¶ The Mafia and Citizens ¶X. IKASAMPU Josie Ocampo’s PoVMalayang bumabagsak ang mga tubig mula sa katawan ko habang nakatayo ako at kasama na roon ang sobrang daming iniisip lalo na ang mga nangyari kanina. Hindi ko rin naman ginusto na matalo ‘non si Morgan, at hindi ko rin inaasahan na kaming dalawa ang matitira sa game. Sa pinaka-loob ko, gusto ko siyang samahan para alam kong ligtas siya at walang mangyayari sa kaniya pero kung gagawin ko ‘yon baka isipin niyang pinapatawad ko na siya. Masakit pa rin sa akin ang ginawa niyang pagpatay sa nakababata kong kapatid na si Mesie, kaya malabong mapatawad ko siya agad. Sa kadahilanang, hindi naman siya ang nagdurusa ng ilang taon ngunit ako na wala ng halos na pamilya ngayon. Lumabas na ako ng banyo nang matapos akong magbabad sa tubig, halos magda-dalawang oras rin ang ginugol ko sa loob sa sobrang daming iniisip. Kasama na rin doon na aalis na ako dito sa bahay nila Sean kahit na nakaka-dalawang araw pa lang ako, hindi ko talaga ma
¶ The Mafia and Citizens ¶X. IKASAMPU (10.1)Josie Ocampo’s PoVKasalukuyang nasa hapag-kainan ako ngayon kasama ang pamilya ni Valerie maliban sa Papa niya na maaga lagi ang pasok kaya madalas ay hindi na naabutan pa ni Valerie sa umaga. Hindi ko maiwasan na makaramdam ng hiya after ng mga nangyari, buong akala ng Mama ni Valerie ay nasira ang pagkakaibigan namin nito sa kadahiilanang halos dalawang araw rin akong hindi dumaan sa kanila.“Bakit ang aga niyo pa rin gumising ngayon, anak? Wala naman kayong pasok diba? Linggo ngayon,” ani ni Aling Marites. “Mayroon kaming practice, Ma. Kaya nga late na po ako nakauwi kagabi,” sagot naman ni Valerie habang nanguya ng kinakain niya. “Gano’n ba? Kailan lang ‘tong dumating si Josie? Hindi mo naman siya kagabi na umuwi,” tanong muli nito. “Tulog na po kayo kagabi ‘non kaya hindi niyo siya naabutan,” muling tugon ni Valerie. Hindi ko naman magawang umimik sa usapan nila dahil wala naman rin akong balak magsalita. Lalo na’t sobrang nagtat
¶ The Mafia and Citizens ¶+ PROLOGUE +YEAR 2015 (FRESHMAN STUDENTS)Josie and Valerie is on the way to their school. Makikita mo ang pagka-excite sa mga mukha nila, dahil lalaruin na nila ang game na nalaman nila through social media."Mukhang magugustuhan nila ang game," biglang sambit ni Valerie habang naglalakad sila sa may corridor."I'm sure about that. Sa lahat ng inaya natin, iisa lang naman ang sinasabi at ekspresyon nila," nakangising tugon ni Josie."Ang angas, pero nakakatakot ito," sabay nilang saad.Nagkatinginan naman ang dalawa saka sila
¶ The Mafia and Citizens ¶I. IKAUNAValerie Reyes PoVNaghahanda ako ng sarili ko dahil papasok na ako sa school. Maaga ang pasok ko dahil nasa last year na ako ng senior high school.Napatigil ako sa pagbubutones ng uniporme ko nang marinig ko ang vibration ng phone ko sa mesa. Kinuha ko naman ito at hindi na ako nagtataka na ang kaibigan ko ang natawag sa akin na si Josie."Nasaan ka na? Nandito na ako sa tapat ng bahay niyo," ani ni Josie sa kabilang linya."Ito na, malapit na. Hintayin mo na lang ako diyan," tugon ko sa kaniya. Ako naman na ang kusang bumaba ng linya.
¶ The Mafia and Citizens ¶ II. IKALAWA Josie Ocampo's PoV Alam kong lubusan pa ring nagtataka si Valerie sa sinabi ko kanina lang no’ng magkasama kami. Ang alam niya kasi, ayaw na ayaw ko na muling laruin ang larong ‘yon. Sa kadahilanang, may napapahamak na tao kapag nilaro namin ito at nasa game ang mapapahamak. Pero hindi siya naniniwala kasi hindi naman kami napahamak kahit na nasa loob kami ng game. Ngunit, iba pa rin ang pakiramdam ko sa nagawa ng krimen. Alam kong may plano siya kaya hindi niya muna kami ginalaw o pinatay ni Valerie no’ng mga oras na ‘yon. Even Morgan na isa pala sa nakasama ni Valerie sa laro. Alam kong limang taon na ang nakalipas ng paslangin niya ang mga kaklase kong
¶ The Mafia and Citizens ¶ II. IKALAWA (2.1) Josie Ocampo's PoV "Josie, right?" pagsisigurado niya. Tumango naman ako bilang sagot, “Anong kailangan mo?” walang gana kong tanong rito. Hindi makapaniwala ang mukha nito. "Seriously?! You didn’t know me?" “Hindi eh, hindi rin naman kailangan na kilala kita.” Nakita ko naman ang malaking pagngisi niya sa sinabi ko patungkol sa kanya. “Oh... kakaiba,” komento niya.
¶ The Mafia and Citizens ¶ III. IKATLO Ali Rivera's PoV Halos magi-isang oras na rin nang makaalis si Josie. At mabuti na lang na umalis na siya dahil naiirita ako sa presensya niya. Alam naming dalawa na ayaw namin sa isa’t isa, kaya kahit simpleng pansinan hindi namin magawa. Hindi ko rin naman matanggap na pinsan ko siya, kaya nga gano’n ko na lang siya binalaan na ‘wag sasabihin kung ano ang koneksyon naming dalawa. Sigurado rin ako kanina na wala talaga siyang balak na tulungan ako kung hindi ko pa siya bibigyan ng kondisyon. Gumawa pa siya ng dahilan niya na takot siya sa dugo, ako pa ang niloko niya. Hindi naman talaga siya mabait, sa harapan lang ng mga magulang ko lalo na kay Mama. Kasi sigurado ako kapag ipinakita niya ang totoong kulay niya wala na siyang
¶ The Mafia and Citizens ¶ III. IKATLO (3.1) Ali Rivera’s PoV It's so dark, cold, the room is stinky and full of trash. I don’t have any idea where I am right now. The only thing that I remembered is I was just waiting for my Mom to fetch me, and suddenly a lady kidnapped me. And of course, she brought me here. I feel so lonely and scared. I miss my Mom and Dad already, I am really sure that they are worrying about me. Kinuha ko ang school bag ko na nasa gilid at halatang basta itinapon na lang ito nang pinasok ako dito sa kwartong ‘to. Kinuha ko ang dala kong tumbler na nasa school bag ko dahil sobra ng nanunuyo ang lalamunan ko. Hindi ko rin alam kung ilang oras na ako nandirito sa kwartong ‘to.