Maagang gumising si Jade. Excited siyang sumama sa tatay at kuya niya na bumaba ng bundok. Maghahatid kasi sila ng kopra sa komprada. Bibili rin sila ng mga kailangan nila sa loob ng ilang linggo.
Isang maong na short at lumang pink na blouse ang suot ng dalaga. Hinayaan niya ang kan'yang maganda at itim na buhok nang nakalugay lang. Nagsuot lamang siya ng isang itim na sombrero para may proteksyon siya sa init.
Walang make-up o lipstick ang dalaga ngunit litaw na litaw ang gandang sinasamba ng anak ng kanilang mayor. Dating magkaklase ang dalawa at matagal nang nanligaw si Sean Komeron kay Jade. Matangkad at medyo kulot ang buhok ng dalawampu't-anim na lalaki. Ang kaniyang maitim na mata ay parang nangungusap sa tuwing nakatingin siya sa anak ni Mang Liloy at Aling Tipen.
"Ganda! Magkikita ba kayo ni Sean?" tukso ng ng kuya ng dalaga.
"Tse, hahanapan kita ng girlfriend para hindi ako ang palagi mong nakikita," ganti ni Jade.
"Baka nagkapikunan kayong magkapatid, ha. Kukurutin ko iyang mga singit n'yo," singit ng kanilang ina.
Tumulis ang nguso ni Jade. Simula bata pa sila ay iyon ang laging ginagawa ng kanilang ina kapag nag-aaway silang mag-kuya. Tumigil naman sa pang-aalaska si Samuel at humanda na rin dahil kasama siya sa paglusong.
Si Mang Liloy naman ay abala sa pag-tali ng mga sako ng kopra sa tricycle na sasakyan nila. Pababa ang papuntang bayan kaya kailangan na maayos ang pangarga nila upang hindi sila maaksidente. Gamay na ng mga drivers ang daan kaya kahit lubak-lubak iyon ay hindi takot sumakay ng tricycle ang dalaga. Mas mainam iyon kaysa sa tatlong oras na lakaran.
Sa bayan ay agad na tinimbang ang mga sako ng kopra. Nagpaalam si Jade na siya ang bibili ng ulam nila para sa tanghalian. Ang kuya at tatay niya ay bibili naman ng bigas sa kabilang bahagi ng palengke. Nagmamadali na tumawid ang dalaga sa kalsada ng biglang magkaputukan. Napasiksik ang dalaga sa isang pulang mamahaling sasakyan.
Malakas na sigaw ng mga tao ang naririnig sa paligid. Nagtakbuhan din ang mga ito upang maghanap ng kanilang matataguan. Panay ang sign of the cross ng dalaga na nangangatog sa takot. Pulang-pula siya at halos himatayin kung hindi lang siya nakasandal sa sasakyan.
Sa loob ng sasakyan ay nakangiti ang isang gwapo at maskuladong lalaki. Kampante lang siya habang pinapanood ang nagkakagulo na mga tao lalo na ang magandang babae na nakasiksik sa may pintuan ng sasakyan niya.
"Boss, mukhang nagkainitan sila," sabi ng kanang kamay ni Kaizer Gerzon. Siya si Elmer o mas kilala bilang Mer.
"I don't care. Kayang-kaya iyan ng mga tao natin," kibit balikat ng binata.
Si Kaizer Gerzon ang pinuno ng Devil's Angel Mafia Organization na namayagpag sa buong bansa. May mga ka-partner rin sila sa iba't-ibang bahagi ng mundo kaya isa sila sa kinatatakutan ng mga nasa underworld. Ngunit kahit ganoon ang status nila ay may mga malakas ang loob na kalabanin sila. Katulad na lang ng nakakasagupa ng kanilang grupo ng mga oras na iyon.
"Boss, delikado na. Kailangan na nating umalis," wika muli ni Mer.
"Wait!" malakas na sabi ni Kaizer habang aliw na aliw sa magandang dalaga na noon ay tumayo na ng tuwid at tiningnan ang sarili sa salamin na bintana ng sasakyan.
Hindi nagdalawang-isip si Kaizer na buksan ang pintuan at isang halik sa labi ang iginawad niya sa nabiglang dalaga. Ngunit ang pagkabigla ay napalitan ng galit kaya 'sing bilis ng ipo-ipo na sinampal siya ng dalaga. Hindi rin inaasahan ng binata ang biglang paghawak ng babae sa kwelyo ng polo shirts niya at ubod lakas siyang hinila nito pababa.
Parang magnet na nakakapit ang mga kamay ng galit na dalaga sa damit ng binata kaya kahit anong piglas niya ay hindi siya makawala mula rito. Sumisigaw din ito ng manyakis daw siya kaya ang matapang na mafia boss ay biglang natuliro.
"Miss, I'm sorry. I was about to go down kaya binuksan ko ang pintuan. Natakot kasi ako sa putukan kanina kaya gusto ko sanang tingnan ang sitwasyon," palusot ng binata.
"Bakit pulis ka ba?" galit na tanong ng dalaga.
Napatingin si Kaizer sa mga tauhan niya. Wala namang kumikilos sa mga ito dahil napapalibutan na sila ng mga tao. Baka lalo silang mapahamak kung dadaanin nila sa takot o dahas ang lahat. Hinihintay din ng mga lalaki ang go signal ng kanilang boss dahil kilala nila ang ugali ni Kaizer.
"Tingnan mo! Manyakis ka lang talaga pala! Ang tagal kong inalagaan ang sarili ko tapos ang isang katulad mo lang ang magiging first kiss ko!"
"Miss, hindi ko talaga sinasadya. Bababa talaga kasi ako sa sasakyan nang…"
"Hindi mabenta sa akin ang katwiran mo!"
Ang mga nakapalibot sa kanilang mga tao ay namamagitan na rin ngunit hindi mapayapa ang galit na dalaga. Ang mga kinikilig na mga tindera sa paligid ay humihiyaw ng kanilang paghanga sa batang mafia boss subalit balewala iyon sa dalagang nag-aapoy ang mga mata.
"Miss, bitawan mo siya. Mag-usap kayo ng maayos. Kawawa naman siya. Nasasakal na siya sa ginagawa mo," pakiusap ng isang ususera.
"Hindi lang sakal ang aabutin niya sa akin. Pipilipitin ko pati ang hotdog niya at babasagin ko ang itlog niyang kinakati!" sigaw ng dalaga.
Namula ang mukha ni Kaizer. Ang malakas na tawanan sa paligid ay nakakabingi at nakakairita sa pandinig niya. Nauubusan na siya ng pasensya at gusto na niyang patulan ang babaeng galit na galit.
"Ang daming babae ang nagkakandarapa upang mahalikan ako tapos itong isang ito nakuha iyon ng walang kahirap-hirap, siya pa ang galit," bulong ng isip ng binata.
Sumungaw ang maliliit na butil ng luha sa mata ng galit na dalaga. Ngunit bago pa man iyon malaglag ay biglang dumating ang ama at kapatid nito. Agad nagsumbong ang dalaga sa dalawang lalaki na napakuyom ang mga kamao.
"Bitawan mo siya Jade," mahinahong pakiusap ni Mang Liloy sa anak.
"'Tay, hindi po pwede…"
"Bitawan mo siya," mariin na sabi ng ama ng dalaga.
Nagpupuyos na itinulak ni Jade si Kaizer papasok sa nakabukas nitong sasakyan. Napasalampak naman ang binata sa pintuan. Tumayo siya at hinamig ang sarili. Yumuko ang gwapong binata sabay hingi ng tawad sa lahat.
"Baka naman hindi talaga sinasadya ng binata ang nangyari, iha. Mukha naman siyang mabait," sabi ng kadarating lang na kapitan sa lugar na iyon.
"Kapag gwapo, mabait agad?" galit na tanong ng dalaga sabay pukol ng masamang tingin sa nakangiting binata.
"Baka mauwi sa ligawan ang away n'yo na iyan. Taga-saan ka ba, iho?" tanong ng matandang tindera.
"Sa Manila po ako…"
"Malabo pong mauwi iyan sa ligawan," putol ng isang gwapong lalaki sa sasabihin ni Kaizer.
"Sir Sean!" masayang bati ng mga tao sa anak ng mayor nila.
"Nakarating sa munisipyo ang gulo rito kaya may mga kasama kaming pulis," singit ng mayor na nasa likuran ng anak n'ya.
Tumaas ang kilay ni Jade. Sinipat niya ang lalaking sumalbahe sa kaniya. Hinahamon ito ng mga mata n'yang itim at namimilog sa galit. Kumislap naman ang mata ng pilyong binata. Tuwang-tuwa siya sa reaksyon ng magandang dalaga na namumula ang mukha. Nakalimutan ni Kaizer kung bakit siya naroon sa lugar na iyon dahil sa kakaibang pintig ng puso niya.
"Boss, kailangan na nating umalis," paalala ulit ni Mer.
"Boss-boss n'yo, mayakis!" galit na sabi ni Jade sabay aktong sisipain ang kaharap. Nahawakan lang ito ni Mang Liloy kaya napigilan.
"Humihingi po ako ng paumanhin. Hindi ko po talaga sinasadya ang nangyari," pakiusap ni Kaizer sa mga nakapalibot sa kanila.
"Hindi pwedeng basta gan'yan lang iyan, brad," singit ni Sean. "Pag-usapan natin ito sa presinto."
Ngumiti ng pilya si Jade ngunit nakiusap naman ang binata na kailangan niyang umalis kaya sa tulong ng mga tao roon ay pinakiusapan nila si Mang Liloy na palampasin na lang ang nangyari. Nagngingitngit ang kalooban ng dalaga kaya sa inis ay binatukan niya si Kaizer sabay takbo papunta sa tricycle na naghihintay sa kanila.
Mabilis na sumibad ang sasakyan ng binata habang nakaplaster sa mga labi niya ang isang ngiti. Panay din ang haplos niya sa kaniyang labi kung saan lumapat ang malambot at pulang-pula labi ng dalaga.
"I want you to know her name," utos ni Kaizer sa mga tauhan niyang kasama niya sa sasakyan.
"Masusunod, boss," mabilis na sagot ni Mer.
Samantala, si Jade ay hindi mapakali habang nakaupo sa nakahintong tricycle na walang bubong. Hindi siya kuntento sa ginawa niyang pananakit sa lalaking bumastos sa kan'ya. Sigurado siyang sinadya iyon ng binata dahil nanalamin pa siya sa sasakyan nito bago biglang bumukas ang pintuan noon.
Kahit kinakausap si Jade ni Sean ay tila walang naririnig ang dalaga. Nasusuka siya dahil pakiramdam ng dalaga ay nakadikit pa rin sa kaniya ang labi ng aroganteng lalaking nagnakaw sa kaniya ng halik.
"Dadalaw ako sa inyo bukas," sabi ni Sean.
Wala sa sariling napa-oo na lang ang dalaga. Huli na nang napagtanto niya ang kaniyang sagot. Malayo na si Sean at masayang kumakaway sa kaniya ang binata na matagal nang sumusubok na paibigin siya.
"Bakit ko ba hindi pinag-isipan ang aking sagot?" naiinis na tanong ni Jade sa sarili.
"Gusto mo rin kasi siya," sagot ng Kuya Samuel ni Jade. "Mas okay na si Sean kaysa sa manyakis kanina. Kung hindi ko lang iniisip si tatay, pinakain ko na iyon ng kamao ko."
Naisip ni Jade na may katwiran ang kuya niya. Nakita niya kasi sa mukha ng kapatid ang galit ngunit ang ipinagtataka niya ay ang kawalan ng lakas ng loob ng tatay nila na ipagtatanggol siya.
Pagdating sa bundok ay agad na inusisa ni Jade ang ama. Isang mahinahon na Mang Liloy ang humarap sa dalaga.
"Mayaman ang lalaki kanina. Kung sakali na magsampa siya ng kaso ay baka tayo pa ang makulong. Ang mahirap ay madalas walang boses sa lipunan kaya huwag mo na ulit paiiralin ang init ng ulo mo," sabi ng ginoo.
"Hayaan n'yo na po kasi akong magtrabaho para naman yumama din tayo at nang hindi tayo naaagrabyado ng mga katulad ng hambog ka iyon kanina," pakiusap ng dalaga.
"Pag-uusapan namin ng nanay mo ang bagay na iyan. Sige na magpahinga ka na."
"'Tay, malaki na po ako. Twenty-five na po ako pero hanggang ngayon ay nandito lang ako sa bahay. Hayaan n'yong magtrabaho po ako para makatulong na rin ako sa pamilya."
Hindi na kumibo ang tatay ni Jade. Sa halip ay tumayo na ito at nakipag-inuman sa kapitbahay. Maghapon ito sa tagayan habang ang dalaga ay hindi pa rin maka-move-on sa galit niya sa lalaking unang nakahalik sa kan'ya.
Makalipas ang tatlong taon, masayang pinagmamasdan nina Kaizer at Kryzell ang anak nilang pumapasok na sa paaralan. Sa kabila ng kanilang maraming trabaho, prayoridad nila ang kapakanan nito."Pwede na…" sabi ni Kaizer."Pwede ng… ano?" tanong ni Kryzell."Pwede na tayong gumawa ng baby number two para forty-eight na lang ang hahabulin natin," pilyong wika ni Kaizer."Ah, okay. Mayabang ka. Sige, hubad!"Biglang napatingin ang teacher ng anak nila sa labas ng classroom kung nasaan sila. Nagtatanong ang mga mata nito dahil sa narinig nito."Naku, pasensya na, ma'am. Feeling ko kasi ay na-allergy ako kaya gusto ko sanang patingnan sa asawa ko kung may mga pantal na ako sa likod. Iyon ang dahilan kaya pinahuhubad niya ako," paliwanag ni Kaizer."Oo nga naman, ma'am. Pasensya na po talaga."
Sigawan ng hospital staffs ang nagisnan ni Kryzell. Nagtataka na inilibot niya ang paningin sa paligid. Nasa isang puting silid siya kung saan ay napapalibutan siya ng mga miyembro ng Devil's Angel Mafia Organization at ng Sabado Boys. Ang binti niya ay nababalutan ng kung ano at hindi niya maigalaw iyon. "Kaizer," tawag niya sa pangalan ng kaniyang asawa. Hindi niya kasi ito makita ngunit batid niyang nasa paligid lang ito. Tanda niya kasi ang mga naganap bago siya nawalan ng malay. "Ma'am, may ginagawa lang si Boss Kaizer. Baka maya-maya ay nandito na rin siya," saad ng isa sa mga miyembro ng Sabado Boys. "Si Uncle Gener, nasaan?" tanong ulit ni Kryzell. "Nasa paligid lang po siya. Sinisigurado niyang ligtas ang buong ospital." Nagtataka na tinanong ni Kryzell ang kausap niya kung ano ang nangyayari sa loob ng hospital. Nagtatakbuhan kasi ang mga doktor at nars maging ang mga tao. Nakikita niya iyon dahil sa salamin na bintana ng silid na kinaroroonan niya. Ang mga nagsigawan
Isang malakas na kalabog ang narinig sa silid. Kahit masakit ang kan'yang binti ay nagawa ni Kryzell na patumbahin ang lalaking may peklat sa mukha. Ang totoo ay kaya niya naman talagang igalaw ang kan'yang mga paa. Umarte lang siyang hindi makalakad upang hindi mahalata ng mga taong nakasalamuha at nakakita sa kan'ya. Sa loob ng ilang araw ay pinilit niyang labanan ang kirot upang puwersahin ang sarili niya. Sa layo ng lugar na iyon na kinalalagyan niya ay batid niyang aabutin siya ng umaga bago siya makarating ng bayan kung maglalakad siya gamit ang kan'yang mga paa. Ini-lock niya ang pintuan. Mababa lang ang bintana sa silid kung saan siya ikinulong kaya pwede n'yang talunin lang iyon. Wala rin ikalawang palapag ang bahay kaya madali para sa kan'ya ang lumabas doon sa pamamagitan ng bintana gaya ng ginagawa niya noong bata pa sila. Sumilip si Kryzell sa sliding window. Napangiti pa siya at natu
Isang malakas na sigaw ang pinakawalan ni Kryzell at lumabas siya mula sa ilalim ng banig. Hinawakan kasi ng lalaki ang kaliwang binti niyang nabali. Ang kirot no'n ay tagos hanggang buto niya. Nagtawanan ang mga lalaki habang takot na takot na sumiksik si Kryzell sa dingding. "Bagong paligo na siya mga pare." Boses demonyo ang narinig ni Kryzell. Nabuo na sa sarili niyang lalaban na siya ng patayan kung pagsasamantalahan siya ng mga lalaki. "Huwag n'yong galawin ang babaeng iyan!" sigaw ng lalaking may peklat sa mukha. Agad na binuhat si Kryzell ng lalaking nakakita sa kan'ya. Tawa ito nang tawa habang walang kibo si Kryzell na nakasampa sa balikat nito. "Sabi ko na nga ba at nagsisinungaling kanina ang mag-asawa," sabi ng isa sa mga lalaki. "Tama talaga ang sinabi ninyong bumalik tayo rito," sagot din ng isa.
Magkakasunod na putok ng baril ang pinakawalan ni Kaizer. Kasalukuyan silang nasa Camarines Norte sa pag-aakalang naroon ang grupo ng Triangulo subalit mali ang impormasyon na nakuha ni Ruel.Tahimik ang lahat ng miyembro ng Devil's Angel Mafia Organization habang nagagalit siya at binabaril ang lupang nasa harapan niya. Lahat sila ay nakayuko lang habang pinanonood siya."Find my wife! Sobrang tagal na ng sixteen days para hindi n'yo siya makita!" Nakakabingi ang mga salitang binitawan ng mafia boss. Pinipigilan niya ang mga luhang gusto na namang pumatak. Mahigpit ang hawak n'ya sa gatilyo ng kaniyang baril na kung hindi siya magpapaputok ay baka atakihin siya sa puso kahit wala naman siyang sakit dito."Yes, boss," mahinang usal ng mga tauhan niya.Agad sumakay ang mafia boss sa chopper na naghihintay sa kan'ya. Habang nasa ere ay pasimple n'yang pinahid ang kan'yang luha.
Halos himatayin si Kryzell dahil sa kirot na nararamdaman niya. Sinuntok kasi siya sa sikmura ng lalaking mahaba ang bigote. Pilit kasing ipinasusulat nito sa kan'ya ang mga ari-arian na hindi raw alam ni Hilda ngunit natuklasan niya. Sa pag-aakalang maiisahan niya ang mga kalaban kaya gumawa siya ng pekeng listahan.Kahit namimilipit sa sakit ng sikmura ay pilit na nagpapakatatag si Kryzell. Walang puwang ang salitang pagod sa kan'ya. Ayaw niyang sumuko para sa kan'yang anak at asawa.Matindi ang galit niya kay Hilda. Ang galit na iyon ang nagtutulak sa kan'ya upang lumaban at manatiling buhay sa kabila ng mga paghihirap na pinagdadaanan niya sa kamay ng Triangulo.Isang araw ay inutusan ni Hilda ang kan'yang mga tauhan na ilabas siya mula sa silid kung saan siya nakakulong. Walang ginawa si Kryzell kung hindi ang sumunod lamang upang hindi na siya pagdiskitahan pa ng mga tauhan nito.