Masayang-masaya si Jade habang hawak ang mga papeles. Halos isang buwan na rin siya sa trabaho. Graduate siya ng Accounting kaya mabilis siyang natanggap sa munisipyo sa tulong na rin ni Sean. Pinayagan na siya sa wakas ng kaniyang mga magulang. Nagsawa na ang mga ito sa kakulitan niya.
Isa lang ang tanging hiling nina Mang Liloy at Aling Tipen. Kailangan ni Jade na sa bundok pa rin umuwi araw-araw. Kahit pitong kilometro ang layo ng barangay nila at ng bayan ay balewala iyon sa dalagang hatid-sundo ni Sean.
Kinikilig na ibinaba at ipinatong niya ang mga hawak na papel sa ibabaw ng lamesa. Inayos niya ang mga ledger na katabi ng computer. Yumuko siya at inamoy ang mga bulaklak na nakapatong sa lamesa. Walang pangalan iyon kung kanino galing ngunit tiyak n'yang padala iyon ni Sean.
"Jade, bahagian mo naman kami ng ganda!" tudyo ni Fatima. Dati siyang kaklase ng dalaga at katrabaho na niya ngayon.
"Fat, pwede kang kumurot. Huwag mo lang uubusin," ganting biro ni Jade.
"Sinagot mo na ba si Sean?"
"Hindi pa," bulong ni Jade sa kausap.
Exaggerated ang naging reaksyon ni Fatima. Ang laki ng buka ng bibig nito na kahit pasukan ng isang buong pandesal ay maluwag pa. Umikot din ang mata ng babae at itinaas ang mga kamay kapantay ng ulo.
Napahagikhik naman si Jade sa expression ng kaniyang ka-trabaho. Kumuha siya ng hindi ginagamit na folder, binilog ito at ihinampas sa kausap. Nakisali na rin ang mga ka-opisina nila sa usapan ng magkaibigan. Break time nila kaya wala silang nilabag na patakaran sa trabaho.
"Palabas na sa Engineering Department si Fafalicious Sean mo," bulong ni Fatina kay Jade.
Nakita naman iyon ng dalaga dahil magkarap lamang ang Accounting at Engineering Departments. Kumaway sa kan'ya ang gwapong binata kaya nagtilian ang mga ka-trabaho niya kahit ang mga may edad na.
Kahit paulit-ulit na sinasabi ni Jade na magkaklase lang sila ni Sean noong nasa elementary pa lang sila kaya sila ganoon kalapit sa isa't-isa ay wala naman ang may gustong maniwala. Panay pa rin ang tukso ng mga kakilala nila sa dalawa.
Nagpaalam si Jade sa mga kausap saka lumabas ng silid upang sumabay kumain kay Sean. Ganoon kasi ang daily routine ng dalaga lalo at ibinilin nina Mang Liloy at Aling Tipen sa binata ang kaligtasan ng kanilang dalaga.
"Thank you sa flowers," sabi ni Jade.
"What flowers?" nagtataka na tanong ng binata.
"Hindi ba ikaw ang nagpapadala araw-araw ng bulaklak?" ganting tanong ng dalaga.
"Hindi ako nag nagpadala kasi dapat ay mamayang gabi pa kita bibigyan," sabi ng binata.
Naguguluhan na napatingin si Jade sa mukha ng lalaking kasabay niyang lumakad. Ginagap naman ni Sean ang kamay ng kasabay at saka ngumiti ng buong pagmamahal. Naglalambing na sinabi ni Sean na kung pwede ay sagutin na siya ng dalaga kasi matagal na siyang nanliligaw. Baka raw ay maunahan pa siya ng iba.
Napaisip si Jade at tinantiya ang sarili kung kaya na ba niya ang magkaroon ng kasintahan. Alam niyang mabait na tao ang kaharap at mula siya sa mabuting pamilya. Kahit mayor ng kanilang bayan ang ama ni Sean ay hindi niya kailanman ginagamit ito upang makapanlamang ng kapwa. Marami nga ang nagsasabi na posibleng sumunod sa yapak ng kaniyang ama ang binata.
Habang kumakain sila ay hindi mapakali ang dalaga. Gusto niyang malaman kung sino ang nagpadala ng bulaklak at ano ang dahilan nito. Nanghihinayang din siyang itapon iyon kaya hindi alam ni Jade ang gagawin.
"Mas maraming bulaklak pa ang ibibigay ko sa 'yo," sabi ni Sean. "Itapon mo na lang iyon kasi hindi mo alam ang intensyon ng nagpadala noon."
Napatango si Jade at saka binilisan ang pagkain. Pagbalik sa munisipyo ay mabigat ang loob na kinuha niya ang bulaklak at dinala sa basurahan. Ang mga mapanuring mata ng mga kapwa empleyado ay nakatuon sa kan'ya.
"Sayang ang bulaklak. Bakit mo itatapon?" tanong ni Fatima.
"Hindi galing kay Sean iyan," malungkot na sabi ni Jade.
"Ganoon? Kung itatapon mo lang din naman, akin na lang. Pagseselosin ko ang babaero kong nobyo para magtanda."
"Paano kung hiwalayan ka niya dahil naniwala siyang may iba kang manliligaw?"
"Maghahanap na lang ako ng iba," mabilis na tugon ni Fatima.
Ibinigay ni Jade sa kaibigan ang bouquet nang pinaghalo-halong uri ng rosas. Bumalik siya sa trabaho at inubos ang oras. Ayaw na niyang isipin pa kung sino man ang nag-abala para bigyan siya ng mga bulaklak.
Bago umuwi ay niyaya ni Jade si Sean na dumaan muna sa simbahan. Halos gabi-gabi na kasi siyang dalawin ng babae sa kaniyang panaginip. May mga pagkakataon pa na sumisigaw ito ng tulong. Hindi alam ni Jade pero naaawa siya sa babae kahit ginugulo nito palagi ang dapat sana ay tahimik niyang tulog.
Habang nagdadasal si Jade ay lumuhod din si Sean sa tabi ng dalaga. Malakas siyang nagwika ng, "Lord, sana sagutin na ako ng babaeng mahal ko."
"Lord, sinasagot ko na po ang lalaking katabi ko. Mahal ko rin po siya."
Nanlaki ang mata ni Sean at hindi makapaniwala na napatingin kay Jade na noon ay pinipigilan ang tawa. Matagal na rin kasing nanliligaw ang binata at ang buong akala niya ay aabutin pa ulit ng isang taon o baka higit pa bago niya makuha ang puso ni Jade.
Nang mahimasmasan ay masayang niyakap ni Sean ang noon ay kasintahan na niya. Maligayang-maligaya sila pareho ni Jade dahil kapwa nila inasam ang bagay na iyon.
"Girlfriend na ba talaga kita?" tanong ni Sean sa tahimik na dalaga sa tabi niya. Nakasakay sila sa sasakyan ng binata at ihahatid na niya si Jade sa bundok.
"Ayaw mo ba?" tanong ni Jade.
"Hindi! Hindi lang ako makapaniwala. Girlfriend na nga kita pagkalipas ng halos limang taong panliligaw ko sa iyo."
Nang banggitin ng binata ang tagal nitong paghihintay ay natiyak ni Jade kung gaano siya kamahal ni Sean. Pauwi ay panay ang plano ni Sean para sa kinabukasan nila ni Jade na ikinatuwa naman ng dalaga.
Nang mga sumunod na araw ay naging tahimik ang buhay ni Jade. Wala siyang mahihiling pa sa nobyo niya. Mas bukas na kasi si Sean na iparamdam sa kan'ya ang pagmamahal nito. Hindi na ito takot na katulad noon.
Naging normal ang takbo ng buhay ng dalaga ngunit ang isip niya ay ginugulo pa rin ng babae sa panaginip niya. Ang pagpapadala ng bulaklak ng hindi niya kilalang tao ay natigil na rin dahil hindi na tinatanggap ni Jade ang mga iyon. Ayaw naman sabihin ng delivery man ang pangalan ng sender kaya tinapat na niya ito para hindi na mapagod pa.
Isang araw ay bumisita si Sean sa bahay nina Jade sa bundok. Wala ang mga magulang at kapatid ng dalaga dahil nasa niyogan ang mga ito. Katulad ng dati ay si Jade lamang ang naiwan at gumagawa ng mga gawaing bahay. Sabado kaya wala siyang pasok sa munisipyo.
"Bakit ka pumunta ng Sabado? Alam mo namang marami akong ginagawa sa araw na ito," sabi ng dalaga.
"Sige lang. Magtrabaho ka lang. Tutulungan kita," sagot ng binata.
"Tutulungan? Hindi ka nga gumagawa ng mga gawaing bahay sa inyo."
"Sa amin iyon. Iba rito sa inyo. Magiging parte rin naman ako ng pamilyang ito kaya walang problema."
Naiinis pero kinikilig si Jade. Wala na siyang hahanapin pa sa nobyo niya. Kahit mayabang ang ama ni Sean ay kabaliktaran naman nito ang anak na tila nagmana ng kabaitan sa ina nito. Pinag-aralan ni Sean ang magsibak ng kahoy. Sa simula ay mahirap ngunit habang tumatagal ay nagamay iyon ng binata.
Habang naglalaba si Jade at siya naman ang taga-bomba kaya mabilis na nakatapos ang dalaga. Pati paglinis ng bahay ay tumulong na rin ang binata. Walang pagsidlan ng tuwa ang dalaga dahil sa mga ipinapakita ng nobyo n'ya.
"I love you," bulong ni Sean habang yakap nito ang dalaga.
"Mahal din kita pero hayaan mo akong maghuhas muna ng plato. Umalis ka riyan sa likuran ko," sagot ng dalaga.
Ngunit sa halip na pakawalan si Jade ay mas lalong hinigpitan ni Sean ang pagkakayakap nito sa dalaga. Nakangiti na hinarap ni Jade ang kasintahan na noon ay titig na titig sa mukha niya. Walang paalam na tinawid ni Sean ang maliit na espasyo sa pagitan ng kanilang mga mukha. Isang halik na punong-puno ng pagmamahal ang lumapat sa labi ng nabigla na dalaga.
"I will not ask for forgiveness sa kapahangasan na ginawa ko," wika ni Sean sa tulalang nobya niya.
Nalilitong napatitig si Jade sa mukha ng nobyo n'ya. Lumayo siya rito at mabilis na kumuha ng isang basong tubig. Nilagok niya lahat iyon at saka umupo sa bangko sa kusina.
"Are you okay?" kinakabahan na tanong ni Sean.
"Bakit mo ako binigla? Bakit ang hilig n'yong mga lalaki na mangnakaw ng halik?"
"Pwede ba kitang halikan ulit?"
Hindi pa sumasagot si Jade ay naramdaman niya ulit ang mainit na labi ng kasintahan niya. Sa pagkakataong ito ay hindi na banayad ang halik ni Sean. Punong-puno ito ng pananabik. Dama ang pag-ibig sa bawat segundo na magkalapat ang mga labi nila.
"Iyan na muna sa ngayon. I love you, Jade. Hindi ako makapaghintay na tuluyang maging akin ka."
Niyakap ni Jade ang kasintahan. May usapan na ang dalawa na maghihintay muna sila ng dalawang taon bago magpakasal. Pabor naman doon ang mga magulang nila na tanggap ang relasyon nila.
Isang araw ay nagkaroon ng team building activity ang mga empleyado ng munisipyo. Dumayo sila sa sikat na beach resort sa Camarines Sur. Magkalapit lang ang dalawang lugar lugar kaya ala-singko na ng umaga umalis si Jade sa bahay nila sa bundok. Ala-sais kasi ang usapan na alis nila sa Tagkawayan.
Excited at hindi mapakali si Jade habang nakasakay sa kotse ni Sean. Kasama nila sina Fatima at dalawa pang ka-trabaho. Panay ang tukso ng tatlo sa magkasintahan na sobrang sweet sa isa't-isa.
Pagdating sa venue ng kanilang team building ay agad na nag-ayos ang mga empleyado. Ang mayor nila ay masayang nakipagkwetuhan sa girlfriend ng kaniyang anak. Kahit mayabang ito ay mabait ang lalaki kay Jade. Anak ang turing nito sa dalaga.
Nagsisimula nang maghanda ang lahat para sa mga activities nila ng araw na iyon ng mula sa kung saan ay lumapit ang isang lalaki sa nakatayo lamang na si Jade. Agad nitong niyakap ng ubod higpit ang nabiglang dalaga.
"Kryzell, I'm back. I'm sorry for bringing you to Fabian's Family. I'm gonna bring you back to the place where you belong," sabi ng lalaki.
Lahat ay hindi nakakibo. Lahat ay nakatayo lamang habang si Jade ay takot na takot na lumayo sa lalaki.
Makalipas ang tatlong taon, masayang pinagmamasdan nina Kaizer at Kryzell ang anak nilang pumapasok na sa paaralan. Sa kabila ng kanilang maraming trabaho, prayoridad nila ang kapakanan nito."Pwede na…" sabi ni Kaizer."Pwede ng… ano?" tanong ni Kryzell."Pwede na tayong gumawa ng baby number two para forty-eight na lang ang hahabulin natin," pilyong wika ni Kaizer."Ah, okay. Mayabang ka. Sige, hubad!"Biglang napatingin ang teacher ng anak nila sa labas ng classroom kung nasaan sila. Nagtatanong ang mga mata nito dahil sa narinig nito."Naku, pasensya na, ma'am. Feeling ko kasi ay na-allergy ako kaya gusto ko sanang patingnan sa asawa ko kung may mga pantal na ako sa likod. Iyon ang dahilan kaya pinahuhubad niya ako," paliwanag ni Kaizer."Oo nga naman, ma'am. Pasensya na po talaga."
Sigawan ng hospital staffs ang nagisnan ni Kryzell. Nagtataka na inilibot niya ang paningin sa paligid. Nasa isang puting silid siya kung saan ay napapalibutan siya ng mga miyembro ng Devil's Angel Mafia Organization at ng Sabado Boys. Ang binti niya ay nababalutan ng kung ano at hindi niya maigalaw iyon. "Kaizer," tawag niya sa pangalan ng kaniyang asawa. Hindi niya kasi ito makita ngunit batid niyang nasa paligid lang ito. Tanda niya kasi ang mga naganap bago siya nawalan ng malay. "Ma'am, may ginagawa lang si Boss Kaizer. Baka maya-maya ay nandito na rin siya," saad ng isa sa mga miyembro ng Sabado Boys. "Si Uncle Gener, nasaan?" tanong ulit ni Kryzell. "Nasa paligid lang po siya. Sinisigurado niyang ligtas ang buong ospital." Nagtataka na tinanong ni Kryzell ang kausap niya kung ano ang nangyayari sa loob ng hospital. Nagtatakbuhan kasi ang mga doktor at nars maging ang mga tao. Nakikita niya iyon dahil sa salamin na bintana ng silid na kinaroroonan niya. Ang mga nagsigawan
Isang malakas na kalabog ang narinig sa silid. Kahit masakit ang kan'yang binti ay nagawa ni Kryzell na patumbahin ang lalaking may peklat sa mukha. Ang totoo ay kaya niya naman talagang igalaw ang kan'yang mga paa. Umarte lang siyang hindi makalakad upang hindi mahalata ng mga taong nakasalamuha at nakakita sa kan'ya. Sa loob ng ilang araw ay pinilit niyang labanan ang kirot upang puwersahin ang sarili niya. Sa layo ng lugar na iyon na kinalalagyan niya ay batid niyang aabutin siya ng umaga bago siya makarating ng bayan kung maglalakad siya gamit ang kan'yang mga paa. Ini-lock niya ang pintuan. Mababa lang ang bintana sa silid kung saan siya ikinulong kaya pwede n'yang talunin lang iyon. Wala rin ikalawang palapag ang bahay kaya madali para sa kan'ya ang lumabas doon sa pamamagitan ng bintana gaya ng ginagawa niya noong bata pa sila. Sumilip si Kryzell sa sliding window. Napangiti pa siya at natu
Isang malakas na sigaw ang pinakawalan ni Kryzell at lumabas siya mula sa ilalim ng banig. Hinawakan kasi ng lalaki ang kaliwang binti niyang nabali. Ang kirot no'n ay tagos hanggang buto niya. Nagtawanan ang mga lalaki habang takot na takot na sumiksik si Kryzell sa dingding. "Bagong paligo na siya mga pare." Boses demonyo ang narinig ni Kryzell. Nabuo na sa sarili niyang lalaban na siya ng patayan kung pagsasamantalahan siya ng mga lalaki. "Huwag n'yong galawin ang babaeng iyan!" sigaw ng lalaking may peklat sa mukha. Agad na binuhat si Kryzell ng lalaking nakakita sa kan'ya. Tawa ito nang tawa habang walang kibo si Kryzell na nakasampa sa balikat nito. "Sabi ko na nga ba at nagsisinungaling kanina ang mag-asawa," sabi ng isa sa mga lalaki. "Tama talaga ang sinabi ninyong bumalik tayo rito," sagot din ng isa.
Magkakasunod na putok ng baril ang pinakawalan ni Kaizer. Kasalukuyan silang nasa Camarines Norte sa pag-aakalang naroon ang grupo ng Triangulo subalit mali ang impormasyon na nakuha ni Ruel.Tahimik ang lahat ng miyembro ng Devil's Angel Mafia Organization habang nagagalit siya at binabaril ang lupang nasa harapan niya. Lahat sila ay nakayuko lang habang pinanonood siya."Find my wife! Sobrang tagal na ng sixteen days para hindi n'yo siya makita!" Nakakabingi ang mga salitang binitawan ng mafia boss. Pinipigilan niya ang mga luhang gusto na namang pumatak. Mahigpit ang hawak n'ya sa gatilyo ng kaniyang baril na kung hindi siya magpapaputok ay baka atakihin siya sa puso kahit wala naman siyang sakit dito."Yes, boss," mahinang usal ng mga tauhan niya.Agad sumakay ang mafia boss sa chopper na naghihintay sa kan'ya. Habang nasa ere ay pasimple n'yang pinahid ang kan'yang luha.
Halos himatayin si Kryzell dahil sa kirot na nararamdaman niya. Sinuntok kasi siya sa sikmura ng lalaking mahaba ang bigote. Pilit kasing ipinasusulat nito sa kan'ya ang mga ari-arian na hindi raw alam ni Hilda ngunit natuklasan niya. Sa pag-aakalang maiisahan niya ang mga kalaban kaya gumawa siya ng pekeng listahan.Kahit namimilipit sa sakit ng sikmura ay pilit na nagpapakatatag si Kryzell. Walang puwang ang salitang pagod sa kan'ya. Ayaw niyang sumuko para sa kan'yang anak at asawa.Matindi ang galit niya kay Hilda. Ang galit na iyon ang nagtutulak sa kan'ya upang lumaban at manatiling buhay sa kabila ng mga paghihirap na pinagdadaanan niya sa kamay ng Triangulo.Isang araw ay inutusan ni Hilda ang kan'yang mga tauhan na ilabas siya mula sa silid kung saan siya nakakulong. Walang ginawa si Kryzell kung hindi ang sumunod lamang upang hindi na siya pagdiskitahan pa ng mga tauhan nito.