Share

SPECIAL CHAPTER - 3

Makalipas ang ilang buwan, hindi makapaniwala si Alelie na kahit saan siya magpunta ay bantay-sarado siya sa mga kaibigan.

Oras-oras ang mga itong tumatawag sa kanya. Kahit na nasa broadcasting room siya, magugulat na lang siya kasi pabigla-bigla ay bubukas iyon at naroon ang dalawa.

Gaya na lamang ngayon. Busy siyang inaayos ang natapos nilang i-record nang biglang bumukas ang pintuan no'n.

Kunot-noo niyang tiningnan ang dalawa na para bang nakampante nang makita siya.

“Really? Hanggang saan niyo ako balak na sundang dalawa?” tanong niya sa mga ito. Saka niya pinasadahan ng tingin ang mga suot nito, “At aware ba kayo sa itsura niyo ngayon?” ngiwi niyang tanong sa dalawa.

Si Sharmaine kasi, suot pa rin ang uniform nito sa cheerleading na super ikli. Si Charisse naman, suot ang isang dark green na gown. Sigurado siyang galing pa sa practice ng cheerleading squad si Sharmaine at hindi na siya magugulat kung galing pang practice ng theater club si Cha
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status