Home / Romance / The Mafia's Lost Wife / Chapter 1: Getting better

Share

The Mafia's Lost Wife
The Mafia's Lost Wife
Author: Scorpiowarrior

Chapter 1: Getting better

last update Last Updated: 2022-07-07 21:43:44

BISITA ni Fyrah ang kanyang matalik na kaibigang si Gail nang araw na iyon. After her recovery, ngayon lang ulit sila nagkita at ito na ngayon ang siyang magiging kasa-kasama niya sa bahay ng nobyo niyang Doktor.

“Pumayat ka nang husto,” malungkot na sabi ni Gail habang hawak ang isang kamay ni Fyrah.

“Okay lang! Alam mo naman, grabe ang aksidenteng nangyari sa akin. Isang bagay lang ang pinagtatakahan ko, Gail.” Nakangiting sagot ng dalaga.

Nagsalubong ang kilay ni Gail.

“Ano ‘yon?” tanong nito.

“Hindi ko alam kung dapat ko bang maramdaman ito pero bakit hindi ko maalala kung bakit ako naaksidente?” saad ni Fyrah.

“What do you mean?” nagtataka namang tanong ni Gail.

“I mean, ‘yong buong pangyayari sa aksidente.

Like why I am there at the scene or place something like that! Ano bang ginagawa ko roon or saan pa ako pupunta that time.” Paliwanag ni Fyrah.

Bumuntonghininga naman si Gail at matamang tinitigan si Fyrah.

“About that, may nasabi sa akin si Raphael. Na may mga pangyayaring hindi mo maalala like what you’ve said. Time can heal, maalala mo rin iyon.” Ani nito.

“Wala ka bang alam na gagawin ko or pupuntahan ko that day?” tanong na naman ni Fyrah.

“Hindi ka tumawag sa akin that day beshie! Maski ako hindi ko alam kung ano bang lakad mo sa araw na iyon.” Tugon ni Gail.

Nahilot naman ni Fyrah ang sarili nitong sentido at napapikit.

“Come on, Fyrah! Don’t think about it mas lalo lamang sasakit ang iyong ulo. Ang mahalaga ngayon ay ligtas ka na okay?” sabi naman ni Gail sabay haplos sa likod ng kaibigan.

“You know what? Tama ka, sumasakit ang ulo ko kapag pinipilit kong alalahanin.” Sang-ayon naman ni Fyrah.

Ngumiti naman si Gail.

“Focus ka muna sa full recovery mo, kusa mong maaalala ang lahat balang araw.” Aniya.

“Salamat! Mas mapapanatag na ako ngayong kasama ka,” masayang sabi ni Fyrah.

Nag-toast pa ang dalawa nang uminom na sila ng kanilang tig- isang basong juice. Hindi na nila napansin ang isang aninong umalis malapit sa kanilang dalawa. Nag- usap pa sina Gail at Fyrah nang mas matagal at kung saan-saan na napunta ang kanilang topic. Naroong napapatawa sila at napapahagalpak nang tawa dahil sa daloy ng kanilang pinag- uusapan. Ilang minuto pa at siya namang paglapit ni Raphael sa kinaroroonan nang magkaibigan. Agad namang ngumiti si Fyrah nang makita niya ang kanyang nobyo.

“Good morning my love!” bati ni Raphael sabay kiss sa cheeks ng dalaga.

“Good morning too!” sagot naman ng dalaga.

Binalingan naman ni Raph si Gail at binati rin niya ito.

“Mabuti naman at nakarating ka, Gail. Ang pinag- usapan natin sana huwag mong kalimutan.” Wika ni Raph.

“Ah..oo naman! Huwag kang mag-alala marunong akong tumupad sa usapan.” Agad namang sagot ni Gail.

“Wait…ano bang usapan ‘yan ha?” natatawa namang sabad ni Fyrah sa usapan ng dalawa.

Tumawa naman si Gail saka nito hinawakan ang kamay ng kaibigan.

“Don’t worry, uspan naming hindi kita pababayaan.” Sagot naman ni Gail.

“Ganoon?” nakataas pa ang kilay ni Fyrah sabay tingin kay Raph.

Mabilis namang hinapit ni Raph ang beywang ni Fyrah.

“Iyon lang ‘yon my love wala ng iba pa!” tugon naman ng binata.

Nagkatawanan silang tatlo.

“Anyway, maiwan ki na muna kayong dalawa. Enjoy, and see you mamayang hapon my love sana hindi ako overtime ngayon.” Ani Raph.

“Okay! Ingat ka mahal,” malungkot namang turan ni Fyrah.

Tumango lang ang kanyang kasintahan at tuluyan na itong umalis.

“Parati siyang busy!” nakangusong sabi ni Fyrah.

“Hey, ano ‘yan! Tantrums or what?” natatawa namang wika ni Gail.

Hindi sumagot ang nakasimangot na si Fyrah.

“Famous Doctor ang boyfie mo, ano pa bang in- expect mo riyan?” muling wika ni Gail.

Napahalukipkip naman si Fyrah saka ito parang nag-iisip.

“Alam mo, parang hindi ko feel na boyfriend ko siya.” Bulalas ng dalaga.

“Ano?!” natatawa namang tanong ni Gail.

“Oo! Feel ko lang naman,” mahinang sagot ni Fyrah.

“Uy, luka-luka! Baka may makarinig sa’yo isumbong ka sa boyfie mo.” Paanas namang wika ni Gail.

Napangiwi na lamang si Fyrah at nanahimik na ito. Naglakad-lakad lang naman sila ni Gail sa malawak na bakuran ng Mansiyon. Minsan nanonood ng television, minsan naman nakikinig sila ng music. Gusto ni Fyrah na sana ay makapamasyal siya sa ibang lugar. Bored na siya at pakiramdam niya ay nasisilihan siya sa bahay ng kanyang boyfriend. Hindi siya mapakali pero hindi naman niya mawari kung bakit. Minsan nasasabi niya kay Gail na gusto niyang mamasyal sa ibang lugar sana. Subalit ang palaging sagot ng dalaga ay nasa healing time pa kasi siya kaya bawal muna ang gala. Gustong- gusto na rin niyang sabihin kay Raph kapag dumadating ito kaya lang pansin naman ni Fyrah na palaging pagod ang hitsura ng binata kaya ang ending nauumid ang kanyang dila. Hanggang sa isipan na lamang niya ang mga gusto sana niyang sabihin kay Raph.

“Bakit gising ka pa?” tanong ni Raph nang pumasok ito sa kwarto ni Fyrah.

Tumawag kasi ang binata kanina na medyo gagabihin ito sa pag- uwi.

“Wala lang! Hindi pa kasi ako inaantok kaya nandito ako sa may veranda ng kwarto ko.” Sagot ng dalaga.

Kasalukuyan siyang nakatanaw sa kabuuan ng buong lugar na iyon. Kitang-kita niya ang buong lugar lalo na ang pusod ng pinaka- sentro no’n dahil nasa mas mataas silang lugar. Maliwanag, abot- tanaw mo ang mga naglalakihang building at iba’t-ibang kulay ng mga ilaw na nagniningning sa gabi. Mga maraming sasakyan sa daan pero hindi mo dinig ang ingay ng mga iyon pati na ang mga busina nila.

“Nag-take ka na ba ng medicine mo?” tanong ulit ni Raph nang tuluyan na niyang nalapitan ang dalaga.

“Tapos na! Kumain ka na ba?” sagot na naman ng dalaga.

“Don’t worry about me, tapos na akong kumain.

Kung nahihirapan ka pa ring makatulog I will double the dosage one of your medicine.” Turan ni Raph.

Hindi agad nakapagsalita si Fyrah. Hindi naman iyon ang kanyang hinihintay na sabihin ni Raph sa kanya. Sawa na siya sa usaping tungkol sa kanyang mga gamot. At bakit pa nito i- double ang dosage sa isa niyang gamot hindi naman siya hirap sa pagtulog?

“Huwag na, ngayon lang naman ito.” Tanggi ni Fyrah.

“Are you sure?” paniniyak pa ni Raph.

“Oo!” pinasigla naman ni Fyrah ang kanyang boses.

“Happy to hear that! Come on, lay on your bed.

Take a rest para mas mabilis ang recovery mo!” nakangiti nang sagot ni Raph sabay akay kay Fyrah.

Nagpatinaod na rin lang si Fyrah para wala ng maraming satsat. Inayos ni Raph ang kumot ng dalaga nang makahiga na ito sa kama.

“Huwag kang mag- isip nang kung ano-ano okay? Makakasama sa kalusugan mo,” maalumanay na sabi ni Raph kay Fyrah habang hinahaplos nito ang pisngi ng dalaga.

Marahang tumango ang dalaga.

“May… gusto lang sana akong sasabihin sa’yo.” Mahinang wika ni Fyrah.

“Ano ‘yon?” tanong ni Raph.

“Gusto ko sanang mamasyal kahit saglit lang iyong hindi palaging narito sa loob ng bahay.” Saad ng dalaga.

Natahimik si Raph habang nakatitig pa rin kay Fyrah. Umawang ang labi nito pero hindi naman nagsalita.

“Puwede ba akong mamasyal kahit paminsan-minsan lang?” tanong ni Fyrah.

Napatikhim naman si Raph.

“Titingnan ko ang schedule tomorrow if puwede ako.” Sabi nito.

“Kahit kami na lang ni Gail, ayokong istorbohin ka kung busy ang schedule mo.” Pahayag ng dalaga

“No! I mean, gusto kitang samahan sa pamamasyal.” Pabiglang turan ng binata.

Hindi nagsalita si Fyrah, mga mata lang nila ni Raph ang siyang gumagalaw. Hanggang si Raph na ang kusang bumitiw at napapikit pa ito saka napabuga nang hangin.

“Okay! Bukas, mamasyal kayo ni Gail pero hanggang two hours lang kayo. Unti- untiin natin at baka mabigla ang katawan mo okay?” sa wakas ay pumayag na ito.

“Talaga?!” nagniningning ang mga mata ng dalaga dahil sa kagalakan.

“Yup!” sagot ni Raph.

“Yes!” hiyaw ni Fyrah at mabilis niyang niyakap ang binata at h******n pa niya ito sa pisngi.

Namula naman ang pisngi ni Raph dahil sa ginawa ni Fyrah. Habang tawang-tawa naman ang dalaga at nagpasalamat ito kay Raph. Doon natapos ang kanilang usapan, masaya si Fyrah na muling humiga sa kama. Paulit-ulit itong nagpasalamat kay Raph na nakangiti ring lumabas ng kwarto ni Fyrah. May ngiti sa labi ni Fyrah kahit na hinila ito ng antok. Maaninag mong sobrang saya nito at napagbigyan ang munti nitong hiling na noon pa niya gustong mangyari. Dahil talagang bored na siya sa Mansiyon ni Raph.

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Claudia Rico
baka Hindi si Ralp Ang boyfriend ni Fyrah
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • The Mafia's Lost Wife    Chapter 27: Who is Tuesday?

    Tatlong araw ng nakabalik si Fyrah sa piling ni Raphael. Subalit gabi-gabi siyang naiiyak dahil palagi niyang naaalala si Cedie at si...Cameron. Hindi niya maintindihan ang kanyang sarili dahil pakiramdam niya ay mas safe siya sa piling ng mag-ama kaysa sa piling ni Raphael. Narinig ni Fyrah na may yabag na papalapit sa kanyang kwarto kung kaya't nagtulug-tulugan agad siya. Kapagkuwan ay bumukas ang pinto at kahit hindi magmulat si Fyrah ay alam niyang si Raphael iyon. Narinig niyang bumuntonghininga ang binata kapagkuwan ay naramdaman ni Fyrah ang maghapon ng binata sa kanyang pisngi. Pigil hininga naman si Fyrah at ni hindi siya kumilos man lang upang hindi siya mabukong gising pa siya. Hindi alam ni Raphael na tatlong araw na niyang hindi iniinom ang mga gamot na ibinibigay sa kanya. Simula no'n ay gabi-gabi ng nananaginip si Fyrah ng mga tagpong paulit-ulit kasabay ng pagsakit ng kanyang ulo."I have to do this, it's your own safety. You can't go back to the past Tuesday," anas ni

  • The Mafia's Lost Wife    Chapter 26: Back Home

    Hindi namalayan ni Fyrah na nakarating na sila sa ibayo. Pagkababa niya ng speed boat ay inalalayan siya nina Gabo na makaakyat sa may pampang na kalsada. At doon nakita ni Fyrah ang sasakyang naghihintay sa kanya pabalik kay Raphael. Muling kumirot ang puso niya, hindi niya maintindihan ang kanyang sarili. Dapat ay masaya na siya dahil makakabalik na siya sa kanila ngunit bakit hindi? Bakit pinipiga ang kanyang dibdib habang ang kanyang puso ay parang winawasak ng milyong karayom?"Ma'am kailangan ka naming piringan kagaya ng dati." Boses ni Gabo.Tumingin si Fyrah kay Gabo at nginitian niya ang lalaki."Puwede bang hindi na Gabo? Para kapag babalik ako ay alam ko ang daang aking tatahakin patungo sa mag-ama?" Maalumanay niyang pakiusap."Pero Ma'am...malilintikan kami kay boss!" Giit ni Gabo."Please, Gabo? Maglulumuhod ako sa iyong harapan pagbigyan mo lamang ako! I'm sincere Gabo please? Huwag kayong mag-alala hindi ko ipagkakanulo ang lugar na ito," muling pakiusap ni Fyrah.Nagk

  • The Mafia's Lost Wife    Chapter 25: The Hurtful Goodbye

    Kinabukasan.Mabigat ang ulo ni Fyrah hindi ito nakatulog nang maayos. Samut- saring tagpo at alalahanin ang nasa utak nito. Pero nagsusumigaw pa rin ang katotohanang iiwan na niya ang mag-ama ano mang oras at araw. Biglang may kumatok sa pinto bantulot na bumangon si Fyrah at tinungo niya iyon upang buksan.Si Cameron ang naroon, nakatayo at seryoso ang mukha habang nakapamulsa."I sent Cedie sa isang rancho ko. I told him that you will go to another place to cure your disease. At first, he cried but I explained that you will come back sooner. Na ayaw ko sanang sabihin dahil ayokong pinapaasa ang aking anak sa wala." Agad na saad ni Cameron.Nakagat ni Fyrah ang sarili nitong bibig at mariing napapikit. Ang kinatatakutan niyang mangyari ay dumating na. Alam niyang masakit subalit mas ibayong sakit pa pala kapag dumating ba nga sa final end. Kusang bumalong ang mga luha ni Fyrah at hindi nito naiwasang hindi mapahikbi. Napatingala naman si Cameron sa kisame at napakurap-kurap."Bakit

  • The Mafia's Lost Wife    Chapter 24: It's a heartache

    Hilot- hilot ni Cameron ang kanyang sentido, masakit iyon at mabigat dahil sa mga natuklasan nitong patungkol sa Fyrah na kanilang kasama ni Cedie. The DNA results was not match, even kay Cedie. Sini ang Fyrah na kasama nila ngayon? Nasaan ang totoo niyang asawa? Will someone behind of all that happened long ago? At nakakasiguro siyang masasaktan na naman nang husto ang kanyang anak. Nakikita pa naman niyang, unti- unti nanh nagiging masaya si Cedie sa pagbabalik ng Mommy niya. Ano ang kanyang gagawin?"Ahm...ayaw mo bang maistorbo kita?" si Fyrah mababa ang boses at maingat na lumapit kay Cameron.Agad na nagmulat si Cameron at tumingin kay Fyrah. Tumikhim ito kapagkuwan at kanyang pinaupo ang kanyang asawa sa tabi niya."I was wondering...-" naudlot ang sasabihin dapat ni Cameron.Hindi niya kasi alam kung papaano niya sisimulan ang lahat-lahat na ipaliwanag kay Fyrah. Dahil tama ito, noong una pa lamang ay tama na si Fyrah na hindi siya ang kanyang asawa."Alam kong mahirap tanggap

  • The Mafia's Lost Wife    Chapter 23: More revelations

    Sa isang iglap ay nasa New York na sina Fyrah, bagaman kasama si Cedie ay sa Yaya muna nito sumasama. May mga lalakarin kasi sina Fyrah at Cameron at naghahabol sila ng oras."Hi! Glad to see you again partner!" bati ng isang naka-unipormeng Doctor.Nginitian lamang ito ni Fyrah at the same time kanina pa kumakabog ang kanyang dibdib dahil sa kaba. Nagdaop naman ang mga palad nina Cameron at ang Doctor saka sila sabay-sabay na umupo. Alam na ng Doctor ang pakay nina Cameron doon, nauna na niya itong sinabi bago pa sila pumunta ng New York. Ganoon kabilis ang mga pangyayari kapag may kapangyarihan ka sa kalakaran lalo na kung may pera ka."Fyrah, kumusta ka na? Mukhang tahimik ka ah! Dati- rati kapag nagkikita tayo palagi mo akong tinutukso at kinakantiyawan. Naninibago ako ngayon about your behavior!" sabi ng Doctor nang tumingin kay Fyrah na tahimik pa rin.Napalunok si Fyrah saka tumikhim."Ahm..nagkita na ba tayo? Or nagkakilala na ba?" tanong ng dalaga.Natawa naman ang Doctor."K

  • The Mafia's Lost Wife    Chapter 22: Talking to her bestfriend again

    Nagsilaglagan ang mga luha ni Fyrah nang makilala nito ang likuran ng babaeng naghihintay sa kanya. Nasa isang private resort sila dahil doon dinala si Gail ng mga tauhan ni Cameron. Nakapiring ang mga mata ni Gail at napapalingon- lingon lamang ito sa kanyang paligid."G- Gail?" utal na sabi ni Fyrah.Lumingon si Gail sa pinanggalingan ng boses ni Fyrah."Fyrah ikaw ba 'yan?" mabilis na sagot ng dalaga.Napasinghot si Fyrah at tuluyan niyang nilapitan ang kanyang kaibigan. Inalis ni Fyrah ang piring sa mga mata ni Gail. Napakurap-kurap si Gail at bahagya pa nitong kinusot ang kanyang mga mata."Fyrah! Ikaw nga! Kumusta ka na ha? Bakit bigla ka na lamang nawala?" sunod-sunod na tanong ng dalaga.Napangiti naman si Fyrah kahit na walang habas ang paglaglagan ng kanyang mga luha."Gail!" wika nito at nagyakapan silang magkaibigan.Medyo matagal silang nagyakapan at kapwa pa napaiyak. Hanggang sa si Gail na ang bumitaw sa kanilang pagkakayakap. Pinagmamasdan ni Gail si Fyrah mula ulo han

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status