Share

+ IKALAWA + (2.1)

Author: loveloce
last update Huling Na-update: 2021-10-07 14:52:56

¶ The Mafia and Citizens ¶

II. IKALAWA (2.1)

Josie Ocampo's PoV

"Josie, right?" pagsisigurado niya. 

Tumango naman ako bilang sagot, “Anong kailangan mo?” walang gana kong tanong rito.

Hindi makapaniwala ang mukha nito. "Seriously?! You didn’t know me?"

“Hindi eh, hindi rin naman kailangan na kilala kita.” Nakita ko naman ang malaking pagngisi niya sa sinabi ko patungkol sa kanya. 

“Oh... kakaiba,” komento niya. 

"Anyway, I want to introduce myself to you. I'm Sean Mercado, I'm one of your classmates. Actually isa rin ako sa ni-recruit ni Valerie para sa performance," paliwanag niya. 

"Pero, si Valerie ang nag-recruit sa ’yo. Ibig sabihin siya ang nakakakilala sa 'yo," sambit ko.

"Yeah, I know. But as a classmate, hindi mo pala talaga ako kilala.” Napairap ako sa isip ko. 

“Gano’n na nga, hindi ko rin naman mga kilala ‘yong teachers natin.” Natawa naman siya sa sinabi ko. Mukhang hindi siya makapaniwala.

Umupo siya sa tabi ko, “By the way, what brings you here?" he asked.

“Tumambay lang naman ‘no,” sarkastiko kong saad. 

“Malamang may nangyaring masama!” dugtong ko rito. 

Tumawa naman ito, “Grabe! Lahat ng tanong ko, pilosopo ang sagot mo. Nakakatakot ka naman,” sambit nito.

“Sino kayang pipiliin tumambay sa hospital?” ani ko nang hindi tumitingin sa kaniya. 

I deeply sighed.

"Nasaksak 'yong pinsan ko," simpleng sagot ko. 

“Malayo naman ‘yon sa bituka kaya wala dapat ikabahala,” dagdag ko pa. 

He glanced at me and suddenly smirked. 

“Dinala ko naman ‘yong babaeng manganganak na kanina gilid ng kalsada, buti na lang nahagip siya ng dalawang mata ko,” kwento niya. At sakto ngang nakita ko ang dugo sa dulo ng blazer niyang suot. 

Hindi naman na ako sumagot sa kanya dahil wala naman talaga akong balak na kausapin pa siya. Bigla namang nag-vibrate ang phone ko na nasa bulsa kaya kinuha ko ito. 

May message galing sa unknown number. Madalas na akong nakakakuha ng ilang messages galing sa hindi ko kilalang numero, madalas mga messages nila ay nanalo daw ako ng pera. Maniniwala na sana ako kung may tinayaan o sinalihan ako. Kaso wala naman. 

From: Unknown Number 

Play it again.

10:15 pm

Gaya ng nakasanayan ko, re-replyan ko na sana sila ng pilosopong sagot pero agad kong naalala ang laro. So, ito ang number ng feeling misteryoso na ‘yon. 

Buong tapang naman ako nag-type ng reply ko sa kanya. 

To: Unknown Number

Sure, we will. 

10:17 pm 

"Nakagawa ka na bang steps para sa sayaw natin?" pagsingit ni Sean na nasa tabi ko. 

Medyo nabigla naman ako sa tanong niya at alam kong napansin niya ‘yon. 

“Sorry…” sambit nito.  

I deeply sighed to release the tension inside of my body. 

“Kaunti pa lang ang nagagawa ko, hindi pa tapos," simpleng sagot ko sa tanong niya kanina. 

"Ah, I see. Uhm, do you need help?" tanong niya.

"Sure, open naman ako para sa mga suggestion sa steps." Ngumiti naman siya sa sagot ko.

"Ms. Josie?” rinig kong pagtawag ng nurse. Tumayo naman ako agad at pumunta sa harapan ng nurse. 

Ngumiti ito sa akin, “Kayo po ang pinsan niya?” tanong niya. 

I nodded as an answer. “Mananatili pa po siya sa hospital ng mga isang linggo para i-check ni Doc dahil medyo malalim ang sugat na natamo niya,“ paliwanag nito sa akin. 

“As of now, ito po ‘yong kailangan na bilhin na gamot para sa patuloy niyang paggaling,” dagdag niya saka niya binigay sa akin ang listahan ng gamot. 

Tiningnan ko naman ito. Kaunti lang naman pero mukhang mahal ang mga gamot.

“Yung botika po natin is lakad ka lang po ng diretso saka ka kumanan.” Turo sa akin ng nurse. 

“Salamat po!” tugon ko. 

Nagpaalam naman ako kay Sean bago ako pumasok sa loob ng kwarto ni Ali. Kasalukuyang tulog ito sa kamang hinihigaan niya. Bigla kong naisip kung paano ko sasabihin ang nangyari kay Ali kila Tita dahil baka mapagalitan ako. 

Napalunok naman ako nang makuha ko ang phone ko na nasa bulsa ko. Saka ko pinindot ang pangalan ni Tita para tawagan siya. Hindi ko pa napa-practice ang sasabihin ko ay agad niya ng sinagot ito. 

“Yes, Josie?” rinig kong ani ni Tita sa kabilang linya. 

“Uhm hello po, Tita. kamusta po kayo?” pangangamusta ko. Ayaw ko naman na mabigla siya kaagad. 

Alam ko kung gaano niya kamahal ang anak niyang si Ali kaya minsan nakakaramdam ako ng inggit sa pagmamahal ng magulang. 

“Ito, okay naman. Makakauwi na kami next week sa bahay,” masayang tugon nito. 

Alam kong nakangiti si Tita sa mga oras na ‘to, dahil excited niya ng makita si Ali. 

“Pero Tita, kailangan niyo na pong umuwi ngayon,” saad ko. Nagsisimula naman nang mamawis ang kamay ko. 

“Oh? Why? May nangyari ba?” sunod-sunod na tanong ni Tita at nag-iba na rin ang tono ng boses nito kaya mas lalo akong kinabahan. 

“Si Ali po kasi nasaksak, nandito po siya ngayon sa Hospital. Kasalukuyan po siyang natutulog ngayon, sabi po no'ng nurse isang linggo pa po siyang magi-istay dito.” sunod-sunod ko ring paliwanag kay Tita. 

“Omg! Ali, my son!” rinig kong ani niya sa kabilang linya. 

“Pasensya ka na po Tita, hindi ko po nabantayan si Ali,” ani ko rito. 

“Okay lang Josie, it's not your fault. Uuwi na lang ako agad kinabukasan, kahit si Tito mo na lang ang magtuloy ng ginagawa namin dito sa Cebu,” aniya. 

“Sa ngayon ang pakiusap ko sa ’yo, pakibantayan na lang muna si Ali ngayon,” dagdag ni Tita. 

Nalungkot naman ako sa tono ng boses ni Tita, nasasaktan siya sa sitwasyon ni Ali ngayon. 

“Sige po Tita, ako na po ang bahala ngayon kay Ali. Mag-iingat ka po sa byahe niyo. Goodnight po!” magalang na saad ko. 

“Sure, sure. Goodnight Josie,” ani ni Tita saka binaba ang tawag. 

I deeply sighed as Tita hung up the phone call. Feel ko kasalanan ko pa rin bakit nangyari ‘to kay Ali. Mabait sa ’kin si Tita, mas sa kaniya ko nararamdaman ang pagiging isang totoong ina sa akin. Kahit sinabi ng mga magulang ko na ako ang pumatay sa kapatid ko ay hindi naman naniwala sila Tita, kaya malaki ang pasasalamat ko sa kanila.

Kaya kahit anong sungit ni Ali sa ’kin ay hindi ko magawang magalit dahil ayun lang naman ang kondisyon sa akin ni Tita na pagtiisan ang ugali ni Ali. To be honest, sa buong klase ng taon magkaklase na rin kami ni Ali, hindi talaga kami nagpapansinan. Kasi ayon ang kasunduan namin na wala dapat makakaalam na magpinsan kami. Ewan, una pa lang kami nagkita nakaramdam na agad kami ng tensyon na dalawa. 

Valerie doesn’t know also about Ali, hindi niya alam na magpinsan kami. And I’m sure about Levi na kaibigan naman ni Ali. Wala rin naman akong balak sabihin kay Valerie, dahil mayayari rin ako kay Ali kasi nasa usapan namin ‘yon. 

And ever since, He didn’t joined our game. Kaya nagtataka ako bakit siya ang unang ti-narget ng animal na ‘yon. Baka siguro, gano’n siya ka-eager na mapansin ko siya at malaro na namin muli ang game. 

Tiningnan ko si Ali at mahimbing pa rin ang tulog nito. Napagdesisyunan ko na lang na bilhin ang mga gamot na nasa listahan na ibinigay sa akin ng nurse. Sinunod ko naman ang tinuro sa ’kin ng nurse, ngunit pagdating ko do’n ay wala namang botika kundi mga upuan lang. 

Siraulong nurse, pinagtripan pa ako. 

Kaya nagtanong na lang ako sa ibang nurse na napadaan sa harapan ko. At nasa pakaliwang pasilyo pala ito. 

Nang matapos akong bumili ay agad akong bumalik sa kwarto ni Ali at naabutan ko naman na gising na siya at ginagamit ang cellphone niya.

“Kailan ako lalabas dito?” Tanong niya nang makapasok ako.

Umupo naman ako sa may upuan na nasa gilid. “One week ka pa rito sabi no'ng nurse,” tugon ko.

“Shit!” mura niya. 

“Tinawagan ko na rin si Tita

” 

“Bakit mo tinawagan? Hindi naman ‘yon uuwi!” sigaw nito sa akin. 

“Uuwi siya bukas, ‘wag kang mag-inarte,” tugon ko rito saka ako umirap sa kaniya. 

“Kahit kailan talaga napakapabida mo!” inis niyang saad sa akin. 

Tumingin naman ako sa kaniya ng masama, nag-init ang ulo ko sa sinabi niya. 

“Immature ka naman, tanda mo na taas pa rin ng pride mo. Hindi ka ba nag-iisip? Walang magbabayad ng bill dito sa Hospital kung hindi ko sasabihin. At saka malalaman pa rin ‘yon nila dahil uuwi naman sila next week. At anong sa tingin mo, gagaling agad ‘yan? Hindi, bobo!” mahaba kong saad sa kanya na nakapagpatahimik sa kanya. 

Umirap ito, “Pupunta ng maaga dito si Levi bukas, make sure na hindi ka niya maaabutan dito,” ani nito saka bumalik sa paggamit ng phone. 

“Uuwi muna ako, kukuha ako ng mga gamit. Anong ipapadala mo?” tanong ko rito. 

“Just bring me my toothbrush, charger, saka isang t-shirt. Ayun lang at wala ng iba. Huwag ka ng mangialam sa ibang gamit ko do’n,” mariin niyang saad.

Tinaasan ko ito ng kilay, “As if interested ako,” tugon ko rito. 

“W-wait!” pigil niya sa ’kin dahil lalabas na sana ako ng kwarto.

“Ingatan mo ‘yong kotse ko, at ikaw ang maglilinis niyan.” dagdag niya. 

Minura ko siya sa isip ko. “Yung Harry Potter books and posters.” Paalala ko rin saka lumabas ng kwarto. 

Kahit kailan talaga ang ugali ng siraulo na ‘yon!

Nang makalabas ako, hinanap agad ng mata ko ang elevator ng Hospital. Nang makita ko ay agad akong sumakay dito at pagpasok ko nakita ko agad ang taong ayaw ko ng makita. 

But I act naturally. Kunyari hindi ko siya nakita, nakilala o kilala man lang sa paningin ko. 

I hate her so much!

Nang magsarado ang elevator ay pinindot ko agad kung saan ako paparoon which is sa Parking Lot. Nakikita ko sa peripheral view ko na nakatingin ito sa akin, halatang may gustong sabihin.

"Josie..." pagtawag niya sa pangalan ko. But I chose to ignore her existence. 

"Josie, are you still mad at me?" she asked. 

Malamang? Tinatanong pa ba ‘yon? Sinong tangang hindi magagalit sa isang katulad niya. 

But, for the second time, I still ignore her. 

"Josie, sorry..." she said and she grabbed my arms. 

Doon na ako nairita kaya tiningnan ko na siya ng masama. Umaarte siya sa akin ngayon na parang walang kasalanan, na akala mo napakadali lang lahat limutin.

"Don't you ever touch me again!" sigaw ko sa kanya.

Nakita ko naman na nasaktan siya sa pagsigaw kong 'yon, but she deserves that. Mas malala pa ang ginawa niya sa akin, sa nakababata kong kapatid. 

Ang tagal pa kasing mag-ground floor kaya naiinis na rin ako at nakakasama ko pa 'tong babaeng 'to.

"Josie, look! I need to explain eve

I stopped her. 

Sakto rin kasing nasa ground floor na kaya lumabas na ako. 

"What's the use of explaining kung alam ko na puro kasinungalingan lang 'yang sasabihin mo?" nakangising sagot ko saka ko siya tinalikuran. 

Hindi naman ako ipinanganak para makinig lang ng kasinungalingan niya. May isip ako, kitang-kita ko kung paano niya hinuhukay ang katawan ng kapatid ko. 

She killed my little sister, Mesie.

Alam niya kung gaano ako nagseselos kay Mesie pero wala sa isip ko na gawin ‘yon sa kapatid ko. Kaya kahit walang nalaman ang mga magulang ko sa pagkamatay ni Mesie ako ang pilit na dinidiin nila sa pagkawala nito. 

Agad akong lumarga pauwi mula sa bahay para kumuha ng mga kailangan na gamit. Inuna ko rin ang pinapakuha sa akin ni Ali na kailangan niya lang, alam kong marami pa siyang kailangan pero ayaw niyang mahalugkat ko ang mga gamit niya.

Nagdala rin ako ng niluto ni Ali na menudo dahil hindi pa pala ako nakakakain ng hapunan. Nang masigurado ako na kumpleto na ay agad akong umalis. Mabilis akong nakarating ng Hospital at muling kong pinark ang kotse ni Ali. 

Papasok pa lang ako ng elevator nang maka-receive na naman ako ng message galing sa kanya. 

From: Unknown Number

Excited to see you, Josie. Kindly change my name to Crimson. Thanks and be safe! 

Crimson? 

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • The Mafia and Citizens   + IKASAMPU + (10.1)

    ¶ The Mafia and Citizens ¶X. IKASAMPU (10.1)Josie Ocampo’s PoVKasalukuyang nasa hapag-kainan ako ngayon kasama ang pamilya ni Valerie maliban sa Papa niya na maaga lagi ang pasok kaya madalas ay hindi na naabutan pa ni Valerie sa umaga. Hindi ko maiwasan na makaramdam ng hiya after ng mga nangyari, buong akala ng Mama ni Valerie ay nasira ang pagkakaibigan namin nito sa kadahiilanang halos dalawang araw rin akong hindi dumaan sa kanila.“Bakit ang aga niyo pa rin gumising ngayon, anak? Wala naman kayong pasok diba? Linggo ngayon,” ani ni Aling Marites. “Mayroon kaming practice, Ma. Kaya nga late na po ako nakauwi kagabi,” sagot naman ni Valerie habang nanguya ng kinakain niya. “Gano’n ba? Kailan lang ‘tong dumating si Josie? Hindi mo naman siya kagabi na umuwi,” tanong muli nito. “Tulog na po kayo kagabi ‘non kaya hindi niyo siya naabutan,” muling tugon ni Valerie. Hindi ko naman magawang umimik sa usapan nila dahil wala naman rin akong balak magsalita. Lalo na’t sobrang nagtat

  • The Mafia and Citizens   + IKASAMPU +

    ¶ The Mafia and Citizens ¶X. IKASAMPU Josie Ocampo’s PoVMalayang bumabagsak ang mga tubig mula sa katawan ko habang nakatayo ako at kasama na roon ang sobrang daming iniisip lalo na ang mga nangyari kanina. Hindi ko rin naman ginusto na matalo ‘non si Morgan, at hindi ko rin inaasahan na kaming dalawa ang matitira sa game. Sa pinaka-loob ko, gusto ko siyang samahan para alam kong ligtas siya at walang mangyayari sa kaniya pero kung gagawin ko ‘yon baka isipin niyang pinapatawad ko na siya. Masakit pa rin sa akin ang ginawa niyang pagpatay sa nakababata kong kapatid na si Mesie, kaya malabong mapatawad ko siya agad. Sa kadahilanang, hindi naman siya ang nagdurusa ng ilang taon ngunit ako na wala ng halos na pamilya ngayon. Lumabas na ako ng banyo nang matapos akong magbabad sa tubig, halos magda-dalawang oras rin ang ginugol ko sa loob sa sobrang daming iniisip. Kasama na rin doon na aalis na ako dito sa bahay nila Sean kahit na nakaka-dalawang araw pa lang ako, hindi ko talaga ma

  • The Mafia and Citizens   + IKASIYAM + (9.2)

    ¶ The Mafia and Citizens ¶IX. IKASIYAM (9.2)Levi Salazar’s PoVKasalukuyan lang akong nakasunod kay Hope at Morgan sa kanilang likuran, pababa na rin kami muli sa exit ng building na ito. Pagkatapos ng ginawang pag-text sa aming lahat ni Crimson ay ito namang pag-alis naming lahat dahil hindi naman namin nakuha ang pinaka-punto ng sinabi niya. Hindi ko naman na magawang pigilan si Hope sa gusto niyang gawin kay Morgan sa pagsabay nito sa kanya para lang maging safe ito. Hindi ko rin naman magawang iwanan ito dahil ayoko rin namang uuwi siya ng mag-isa kaya wala akong choice kundi ang samahan sila pareho. “Okay na talaga ako Hope, hindi mo na ako kailangang ihatid sa ‘min,” rinig kong ani ni Morgan sa kanya. Hindi ko namalayan na nasa exit na pala kami sa sobrang pag-iisip. “Hindi ‘yon okay Morgan, kasama naman natin si Levi,” pamimilit pa rin ni Hope.“Hindi na talaga Hope, naiintindihan kita na gusto mo lang akong tulungan. Pero ayoko naman ng dahil sa ‘kin ay madadamay pa kayo.

  • The Mafia and Citizens   + IKASIYAM + (9.1)

    ¶ The Mafia and Citizens ¶ IX. IKASIYAM (9.1) Levi Salazar’s PoV Hindi ko maialis ang mga tingin ko sa adviser namin lalo na kay Ali na kasalukuyang may benda ang braso. Sinundan ko lang ng tingin si Ali hanggang sa maupo ito sa tabi ko nang hindi pa rin inaalis ang tingin sa kaniya. Sobrang laki ng pagtataka ang namumuo sa isipan ko, magulo na nga ang nangyayari ngayon mas lalo pang pinapagulo ng susunod na nangyayari. “A-anong g-ginagawa mo d-dito?” takang tanong ko dito at hindi na maiwasan ng boses ko na mautal. Tanging pagkunot lang ng noo ang ibinigay nito sa akin. Ito talaga ang ayaw niya na nasa kanya ang atensyon ng lahat pero wala siyang magagawa dahil lahat naman kami ay naghihintay ng sagot niya. Kaya wala naman itong nagawa. “I also knew Crimson, at itong benda sa braso ko ngayon siya ang may gawa nito. So here I am, joining this shit because I don’t have any choice,” napilitang paliwanag nito. “Pero hindi ako sasali sa performance na ginagawa niyo, nandito lang

  • The Mafia and Citizens   + IKASIYAM +

    ¶ The Mafia and Citizens ¶ IX. IKASIYAM Levi Salazar’s PoV Itinabi ko sa gilid ang ginamit kong motor papunta dito sa building kung saan dito kami magsisimula mag-practice ng gagawin naming performance ng mga kagrupo ko. Dinaanan ko muna ang kaibigan kong si Ali sa Hospital bago ako dumiretso dito, ngayon ko lang rin nalaman na nasa Hospital siya kaya pala dalawang araw na siyang wala sa klase. Buong akala ko ay nagkasakit lang, usually kasi hindi rin siya nagsasabi kapag may nangyari sa kanya pero medyo na-disappoint lang ako nang hindi niya sabihin ang sitwasyon niya ngayon na kaya pala siya nando’n ay dahil nasaksak siya nang hindi niya kilala. Nagulat rin ako na nando’n si Tita, pero dapat lang na nando’n siya dahil wala namang ibang mag-aalaga kay Ali kasi wala naman rin siyang ibang kaibigan o girlfriend man lang. Hindi rin naman ako, dahil ayokong mag-alaga sa masungit na ‘yon. Tiningnan ko ang oras at may kinse-minutos pa naman bago magsimula ang lahat. Nagtataka rin ako

  • The Mafia and Citizens   + IKAWALO + (8.1)

    ¶ The Mafia and Citizens ¶VIII. IKAWALO (8.1)Hope Bautista’s PoVHalos magmadali ako sa pagtapos ng mga assignments na ginawa ko dahil dadaan pa ako ng presinto bago ako dumiretso ng school para ibigay ang ginawa kong assignments sa mga seniors na nagpagawa sa akin. Wala kaming pasok ngayon, pero ngayon ang araw na mag-uumpisa kaming mag-practice gaya nang napag-usapan at ngayon rin namin mismo sisimulan ang game. Inilagay ko naman ang mga gamit ko sa bag ko bago ako nagpaalam sa kapatid ko na kasalukuyang maliligo pa lang.“Aalis na ako, Ervin ha. Mamaya pa akong alas-kwatro ng umaga makakauwi, ikaw ng bahala dito sa bahay. Laging magsara ng pintuan, at kapag pupunta ‘yong mga kaibigan mo siguraduhing sasabihin mo muna sa akin, mahabang paalala ko rito. “Oo, Ate. Alam ko na po ‘yon, mag=iingat ka ha, maliligo na rin ako,” tugon naman nito saka dumiretso na sa banyo. Umalis naman na ako sa bahay at agad kong tinawag ang tricycle na saktong dumaan sa harapan ko. Tiningnan ko ang o

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status