******
Nakatingin lamang ako ng masama sa tatlong lalaki na nakaluhod sa harap ko. Hindi ko alam kung bakit bigla silang lumuhod kahit na tinanong ko lamang sila. Nasa katabi ko si Zack habang umiinom ng alak at pinapanood ang nangyayari. "Si insan ang naglagay ng panyo saiyo. Caleb, aminin mo." mabilis na saad ni Kiefer habang sinisiko si Caleb na nasa kanang bahagi niya. Kaya pala magkapareho sila ng apelyido ay magpinsan sila. "Pagkatapos si Shawn ang nagtali saiyo sa upuan." dugtong pa niya habang nakatingin kay Shawn na nasa katabi ni Caleb. "Kiefer, ikaw ang bumuhat kay Rain pasakay sa loob ng kotse. Lagot ka kay boss." biglang saad ni Caleb habang nakangising nakatingin kay Kiefer. Napansin ko na nasamid si Kiefer at hindi makatingin ng diretso sa direksyon namin ni Zack. "You dare to car--" pinutol ko ang sasabihin ni Zack dahil alam ko na wala na naman saysay ang sasabihin niya. "Guys, tinanong ko lang kayo. Pati bakit kayo lumuhod? Tumayo kayo at hindi ako santo." saad ko sa kanila na agad naman nilang sinunod at umupo sa sofa. "Kakalimutan na ba natin ang nangyari?" Nagpapacute na saad ni Kiefer. "Oo... Kalimutan na natin ang nangyari kahit na noong araw na iyon ay sobrang takot na takot ak--" Nagulat ako ng bigla silang magsalita ng sabay sabay. "Rain, sorry." Sabay-sabay nilang saad. Nagbibiro lang ako pero totoo na sobra ang naramdaman kong takot na naging sanhi ng pagkakaroon ko ng insomnia. Mabuti na lamang at unti-unting nawawala dahil nakakatulog na ako ng maayos. "Akala ko ba may pupuntahan kayo?" Tanong ko dahil ang awkward ng paligid. "Ah oo, tara na. Mag-inom na tayo." Masayang saad ni Kiefer bago tumayo at nagpaalam. Sumunod yung dalawa at nagmamadaling umalis. Hindi ko mapigilan ang matawa sa kanila habang pinapanood. "You're having fun." Saad ni Zack na akala ko ay multo. "Zack ituro mo sa akin yung banyo. Naiihi na ako." saad ko sa kaniya at dahil sa mga mokong na iyon ay nakawawa ang pantog ko huhuhu. Hindi kalakihan ang bahay ni Zack kaya mabilis ko lamang nalaman kung saan ang banyo na tinutukoy niya. Pagkatapos ko ay bumalik na ako sa salas. "Wife?" napa-irap ako ng tawagin niya ako. "Wife? Feeling asawa kita." masungit kong saad sa kaniya. Hindi ko alam kung bakit humantong sa ganitong sitwasyon na kaya ko na siyang sungitan samantalang noong una ay halos manginig ang buong kalamnan ko sa tuwing nakikita ko siya. "I'm going to be your husband after two days. So it's better to practice our endearment." Kaswal niyang saad. "Two days as in dalawang araw na lang ikakasal na tayo?" Hindi makapaniwalang saad ko habang nakanganga. "Bakit excited ka na ba? Gusto mo ngayon mismo ay magpakasal na tayo." Hindi ko alam kung matutuwa ako na nagtagalog siya. Ang pasmado talaga ng bibig ng lalaking ito. "Unggoy ka, hindi ako excited at okay na ako sa two days." Masungit kong turan na ikinatawa niya. Kahit walang nakakatawa sa sinabi ko. "It's already midnight. Let's go to sleep." Saad niya sabay tumayo. Hinawakan ko siya sa dulo ng coat niya para pigilan na umalis. "Pa-utang ako ng pamasahe pa-uwi. Babayaran din kita." Nahihiya kong saad sa kaniya. "This is your home from now on." saad niya. Binitawan ko ang dulo ng coat niya bago nag-isip. "Pero... pero saan ako matutulog? Uunahan na kita, hindi ako matutulog kasama ka." Saad ko. Nakipagtitigan siya sa akin at hindi ako nagpatalo. "Follow me." Saad niya at nagsimula na maglakad. Sinundan ko lamang siya hanggang sa makarating kami sa dalawang pintuan na magkatapat. "The right door is my room, then the left door is yours. There are many clothes in the closet. Sleep well and good night." Saad niya bago pumasok sa loob ng kwarto niya. Pumasok ako sa loob ng kwarto at bumungad sa akin ang napakagandang silid. Kulay rosas ang kulay niya. Napagdesisyonan ko na libutin ang buong silid at napag-alaman ko na para akong umuupa sa mamahalin na apartment sapagkat kumpleto ang mga ito. May sariling banyo, salas at tulugan. May malaki din itong closet at kulang na lamang ay ang kusina. Ang ganda ng bahay niya. Pagkatapos kong maglinis ng katawan ay humiga na ako sa malambot na kama. Ilang sandali ay dinapuan na ako ng antok sapagkat unti-unting bumibigat ang talukap ng aking mga mata. Gumising ako ng maaga dahil unang araw ng pasok ko sa school at ito na din ang araw na magbabayad ako. Bahala na si batman. Kakausapin ko ang nasa registrar office at sana ay payagan ako. May kumatok sa pinto ko kaya naglakad ako at pinagbuksan siya ng pinto. "Iha, bumaba ka na para makapag-almusal ka." Saad ng babaeng sa aking palagay ay nasa 50s na ang kaniyang edad. "Sige po, salamat po." Nakangiti kong saad sa kaniya bago sumunod sa kaniya sa paglalakad. "Ang ganda mo naman iha. Ang swerte ni Zack saiyo." nakangiti akong tumango sa kaniya. "Ako po si Rain, ano po ang pangalan mo?" Tanong ko habang naglalakad kami. "Tawagin mo na lamang akong Manang lucia. Alam mo iha, ikaw pa lang ang babae na nakapasok sa bahay ni Zack. Ang strikto kasi ng batang iyon. Minana niya siguro iyon sa daddy niya." kwento ni Manang habang naglalakad kami pababa ng hagdan. Inalalayan ko siya habang bumababa. " Manang, sigurado po kayong ako pa lang?"nagtataka kong saad habang napahinto sandali bago nagsimula muli sa paglalakad. Parang hindi kapani-paniwala. Hindi ko maitatanggi na gwapo si Zack at idagdag ang kayamanan niya. Kaya hindi kapani-paniwala na wala siyang babaeng dinadala dito. Nakalimutan ko na nakakatakot ang unggoy na iyon kaya siguro walang nagtangka na lapitan siya. "Oo iha. Ikaw pa lang, matagal na kong naninilbihan dito. Sa tagal ko na dito ay nasubaybayan ko na ang pagbibinata ni Zack. Kaya sigurado ako na wala siyang dinalang babae dito. Kahit classmates niya o ka-trabaho ay wala kahit isa siyang dinala." Pagkukwento niya. "Baka po bakla si Zack." Pagbibiro ko. "Ay juice ko. Iha paano magiging bakla iyon? Eh, pakakasalan ka nga niya. Kaya dapat iha galingan mo sa honeymoon niyo para magkababy na agad kayo." bigla akong nataranta dahil ang lakas ng boses ni manang habang nagsasalita siya. "Manang bakit po wala akong nakikitang kasambahay dito sa bahay ni Zack?" Pag-iiba ko ng usapan. Kakaiba bumanat si manang pati nakakakilabot ang nasa isip niya. Iniisip ko palang na magkakababy kami ni Zack. Hindi ko na ma-imagine. Pati hindi ko hahayaan na magka-anak ako sa kaniya. "Hindi gusto ni Zack ang maraming tao sa bahay. Pero may nagpupunta dito para gawin ang mga gawaing bahay at paglalaba habang ako ay ipinagluluto ko ng pagkain si Zack. Mapili sa pagkain ang batang iyon. Luto lang ng mommy niya ang gusto niyang kainin." Kwento ni Manang lucia. Tatanungin ko sana siya tungkol sa magulang ni Zack ngunit nakarating na kami sa kusina. Nakatuon ang atensyon ni Zack sa hawak niyang dokumento habang umiinom ng kape. Sinuri ko ang kusina at napansin ko na may maliit na kumikinang na aranya na nakasabit sa kisame na nakapagbigay ng magandang disensyo habang may sampung upuan at isang mahabang lamesa na hugis parisukat. Gawa sa kahoy ang lamesa ngunit may salamin na nakadisenyo sa gitna nito na mas lalong nakapagbigay ng kahanga-hangang ka-anyuan habang ang mga upuan ay gawa din sa kahoy na may malambot na unan. May apat na nakahilerang upuan sa kaliwa at kanang bahagi ng lamesa habang sa parehong dulo ay may upuan din na nakalagay. 'Ang ganda ng kusina.' saad ko sa aking isip. "Let's eat." saad niya bago ako pinaghila ng upuan malapit sa kaniya. 'Minsan mabait tapos minsan masungit. Magulo talaga ang ugali ni Zack.' saad ko muli sa aking isip.******Nakatingin lamang ako ng masama sa tatlong lalaki na nakaluhod sa harap ko. Hindi ko alam kung bakit bigla silang lumuhod kahit na tinanong ko lamang sila. Nasa katabi ko si Zack habang umiinom ng alak at pinapanood ang nangyayari."Si insan ang naglagay ng panyo saiyo. Caleb, aminin mo." mabilis na saad ni Kiefer habang sinisiko si Caleb na nasa kanang bahagi niya. Kaya pala magkapareho sila ng apelyido ay magpinsan sila. "Pagkatapos si Shawn ang nagtali saiyo sa upuan." dugtong pa niya habang nakatingin kay Shawn na nasa katabi ni Caleb."Kiefer, ikaw ang bumuhat kay Rain pasakay sa loob ng kotse. Lagot ka kay boss." biglang saad ni Caleb habang nakangising nakatingin kay Kiefer. Napansin ko na nasamid si Kiefer at hindi makatingin ng diretso sa direksyon namin ni Zack."You dare to car--" pinutol ko ang sasabihin ni Zack dahil alam ko na wala na naman saysay ang sasabihin niya."Guys, tinanong ko lang kayo. Pati bakit kayo lumuhod? Tumayo kayo at hindi ako santo." saad ko s
"Tulungan niyo ako!" Sigaw ko muli ngunit walang tao na nakakarinig sapagkat walang dumadaan sa direksyon namin. Ngunit nagbabalasakali ako na may makarinig. Pinaghahampas ko siya sa dibdib ngunit parang balewala lamang ang ginagawa ko."Zack stop! Tangina, pumunta ako dito sa bar para sumayaw at kumita ng pera para sa tuition fee ko sa school at sa apartment ko. Masaya ka na ba?" Sigaw ko habang umiiyak. "If you try to comeback here, then I'm going to blow down this fucking place." pagbabanta niya habang tinititigan niya ako. Inalis niya ang kaniyang kamay na nakahawak sa hita ko pati ang kamay niya na nakahawak sa sa aking dibdib. "Wala kang karapatan na pagbawalan ako at wala akong pakialam kahit patayin mo ako dito mismo sa kinatatayuan ko." galit kong sigaw sa kaniya bago ko siya tinalikuran ngunit pinigilan niya ako sa pamamagitan ng paghawak niya sa braso ko."Listen, I almost shot those shitheads because I can't let anyone stare at your body while they are having disgusting
"Interesting..." napamulat ako dahil sa sinabi niya. Nakahinga ako ng maluwag ng ibinaba niya ang baril na nakatutok sa akin. "I'll be back crazy woman. Don't forget my name, I'm Zack Mason. Your soon be husband." saan niya habang sinusuri niya ako bago naglakad paalis.Nang makalabas si Zack sa silid ay nagtungo ako kung saan nakalagay ang bag ko. Hinanap ko ang cellphone ko sa loob ng bag at nakahinga ako ng maluwag dahil nakita ko ito. Kailangan kong gumawa ng paraan upang makatakas sa lugar na ito. Tinawagan ko ang numero ng pulisya. Hindi ako mapakali sa kinatatayuan ko habang hinihintay na sagutin ang tawag."911, is there an emergency?" bungad sa kabilang linya."Tulungan niyo ako. May dumukot sa akin at dinala ako sa hindi ko alam na lugar." Naiiyak kong saad dahil pakiramdam ko ay nagkaroon ako ng pag-asa dahil may mga taong tutulong sa akin."What is your name? Are you hurt?" saad ng babae sa kabilang linya."Rain, help me please. Zack Mason ang pangalan ng kidnapper ko at
*** Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata ngunit wala akong makita sapagkat may nakalagay na tela sa aking mga mata. Sinubukan kong gumalaw ngunit nakatali ang aking mga kamay at paa habang naka-upo sa upuan. "Finally, your awake." saad ng lalaking dumukot sa akin. Walang nakalagay sa bibig ko kung kaya't makakapagsalita ako. "Wala akong atraso kahit na sino. Kaya sino ka? Ano ang kailangan mo sa akin?" Tanong ko habang pilit kong inaalis ang mga tali sa kamay ko ngunit mas humihigpit ang pagkakatali nito. "Ikaw wala, pero ang ama mo ay may atraso kay boss." saad niya bago tumawa. Napahawak ako ng mahigpit sa kamao ko at pinili ko na tumahimik. Dalawang taon na ang lumipas matapos kong mabalitaan na pumanaw ang aking ama. Pinatay siya ng pinagkaka-utangan niya. Ngunit bago mangyari iyon ay nalulon muna siya sa sugal sa kasino hanggang sa na-ubos ang pera na ipinundar nila ng aking ina. labin-dalawang gulang ako noong mawala naman ang aking ina dahil nagkaroon siya ng kan
***PanaginipNasa loob ako ng sasakyan habang pinapanood ang masayang pamilya na nagtatawanan. Hindi ko ma-ipaliwanag ang nararamdaman ko. Pangungulila at labis na kalungkutan ang nadarama ko ngunit hindi sila pamilyar sa akin. Ang mga mukha nila ay malabo at tanging boses lamang nila ang aking naririnig. "Daddy and mommy, I'm excited about going to the amusement park." Masayang saad ng batang babae habang yakap niya ang manika. "We are excited, too." masayang saad ng daddy niya habang ang mommy niya ay hinahaplos ang buhok ng kaniyang anak.Naka-upo ako sa back seat habang ang lalaki ay nagmamaneho at ang asawa niya ay nasa passenger seat habang nakakalong ang anak nila."Today is my 6th birthday and next year I'm seven. Mom, tama po ba ako?" saad niya habang nagbibilang gamit ang kaniyang mga daliri."Yes, you are right. My sweetie is smart. I love you." Malambing na saad ng kaniyang ina habang hinahalikan siya sa pisnge."I love you both da--Aaaahh" hiyaw ng batang babae matapos
"Letse ka Zack! kasalan mo ito!" sigaw ko habang tumatakbo sa hallway ng lumang building kung saan dinala ako ng kalaban matapos ako dukutin."Kapag namatay ako ay mumultuhin talaga kitang unggoy ka!" Patuloy kong sigaw. "Fine, it's my fault. Okay? My ears are hurt because of your megaphone voice. Tss." sita niya sa akin habang nakikipagpalitan ng bala sa kalaban."Pagka-alis natin sa pesteng building na ito. Maghiwalay na tayo!" saad ko habang nakatakip ang tainga habang nagtatago sa gusali. "Breaking a contract requires a huge amount of money. And we know that you can't afford it." Pangungutya niya habang patuloy sa ginagawa niya."Claude will pay you." Saad ko habang iniirapan ko siya. Maraming beses ko ng pinagdaanan ang ganitong sitwasyon ngunit kahit kailan ay hindi ako masasanay dahil isa itong bangungot."He's a fictional character, so how can he pay me? tss." masungit niyang saad. Magsasalita sana ako ngunit napalitan ito ng sigaw nang dahil sa malakas na pagsabog ng bomba.