NAPATILI si Althea nang bumula ang buong sink.
“What happened?” Humahangos na tanong ni Rigor. Nakita niya ang inis sa mukha nito nang makita ang ginawa niya, “Damn, parang gusto ko ng pagsisihang pumayag akong dumito ka sa bahay ko! Sa halip na makatulong, dinagdagan mo pa ang sakit ng ulo ko!” Yamot na sabi nito sa kanya saka kinuha ang hawak niyang dish washing liquid, “Simpleng bagay lang, di mo pa alam gawin? Kahit bata marunong maghugas ng pinggan!”
“Pasensya na, sanay kasi akong may mga maids!” nakairap na sagot niya rito, “Bakit ba kasi pinapahirapan pa nating mga sarili natin? Kung gusto mo, ako na lang ang magpapasweldo sa maid kung nagkukuripot ka!”
“Sa palagay mo kaya wala akong maid dahil nagtitipid ako?” Singhal nito sa kanya, “May mga bagay na hindi mo na kailangang iasa pa sa iba. Kaya ka naloloko ng kung sinu-sino dahil. . .”
“Dahil ano? Dahil tanga ako?” Nagdadamdam na sabi niya, “Alam ko namang di ako matalino. K-kaya nga pinaubaya ko na lang sa asawa ko ang paghandle ng company nang mamatay ang parents ko dahil di ko kaya. . .” Parang batang sabi niya rito, “Kasalanan ko ba kung hindi ganun kataas ang IQ ko?”
“Hindi kailangang maging matalino para lang matutong maghugas ng pinggan. At huwag mo kong idaan sa mga drama mo. Tamad ka lang kamo! Palibahasa puros lakwatsa ang alam mong gawin nung nag-aaral ka pa kaya ayan, di ka tuloy nakatapos.”
Nangunot ang nuo niya, “B-Bakit ang dami mong alam tungkol sakin?” Nagtatakang tanong niya rito, maya-maya ay napakurap saka napahawak sa kanyang dibdib, “Stalker ka no? May pagnanasa ka sa kin kaya mo ko ini-stalk!” Naningkit ang mga mata niya, “Ngayon pa lang binabalaan na kita, hinding-hindi mo makukuha ang katawan ko!”
Tila napipikong lumapit ito sa kanya saka tinuktukan siya, “Uy, gising! Kung may pagpapantasyahan man akong babae, sinisigurado ko saiyong hindi ikaw iyon!” Paniniyak nito sa kanya, “Kaya ‘wag kang assuming!”
Napaismid siya, “Eh bakit ang dami mong alam sa buhay ko?”
Napangisi ito, “ina-assume ko lang na di ka nakatapos ng college, hindi ko namang akalaing tama nga ang hinala ko.” Napapailing na sabi nito sa kanya, “Ang sakit siguro ng ulo ng parents mo saiyo.”
Napayuko siya nang maalala ang mga magulang dahil totoong sumakit ang ulo ng mga ito sa kanya nuon ngunit dahil nag-iisa lang siyang anak, di siya magawang itakwil ng mga ito kahit pa kung anu-anong kabulastagan ang ginagawa niya. Kaya nga ‘nung maaga siyang nag-asawa, sa halip na magalit ay natuwa pa ang mga ito. At least raw ay may magmamanage na ng mga negosyong maiiwan ng mga ito sa kanya. Matalino kasi si Griff. Actually, isa ito sa mga beneficiaries sa foundation ng ama niya. Hindi naman kasi mayaman ang pamilya ni Griff. Kung hindi nga marahil sa sipag at tiyaga nito ay hindi ito makakapag-aral. Family driver lang ang ama nito at ang nanay naman nito ay dating may puwesto sa palengke. Syempre nang makasal sila ni Griff ay pinahinto na niya ang mga ito sa pagtratrabaho at hinayaan niyang sustentuhan na lamang ang mga ito ng asawa.
Hindi naman kasi siya madamot. Aanhin ba niya ang napakaraming pera? Mas gusto niyang mag-share ng mga blessings.
Napakagat labi siya. Sa kabila ng kabutihang ipinakita niya kay Griff at sa pamilya nito ay ito pa ang isinukli sa kanya ng asawa?
“Kung gusto mong mabago ang buhay mo, kailangan mong simulang baguhin ang tingin mo sa sarili mo!” Parang nakikipag-usap sa batang sabi sa kanya ni Rigor, “You have to believe in yourself. At hindi lahat ng bagay kailangang iasa sa ibang tao. Kagaya ngayon? Hindi ka naman busy, bakit hindi mo gugulin ang oras mo sa makabuluhang mga bagay?”
“Gusto ko ng makipagkita kay Griff. . .”
“Paghandaan mo muna ang pagkikita ninyo. Kailangang emotionally ready ka na. Marami ka pang dapat na matutunan, Sophia!”
Napaismid siya sa pangalang binanggit nito. Mas gusto pa rin niya ang tunay niyang pangalan. “Pwede bang kapag tayong dalawa lang, ‘wag mo kong tinatawag sa ganyang pangalan?” Request niya rito.
“Kailangan mong sanayin ang sarili mo.”
“Ang dami-daming mas magandang pangalan, bakit ba Sophia pa ang naisip mo? Pwede namang Roxy, pwedeng Alexa, or Ginger. . .”
“Kapag sinabi kong Sophia sumunod ka na lang, okay?” Matigas ang tonong sabi nito sa kanya, pakiwari niya ay naiinis na naman ito sa kakulitan niya. Napatango na lamang siya para hindi na nila pagtalununa iyon.
Ano bang meron sa Sophia? Ayaw niya sanang iyon ang maging pangalan niya dahil pangalan iyon ng atribidang aso ng kapatid ni Griff na palagi siyang tinatahulan sa tuwing bumibisita siya sa mga ito.
“Oh, ikaw na ang magpatuloy ng ibang mga hugasan!” sabi nito sa kanya nang malinis na nito ang sink, “Siguro naman kaya mo na ito?”
“Sinimulan mo na, bakit hindi mo pa kaya tapusin?” Reklamo niya ngunit natahimik din nang makita niyang pinandilatan na siya nito ng mga mata. Nakasimangot na kinuha niya ditto ang dish washing liquid at sponge. First time sa buong buhay niya siya maghuhugas ng pinggan. Pinalaki kasi siyang parang prinsesa ng mga magulang. Ni ayaw siyang mapadapuan sa langaw. Pagkatapos ay pagtatangkaan lang pala ng asawa niya ang buhay niya.
Kung nabubuhay lang siguro ang parents niya, malamang ay ipinapatay na ng mga ito si Griff sa ginawa nito sa kanya. Kilala niya ang ama. Hindi na nito hihintaying isuplong ito sa mga pulis. Ito na mismo ang mag-bibigay ng sentensya ditto. Pagdating sa kanya ay walang sinisino ang mga magulang niya. Muli na naman siyang napaiyak nang maalala ang kanyang mga magulang. Nagsisikip na naman ang dibdib niya kapag naalala ang mga sakit ng ulong ibinigay niya sa mga ito.
Namatay ang kanyang parents nang di man lang ang mga ito nagging proud sa kanya. Kaya gagawin niya ang lahat para mabawi niya ang kompanyang minana niya sa mga ito.
“SHIT!” SIGAW NI ALTHEA nang mapanuod sa tv si Griff na umiiyak habang kunwari ay pinaghahanap siya. Sabi pa nito sa reporter ay isang buwan na raw simula nang maglayas siya at may reward na isang milyon sa sinumang makakapagturo sa kinaroroonan niya. “Napakagaling talagang umarte ng hayup na ‘yan!” pinagsusuntok niya ang hawak na throw pillow sabay subo ng pop corn, “Kuu, magpa-interview kaya ako at sabihin ko sa madla kung sino ako at kung anong ginawa sakin ng hayup na ‘yan?”
“Subukan mo para ibalik ko sa dati yang pagmumukha mo,” asar na sabi ni Rigor sa kanya, “Pwede ba ngumuya ka ng tahimik?” Iritado pang dagdag nito, “Daig mo pa iyong mga construction worker kung ngumasab ng pagkain eh. Manuod ka na lang ng tahimik, okay?”
Inirapan niya ito saka tahimik na nanuod.
Gigil na gigil siya habang pinapanuod ang pag-iyak ni Griff sa harap ng camera. God, hindi siya makapaniwalang ito ang lalaking pinakasalan niya. To think na gusting-gusto ito ng kanyang mga magulang para sa kanya. Magaling talaga itong magsinungaling. Sanay na sanay na. Pang award ang acting nito. Mas bagay siguro itong artista kaysa CEO ng kompanya.
Sa sobrang inis ay napapaiyak na rin siya.
Hindi niya akalaing minahal niya ito ng todo-todo na halos ibinigay na niya ang lahat-lahat para ditto. Ni wala na nga siyang itinira para sa sarili niya.
“Tissue,” halos paanas lang na sabi ni Rigor nang makitang tumutulo na rin ang uhog niya.
“Salamat,” sumisinghot na sabi niya, kinuha niya ang ibinigay nitong tissue at pinahid ang kanyang mga luha pati na rin ang sipon niya.
“Itapon mo yang mga tissue na ginamit mo sa basurahan ha? Ayokong makakita ng kahit na anong kalat ditto!” pagkasabi niyon ay tumayo na ito, “Double check the lock bago ka matulog. Hindi ako uuwi ngayong gabi,” dinampot nito ang leather jacket sa mesa at lumabas na ng unit.
Pinatay na niya ang tv nang makaalis ito. Tiniyak muna niyang nakalock ngang mabuti ang pinto bago siya pumasok sa kanyang kuwarto.
Nagsisikip ang dibdib niya habang naiimagine si Griff sa harap ng mga reporters. Kapal rin ng mukha. Nakagawa pang magpa-presscon. Hah, may paiyak-iyak pa itong nalalaman! Sementado na marahil ang puso nito kaya wala ng konsensya.
Nangngangalit ang kanyang mga bagang habang napapakuyom ng kanyang mga palad. Parang hindi na talaga siya makapaghintay pa na muling magkrus ang landas nila ng kanyang asawa. Gugulatin niya ito. Sisindakin niya ito at titiyakin niyang ito naman ang paglalaruan niya sa kanyang mga palad. Patutunayan niyang nagkamali ito ng babaeng kinalaban nito.
"HEY Alejandro, nanaginip ka na naman ba ng gising? Mukhang malayo na naman ang lipad ng isip mo," saka lamang parang biglang natauhan si Alejanadro, tumabi sa kanya si Tamara, "Don't tell me binabalikan mo na naman lahat ng mga nakaraan natin?"Hinagod niya ang likuran nito, "Hindi lang ako makapaniwalang sa dami ng pinagdaanan natin, tayo rin sa huli," sagot niya sa babaeng ngayon ay asawa na niya. "Parang sa pelikula lang ang mga pinagdaanan natin. Kagaya rin ng mga pinagdaanan nina Rigor at Althea.""Ni Genis at Amanda," dagdag nito."Ni Sabina at Jeffrey," aniya."Bah, oo nga ano. Ang hirap palang mainlab sa isang Mafia. Kung hindi matibay ang loob mo, susuko kang talaga. Mabuti na lang hindi kita sinukuan, mahal na mahal kasi kita.""Mahirap magmahal ng isang Mafia pero tingnan mo naman kung gaano kami ka-loyal sa mga minamahal namin," pagmamalaki niya rito, "Kahit ang daming babaeng lumalapit sa amin, very faithful kami kung magmahal. One woman man.""Talaga ba?" dudang tano
KANINA pa paikot-ikot sa roof top si Tamara. Nalinis na niya ang lahat ng maari niyang malinis. Bored na bored na siya dahil mag-iisang lingo na siyang hindi umaalis duon. Hindi naman siya basta-basta nakakalabas ng bahay dahil natatakot siyang may makakitang mga tauhan ni Alejandro sa kanya. Ingat na ingat nga siyang makagawa ng ingay man lang. But damn, gustong-gusto na niyang sumigaw at gawin ang mga bagay na nakasanayan na niyang gawin sa loob ng hacienda. Natutukso na siyang bumaba. Bumuga siya ng malalim na hininga habang titig na titig sa hagdan. Hindi niya namamalayang unti-unti na pala siyang humahakbang paibaba. Ang unang palapag mula sa roof top ay ang dating library ng ama. Napakagat labi siya. Nagpalinga-linga muna siya bago pihitin ang door knob. Nagulat siya nang malamang na-convert na pala ni Alejandro ang library ng kanyang ama sa isang magarang kuwarto. Na-curious siya kaya isa-isa niyang binuksan ang mga cabinets duon. N
“THANK YOU YA,” nakangiting sabi ni Tamara matapos maubos ang isang mangkok ng champorado na dinala sa kanya ni Yaya Magda for breakfast. May kasama pa iyong sandwich na meryenda raw niya mamaya para di na ito mag-akyat manaog sa roof top. “Hindi pa ba umuuwi ang amo mo?” ayaw niyang ipahalata ang pag-aalala sa boses, “Three days na ah, san ba iyon naglalagi?” “Hindi ko rin alam,” kibit balikat na sagot nito, “Baka sa nobya,” kaswal na sabi pa nito sa kanya. Parang sinundot ng karayom ang puso niya nang maisip ang sinabi ng matanda. Pero kunwa’y balewala lamang ang narinig, “It’s about time na mag-asawa na sya. Matanda sya ng five years sakin, right? So he’s already thirthy years old. Seven years, two months and five days since nagkahiwalay kami at Imposible namang. . .” “Bilang na bilang mo ang araw na nagkahiwalay kayo, ha?” Tudyo ng matanda sa kanya. “Yaya,” naiinis na sabi niya, nahihiya siyang mabisto nito na bawat pagsikat at
BAKIT kung magsalita si Alejandro ay parang siya pa ang may malaking kasalanan? Panay ang patak ng kanyang mga luha habang naglalakad palayo. Hindi niya alam kung anong nangyari, kung bakit naging ganun na lang bigla ito sa kanya. Gusto pang baliktarin ang mga pangyayari? Alam ba nito kung anong hirap ang pinagdaanan niya nang pilitin siya ng Papa niya na magpakasal sa lalaking never naman niyang minahal at kahit na kailan ay hindi niya natutunang mahalin? Alam ba nito kung gaano kasakit sa kanya ang pakiramdam na parang nag-iisa lang siya at walang kakampi? Maski nga si Olga na inaakala niyang kaibigan niya, tinalikuran siya sa panahon na kailangang-kailangan niya ng karamay. Wala rin itong pinagkaiba kay Alejandro. Kaya nuong araw ng kasal niya, parang gusto na niyang mamatay. Kung hindi lang talaga siya natatakot, baka nagbigti na siya ng araw na iyon. Kung iyong ibang babae ay masayang-masaya sa araw ng kanyang kasal, siya nama
“A-ALAGAAN MO sana ang hacienda.” Parang maiiyak na sabi ni Tamara sa kanya nang iabot nito ang mga susi ng bahay, “I-ikaw ng bahalang magpalit ng mga lock k-kung gusto mong palitan ang susi ng bahay,” ramdam niya ang lungkot sa boses nito. Pinipigilan lamang niya ang kanyang sarili pero ang totoo, gustong-gusto na niya itong ikulong sa kanyang mga bisig. Ang daming tanong na naglalaro sa kanyang isipan. Ang dami niyang masasakit na gustong sabihin dito ngunit ngayon ay tila nakakalimutan niya ang lahat ng iyon habang nakatingin dito. Pero sa tuwing naiisip ang lahat ng ginawa nito sa kanya ay parang gusto niyang magwala sa galit. Lalo na kapag naalala niya ang katarantaduhang ginawa sa kanya ng ama nito. “G-goodbye. B-bukas na ang flight ko patungong Amerika. Kung di nga lang dahil k-kay Gerry, baka nuon pa ko bumalik ng Amerika.” Napatiim ang kanyang mga bagang nang marinig ang pangalan ng asawa nito. Ang lakas naman ng loob nito
SUMISIKIP ang dibdib ni Alejandro kung kaya’t kinalas niya ang ilang butones sa suot niyang polo shirt. Habang tumatakbo ang sinasakyan niyang kotse ay tumatakbo rin ang isipan niya sa nakaraang pitong taon. Parang gustong magbalik ang lahat ng mga masasakit na pinagdaanan niya nuong gabing dinukot siya ng mga tauhan ni Chief Inspector Milo Calatrava. Napatiim ang kanyang mga bagang. Hinding-hindi niya makakalimutan ang lahat. “San natin dadalhin ang putang inang ito, tutuluyan na ba natin ‘to?” Narinig niyang tanong ng tauhan ni Milo sa mga kasamahan nito. “Dadalhin sya sa bilibid sa Muntinlupa. Dun na raw yan yayariin para di tayo sumabit,” sagot naman ng isa, “Gaya ng ginagawa natin sa mga kalaban nila bossing sa mga negosyo,” makahulugan pang sabi nito. Gustong-gusto niyang lumaban ngunit umiikot na ang kanyang paningin at halos wala na siyang makita sa sobrang pagod at sakit ng buong katawan na nararamdaman. Baka mas manganib l