Share

The Marriage Interview 36

Hindi magawang isan-tabi ni Alelie ang mga mensaheng natanggap.

Napansin niya ang takot sa mga mata ng binata kanina dahil sa mga ikinikilos niya, kaya nang tumabi ito sa kanya ay agad siyang yumakap rito.

Hindi siya makatulog kakaisip. Natatakot siya sa sunod-sunod na mensaheng natatanggap niya.

Ibinaba niyang muli ang tingin sa binata na ngayo'y natutulog sa tabi niya.

Isinandal niyang muli ang likod sa headboard ng kama.

Mahigit isang oras na siyang nakaupo mula nang mapansing tulog na ang binata.

Nabalik ang atensyon sa telepono niya nang umilaw ito.

Mensahe na naman iyon galing sa hindi niya kilalang numero.

Hindi niya magawang buksan ang mensaheng iyon. Nang makatanggap siya ng mensahe mula sa numero'ng iyon kanina, inisip niya na baka mali lang. Na baka isang spam message lang ang natanggap niya. Kaya lang, sa sunod-sunod na mensaheng natatanggap niya, napaka-imposibleng isa lang iyon sa mga naiisip niya kanina.

P
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status