Share

+ IKATLO +

¶ The Mafia and Citizens ¶

III. IKATLO

Ali Rivera's PoV

Halos magi-isang oras na rin nang makaalis si Josie. At mabuti na lang na umalis na siya dahil naiirita ako sa presensya niya. Alam naming dalawa na ayaw namin sa isa’t isa, kaya kahit simpleng pansinan hindi namin magawa. Hindi ko rin naman matanggap na pinsan ko siya, kaya nga gano’n ko na lang siya binalaan na ‘wag sasabihin kung ano ang koneksyon naming dalawa. 

Sigurado rin ako kanina na wala talaga siyang balak na tulungan ako kung hindi ko pa siya bibigyan ng kondisyon. Gumawa pa siya ng dahilan niya na takot siya sa dugo, ako pa ang niloko niya. Hindi naman talaga siya mabait, sa harapan lang ng mga magulang ko lalo na kay Mama. Kasi sigurado ako kapag ipinakita niya ang totoong kulay niya wala na siyang matutuluyan pa. 

Kung hindi rin naman dahil kay Mama, hindi siya makakapag-aral ngayon. Dahil mismong pamilya niya, inayawan siya. Sa pagiging baliw niya, na mismo kapatid niya ay pinatay niya. Kaya hindi na rin ako magtataka na magagawa niya rin sa akin ang ginawa niya sa kapatid niya na si Mesie. 

At hinihintay ko ang araw na ‘yon.

At sa sinabi ni Josie kanina na uuwi si Mama dahil sa kalagayan ko ngayon, hindi talaga ako naniniwala sa sinabi niya. I’m sure na mas mahalaga pa ‘yong business nila kuno kaysa sa anak nila na nasaksak lang ng hindi kilalang tao na abnormal ang isip. 

Agad hinanap ng mga mata ko nang maramdaman ko ang pag-vibrate ng phone ko. Binuksan ko naman ito agad pagkahawak na pagkahawak at galing ito sa unknown number. 

From: Unknown Number

How are you, sweetie? Still hurt? 

12:02 AM

Hindi naman na ako nagtataka kung sino ito, malamang siya ang abnormal na nakatapat ko kanina. Ang ipinagtatataka ko lang, paano niya nakuha ang number ko. 

Dahan-dahan lang naman ako nag-type ng reply ko sa kanya dahil ramdam ko pa rin naman ang sakit ng saksak na natamo ko. 

To: Unknown Number

How did you get my number? 

12:04 AM

Inayos ko ang pwesto ko dahil mas naramdam ko ang pagkirot ng sugat ko. Hindi ko pa mainom ang gamot na binili sa ‘kin ni Josie dahil hindi pa ako nakain. 

Napatigil naman ako sa pag-aayos ng pwesto nang makita kong nag-flash ang number niya sa cellphone ko. Bigla akong napalunok at tila nawala ang lakas ko sa mga gusto kong sabihin sa kanya. 

Nanginginig pa ang mga kamay ko habang inaabot ang cellphone ko. I deeply sighed as I answer the phone call that comes from a psycho. 

“Hello…” malalim na boses na bungad ko.

“Woah! Seems like you are very well,” sarkastikong saad nito. 

“How did you get my number?’ I said directly to my point. 

“Hmm, okay. story telling tayo,” Nakikipaglaro ang tono ng boses niya. 

“Matagal ko ng alam ang bahay mo, since matagal na kitang sinusundan.” Napamura naman ako sa isip ko nang marinig ko ‘yon. 

“Nalaman ko rin na magpinsan pala kayong dalawa ni Josie,” dugtong nito na may kasamang paghalakhak. 

“The fuck…” mahinang sambit ko ngunit sapat na upang marinig niya. 

Narinig ko ang pagtawa nito sa kabilang linya ngunit naroon pa rin ang kuryosidad ko dahil hindi ko pa rin matukoy ang kasarian niya. 

“Sadyang gusto ko lang ng thrill at inabangan ko ‘yong rider na may dala ng order mo, kaya ayon.” 

“Simpleng saksak lang naman ang nakuha niya,” dagdag niya. Saka ito tumawa ng tumawa.

Sa pagtawa niyang ‘yon, naawa ako sa dinamay niyang tao na wala namang kaalam-alam sa nangyayari. 

“After ‘non, ako na mismo nagdala ng order mo sa inyo. Hindi ko nga lang naibigay,” natatawa niya na namang saad. 

“Asshole!” mariin kong sambit. 

Bigla naman itong tumigil sa pagtawa at parang nagbago ang mood nito dahil sa sinabi ko. Hindi ko naman alam kung matutuwa o matatakot ako dahil nagalit ko siya. 

“Baka nakakalimutan mo na hindi mo sinunod ang gusto ko,” malalim niyang tonong sambit. 

Napalunok naman ako nang maalala ko ang utos niya sa akin kanina. Naibaba ko naman ang cellphone na nasa tapat ng tainga ko nang makita ko na kamay na nasa bintana ng kwarto ko habang bitbit ang isang kutsilyo. Napalunok akong muli nang mapagtanto kong siya ang nasa labas ng kwarto ko ngayon. 

The heck!? Paano siya nakapasok sa Hospital!?

Tumingin ako sa orasan at magaala-una na ng umaga at wala pa rin si Josie. Hindi rin ako sigurado kung makararating pa ‘yon dahil ang hindi ko alam ay baka inunahan pala siya nitong abnormal na ‘to. 

“Parang gusto ko ulit iparamdam sa’yo ang hawak ko ngayon,” dagdag niya pa. 

“Ano ba talagang kailangan mo sa 'kin!? Huwag mo akong idadaan sa pananakot mong ganyan!” Naiinis na saad ko rito habang nakatingin ang mga mata ko sa bintana ng kwarto ko. 

Hindi ako makakalaban dahil sa kalagayan ko. Kahit nga na maayos ang kalagayan ko kanina wala naman akong nagawa dahil masyado siyang baliw.

“Tell Josie, that you all must play the game again!” mariin niyang saad at siya na ang kusang pumatay ng linya. 

Nawala naman ang kamay na nakikita ko kanina, ngunit nararamdaman ko pa rin ang bigat ng pakiramdam ko. 

Napasigaw ako sa kaba nang biglang bumukas ang pintuan ng kwarto at iniluwa nito si Josie na tanging nakasuot lang ng earphone. Taka namang tumingin sa akin si Josie. Inilapag niya naman ang mga dala niya saka agad na lumapit sa akin. 

“Anong problema mo, ha?” Napalunok ako at hindi ko malaman kung sasabihin ko sa kanya pero kailangan kong sabihin dahil may koneksyon siya mismo sa abnormal na ‘yon. 

“Nasa tapat siya ng kwarto ko kanina,” nakapikit kong sambit. Nakita ko ang pagsasalubong ng dalawang kilay nito. 

“Who!? Crimson!?” nanlilisik na mata na tanong niya sa akin. Ako naman ang nagtaka sa sinabi niya. 

“What?” naguguluhang tugon ko. 

“Yeah, that psycho has a name. And it's Crimson,” mariin nitong sambit.

Sakto nga na nag-vibrate ang phone at galing sa kanya ang message.

From: Unknown Number

Btw, I’m Crimson.

12:52 AM

Napangisi ako ng mapakla sa message niya. Pakiramdam ko narito pa siya at nakikinig sa ‘min. 

“So, what happened?” tanong ni Josie. 

I deeply sighed as I started to talk. 

“When you were gone, I got a text from Crimson…” 

“Kinamusta niya na ako na parang walang nangyari, tinanong ko siya kung paano niya nakuha ang number ko.” dugtong ko. Nakatingin lang naman sa akin si Josie at nakikinig ng mabuti. 

“Doon niya ako tinawagan, hindi ko nga alam kung sasagutin ko kanina pero sinagot ko rin dahil gusto ko malaman,” mabigat na pagpapatuloy ko.

“Nalaman ko na, matagal niya na akong sinusundan at alam niya ang koneksyon nating dalawa.”

“Inabangan niya rin ‘yong rider na may hawak ng order ko saka niya ito pinatay para matawagan ako at siya ang kumuha ng order ko,” dagdag ko. 

Narinig ko ang malutong na mura ni Josie at kung paano nagkuyom ang mga kamao nito. Napalunok ako doon dahil naalala ko ang ginawa niyang pagpatay sa kapatid niya. 

“At no’ng nasa tapat siya ng kwarto ko, kita ko ‘yong kamay niya na may hawak na kutsilyo. Balak niya pa atang sundan ang ginawa niya sa ‘kin kasi nga hindi ko sinunod ang gusto niya. At ayon ang sinasabi ko sa ’yo kanina pa,” mapakla kong pagpapatuloy. 

“So, kasalanan ko pa bakit ka niya binalikan dito?” Hindi makapaniwala ang mukha niya na nakatingin sa akin. 

“Magiging kasalanan mo talaga kung ginalaw niya pa ako ngayon,” nakangisi kong tugon. 

“Ang galing mo talaga eh, no. Wala pa nga akong naririnig na pasasalamat mula sa ’yo at ako pa ‘tong sinisisi mo!” inis niyang saad. Lumalakas na rin ang boses nito. 

“Bakit? Deserve mo namang sisihin ah? Alam kong kilala mo siya at ikaw lang ‘tong nagmamaaang-maangan!” malakas na sigaw na tugon ko rin sa kanya. 

“Anong pinagsasabi mo? Wala akong alam tungkol sa kaniya!” pagdedepensa nito. 

“Sino bang aamin na maging siya?” mapaklang sambit ko. 

“Ako ba talaga ang sinusubukan mo?” hamon nito sa akin. Nakita ko na ang hitsura niya na nagtitimpi na siya sa akin. 

“Oo nang makita ko ngayon ang kademonyohan mo!” sigaw ko sa mismong mukha niya.

Nanlaki ang dalawang mata ko sa biglang paghawak niya sa leeg ko at nakita ko sa mga mata ni Josie ang matinding galit at tumatagos ‘yon sa paano niya hawakan ang leeg ko. 

Ngunit hindi ako nagpasindak sa kanya. Malaking ngisi ang ipinakita ko sa kanya kahit na medyo hirap na ako sa paghinga.

“A-ano, gagawin m-mo rin s-sa akin ang g-ginawa mo sa k-kapatid mo h-ha?” malaking ngisi kong saad. 

“Hindi ako ang pumatay sa kanya.” Natawa ako sa sinabi niya. 

“S-sino ba n-namang aamin sa isang k-krimen?” natatawa kong sambit. Ngunit ramdam ko na ang pagkapos ng hininga ko. 

Ramdam ko naman ang pagdiin ng paghawak niya sa leeg ko. 

“Anong sinabi niya sa ’yo kanina?” seryoso niyang tanong habang nakatingin sa mga mata ko. 

“S-sabihin ko r-raw sa’yo na l-laruin mo ulit a-ang game,” sambit ko. At naramdaman ko ang unti-unting pagluwag ng kamay niya sa leeg ko. 

Nang tuluyan niya na akong mabitawan tanging pag-ubo ang ginawa ko at pagkuha muli ng hangin sa paligid ko. 

“Balak mo pa ulit talagang gumawa ng krimen sa buhay mo, no?” saad ko nang makakuha na ako ng sapat na hangin. 

Tumingin siya sa akin at hindi ko na nakikita sa mukha niya ang kanina niyang ekspresyon na nanlilisik sa galit. Kalmado na ang mukha nito at tila nagsisisi sa ginawa. 

“Sinasabi ko sayo, wala akong kinalaman sa pagpatay sa kapatid ko. Pero sa ipinapakita mo sa akin, baka hindi ko matiis na sunggaban ka na,” mariin niyang saad. 

I just gave her a glare saka ko kinuha ang cellphone ko na naupuan ko na pala. To be honest, nakakaramdam ako ng kakaiba sa presensya ngayon ni Josie. Tila ba na kaya niya talaga akong mawala mismo sa araw na ‘to. At heto ako, mas lalo ko pa siyang iniinis. 

Nakaupo ito sa may malaking sofa na nasa gilid habang nakahiga ang ulo nito sa sandalan at nakapikit ang mga mata nito. Hindi ko alam kung natutulog na ba siya o napikit lang. 

“Did you remember the game that we played last 6 years ago?” biglang tanong nito. 

Binawi ko naman ang tingin ko sa kaniya habang siya ay naroon pa rin sa pwesto niya. Naramdaman niya ata na nakatingin ko. 

Inisip ko naman ang sinabi niya sa akin. Saka ko nga natandaan ang nilalaro nila na kahit kailan ay hindi ako sumali sa kanila. Bukod sa ayaw ko siyang kasama pati na rin ang kaibigan niya, wala naman sa isip ko na maglaro ng boring na game na ‘yon. 

At mabuti na nga lang ay hindi ako sumali ‘non. Napansin ko kasi na lahat ng mga kaklase ko na involve sa laro ay namatay maliban kay Josie at sa kaibigan niyang si Valerie kung saan sila ang nag-umpisa ng laro. 

“Oo,” simpleng sagot ko sa kaniya. 

Nakita ko sa peripheral view ko ang pag-ayos niya ng upo habang naka-krus ang dalawang braso nito sa dibdib at tumingin sa akin. 

“Ayon ang tinutukoy ni Crimson na laruin ko muli,” seryosong tugon nito sa akin. 

“Bakit? Ano bang kinalaman niya do’n? Siya ba ang headmaster no’n o mismong gumawa?” natatawa kong saad. 

She deeply sighed like a stressed mother.

“I really have no clue. One thing I know, Crimson wants us to play the game again.” she answered while looking at me. I raised my brows to her. 

“Us!? Who are the participants?” She shrugged her shoulders.

“Maybe the members that Valerie recruited,” she replied. I smirked.

“So, I’m not playing it. I didn’t even join your group, and i don’t know that fucking game of yours!” nakangising bulyaw ko sa kanya. 

Tumayo naman ito sa kinauupuan niya at saka malaking ngumisi palapit sa akin. 

“But Crimson is disturbing you, it means that you have no choice but to play with us...” 

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status