Share

+ IKALAWA +

¶ The Mafia and Citizens ¶

II. IKALAWA

Josie Ocampo's PoV

Alam kong lubusan pa ring nagtataka si Valerie sa sinabi ko kanina lang no’ng magkasama kami. Ang alam niya kasi, ayaw na ayaw ko na muling laruin ang larong ‘yon. Sa kadahilanang, may napapahamak na tao kapag nilaro namin ito at nasa game ang mapapahamak. Pero hindi siya naniniwala kasi hindi naman kami napahamak kahit na nasa loob kami ng game. 

Ngunit, iba pa rin ang pakiramdam ko sa nagawa ng krimen. Alam kong may plano siya kaya hindi niya muna kami ginalaw o pinatay ni Valerie no’ng mga oras na ‘yon. Even Morgan na isa pala sa nakasama ni Valerie sa laro. 

Alam kong limang taon na ang nakalipas ng paslangin niya ang mga kaklase kong kasama sa game. At sa matagal na panahon na ‘yon walang nakuha ang mga pulis dito. Gusto ko man magsalita sa mga oras na ‘yon, panigurado na pagtatawanan lang ako ng mga kapulisan. 

Dahil aminin na natin, sarado ang mga utak nila sa mga opinyon o karanasan ng mga bata. Hindi sila naniniwala sa mga bata. Mga utak pugo!

At sa nararamdaman ko ngayon nagmamasid pa rin siya at inaalam niya kung lalaruin pa ba namin ito o hindi. At simula nang makita kong muli si Morgan, bigla ko na lang rin naisip ang game na ‘yon at sumagi sa isip ko kung muli ko itong ibabalik at lalaruin. Ngunit naghintay ako ng sign no’n, at ang usapan nga namin iyon ni Morgan ang nagsilbing sign sa akin.

Tila may pakiramdam rin ako na doon siya lalabas kapag muli namin itong lalaruin. At isa pang nararamdaman ko na nais niya talagang laruin muli namin ang game sa hindi ko malaman na dahilan.

Hindi lang dahil gusto niya pumatay muli, alam kong may iba pang rason na dapat kong malaman habang wala pa siyang pinapatay. Gusto ko lang na mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng mga dati kong kaklase. Pakiramdam ko kasi, kasalanan ko ang lahat.

Muli ko na namang naabutan ang pinsan ko na nakaupo sa sofa at nanonood ng series sa N*****x. Lumingon lang siya saglit at muling binalik ang paningin niya sa television na nasa harap niya. Hindi ko na lang siya pinansin at nagpatuloy sa paglalakad papasok sa loob.

"Kumain ka na lang diyan, may hapunan na sa mesa. Tapos na ako kumain," sambit niya na ikinagulat ko ng kaunti.

Hindi ko naman na s’ya sinagot. Saka ako umakyat papunta sa kwarto ko.

Nasa province 'yong mga magulang ko. Samantalang nasa business ang mga magulang ng pinsan kong ito. Dito muna ako pinatira ng mga magulang ko, sa bahay ni Tita na kapatid ni Mama since before ako maging Freshman student. Kaya halos limang taon rin kaming magkasama ng pinsan kong 'to, pero hindi kami close. As in. Halata naman diba. 

Matapos magbihis, bumaba ako agad para kumain. Ngunit nagtaka naman ako dahil hindi ko naabutan sa sala ang pinsan ko na nanonood. Pero, nakabukas pa rin 'yong television at nakahinto naman ito. 

Lumapit naman ako sa pwesto ng pinsan ko kanina sa may sofa. Nahagip naman ng dalawang mata ko ang phone niyang nakailaw pa rin at saktong nasa message pa rin ito. Kinuha ko naman kaagad ang phone niya at binasa ang naroon sa message. 

Unknown number na mukhang sa rider galing at pinick-up lang niya ang order niya. Nang makita ko na ay ibinalik ko na ito sa dating pwesto dahil alam kong sasabog ‘yon kapag nalaman niyang ginalaw ko ang gamit niya. 

Papunta na sana ako sa kusina para kumain nang marinig ko ang malakas na sigaw ng pinsan ko na si Ali at nanggagaling ito sa labas ng bahay. Dali-dali naman akong tumakbo palabas at naabutan ko itong kasalukuyang nanghihina na nakasandal sa kotse niya na naka-park pa sa tapat ng bahay. 

Nanlaki ang dalawang mata ko nang makita ko na sobra ang pagdurugo ng braso niya kahit nakatapal na ang kaliwang kamay niya. 

“The heck, Josie!? Alam kong hindi tayo magkasundo, pero takte kumilos ka naman at ‘wag mo lang ako lakihan ng mata diyan!” inis na sigaw niya sa akin.

Kahit kailan talaga, gusto niya talaga na matapang pa rin siya kahit siya 'naman ang may kailangan ng tulong. 

"Hindi kita matutulungan, takot ako sa dugo!" sigaw ko pabalik sa kaniya at nanatiling nakatingin lang sa mga tumutulong dugo sa paahan niya.  

"Bilisan mo na Josie,” pagmamakaawa niya. Ramdam ko ang sakit na nararamdaman niya base sa hitsura na nakikita ko sa kanya. 

“Tak

“Bibilhan kita ng kumpletong libro, cd’s at poster ng Harry Potter!” malakas niyang sigaw na ikinatigil ko. 

Tila nagalak ako sa sinabi niya kaya inalis ko agad sa isip ko ang takot ko sa dugo. Nang makalapit ako sa kanya, agad ko siyang inalalayan papasok sa bahay at inupo siya sa sofa na kanina niyang inupuuan. 

Kahit maganda ang binigay na kondisyon ni Ali ay hindi maiwasan ng mga kamay ko na manginig dahil sa nakikita kong malakas na pagtagas ng dugo sa kanang braso ni Ali.

"Ano ba!? Bakit nakatulala ka lang diyan!? Tulungan mo na ako dito, bilis! Yung first aid kit nasa kwarto nila Mama!" sigaw niya na naman muli sa akin. 

Napabalikwas naman ako sa sigaw niyang 'yon. Patakbo naman akong pumunta sa kwarto nila Tita para kuhain ang first aid kit na sinasabi niya. Dumiretso naman ako sa drawer na katabi ng kama nila. Binuksan ko naman ito agad at nang makita ko ito ay agad ko itong kinuha. 

Bigla namang nagawi ang tingin ko sa labas ng bahay sa may bintana nila Tita dahil tila may nararamdaman akong nakatingin sa akin. At tama nga ang pakiramdam ko, nakatayo lang ito sa labas at hindi ko mawari ang kasarian niya. Sapagkat puro itim ang suot nito at hindi man lang nakikita ang mukha niya. 

Malakas ang pakiramdam ko na siya ang gumawa no’n kay Ali. At siya rin ang pumaslang kay Xavier at sa iba kong pang mga kaklase. Tila nawalan ako ng lakas at kinain ko sa loob ko ang mga sinabi ko kanina lang. 

Napalunok ako nang malalim at hindi ko inalis ang dalawang mata ko sa pagtitig sa taong iyon. Ganoon rin ito sa akin, ramdam ko kung paano tumagos sa akin ang maririin niyang titig na tunay na nakakapagpataas ng mga balahibo ko sa katawan. 

Narinig ko naman ang malakas na sigaw ng pinsan ko sa baba dahil sa nakabukas na pintuan ng kwarto nila Tita. 

Hindi ko na sana ito papansinin, ngunit napatigil ako nang ipinakita niya sa akin ang isang matalas na kutsilyo na may mga dugo at iwinagayway ito na parang nang-aasar at tila sinasabi niya na ito ang ginamit niyang panaksak sa braso ni Ali. Saka niya dinilaan ang dugo na nasa mismong kutsilyo na tila laruan lang ang hawak nito. 

Natauhan naman ako sa ginawa niyang ‘yon kaya dali-dali akong bumaba para puntahan si Ali. Sinarado ko lahat ang mga pintuan at bintana bago ko tapatin muli si Ali. 

“A-anong nangyayari s-sa’yo?” nagtatakang tanong ni Ali at halata sa boses niya na nagtitiis sa sakit. 

“Siya ba ‘yon? N-na halos puro itim ang suot?” tanong ko rito habang hindi mapakali ang mga mata ko na tumitingin sa labas. 

Nagsalubong ang dalawang kilay nito. "G-gamutin mo muna ako!" malakas na sigaw niya.

Sumigaw ako pabalik sa kanya, “Hindi ko naman kayang gamutin niyan! Dadalhin na lang kita sa Hospital!” 

Kapag talaga kami ang nag-uusap hindi pwedeng walang sisigaw sa aming dalawa.

“Argh!” impit nito.

“H-hindi pwede, p-papatayin niya tayo,”  dugtong nito.

"Sinong niya?" takang tanong ko.

"Pwede ba Josie!? Mamaya ka na magtanong? Mauubusan na ako ng dugo!”  malakas niyang sigaw sa akin. 

“Pwede mo naman akong sagutin Ali kung gusto mong tulungan kita!” Nakita ko naman ang malalim niyang paghinga.

“Oo, siya ‘yong sumaksak sa ’kin na puro itim ang suot pero hindi mo malaman ang kasarian niya,” kalmado niyang tugon.

Hindi ko naman na siya sinagot pagkatapos no’n. Kinuha ko ang makapal na tela na nasa first aid kit saka ako malalim na huminga habang nakatingin sa malaking hiwa na nasa kanang braso ni Ali.  

Kaya mo 'to Josie, it's just blood. Meron ka rin nito. 

Nang matapos kong palakasin ang loob ko. Tila hindi pa rin maiwasan ng mga kamay ko na manginig habang iniikot ko ang tela sa kanang braso niya para matigil kahit papaano ang pagdurugo nito. 

Nakahinga ako nang maluwag matapos kong gawin iyon. 

"Natigil ko na kahit papaano ang pagdurugo, pumunta na tayo ng hospital." Masamang tingin ang ibinigay niya sa akin. 

"Hindi pwede." Napahawak naman ako sa sentido ko dahil sa sinabi niya. 

"Anong hindi pwede? Sabihin mo nga," kalmado kong saad. 

"Wala siyang sinabi kung bakit, ang sabi niya lang ‘wag ko raw subukan na pumunta sa hospital dahil mas pupuruhan niya ako," kwento nito.  

Napapikit ako nang mariin kasabay ang malalim na paghinga dahil sa mga nakakatangang sagot nitong pinsan ko. Kapag hindi ko siya dinala sa hospital, hindi magagamot ang sugat niya. Hindi pwedeng nakatali lang habang-buhay ‘yong sugat niya. 

Napakaduwag ng gumawa nito sa kanya, hindi marunong lumaban ng harapan. Ano pa bang aasahan ko? Masyado siyang pa-mysterious pumatay, lalo na sa mga kaklase ko noon. 

Tumingin naman ako sa kaniya at kasalukuyang nakatagilid ang mukha nito at dinarama ang sakit. 

"Pupunta tayong hospital!” buong desisyong saad ko sa harapan niya.

"Hindi nga pwede Josie," sagot niya at nanatiling nakaupo. 

"Mananahimik ka o hahayaan na lang kita diyan?” kondisyon ko sa kanya. 

Hindi naman siya nakasagot kaya kinuha ko ang tiyempo para patayuin siya. Inalalayan ko naman ang likuran niya habang nakahawak ang kaliwang kamay niya sa kanang braso niya na may tela. Wala naman siyang nagawa dahil tuluyan ko na siyang naalalayan.

"Bilisan mo nga!" asik ko sa kanya. 

“Hindi porke kailangan ko ng tulong mo ngayon, gaganyanin mo na ako. Nakikita mong hirap ako eh, pabibilisan mo pa!” reklamo niya. 

Hindi ko na siya sinagot pero para mapabilis marahan ko siyang tinutulak upang lumaki ang mga hakbang niya. 

Nang makalabas kami, nagmasid muna ako sa paligid kung naroon pa siya. Pero wala naman akong nakita na bakas niya. O baka sakaling nakatingin siya sa amin at hindi namin ‘yon nakikita. Wala akong pakialam kung hindi man nasunod ni Ali ang gusto niya basta magamot lang siya dahil ayoko na namang masisi ako.

Inalalayan ko muna siyang pasakayin sa passenger seat saka ako umikot papunta sa driver seat. Pagkapasok ko ay ini-start ko agad ang engine at lumisan agad sa bahay. 

Mabilis naman kaming nakarating sa hospital at sinalubong agad siya ng nga nurses at tinanong ako kung ano ang nangyari. Sinabi ko naman ang totoo, sinaksak siya ng taong hindi namin kilala. 

Nakaupo lang ako sa mga upuan na nasa tapat kung nasaan na room ang pinsan kong si Ali.  Tiningnan ko ang oras at maga-alas dies na rin ng gabi. Inaantok na ako at papikit na rin ng mga mata ko. Buti na lang at walang assignments na pinagawa ngayon kaya hindi ako masyadong mamomoblema.

"Hey, Josie." 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status