Share

TMST 1 - The Sperm Thief

“Ang rude mo,” reklamo ni Lucky nang pareho na silang nasa sasakyan ni Genesis, ang matalik niyang kabigan. Nakasalubong kasi nila sa grocery si Adriane, ang ex-fling ng lalaki, at ang asawa nitong si Mark. Nag-uusap pa si Lucky at Mark nang bigla na lamang siyang hinila ni Genesis palabas ng grocery store.

"Rude? Saan naman ang rude doon?"

"Nag-uusap pa kami ni Mark. May sinasabi siya tungkol sa love letters, isa raw siya sa mga nagbibigay ng love letters sa ‘kin noon. May alam ka ba tungkol sa sinasabi niya?"

"Baka binobola ka lang ang isang 'yon?" Kibit-balikat na sagot ni Genesis at minaniobra ang sasakyan paalis ng parking lot.

Sumimangot si Lucky. Talaga bang binobola lang siya ni Mark? Mukha kasing seryoso ang lalaki nang sabihin iyon sa kanya. Pero impossible rin ang sinasabi nito, she's not pretty like those famous girls in their university. Ngunit hindi niya talaga maiwasang ma-curious, base sa sinabi ni Mark, isa raw ito sa mga nagbibigay sa kanya ng mga love letters noon. Ibig sabihin maraming lalaki ang nagpapadala? Pero wala naman siyang natatanggap kahit isa. 

"Ang cute ni Belle, nakita mo ang baby nila?" Pagbubukas ni Lucky ng bagong paksa. Wala naman siyang mapapala kung pag-uusapan pa rin nila ang tungkol sa sinabi ni Mark. Mukhang hindi naman totoo at mukhang hindi rin interesado ang kaibigan niya na pag-usapan ang tungkol doon.

"Yeah, cute."

Sumimangot si Lucky sa malamig na sagot ng kaibigan. "Bakit ba ganyan ka sa tuwing nagkukwento ako tungkol sa mga baby?"

"Alam ko na kasi ang kasunod n'yan. I want one," Genesis mimicked her voice.

"Hindi ako ganyan magsalita, Gin!"

Genesis tsked. "Ano pa ang silbi na gusto mong magka-anak kung takot ka naman sa sex?"

"Nakakainis ka talaga! Wala namang masama kung mangarap akong magka-anak."

"Wala, kung normal ka."

"G*go ka ba?" Binato ni Lucky ang wet tissue na hawak kay Genesis. Naglilinis kasi siya ng kamay gamit iyon habang nag-uusap sila.

"Kadiri ka! Huwag mo ngang gawing basurahan ang sasakyan ko!"

“Kasalanan mo. Pinalalabas mong abnormal ako."

"Ikaw ang may sabi n'yan, hindi ako." 

Lalo siyang naasar sa lalaki. "Hoy! Umayos ka r'yan kung ayaw mong sungal-ngalin kita," banta niyang pinakita pa ang kamao. Akala siguro nito hindi niya kayang bumasag ng bungo.

"Hindi mo pa rin ba sinasabi kina Tita at Tito ang tungkol sa kondisyon ko?" Bigla ay seryosong tanong ni Genesis sa kanya, ang tingin ay nasa daan lang. Hindi nakasagot si Lucky kaya isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ni Genesis. "Sampung taon mo nang nililihim sa kanila ang kondisyon mo. Kailan mo balak ipa-alam?"

"Hindi ko alam..." Kuyom ang mga kamao na sagot ni Lucky.

"You need to tell them, Luck. Kinukulit ka na ng parents mong mag-asawa, right? Paano ka ikakasal kung takot ka naman sa sex? Iyan pa naman ang unang ginagawa ng mag-asawa pagkatapos ng kasal."

"Hindi ikaw ang magde-decide para sa akin, Gin. Huwag mong intindihin ang problema ko. Ikaw? Hindi ba't gusto na rin ng parents mong mag-settle down ka?" 

"Yeah..."

"Anong balak mo? Masyado kang babaero para mag-stick sa isang babae." Sinamaan siya ng tingin ni Genesis, ngunit agad din nitong binalik ang mata sa daan. "Bakit? Totoo naman, 'di ba? Hindi ka makuntento sa isa, gusto mo iyong kaliwaan ang babae mo. Hindi ko talaga maintindihan kung bakit kaibigan ko ang salawahan na tulad mo."

"Excuse me?"

"Sabi ko, salawahan ka."

"Hey! That's so mean of you. I'm innocent. Sila ang lumalapit sa akin at ino-offer ang sarili nila. 'Di ko sila pinipilit. Although, I admit it. Kahinaan ko ang mga babae, hindi ko sila matiis," emosyonal pa kunwari nitong sabi.

"Ang sabihin mo f*ck boy ka lang talaga. Paano na lang kung makabuntis ka?"

"Imposible. Maingat ako pagdating sa sex. I never f*ck without protection. Isa pa, alam mong ayoko sa mga bata. I'm not fond of kids."

Umikot ang mata ni Lucky. Alam naman niyang hindi mahilig sa mga bata si Genesis, pero hindi niya lubos akalain na sa edad nito ngayon, 'di talaga kinonsidera ng lalaki na mag-settle down at bumuo ng sariling pamilya. Mukhang kuntento na talaga ito sa pagiging salawahan.

"Kahit pa, Gin. May posibilidad pa rin na makabuntis ka lalo na't active ang sex life mo. Bibilib talaga ako kapag may babaeng mag-settle down sa lalaking tulad mo, siya na siguro ang pinaka tangang babae sa buong mundo."

"Hey! Stop it, will you? Hindi dahil babaero ako ay wala na akong karapatan para magkaroon ng maayos at normal na relasyon." Salubong ang kilay ni Genesis. Mukhang nagtampo talaga sa mga sinabi niya. Natawa si Lucky at tinusok ang tagiliran ni Genesis.

"Lucky! I'm driving!"

"Para namang hindi ka gumagawa ng extracurricular activities habang nagmamaneho." Tukoy ni Lucky sa na i-kwento ni Genesis sa kanya noong bigyan ito ng bl*wjob ng isang fling nito habang nagmamaneho.

"Shut up!" 

Humagikhik si Lucky, ngunit hindi na kinulit pa ang kaibigan. Umayos siya ng upo at nagbuga ng malalim na buntong-hininga. "Gusto ko talaga ng anak, Gin."

"Then find a man that will marry you and give you a child, and please..." Nilingon siya ni Genesis ngunit agad din binalik sa daan ang mata. "Stop giving me that look. Walang ibang paraan, Luck. Hindi ka magkaka-anak kong hindi ka makikipag-sex."

"Actually, may nasabi sa akin si Maya." Tumagilid siya ng upo para harapin ang kaibigan. "Alam mo ba iyong IUI?"

"Yeah, why?"

"Gusto kong subukan..."

"Tsh."

"Gin, naman! Gusto ko kasi talaga ng baby."

"Kung hindi malalagay sa peligro ang buhay mo, sure. Gawin mo ang gusto mo, buhay mo naman 'yan. Wala naman akong magagawa kundi suportahan ka."

Nakagat ni Lucky ang ibabang labi. Last week niya pa ito gustong banggitin kay Genesis, kaso hirap siyang isingit ang topic. Ito na ang pagkakataon niya. "Gin, alam kung ayaw mong magkaroon ng sabit. Pero gusto ko talagang magka-anak, I decided to undergo IUI procedure but..." Huminga siya ng malalim. "Can you be my sperm donor?-Ouch!" d*ing ni Lucky nang mapasubsob sa dashboard ng sasakyan nang bigla na lang inapakan ni Gineses ang preno.

"G-gin," bulalas niya nang natulala sa unahan ang kaibigan na dilat na dilat ang mata. "Ayos ka lang ba, Gin?"

"No."

"Huh?"

Hinarap siya ni Genesis. "Ayoko…."

"What?"

"I don't want to be your sperm donor."

*** 

"It’s possible. Sperm can survive in a suitable environment for up to 15 to 30 minutes, but it will die as soon as it dries up. So, yes! Using the ejaculated sperm from a used condom is possible. However, it is preferable to store the sperm in a cool container to preserve it," paliwanag ni Dr. Caladieae, isang reproductive endocrinologists. Ang doktora ang kaibigan ng assistant niya, ito ang magsasagawa ng IUI procedure kung matapos niya ang lahat ng test ng walang problema.

"I see..." Kung ganun posible niyang isagawa ang plano niya. Ang dapat lang niyang gawin ay magnakaw ng gamit na condom ni Genesis. Nakakadiri pero kailangan niya iyong gawin kung gusto niyang maging-successful ang pagbubuntis niya.

"Could you tell me why we're not going to use donor sperm specimens in the labs?"

"I'm uncomfortable injecting sperm from a man I've never met, Doctor."

"Are you sure about?" Nakataas ang isang kilay na tanong ng doktora sa kanya. "Maybe you just don't feel comfortable if that man isn't going to be the father of your child?"

"Of course, not! He is not the father of my future child. It just happened that, galing sa kanya ang sperm na kailangan ko. Hindi niya kailangan malaman ang tungkol sa anak ko. Once I get myself pregnant… Tapos na rin ang connection niya sa ipagbubuntis ko."

"All right, Miss Etheswyth. Don't take it too seriously. You're far too defensive, you know?" biro ng doktora sa kanya. Napapahiyang hinawakan ni Lucky ang magkabilang pisngi, ramdam niya ang pamumula n’yon. "Honestly, okay lang naman kung iyon ang dahilan mo. It's not that I have a problem in your decision, I'm just curious. By the way, who is this unlucky man? Baka naman kilala ko ang taong ito?"

"Nah... I doubt that doctor. You're too good to be with this type of man unless you have a little dirty secret, Doctor Caladieae." Mahinang tumawa ang doktora sa biro niya. Mukhang may natumbok nga siya. Geez! May dirty little secret nga yata ang sikat na RE Doctor.

"Drop the name, Miss Etheswyth. Malay natin..."

Napailing si Lucky sa sagot ng doktora. Tahasan talaga nitong inamin sa kanya na may tinatago ito sa likod ng marangal at magandang pangalan. Hindi mo talaga mahuhusgahan ang isang tao kung pagbabasehan lang ang mga pinapakita nito sa mata ng marami. Sabagay, kahit naman siya ay may nililihim sa mga taong nakapaligid sa kanya. Malapit na ring dumating ang panahon na kahit ang matalik niyang kaibigan ay paglilihiman niya, sana lang talaga ay umayon ang lahat sa plano niya. Dahil kung hindi, magkakaron sila ng malaking problema ni Genesis.

"The name is, Genesis Gevorgian."

"This is interesting..." Napukaw ng sinabi ng doktora ang atensyon ni Lucky. "So that man will have a secret child. Mhmm... I'm excited to see what will happen next," bulalas ng doktora at bumungisngis pa.

"Excuse me? May sinabi ka ba, Dr. Caladiaea" Kunot ang noo na tanong ni Lucky nang hindi ma-gets ang sinabi ng doktora.

"Oh, it's nothing! I'm just talking to myself."

***

"Are you sure about this, Miss Lucky?" tanong ni Maya sa kabilang linya. "Kapag nagawa mo na ang plano mo, wala na talagang atrasan."

"I know, but don't worry. Wala akong balak umatras, narito na 'ko at wala ng makakapigil pa sa plano ko Maya."

"Okay, fine. Handa na ba ang mga gamit mo?" Kahit hindi nakikita ni Lucky ang kausap, alam niyang sobrang ninenerbiyos na ito sa gagawin niya.

"Maya, relax. Mas kabado ka pa sa akin, eh! At oo, handa na. Ano lang ba ang mga kailangan ko? Isang maliit na cooler at plastic gloves. Si Genesis na lang ang hinihintay ko kaya ayusin mo ang trabaho mo ah? Sabihin mo agad kung nasa harap na siya ng bahay," paalala ni Lucky sa assistant.

Nasa bahay siya ngayon ni Genesis. Syempre dahil may sarili siyang kwarto rito, may sarili rin siyang duplicate ng susi ng bahay. Ang plano nila ni Maya ay hihintayin niya ang lalaki at kung sino mang babae ang iuuwi nito. Pagkatapos ng session ng mga ito ay pasekreto niyang kukunin ang used condom ng binata habang mainit-init pa ang gatas—este katas!

Paano niya nalaman na may pagatas si Genesis ngayon? Well, syempre tinanong niya ang lalaki at sinabi naman nitong may session nga ito ngayong gabi kasama ng bago nitong flavor of the month. At para maging matagumpay ang plano niya at hindi siya mahuli ng binata, ginawa niyang look out si Maya para naman malaman niya kung parating na ang mga ito upang makapagtago siya.

Kailangan niya magtago dahil kapag nalaman ni Genesis na nasa bahay siya nito ay paalisin nito ang ka-fling at hindi matutuloy ang pagatas, masisisira ang plano niya. Hindi pwede!

"Miss Lucky, I think you need to hide now! Hindi ako sigurado pero mukhang si Sir Genesis ang nakasakay sa pulang SUV na huminto sa harap ng bahay."

"What? Pulang SUV? Wala naman akong natandaan na may ganyang sasakyan ang lalaking iyon," ungot niya at bumangon sa kanyang kama. Sumilip si Lucky sa bintana.

"No! Wait, si Sir Genesis nga! Kasama ng isang babae. Go hide now!" nataranta na sabi ni Maya sa kabilang linya, kasabay nun ang paglaki ng mata ni Lucky nang actual niyang nakita ang lalaki sa ibaba kasama ng isang sexyng babae.

"Holysh*t!!"

Pinatay ni Lucky ang phone at itinapon sa ibabaw ng kama niya. Mabilis niyang kinuha ang cooler at lumabas ng kanyang kwarto. Natataranta na tinakbo niya ang silid ni Genesis at parang timang na naghanap ng matataguan. Sh*t! Bakit hindi niya naisip maghanap ng matataguan kanina habang wala pa ang mga ito? Siguradong mahuhuli siya ng mga ito kapag hindi siya nagmadali!

Komen (2)
goodnovel comment avatar
Achilleas
Hindi nadala sa santong dasalan kaya dinaan sa santong paspasan hahahaha
goodnovel comment avatar
Achilleas
Hahahaha!!!! Tngina lucky! Bakit naman ganyan.
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status