay. Binuksan ng binata ang pinto ng pulang SUV, at tinulungan siya na pumasok sa shotgun seat ngunit tinulak ni Lucky ang kamay nitong nakahawak at nakaalalay sa kanya.

"I'm not getting in this car," seryoso niyang sabi.

No, f*cking way! Hinding-hindi siya sasakay sa SUV na ginamit ng mga ito. Kahit pa hindi niya itanong, alam niyang nabahiran ng dalawa ang loob ng SUV, so never! Maglakad na lang siya pauwi kung dito siya isasakay ni Genesis.

"Fine. We'll ride a taxi," sumusuko agad na pahayag ni Genesis.

*** 

"Akala ko hindi ka na darating," komento ni Dra. Caladieae. Tinanggap nito ang inabot niyang cooler. 'I'll perform sperm analysis tonight to check sperm counts, motility, and a variety of other factors."

"I'm counting on you, doctor."

"I'll do my best, Miss Etheswyth, but keep in mind that the average success rate per IUI attempt will be between 12 and 16 percent; it may appear simple, but it's more difficult than you think."

Nakakaintinding tumango si Lucky. Alam naman niya ang tungkol sa bagay na iyon, wala siyang ibang magagawa kundi ang ipanalangin na magiging successful ang procedure na ito.

"I understood, doctor."

Pagkatapos ibigay sa doktora ang sperm na nakuha niya kay Genesis, pumasok na ang dalaga upang maligo at magpahinga. Kalalabas lang niya ng bathroom nang matagpuan ang kaibigan na nakahiga sa kanyang queen size bed, sumimangot si Lucky.

"Bakit narito ka pa?" tanong niyang naupo sa harap ng dresser. Inabot niya ang kanyang wireless hair dryer at sinimulang patuyuin ang buhok.

"Tinamad na akong bumalik ng bahay, gusto ko na lang matulog." Humihikab na sagot ni Genesis. Pinanood nito ang ginagawa niya habang nangungulangot.

"Gin! Huwag mo nga kung saan-saan pinipitik 'yan booger mo! Ang dugyot mo talaga!" Hinarap niya ang lalaki at binato ng bote ng lotion. Sira ulong lalaki sa kwarto niya pa talaga ito naglinis ng ilong!

"Arte-arte naman akala mo hindi nangungulangot," asik nitong pinahid ang hintuturo sa suot na boxer. Ugh! Kadiri talaga ang lalaking ito! Na-i-stress siya sa kadugyotan ng kaibigan.

Lucky took a deep breath, pilit niyang tinuon ang atensyon sa ginagawang pagpapatuyo ng buhok at hindi na pinansin si Genesis na busy sa sariling phone. Ngunit hindi na niya natiis pa ang curiousity makalipas ang ilang minuto, at nagtanong na siya sa kaibigan nang hindi pa rin ito umalis.

"Akala ko ba inaantok ka na? Bakit narito ka pa sa kwarto ko?"

"Matagal ka pa ba d'yan?" sa halip ay tanong ni Genesis sa kanya.

"At bakit?" Hindi tumugon ang lalaki. Inilapag nito ang phone sa side table at tumayo sa kama. Nakunot ni Lucky ang noo nang lumapit ito sa kanya at kinuha sa kamay niya ang hawak na hair dryer.

"Anong ginagawa mo?"

"Kupad mo kasi, ako na..."

Hindi na nagreklamo si Lucky nang si Genesis na ang nagtuyo ng buhok niya. Hinayaan na lang niya ang lalaki na gawin ang gusto nito, total naman hindi ito ang unang pagkakataon na tutuyuin ng lalaki ang buhok niya. Normal na lang sa kanilang magkaibigan ang ganitong mga bagay.

"Paano nga pala iyong babae mo?" mamaya ay tanong niya nang maalala ang kasama nitong babae. Sa natatandaan niya natutulog ito sa kwarto ni Genesis nang lumabas siya ng silid.

"Anong paano?" Kunot ang noo na balik tanong ng kaibigan sa kanya.

"Are you nuts? Nasa bahay mo pa iyong babae."

"Oh! Right. I forgot about her..."

"G*go ka ba? After having sex with her iiwan mo lang mag-isa doon sa bahay mo?" Ang jerk talaga nitong kaibigan niya. Kung character lang si Genesis sa isang nobela o manhwa, malamang isang malaking red flag ang kaibigan niya! Kamahal-mahal ang apperance, pero nakakap*tang*na ang personality.

"Tsh! Hayaan mo na ang babaeng iyon. She already knows how to take care of herself. Ako na nga nagpaligaya sa kanya, ako pa ang mag-aasikaso?"

Umawang ang labi ni Lucky sa sagot ni Genesis. Grabe naman, bilib na talaga siya sa lalaking ito. Mabuti pa ang t*ti nito normal ang pagtibok pero ang puso ng kaibigan niya? RIP na lang...

"Hay... ewan ko na lang talaga, Gin."

"Oh, ayan tapos na," anunsyo nito at nilapag sa dresser ang hair dryer niya.

Hinila siya ni Genesis patayo na ipinagtaka naman ni Lucky. Naupo ang lalaki sa gilid ng kama niya at tinapik ang bakanteng espasyo sa tabi nito.

"Anong ginagawa mo?"

"Ano pa ba ang gagawin natin? Matutulog na tayo syempre," casual na sagot nito.

Pinanliitan niya ng mata ang kaibigan.

"At paano ka naman nakasisiguro na papayag akong matulog katabi ka?"

"I just know." Kibit-balikat nitong tugon na hindi binibitawan ang kanyang kamay.

Muling nagbuntong-hininga si Lucky. Haay, ano pa ba ang bago? Lagi naman itong nasusunod sa mga ganitong pagkakataon. Hindi rin niya itatanggi na masarap matulog na kasama ang lalaki. Bukod sa payapa ang isip niya kasama ito, Genesis is so warm to cuddle.

"Fine," pagsuko niya at nahiga sa kama.

"Gin, this week na ang insemination ko. Ngayon palang kinakabahan na ako sa magiging resulta," pahayag ni Lucky habang nakayakap sa matipunong katawan ng kaibigan. Hindi pa sila natutulog at nakahiga lang sa kama, nag-uusap ng kung anu-ano.

"Don't worry, everything will be fine. You've been looking forward to this for a long time. Do you want me to go with you? Moral support, you know."

"Nah, it's fine. Kasama ko naman si Maya kaya hindi mo na kailangan pumunta. You're a busy man. Don't worry, I can handle it."

"You know that I can cancel all of my schedules for you, right?" madamdamin na pahayag ni Genesis at hinigpitan ang pagkakayakap sa kanya.

"I know, Gin. Pero ayaw kong masanay na lagi kang nariyan, ayaw kong maging dependent sayo."

"Why not?"

"I just don't want to..."

Simula na ng pagsisinungaling niya kay Genesis. Hindi niya pwedeng hayaan ang sarili na mas attached sa lalaki. Magkakaanak na siya gamit ang sperm nito, kalabisan na kung magiging dependent siya kay Genesis pagdating sa baby niya. Isa pa, mako-konsensya lang siya kapag palaging nasa tabi niya ang kaibigan, baka bigla siyang sapian at masabi niya dito ang totoo.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status