Share

CHAPTER 1

“SIMULA  NGAYON, Sophia na ang magiging pangalan mo!” sabi ni Rigor sa babae,  napangiti siya nang hindi ito makapaniwala sa bagong anyo na ibinigay niya habang tinititigan nito ang mukha sa salamin  Sino ang mag-aakalang isang retokada ang babaeng kaharap niya ngayon?  Totoo nga ang sabi ng lahat ng kanyang mga nagging pasyente, isa siya sa pinakamagaling na plastic surgeon hindi lamang ditto sa Pilipinas kundi maging sa buong mundo.  Hindi nga ba at kalimitan sa kanyang mga nagging clients ay mga foreigner?  Minsan na rin siyang na-feature sa isang sikat na magazine sa Amerika bilang isa sa pinakabata at pinakamagaling na dalubhasang plastic surgeon.

                “Sophia?” tanong nitong inilapag sa mesa ang hawak na salamin at tumingin sa kanya, “Bakit kailangan ko pang palitan ang pangalan ko?”

                “Tanga ka ba?  Ang alam ng asawa mo, patay ka na, di ba?”

                Napahinga ito ng malalim saka maya-maya ay narinig niyang kumulo ang tiyan nito.  “I guess, kailangan mo na kong pakainin, nagugutom na ko,” nakangiting sabi nito sa kanya, “Gusto ko ng masarap na masarap na pancit bihon, fried chicken, fried rice, relyenong bangus, adobo. . .”

                “Ikaw lang ang nakilala kong muntikan nang mapatay, ang takaw-takaw pa rin as if balewala lang saiyo ang lahat ng pinagdaanan mo!” Sabi niya rito.

                “Matakaw talaga ako kapag na-estress ako,” nakangusong sabi nito sa kanya saka iginala ang mga mata sa kanyang condo unit, “Mukha namang afford mong kumuha ng maid, bakit nagtitiyaga kang tumira dito sa unit mong mag-isa?” Usisa pa nito sa kanya.

                “Dahil ayokong may nakikialam sa mga gamit ko. Besides, kaya ko naman.  Sa Amerika ako nag-aral kaya natuto akong wag umasa sa iba.” Sagot niya rito.

                “Kaya pala ang sarap-sarap mong magluto,” anitong muling napaisip, “Kung magpapanggap akong asawa mo at ditto ako titira kasama mo, kailangan ko ng maid.  Wala akong alam sa gawaing bahay at. . .”

                “Baka nakalimutan mo na ang isa sa mga kondisyon ko na pinirmahan mo nuon?” Paalala niya rito.  “Isa sa mga kondisyon ko na lahat ng sasabihin ko, susundin mo, hindi ba?  At lahat ng ituturo ko saiyo, gagawin mo.  Isa sa ituturo ko saiyo ay kung paano magluto!”

                Napamaang ito sa kanya.

                Napangisi siya.  Kinuha niya ang bawang at sibuyas, “Panuorin mo kong maghiwa nito,” aniyang pinakitaan ito ng sample kung pano ang tamang paghihiwa ng sibuyas at bawang saka iniabot ang natirang mga bawang at sibuyas sa babae, “Oh, ikaw naman,” aniya ditto.

                Parang natatakot na sinubukan nitong hiwain ang mga iyon.  Rumolyo ang mga mata niya nang makitang ni hindi ito marunong humawak ng kutsilyo.

                “Kaya naman pala ipinagpalit ka sa iba ng asawa mo eh.”

                “Dahil lang hindi ako marunong magluto, ipagpapalit na niya ko sa ibang babae?” Nagdadamdam na tanong nito sa kanya.  Nakita niya ang sumuong na mga luha sa mga mata nito.

                “I’m sorry,” halos paanas lang na sabi niya rito saka inagaw na ditto ang hawak nitong kutsilyo, “Baka bukas pa tayo makakain kung hihintayin pa kitang matutong maghiwa ng mga ito,” nakaismid na sabi niya rito.

               

“WALA KA YATANG HINDI KAYANG GAWIN,” Ganadong-ganadong sabi ni Althea habang nilalantakan ang mga pagkaing niluto ni Rigor, “Eto na yata ang pinakamasarap na pancit na natikman ko,” muntik pa siyang mabulunan dahil punong-puno ang bibig niya habang nagsasalita.  Dali-dali siyang uminom ng tubig.  Ang lakas pa ng dighay niya pagkatapos.

                Naiiling na napatingin sa kanya si Rigor, “Pwede bang pag-aralaan mong kumain ng maayos? Bakit ka ba nagmamadali?  Saka san mo ba nilalagay iyang kinakain mo?” Hindi makapaniwalang sabi nito sa kanya.

                “Sagana kasi ako sa exercise.  Alam ko naman kasing di ako maganda kaya dinadaan ko na lang sa porma ng katawan ko.  Kaya siguro mabilis ang metabolism ko,” nakangiting kwento niya rito.

                “Kapag me kaharap kang ibang tao, hindi ka pwedeng ganyang kumilos.  Ibagay mo na sa ganda ng mukha mo ‘yang kilos mo, okay?” Babala nito sa kanya.

                Tumango na lamang siya saka muli itong tiningnan.  Napakaguwapo nito.  Kung guwapo na ang kanyang asawa ay di hamak namang mas guwapo ito ng ilang beses kay Griff.  Mistula itong hinulma sa isang greek god.

                Kaya nakapagtatakang single pa ang isang ganito kaguwapong lalaki.  Not unless, lalaki rin ang type nito.

                “H-Hindi ba magseselos ang girlfriend mo kung ditto ako titirang kasama mo?” Pasimpleng tanong niya rito.

                Biglang sumeryuso ang mukha nito.  Pakiramdam niya ay may nasaling siyang kung ano sa damdamin nito na ayaw nitong pag-usapan nila.

                Nagmamadali na itong tumayo at tila nawalan na ng ganang ituloy pa ang pagkain.

                “”Hey, na-offend ba kita? I’m sorry. . .”

                Parang walang narinig na pumasok ito sa kuwarto nito.  Napakibit balikat na lamang siya saka itunuloy na muli ang pagkain.  Matapos kumain ay inilagay lang niya sa sink ang kanilang mga pinagkainan saka nagtungo na sa kuwartong itinalaga sa kanya ni Rigor para magamit niya.

                Naghubad siya ng mga damit at binuksan ang shower saka itinapat duon ang kanyang sarili.  Napalingon siya sa malaking salamin sa kanyang likuran.  Hindi siya makapaniwala habang tinititigan ang kanyang reflection sa salamin.  Kung nuon ay hipon ang tawag sa kanya ng mga kaibigan niya dahil maganda lang daw ang kanyang katawan pero pangit naman ang mukha niya, ngayon ay masasabing perfect na ang kanyang buong pagkatao.  Magandang mukha at magandang katawan.  Muli ay naalala niya si Griff at si Britney.

                Paiibigin niya ang kanyang dating asawa.  At sisiguraduhin niyang pagbabayaran ng mga ito ang lahat ng kasalanang ginawa ng mga ito sa kanya.  Babawiin rin niya ang lahat ng kayamanang iniwan sa kanya ng kanyang mga magulang.  Hindi maaring makinabang si Griff sa mga iyon.  Wala itong karapatan.  Walang karapatan ang mga demonyong gaya ni Griff at ni Bitney na maging masaya.

                Napapikit siya nang muling maalala ang dalawa habang masayang nag-se-celebrate sa pagkawala niya.  Lintek lang talaga ang walang ganti.  Maya-maya ay nagitla pa siya nang marinig ang malakas na sigaw ni Rigor sa labas ng kanyang kuwarto.

                Mukhang galit na galit ang boses nito.

                Nagmamadali na siyang nagbanlaw.  Napasigaw pa siya nang paglabas ng banyo ay Makita ito sa loob ng kuwarto.  Ang iksi lang ng tuwalyang nakatapis sa katawan niya.  Lampas lang iyon ng kaunti sa kanyang puwitan.  Nag-init tuloy ang mukha niya lalo na nang makitang bahagya itong natigilan nang Makita ang ayos niya.  Napakapit tuloy siya ng mahigpit sa tuwalyang nakatakip sa maselang bahagi ng kanyang katawan para tiyaking secure ang pagkakatapis niya duon.  Nagpapanting ang mga tengang hinarap tiningnan niya ito ng masama.

                “Hindi ka ba makakapaghintay sa labas?” Yamot na sabi niya rito, “Hindi porket pamamahay mo ito ay basta-basta ka na lang papasok ditto sa kwarto ko?  Baka nakakalimutan mong babae ang kasama mo ditto sa bahay?” Sita niya rito.

                Wari namang nahimasmasan ito, muling nabalik sa pormal ang mukha nito,“Kung iniisip mong papatulan kita, nagkakamali ka!” Inis na sagot nito sa kanya, “Baka nakakalimutan mong alam ko ang itsura mo bago ka magkaron ng ganyan kagandang mukha!”

                Nasaktan siya sa binitiwan nitong mga salita.  Alam naman niyang pangit ang original niyang mukha pero kailangan pa ba nito iyong ipaglandakan sa kanya?

                “And since nandito ka sa pamamahay ko, matuto kang rumespeto sa mga patakaran ko!” Pormal ang tinig na sabi nito sa kanya,  “Matuto kang hugasan ang mga pinagkainan mo.  Simpleng bagay lang, kailangan ko pa bang ipaalala iyon saiyo? Kung gusto mong patuluyin kita ditto, dapat alam mong kalat mo, ligpit mo, malinaw ba?” Pagkasabi niyon ay nagmamadali na itong lumapit sa may pintuan saka muling lumingon nang may maalala pang sabihin, “And please, lock your door kung ayaw mong may pumapasok basta-basta ditto sa kwarto mo!” Mabilis na itong lumabas, parang dumagundong sa buong bahay ang alingawngaw ng pinto sa lakas ng pagkakabig nito.

NATATARANTANG BUMALIK sa kanyang kuwarto si Rigor.  Kaninang makita niya si Althea ay pansamantalang nakalimutan niyang si Althea ang kaharap niya.  Napakurap-kurap siya.  Bakit nga ba niya pinakinggan ang kahilingan ni Sophia?  Mukhang nagkamali siyang basta na lamang niya sinunod ang sinabi ng dalaga.

                “Rigor, just in case hindi ako maka-survive, pwede bang humanap ka ng babaeng papayag na maging replicate ko para kahit wala na ako, hindi mo pa rin makalimutan ang mga alaala ko?” Iyon ang hiling nito sa kanya habang naghihingalo ito nuon.

                Muli siyang napaiyak.”Sophia. . .” halos paanas lamang na banggit niya sa pangalan ng babae habang nakatingin sa larawan nitong nakapatong sa ibabaw ng kanyang mesa.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status