Share

The Marriage Interview 37

Tila napa-aga siya ng dating. Wala pa sa opisina ang kaibigang imbestigador. Kahit ang representative ng kompanya nila ay wala pa.

Hindi siya mapakali habang hawak ang telepono ng dalaga. Kanina pa siya pabalik-balik ng lakad sa loob ng opisina.

Halos isahing lakad niya ang kinatatayuan ng kaibigang imbestigador nang pumasok ito.

Kunot-noo itong tumingin sa kanya, “Can we atleast have a seat first?” tanong nito ng naiiling.

Inabot na lang niya kasi agad rito ang cellphone ng dalaga na hawak niya.

Tumango siya sa kaibigan saka sumunod rito paupo.

“Look, dude. I came here so fucking early so you better tell me something worth my time.” panimula nito.

Alam niyang busy ang kaibigan kaya muli niyang inabot ang cellphone rito, “Look for this bastard.” agad na turan niya.

Saglit pang muling kumunot ang noo ng kausap bago nito kinuha ang telepono.

Mas lalong kumunot ang noo nito habang binabasa isa-isa ang mga mensahe mula roon.
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status