Home / Romance / The Mafia's Lost Wife / Chapter 2: Unwind

Share

Chapter 2: Unwind

last update Huling Na-update: 2022-07-07 21:45:42

SOBRANG saya ni Fyrah nang makalabas na ito mula sa Mansyon. Tuwang-tuwa ito dahil tinupad nga ni Ralph ang pagpayag nitong pamamasyal ni Fyrah.

“Ang tagal ko nang gustong mangyari ang ganito!” masayang wika ni Fyrah sabay talon at hagikgik.

Natatawa naman si Gail at napapailing – iling.

“Biruin mo kung ilang buwan ako sa hospital, tapos sa Mansiyon bilang healing recovery ko? Sobrang tagao no’n para sa akin Gail!” patuloy pa ring sabi ng dalaga.

“Oo na! Basta huwag lang daw tayong lalayo sabi ni Ralph.” Nakangiting sagot ni Gail.

Biglang napasimangot si Fyrah.

“Killjoy ang lalaking iyon! Ano naman ang silbi ng pamamasyal ko kung dito lang ako sa iisang lugar. Para namang ayaw niya akong mag- explore niyan!” himutok nito.

“Hindi naman siguro sa ganoon! Worried lang sa’yo ‘yong tao kasi hindi ka pa tuluyang magaling.” Wika ni Gail.

Hindi na lamang umimik si Fyrah, masaya nitong pinagmamasdan ang mga bulaklak sa Park. Mga batang naghahabulan at mga pamilyang ginaganap ang kanilang quality time. Nakaramdam naman ng inggit si Fyrah, noon lang niya naisip kung nasaan nga ba ang kanyang pamilya? Binalingan ni Fyrah si Gail upang sana ay tanungin kaya lang ay busy ang kaibigan nito sa kapipindot sa hawak nitong selpon.

“Sino ba ‘yan ha? Mukhang seryoso ka na riyan!” untag ni Fyrah sa kaibigan.

“Ha?! Hindi, si Mama ko tinatanong kung okay lang ba tayo.” Mabilis na sagot ni Gail.

“Mabuti ka pa may Mama, samantalang ako hindi ko maalala kung meron ba o wala!” malungkot na saad ni Fyrah.

“Hayan ka na naman! Magsawa ka sa pagbisita sa kanila kapag magaling ka na. Para masagot ang mga katanungan mong hindi na yata mauubos!”

Kahit papaano ay ngumiti si Fyrah sa sinabi ni Gail. Mayroon naman pala bakit ba nakadarama siya ng kalungkutan?

“Restroom lang ako ha?” sabu ni Fyrah nang makaramdam ito ng reklamo sa kanyang puson.

“Sasamahan na kita! Hindi puwedeng malayo ka sa akin,” mabilis na wika ni Gail sabay tayo.

“Ano ako bata para bantay sarado mo? Umupo ka nga riyan, ang lapit ng restroom oh!” angal ni Fyrah.

“Pero –“ giit pa rin ni Gail.

Pinandilatan ito ni Fyrah kung kaya’t hindi na ito sinundan ni Gail nang humakbang palayo. Tinanaw na lamang ni Gail si Fyrah patungo sa restroom. Tiniyak nitong hindi mawawala si Fyrah sa kanyang paningin. At dahil takot si Gail na mawala sa kanyang paningin si Fyrah nagpasya na rin itong tunguhin ang nasabing restroom.

Habang si Fyrah naman ay tuluyan nang inilabas ang ihi nito pagkaupo sa bowl. Nakakatiyak si Fyrah na marami sila sa loob ng restroom dahil pilahan na sa labas nito. Nang makaraos na ang dalaga ay saka ito lumabas na siya namang nabangga niya ang babaeng katapat ng kanyang pinanggalingan.

“Ops, sorry!” hinging-paumanhin ni Fyrah.

“What the! Hey, Miss-“ naudlot ang pagtataray ng babaeng nabunggo ni Fyrah nang mapatingin ito sa mukha niya.

“Fyrah?” bulalas ng babae.

“K- Kilala mo ako?” nagtataka namang tanong ni Fyrah.

“Where have you been? Saan ka nakatira ha?” tanong rin ng babae.

“Excuse me, pero hindi kita kilala. Saka, bakit mo ako kilala?” naguguluhang sabi ni Fyrah.

“Seriously, hindi mo ako kilala as in?” nakangising tanong ulit ng babae.

Mabilis na umiling si Fyrah saka nito pinagmamasdan ang babae mula ulo hanggang paa. Tinitigan nito ang mukha ng babae pero talagang hindi niya kilala ito. Habang tila naghihintay naman ang babae na makilala niya.

“I’m sorry pero hindi talaga kita kilala!” turan ni Fyrah saka ito humarap sa salamin.

Narinig ni Fyrah na tumikhim ang babae.

“Elizabeth, by the way!” wika ng babae.

Nginitian naman ni Fyrah ang babae nang matapos itong hugasan ang kanyang mga kamay.

“Nice meeting you, Elizabeth! Sorry ha, pero hindi ki talaga maalala kung kilala ba kita.” Saad ni Fyrah at nagpaalam na ito sa babae.

Nagulat pa si Fyrah nang makita si Gail na nasa labas ng restroom.

“Sinundan mo talaga ako?” kunwari ay inis na tanong ni Fyrah.

“Sorry na, nag-alala lang!” sagot ni Gail sabay kamot sa sariling batok.

Natawa na lamang si Fyrah at naglakad na ito pabalik sa may pusod ng parke. Naglakad – lakad pa sila sa ibang bahagi ng nasabing parke. Hanggang sa nagpasya na silang kumain ng pananghalian sa may malapit na restaurant.

“Mabilis lang ang five hours na palugit ni Ralph, ang pangit niyang ka- bonding.” Wika ni Fyrah na nakaismid.

“Hayan ka na naman, inaaway mo na naman ang boyfie mo kahit wala siya rito.” Natatawang sagot ni Gail.

“Totoo naman!” giit ni Fyrah sabay subo sa steak nito.

Hindi naman sinsadya ni Fyrah na mapalingon sa kanilang paligid. Nahagip ng kanyang mga mata ang babaeng nagpakilala sa kanya bilang si Elizabeth. Nakatitig ito sa kanya subalit agad na ngumiti nang makitang nakatingin din siya sa gawi ng babae.

“Sinong tinitingnan mo?” tanong naman ni Gail nang mapansin nitong nakatingin si Fyrah sa ibang direksyon.

“Wala naman! Napatingin lang ako sa kabuuan ng restaurant,” pagkakila ng dalaga.

“Asus, kumain ka na nga lang! Baka sabihin ng iba, ignorante ka niyan!” tugon ni Gail.

Napagmasdan ni Fyrah si Gail, at amg babaeng Elizabeth. May pagkakahawig ang dalawa, dangan lamang at mas matangkad si Elizabeth. Napapaisip tuloy ang dalaga na hindi ganoon ang magiging reaksyon ng isang taong noon mo lamang nakilala kung hindi ka nito kilala before. Gusto sanang tanungin ni Fyrah si Elizabeth nang marami kaya lang ay may tila pumipigil sa kanya.

“Pagod ka na siguro, hindi mo na ginagalaw ang pagkain mo.” Pansin ni Gail.

Napakurap-kurap naman si Fyrah at mabilis na sumubo ng pagkain.

“Bakit ba tila may gumugulo sa isioan mo?” tanong ni Gail pagkatapos nilang kumain.

“Ahm…may isang babae kasing nabunggo ko sa loob ng restroom and she know me.” Napilitang magtapat si Fyrah sa kaibigan baka kasi matulungan siya nito.

“What? Bakit hindi mo kaagad sinabi sa akin? Nasaan na siya?!” natarantang sagot ni Gail.

“Why? I can see that you’re panicking!”

“Ha? Ahm…umalis na tayo rito sa parke!” wika naman ni Gail at hinila na nito ang kaibigan.

“Wait, Gail! Ano bang nangyayari ha?” pagpupumilit ni Fyrah.

“Wala pero kailangan nating umalis dito sa parke masyado nang mainit bawal sa’yo.” Kalmado nang tugon ni Gail.

Fyrah rolled her eyes. Nainis siya bigla kay Gail pero agad niya ring iwinaksi. May tama naman ang dalaga dahil medyo tirik na ang araw. Kung kaya’t pumayag na lamang itong umalis na sila sa lugar na iyon. Hindi pa man nagtatagal sina Gail at Fyrah sa mga rides nang tumawag si Ralph.

“Please go home, masyado ka ng pagod.” Sabi ng binata.

“Hindi pa nga ako hiningal!” katwiran ni Fyrah which is totoo naman.

“Fyrah, may ibang araw pa kaya go home and rest okay?” giit ni Ralph.

Nawalan naman na nang gana si Fyrah sa pagsakay sana nito sa roller coaster.

“Okay!” mahinang sagot ng dalaga.

“Good! It’s your own safety honey.” Maalumanay naman nang sabi ng binata.

Pagkatapos magpaalamanan sa isa’t-isa ang magkasintahan ay binalingan naman na ni Fyrah si Gail. Sinabi niya sa kanyang kaibigan na uuwi na sila dahil tumawag na si Ralph. Alam ni Gail na medyo sumakit ang kalooban ni Fyrah sa biglaan nilang pag-uwi. Kung kaya’t hindi na lamang umimik pa si Gail at kapwa na sila tahimik pabalik sa sasakyan. Hanggang sa umandar na ang kanilang sasakyan palayo sa lugar na iyon.

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Claudia Rico
parang may kakaiba Kay Gail at Elezabeth bakit Kaya?
Tignan lahat ng Komento

Pinakabagong kabanata

  • The Mafia's Lost Wife    Chapter 27: Who is Tuesday?

    Tatlong araw ng nakabalik si Fyrah sa piling ni Raphael. Subalit gabi-gabi siyang naiiyak dahil palagi niyang naaalala si Cedie at si...Cameron. Hindi niya maintindihan ang kanyang sarili dahil pakiramdam niya ay mas safe siya sa piling ng mag-ama kaysa sa piling ni Raphael. Narinig ni Fyrah na may yabag na papalapit sa kanyang kwarto kung kaya't nagtulug-tulugan agad siya. Kapagkuwan ay bumukas ang pinto at kahit hindi magmulat si Fyrah ay alam niyang si Raphael iyon. Narinig niyang bumuntonghininga ang binata kapagkuwan ay naramdaman ni Fyrah ang maghapon ng binata sa kanyang pisngi. Pigil hininga naman si Fyrah at ni hindi siya kumilos man lang upang hindi siya mabukong gising pa siya. Hindi alam ni Raphael na tatlong araw na niyang hindi iniinom ang mga gamot na ibinibigay sa kanya. Simula no'n ay gabi-gabi ng nananaginip si Fyrah ng mga tagpong paulit-ulit kasabay ng pagsakit ng kanyang ulo."I have to do this, it's your own safety. You can't go back to the past Tuesday," anas ni

  • The Mafia's Lost Wife    Chapter 26: Back Home

    Hindi namalayan ni Fyrah na nakarating na sila sa ibayo. Pagkababa niya ng speed boat ay inalalayan siya nina Gabo na makaakyat sa may pampang na kalsada. At doon nakita ni Fyrah ang sasakyang naghihintay sa kanya pabalik kay Raphael. Muling kumirot ang puso niya, hindi niya maintindihan ang kanyang sarili. Dapat ay masaya na siya dahil makakabalik na siya sa kanila ngunit bakit hindi? Bakit pinipiga ang kanyang dibdib habang ang kanyang puso ay parang winawasak ng milyong karayom?"Ma'am kailangan ka naming piringan kagaya ng dati." Boses ni Gabo.Tumingin si Fyrah kay Gabo at nginitian niya ang lalaki."Puwede bang hindi na Gabo? Para kapag babalik ako ay alam ko ang daang aking tatahakin patungo sa mag-ama?" Maalumanay niyang pakiusap."Pero Ma'am...malilintikan kami kay boss!" Giit ni Gabo."Please, Gabo? Maglulumuhod ako sa iyong harapan pagbigyan mo lamang ako! I'm sincere Gabo please? Huwag kayong mag-alala hindi ko ipagkakanulo ang lugar na ito," muling pakiusap ni Fyrah.Nagk

  • The Mafia's Lost Wife    Chapter 25: The Hurtful Goodbye

    Kinabukasan.Mabigat ang ulo ni Fyrah hindi ito nakatulog nang maayos. Samut- saring tagpo at alalahanin ang nasa utak nito. Pero nagsusumigaw pa rin ang katotohanang iiwan na niya ang mag-ama ano mang oras at araw. Biglang may kumatok sa pinto bantulot na bumangon si Fyrah at tinungo niya iyon upang buksan.Si Cameron ang naroon, nakatayo at seryoso ang mukha habang nakapamulsa."I sent Cedie sa isang rancho ko. I told him that you will go to another place to cure your disease. At first, he cried but I explained that you will come back sooner. Na ayaw ko sanang sabihin dahil ayokong pinapaasa ang aking anak sa wala." Agad na saad ni Cameron.Nakagat ni Fyrah ang sarili nitong bibig at mariing napapikit. Ang kinatatakutan niyang mangyari ay dumating na. Alam niyang masakit subalit mas ibayong sakit pa pala kapag dumating ba nga sa final end. Kusang bumalong ang mga luha ni Fyrah at hindi nito naiwasang hindi mapahikbi. Napatingala naman si Cameron sa kisame at napakurap-kurap."Bakit

  • The Mafia's Lost Wife    Chapter 24: It's a heartache

    Hilot- hilot ni Cameron ang kanyang sentido, masakit iyon at mabigat dahil sa mga natuklasan nitong patungkol sa Fyrah na kanilang kasama ni Cedie. The DNA results was not match, even kay Cedie. Sini ang Fyrah na kasama nila ngayon? Nasaan ang totoo niyang asawa? Will someone behind of all that happened long ago? At nakakasiguro siyang masasaktan na naman nang husto ang kanyang anak. Nakikita pa naman niyang, unti- unti nanh nagiging masaya si Cedie sa pagbabalik ng Mommy niya. Ano ang kanyang gagawin?"Ahm...ayaw mo bang maistorbo kita?" si Fyrah mababa ang boses at maingat na lumapit kay Cameron.Agad na nagmulat si Cameron at tumingin kay Fyrah. Tumikhim ito kapagkuwan at kanyang pinaupo ang kanyang asawa sa tabi niya."I was wondering...-" naudlot ang sasabihin dapat ni Cameron.Hindi niya kasi alam kung papaano niya sisimulan ang lahat-lahat na ipaliwanag kay Fyrah. Dahil tama ito, noong una pa lamang ay tama na si Fyrah na hindi siya ang kanyang asawa."Alam kong mahirap tanggap

  • The Mafia's Lost Wife    Chapter 23: More revelations

    Sa isang iglap ay nasa New York na sina Fyrah, bagaman kasama si Cedie ay sa Yaya muna nito sumasama. May mga lalakarin kasi sina Fyrah at Cameron at naghahabol sila ng oras."Hi! Glad to see you again partner!" bati ng isang naka-unipormeng Doctor.Nginitian lamang ito ni Fyrah at the same time kanina pa kumakabog ang kanyang dibdib dahil sa kaba. Nagdaop naman ang mga palad nina Cameron at ang Doctor saka sila sabay-sabay na umupo. Alam na ng Doctor ang pakay nina Cameron doon, nauna na niya itong sinabi bago pa sila pumunta ng New York. Ganoon kabilis ang mga pangyayari kapag may kapangyarihan ka sa kalakaran lalo na kung may pera ka."Fyrah, kumusta ka na? Mukhang tahimik ka ah! Dati- rati kapag nagkikita tayo palagi mo akong tinutukso at kinakantiyawan. Naninibago ako ngayon about your behavior!" sabi ng Doctor nang tumingin kay Fyrah na tahimik pa rin.Napalunok si Fyrah saka tumikhim."Ahm..nagkita na ba tayo? Or nagkakilala na ba?" tanong ng dalaga.Natawa naman ang Doctor."K

  • The Mafia's Lost Wife    Chapter 22: Talking to her bestfriend again

    Nagsilaglagan ang mga luha ni Fyrah nang makilala nito ang likuran ng babaeng naghihintay sa kanya. Nasa isang private resort sila dahil doon dinala si Gail ng mga tauhan ni Cameron. Nakapiring ang mga mata ni Gail at napapalingon- lingon lamang ito sa kanyang paligid."G- Gail?" utal na sabi ni Fyrah.Lumingon si Gail sa pinanggalingan ng boses ni Fyrah."Fyrah ikaw ba 'yan?" mabilis na sagot ng dalaga.Napasinghot si Fyrah at tuluyan niyang nilapitan ang kanyang kaibigan. Inalis ni Fyrah ang piring sa mga mata ni Gail. Napakurap-kurap si Gail at bahagya pa nitong kinusot ang kanyang mga mata."Fyrah! Ikaw nga! Kumusta ka na ha? Bakit bigla ka na lamang nawala?" sunod-sunod na tanong ng dalaga.Napangiti naman si Fyrah kahit na walang habas ang paglaglagan ng kanyang mga luha."Gail!" wika nito at nagyakapan silang magkaibigan.Medyo matagal silang nagyakapan at kapwa pa napaiyak. Hanggang sa si Gail na ang bumitaw sa kanilang pagkakayakap. Pinagmamasdan ni Gail si Fyrah mula ulo han

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status