The Man I Divorced Is My Boss

The Man I Divorced Is My Boss

last updateTerakhir Diperbarui : 2025-04-16
Oleh:  SALVADOROn going
Bahasa: Filipino
goodnovel16goodnovel
Belum ada penilaian
4Bab
48Dibaca
Baca
Tambahkan

Share:  

Lapor
Ringkasan
Katalog
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi

Desidido si Faye Angeles na makahanap ng trabaho para maipagamot ang ina na may leukemia. Pero sa hindi niya inaasahang pagkakataon, sa kumpanya pala ng dati niyang asawa na si Tristan Alfred na hire siya. Malaki ang alok nitong sahod—sapat para hindi niya ito tanggapin. Pero kapalit nito, araw-araw niyang makikita ang lalaking minsan niyang minahal… at iniwan. Ex-husband na, boss pa. Paano kung sa pagitan ng mga meeting, overtime, at lihim na sulyap, unti-unting bumalik ang damdaming matagal na niyang nilibing?

Lihat lebih banyak

Bab 1

Chapter 1

"Nagsimula na ba ang interview para sa secretary?" balisang tanong ni Faye.

Isang oras na siyang late. Patay siya kapag hindi siya natanggap dito. Last chance na ito para sa kanya. Nakaka-ilang apply na siya ngayong umaga—sa apat na kumpanya na pinuntahan niya ay rejected siya. Kapag hindi pa siya natanggap dito, baka mauwi siya sa wala.

"Ms. Faye Angeles?" pagtawag sa pangalan niya ng isang babae. Nilingon niya ito. Ibinigay niya ang folder na hawak niya at binasa iyon ng babae.

"Faye Angeles. Graduated in South Luzon State University... Separated..." Bigla itong tumingin sa kanya, halatang nagulat na hiwalay siya sa asawa. "27 years old," dagdag pa niya.

Bakit parang hindi kapani-paniwala na separated siya? 

"Okay, Ms. Angeles. This way sa office ni Sir," sabi ng staff na babae.

Napangiti siya. Kailangan niyang ibigay ang pinakamahusay na pagsisikap niya. This is her last chance. Sana matanggap siya dahil kailangan na kailangan niya ng pera ngayon. Ang kanyang ina ay nasa hospital at may leukemia. Kailangan niya ng pera para sa chemotherapy. Hindi siya pina-chemo dahil kailangan daw muna ng bayad. Delikado na ang lagay ng kanyang ina, at mas lalala ito kung hindi siya makapagpa-chemo this week. Kailangan nang gumaling ng kanyang ina. Ang dami na rin nilang utang kaya kailangan niyang kumita ng pera. Lahat ng naipon niyang pera mula noon ay naubos na dahil sa hospital bills.

Medyo kinakabahan pa siya habang papasok sa opisina ng boss nila, dahil baka biglain siya. Ganoon kasi sa mga interview—tatanungin agad na, “Why should I hire you?” Tapos kapag hindi maganda ang impression nila sa’yo, out ka agad.

Huminga siya ng malalim bago buksan ang pinto.  

"Good afternoon po, Sir."

Lumapit siya sa mesa ng boss. Nakatalikod ito habang nakaupo sa swivel chair. Maraming folders ang nakalagay sa mesa niya—siguro mga resume 'yon. Medyo madilim din ang office ni Sir; nakasarado ang lahat ng bintana at nakababa ang mga kurtina. Ang dilim.

Huminga siya ng malalim. Ramdam na ramdam niya ang pangangatog ng mga binti niya. Kailangan niyang kumapal ang mukha. Kung hindi kayang daanin sa talino, daanin sa paawa.

"Sir... parang awa niyo na po. Tanggapin niyo na po ako. Gagawin ko po lahat. Masipag po ako at maabilidad! Kahit... mahirap na trabaho, kakayanin ko. Kailangan na kailangan ko lang po talaga ng mabilisang pera. Please, Sir! Tanggapin niyo po ako... sa kumpanya niyo," pagmamakaawa niya at napayuko.

Nakakahiya man, pero kailangan. Desperada na siya.

Naramdaman niyang humarap ang lalaki sa kanya. Napaangat siya ng ulo, napaatras bigla. Yung kaba niya ay napalitan ng sakit.

"It's nice to see you again, my wife. By the way... you're hired," sabi nito at ngumisi sa kanya.

Bigla siyang nakaramdam ng kung anong galit.  

After five years? No. Hindi siya papayag na maging boss niya ang gagong ito. Sinira nito ang buhay niya. Sinira nito ang buong pagkatao niya. Pagkatapos niya itong mahalin at ibihay ang lahat meron siya ay niloko lang siya nito.

"I-I quit! Kung... ikaw lang din naman ang magiging boss ko, hindi na lang!" nauutal niyang sambit at akmang aalis na, pero mabilis itong tumayo para pinigilan siya sa pag-alis niya.

"No! Stay here, wife!" mariing sabi nito at hinawakan ang braso niya.

Marahas niyang hinila ang kamay niya at binawi rito. "Huwag mo akong hawakan!" Napakatanga niya rin para hindi malaman na sa dating asawa niya ang kumpanyang ‘to. It’s been years, hindi niya alam na naging successful pala business na itinatayo nito noon.

"Faye, please stay—"

"Shut up, Tristan," inis niyang sabi.

Muli itong humakbang papalapit sa kanya, pero agad siyang tumakbo papunta sa pinto. Hawak niya na ang doorknob, pero biglang sinandal ni Tristan ang kamay sa pinto, dahilan para hindi iyon ito mabuksan ni Faye.

"We need to talk. Huwag ka muna umalis," mahinang sabi nito, halos pabulong.

Sarkastikong napatawa si Faye at sinalubong ang mga tingin nito.  

"Mag-usap? Tristan, ano namang pag-uusapan nating dalawa? Hindi ba't hiwalay na tayo? I filed a divorce, you signed it."

Akmang bubuksan niya ulit ang pinto pero na-corner siya ni Tristan. Napakalapit ng katawan nito sa kanya at ramdam niya ang hininga ni nito sa mukha niya.

"But you came here for work... Meaning, you need me," nanunuyong wika niyo.

"Yes. But sadly, I don't want to work with you." Pinalakihan niya ito nang mga mata at hindi nagpatinag.

"I'll give you fifty thousand cash. You said you needed it. It will be an advance payment."

Para bang tumaas ang tenga ni Fate sa laki ng perang ino-offer ni Tristan. Napalunok siya at napaisip.

"You're applying for secretary? You will be my secretary. You'll start tomorrow with a fifty-thousand advance payment. Take it or leave it," anito at lumayo sa kanya.

Pinanood niyang bumalik si Tristan sa mesa nito at naglabas ng isang metal box. Nanlaki ang mga mata niya sa dami ng pera na nasa loob nito. Nagbilang si Tristan ng fifty thousand at nilapag sa mesa..

"N-No, thanks," sambit niya. "Hindi ko gugustuhin na magtrabaho sayo." Hindi siya muling magpapaloko sa lalaking ito. Tinapos na niya ang ugnayan nila noon, kaya dapat lang na hindi na ulit iyon dugtungan.

Napasimangot siya at humawak sa doorknob. Malaking pera ang fifty thousand. Pero mas malaki ang pride niya.

"For secretary position... you'll get fifty thousand pesos salary, fifty thousand pesos advance payment, free foods in my office, also free ride on my car. Tatanggihan mo pa ba?" Muling pigil nito sa kanya.

What a big opportunity to grab... Free lahat! Sana may free sapak din at bugbog para man lang makaganti siya sa sakit ng idinulot ng lalaking ito sa buhay niya.

Pero hindi na dapat siya ngayon pa nag-iinarte! Kailangan ng kanyang ina ng pera at si Tristan lang ang makakapagbigay agad ng kailangan niya!

"Fine..." bulong niya at humarap kay Tristan.

Ngumiti naman si Tristan sa kanya kaya inismiran niya ito at lumapit sa lamesa.

"So it's a deal?" nakangising tanong ni Tristan, ang mga mata’y kumikislap ng kasiyahan.

"Deal!" inis niyang sabi, at kinuha ang fifty mula sa mesa.

"See you tomorrow, my wife!" pabirong sabi ni Tristan, na may ngiti pa sa labi.

"Correction, it's secretary Faye. I'm currently in a relationship," pagsisinungaling niya. Matapos nilang maghiwalay ni Tristan ay hindi na siya ulit naging interesado sa kahit sinong lalaki. Kahit pa napakaraming gusto manligaw sa kanya.

Unti-unting nawala ang mga ngisi sa labi ni Tristan at biglang sumeryoso. Tinutok nito ang mga mata kay Faye, na parang naghahanap ng sagot sa mukha.

"Since... when?" tanong ni Tristan, ang boses medyo mababa, may halong pangungusap at pagkalito.

"A-Almost a year," pagsisinungaling niya ulit. "I'll see you tomorrow, sir. I'll go ahead."

Mabilis pumihit si Faye patalikod at naglakad palabas, hawak ang dibdib habang nararamdaman ang lakas ng pintig ng kanyang puso.

"I can't believe this... The man I divorced is my... boss." Bulong niya sa sarili, habang pilit ipinaglalaban ang mga nararamdaman.

Tampilkan Lebih Banyak
Bab Selanjutnya
Unduh

Bab terbaru

Bab Lainnya

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Komen

Tidak ada komentar
4 Bab
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status