Share

LUCAS:102

Author: ExDealers
last update Petsa ng paglalathala: 2026-10-16 11:26:57

Pagpasok ko, nakaupo siya sa tapat ng mesa, may hawak na lumang litrato. Hindi ko nakita nang malinaw ang mukha, pero napansin ko ang mga gilid—lumang-luma na, parang ingatang-ingata ng ilang dekada.

“Sit down,” utos niya.

Umupo ako sa tapat nang walang reklamo.

Tinitigan niya ako nang diretso. “Did you hear her hum a specific tune earlier today?”

Napakunot ang noo ko. “What tune?”

Ang mga mata niya ay biglang tumalim. “You didn’t notice.”

“Victor,” sabi ko, “deretuhin mo na ako. Psychic ka ba?
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter

Pinakabagong kabanata

  • Curvy Obsession ni Mr. Caleb   LUCAS:105

    Hindi ako madaling magalit sa mga bagay na wala sa kontrol ko. Pero may mga kwento tungkol sa kanya—ang mga simpleng kalupitan at pangmamaliit na ginagawa ng mga taong walang puso sa mga taong walang laban.Hindi ko sinabi ang mga salitang nag-uudyok sa isip ko.Hindi ko sinabi na: Kung sino man ang gumawa no’n sa ’yo noon, hinding-hindi niya deserving makasama kahit isang araw ng kapayapaan.Sa halip, ang lumabas sa aking labi ay:“Dito sa mundong ito, malaya kang gumawa ng mga bagay nang mag-isa,” pormal kong sabi. “At hinding-hindi ka na kailanman tatawagin ng kahit sino ng ganyan.”Tumango siya nang mababa.At bago pa man siya bumalik sa kanyang tutor, biglang may ginawa siyang hindi ko inaasahan—nag-hum siya ng isang mahinang tono.Mahina lang. Halos walang tunog.Pero tumama sa akin.Parang may isang matandang pinto sa loob ng utak ko ang marahas na bumukas.Isang lumang melody.Isang pamilyar na lullaby na narinig ko noon sa isang maliit na kuwartong may mga laruan sa sahig at

  • Curvy Obsession ni Mr. Caleb   LUCAS:104

    Pero ang “opo” na iyon ay hindi nagmula sa isang matapang na tao. Isa itong sinanay at pinagdaanang reaksyon. ’Yung klaseng “okay” na madalas sambitin ng mga taong buong buhay ay sanay na magtiis at masaktan nang tahimik.Hindi ako ngumiti, pero sinadya kong palamigin at palambutin ang tono ko—isang bagay na hindi naman natural sa akin.“Kung hindi ka komportable sa kahit anong gagawin nila, sabihin mo agad sa amin,” dagdag ko. “Walang magpapakitang-tao rito.”Saglit siyang natigilan, na parang nagulat na may isang taong nagbigay sa kanya ng pormal na pahintulot na maging mahina.“Opo,” mahina at tapat niyang sagot.Hindi ko na kinorek ang pagtawag niya sa akin ng “opo.” Hayaan na muna.Sa loob ng private clinic ng Floresta do Santuario, walang kahit anong masangsang na amoy ng ospital na nakasasakal sa lalamunan. Malinis, tahimik, at napakapribado. Isang pribilehiyong dala ng sarili naming sistema—lahat ay may hawak na kontrol, lahat ay secured.Pag-upo pa lang ni Ysabelle sa medica

  • Curvy Obsession ni Mr. Caleb   LUCAS:103

    Vincent Thor Vanderbilt (Victor)May mga bagay sa mundong ito na hindi mo dapat pinapansin kapag gusto mong manatiling kalmado at may kontrol sa sarili.Isang hibla ng buhok na naligaw at sumabit sa gilid ng pisngi niya habang seryosong nagbabasa. ’Yung pamilyar na paraan ng pagkunot ng noo niya sa tuwing may salitang Ingles o term na hindi niya agad mabigkas. O kaya naman ay ang maliit niyang ugali na kagat-kagatin ang dulo ng lapis sa tuwing malalim ang iniisip.Maliit na bagay. Walang halaga. Dapat ay ganoon.Pero sa sandaling mayroon kang nawatasan at hinahanap na taong kinailangan mong libutin ang bawat sulok ng mundo, ang mga simpleng “maliit” na detalyeng iyon ay biglang nagiging mga matutulis na patalim. Hindi sila lumalapit para saktan kaagad ang katawan—lumalapit sila para magtanim ng mga tanong sa utak mo.At sa sandaling tumubo at lumaki na ang tanong na iyon, hinding-hindi mo na ito mapipigilan.“Ysa.”Bigla siyang natigilan sa pag-susulat at dahan-dahang nag-angat ng muk

  • Curvy Obsession ni Mr. Caleb   LUCAS:102

    Pagpasok ko, nakaupo siya sa tapat ng mesa, may hawak na lumang litrato. Hindi ko nakita nang malinaw ang mukha, pero napansin ko ang mga gilid—lumang-luma na, parang ingatang-ingata ng ilang dekada.“Sit down,” utos niya.Umupo ako sa tapat nang walang reklamo.Tinitigan niya ako nang diretso. “Did you hear her hum a specific tune earlier today?”Napakunot ang noo ko. “What tune?”Ang mga mata niya ay biglang tumalim. “You didn’t notice.”“Victor,” sabi ko, “deretuhin mo na ako. Psychic ka ba? Hindi ko napansin.”Hindi siya natawa sa biro ko.Dahan-dahan niyang kinuha ang lumang litrato at itinapat sa liwanag ng lamp. Sa maikling saglit ay nakita ko:Isang maliit na batang babae. Malungkot ang mga mata. At sa tabi niya ay ang nakababatang bersyon ni Victor.“Vivian,” mahina niyang pagbigkas sa pangalan.Napakabilis na nanlamig ang buo kong batok. “Your sister.”Tumango siya nang mabagal. “Missing for years.”Alam ko ang kwentong iyon. Alam naming lahat ang tungkol kay Vivian. Pero po

  • Curvy Obsession ni Mr. Caleb   LUCAS:101

    Ako, sumunod—hindi agad, para hindi halatang nagbabantay. Nagkunwari akong may tinatawag sa phone. Pero wala naman talagang kabilang linya.Umupo ako sa railings, hindi masyadong malapit at hindi rin masyadong malayo. Sapat na distansya para hindi niya maramdamang binabantayan siya, pero may sapat na presensya para hindi siya mag-isang muli.“Ang ganda,” bulong niya, hindi sa akin kundi sa nag-iisang tanawin.“Mas maganda kapag sanay ka na,” sagot ko.Napalingon siya sa direksyon ko. “Sanay?”“Sa tahimik,” sabi ko. “Sa mga lugar na walang naninigaw at nanunumbat.”Tahimik siya nang saglit. Tapos ngumiti nang maliit, pero mas naging togenuine. “Hindi ako sanay.”“Soon,” sabi ko.Hindi ko alam kung bakit ko nasabi iyon. Parang isang pangako na binuo ng sarili ko. Pero wala naman akong karapatang mangako.Humigop siya ng inumin, tapos biglang nagtanong na para bang kaswal lang ang lahat:“Kumusta si… Mister?”Boom.Doon ako na-inis. Hindi sa kanya.Kundi sa sarili ko.Kasi kahit ilang li

  • Curvy Obsession ni Mr. Caleb   LUCAS:100

    GavinKung tutuusin, hindi naman dapat ako nandito.Hindi ako tutor. Hindi ako yaya. At lalong hindi ako guardian. Pulis ako—may pormal na trabaho, may mga pending case files, at may mga taong kailangan kong protektahan sa labas ng Floresta do Santuario. Pero sa bawat araw na lumilipas, mas nagiging obvious at malinaw na hindi na lang simpleng “trabaho” ang dahilan kung bakit paulit-ulit kong pinipiling bumalik at manatili rito.At ang mas nakaiirita pa?Hindi ko man lang kayang aminin ang totoo kahit sa sarili kong utak.“Gavin!” malakas na sigaw ni Kianna mula sa ikalawang palapag ng hagdan. “Kung hindi ka pa bababa rito ngayon mismo, ipapakita ko kay Ysa ’yung video mo nung nalasing ka at umiyak ka nang napakalakas kay Steven!”“WALA AKONG INIYAK!” sigaw ko pabalik habang lumalabas na nagmamadali patungo sa sala.Sumunod agad ang pamilyar na tawa ni Steven mula sa kusina—mahina, pigil, pero malinaw na malinaw ko itong narinig. Putangina. Kahit pala ang seryosong si Steven ay may na

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status