Share

The Mafia' Seeds Thief
The Mafia' Seeds Thief
Author: Eu:N

PROLOGUE

"What is this?" tanong nito sa kanyang hindi pa rin inaalis ang tingin sa papel.

Tinambol ng kaba ang d*bdib ni Lucky. Nanlamig ang mga kamay niya at bigla na lang nagdilim ang paningin niya, ngunit bago pa siya matumba ng tuluyan, nagawa niyang hawakan ang hamba ng pinto upang alalayan ang sarili.

"Gin, bakit basta ka nalang pumapasok sa kwarto ko?" Galit na hinablot ni Lucky ang papel sa kamay ng kaibigan at itinago sa kanyang likod. D*mn it! Nasanay siyang hindi nag-la-lock ng pinto, nakalimutan niyang labas-masok si Genesis sa kwarto niya.

Samantala, si Genesis ay parang nakalutang sa hangin, ano iyong nabasa niya? Nakita niya ang pangalan niya sa papel. Hindi lang iyon, naroon din ang buong pangalan ni Lucky at Caladieae.

"Ang alam ko ay may bago siyang customer. May illegal IUI operation siya nitong nakaraang linggo lang." 

Bigla na lamang naalala ni Genesis ang sinabing iyon ni Nathaniel sa kanya, at napagtagpi-tagpi niya ang lahat. Ang pangungulit ni Lucky sa kanya, ang bigla nitong pagpapakita sa bahay niya nang gabing iyon, ang hawak nitong maliit na cooler, ang pag-iwas ni Lucky sa tuwing gusto niyang samahan ito sa doctor. Ang lahat ng mga kakaibang ikinikilos ng kaibigan niya, ngayon lang na-realize ni Genesis ang lahat.

"What the hell did you do? What the f*ck, Lucky!?"

Napaigtad si Lucky sa malakas na sigaw ni Genesis. Hinuli nito ang magkabilang braso niya kaya napilitan siyang salubungin ang nagbabaga sa galit na mata ng kaibigan.

"Why? Bakit ba hindi ka nakikinig sa mga sinasabi ko sayo? Bakit ang tigas ng ulo mo? Sinabi ko na sayo hindi ba? I don't want you to be the mother of my child! What the f*ck is wrong with you!" Galit na turan ni Genesis sabay yugyog sa dalaga. Sa sobrang galit hindi na niya napansin ang mariin na pagkakahawak sa braso ni Lucky.

"Gin, nasasaktan ako!" Itinulak ni Lucky ang lalaki.

"What have you done?" frustrated na nahilamos ni Genesis ang sariling mukha. "Bakit kailangan mong ipahamak tayo pareho?"

"Pwede bang tumahimik ka?" Tiim bagang na nag-angat ng tingin si Lucky sa kaibigan. "Alam kong mali ang ginawa ko, pero ayukong marinig ang mga salitang 'yan mula sayo."

"Bakit? Ano ang gusto mong maging reaksyon ko? Gusto mong matuwa ako?"

"No! Hindi ko sinabing matuwa ka. Kung inaalala mo ang baby, sinabi ko na sayo hindi ba? Hindi mo siya kailangan panagutan—"

"Sinabi ko rin sayong ayukong magging donor mo pero hindi ka nakinig!"

Hindi nagsalita si Lucky. Mariin niyang ipinikit ang mga mata. Totoong matigas ang ulo niya.

"Bakit hindi ka nakinig? Bakit ako pa? Marami namang lalaki d’yan na willing maging ama ng batang dadalhin mo. Bakit kailangan ako—"

"Dahil gusto kita, Gin!" Lucky blurted out. Nagsasawa na siya sa mga tanong nito. "Gustong-gusto kong magka-anak, pero ikaw lang ang gusto kong maging ama ng magiging anak ko. Alam kong kalabisan ang ginawa ko," umimiyak nang pag-amin ni Lucky sa kaibigan. "Anak mo lang ang gusto kong dalhin sa sinapupun ko, Gin."

Sunod-sunod na umiling si Genesis. "Sorry, pero ako, hindi. I don't want you to be the mother of my child." Tinuro ni Genesis ang sinapupunan niya. "Abort that child…"

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status