LOGINPinagtangkaang patayin ni Griff ang kanyang asawang si Althea upang masolo nito ang kompanya ng babae at makasama na nito ang childhood sweetheart nito na si Britney. Ngunit nang araw na itapon sa bangin ni Griff ang bangkay ni Althea ay sakto namang nagmamanman ang mafia boss na si Rigor at nasaksihan niya ang mga pangyayari. Sinagip ni Rigor si Althea at binigyan ng bagong mukha na kawangis sa mukha ng kanyang yumaong asawa na si Sophia. Subalit habang tumatagal ay may kakaiba na silang nararamdaman para sa isa't-isa. Akala ni Althea ay happy ending na ang kanyang love story sa piling ni Rigor. Hindi niya akalaing may darating palang kontrabida. Si Sophia, ang original na nagmamay-ari ng puso ni Rigor. At ang original na nagmamay-ari ng kanyang hiram na mukha. Talaga bang malas siya pagdating sa pag-ibig? At paano nangyaring nabuhay ang matagal ng patay?
View More"HEY Alejandro, nanaginip ka na naman ba ng gising? Mukhang malayo na naman ang lipad ng isip mo," saka lamang parang biglang natauhan si Alejanadro, tumabi sa kanya si Tamara, "Don't tell me binabalikan mo na naman lahat ng mga nakaraan natin?"Hinagod niya ang likuran nito, "Hindi lang ako makapaniwalang sa dami ng pinagdaanan natin, tayo rin sa huli," sagot niya sa babaeng ngayon ay asawa na niya. "Parang sa pelikula lang ang mga pinagdaanan natin. Kagaya rin ng mga pinagdaanan nina Rigor at Althea.""Ni Genis at Amanda," dagdag nito."Ni Sabina at Jeffrey," aniya."Bah, oo nga ano. Ang hirap palang mainlab sa isang Mafia. Kung hindi matibay ang loob mo, susuko kang talaga. Mabuti na lang hindi kita sinukuan, mahal na mahal kasi kita.""Mahirap magmahal ng isang Mafia pero tingnan mo naman kung gaano kami ka-loyal sa mga minamahal namin," pagmamalaki niya rito, "Kahit ang daming babaeng lumalapit sa amin, very faithful kami kung magmahal. One woman man.""Talaga ba?" dudang tano
KANINA pa paikot-ikot sa roof top si Tamara. Nalinis na niya ang lahat ng maari niyang malinis. Bored na bored na siya dahil mag-iisang lingo na siyang hindi umaalis duon. Hindi naman siya basta-basta nakakalabas ng bahay dahil natatakot siyang may makakitang mga tauhan ni Alejandro sa kanya. Ingat na ingat nga siyang makagawa ng ingay man lang. But damn, gustong-gusto na niyang sumigaw at gawin ang mga bagay na nakasanayan na niyang gawin sa loob ng hacienda. Natutukso na siyang bumaba. Bumuga siya ng malalim na hininga habang titig na titig sa hagdan. Hindi niya namamalayang unti-unti na pala siyang humahakbang paibaba. Ang unang palapag mula sa roof top ay ang dating library ng ama. Napakagat labi siya. Nagpalinga-linga muna siya bago pihitin ang door knob. Nagulat siya nang malamang na-convert na pala ni Alejandro ang library ng kanyang ama sa isang magarang kuwarto. Na-curious siya kaya isa-isa niyang binuksan ang mga cabinets duon. N
“THANK YOU YA,” nakangiting sabi ni Tamara matapos maubos ang isang mangkok ng champorado na dinala sa kanya ni Yaya Magda for breakfast. May kasama pa iyong sandwich na meryenda raw niya mamaya para di na ito mag-akyat manaog sa roof top. “Hindi pa ba umuuwi ang amo mo?” ayaw niyang ipahalata ang pag-aalala sa boses, “Three days na ah, san ba iyon naglalagi?” “Hindi ko rin alam,” kibit balikat na sagot nito, “Baka sa nobya,” kaswal na sabi pa nito sa kanya. Parang sinundot ng karayom ang puso niya nang maisip ang sinabi ng matanda. Pero kunwa’y balewala lamang ang narinig, “It’s about time na mag-asawa na sya. Matanda sya ng five years sakin, right? So he’s already thirthy years old. Seven years, two months and five days since nagkahiwalay kami at Imposible namang. . .” “Bilang na bilang mo ang araw na nagkahiwalay kayo, ha?” Tudyo ng matanda sa kanya. “Yaya,” naiinis na sabi niya, nahihiya siyang mabisto nito na bawat pagsikat at
BAKIT kung magsalita si Alejandro ay parang siya pa ang may malaking kasalanan? Panay ang patak ng kanyang mga luha habang naglalakad palayo. Hindi niya alam kung anong nangyari, kung bakit naging ganun na lang bigla ito sa kanya. Gusto pang baliktarin ang mga pangyayari? Alam ba nito kung anong hirap ang pinagdaanan niya nang pilitin siya ng Papa niya na magpakasal sa lalaking never naman niyang minahal at kahit na kailan ay hindi niya natutunang mahalin? Alam ba nito kung gaano kasakit sa kanya ang pakiramdam na parang nag-iisa lang siya at walang kakampi? Maski nga si Olga na inaakala niyang kaibigan niya, tinalikuran siya sa panahon na kailangang-kailangan niya ng karamay. Wala rin itong pinagkaiba kay Alejandro. Kaya nuong araw ng kasal niya, parang gusto na niyang mamatay. Kung hindi lang talaga siya natatakot, baka nagbigti na siya ng araw na iyon. Kung iyong ibang babae ay masayang-masaya sa araw ng kanyang kasal, siya nama
NANG MAKARATING sa bayan ay kaagad silang nag-check in ni Rigor sa isang motel. Ang sabi nito sa kanya, magpapahinga lang sila saglit, bukas ng madaling araw ay aalis sila. Um-order ito ng pagkain nilang dalawa. Matapos kumain ay niyaya siya nitong muling lumabas para bumili ng mga
HUMAHANGOS na binalikan ni Rigor si Althea ngunit hindi niya ito dinatnan sa bahay. Napaatras siya nang makita ang phone ni Althea sa sahig. Nanginginig ang mga kamay na pinulot niya iyon saka natatarantang tinawagan niya ang ama, “Saan ninyo dinala si Althea? Hindi ko kayo mapapatawad kapag may n
“I AM FALLING IN LOVE WITH THIS WOMAN,” Hindi makapaniwalang sabi ni Rigor sa sarili habang tinitingnan si Althea. Pangalawang beses pa lamang niyang naramdaman ang ganitong klase ng takot. Una ay nang malaman niyang may cancer si Sophia, pangalawa ay kaninang makita niyang nasa panganib si Althea
MAY KUNG ANONG kiliting gumapang sa buong katawan ni Althea nang hawakan siya ni Rigor sa magkabilang balikat habang titig na titig ito sa kanya, “Rigor. . .” “Alam mo ba kung bakit galit na galit ako sa Griff na iyon, ha?” sabi nito, ngunit bago pa maituloy ang sasabihin ay unti-unti






Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
reviews