Share

The Marriage Interview 3

Nang marinig na nagri-ring ang kanyang telepono, agad na kinuha iyon ni Khalid. 

Agad na nakita niyang ang kan'yang ina ang tumatawag. 

Katatawag ko lang, ha? Anang isip niya. 

Nang umalis kasi siya sa bahay ng mga magulang niya kanina. Napaisip siya. 

Kaya naman nang makarating sa sariling condo niya ay agad niyang tinawagan ang ina at sinabing h’wag pilitin o madaliin ang katatagpuin niyang babae. Tinakot niya pa ang mga itong susunugin ang bahay ng mga ito pag pin-ressure ang babae. 

Kaya nagtataka siya na tumatawag ang ina niya ngayon. 

Sinagot niya ito, “Yes, Mom?” aniya. 

“Ayy. Good evening rin, son.” His Mom tsked. 

Napailing siya, “Good evening, Mom. What is it? Kung pipilitin niyo akong pumayag na pilitin si Abigail, my answer is no,” agad niyang paalala sa ina, “I told you, susunugin ko talaga ang bahay niyo kapag pinilit--” 

“Alelie said that ‘I'm not pressured or anything when I accepted my soon-to-be situation with him. So, no need to burn his parent's house or to be an arsonist.’ that's what her Dad said. She wanted to tell you that. Exclusively,” Pagputol ng kayang ina sa sasabihin niya na ikinanganga niya. 

He lost for words.

“Son?” anang ina niya sa kabilang linya. 

She said yes? Tanong niya sa sarili. 

“Mom, are you sure na hindi niyo siya pinilit?” Tanong niya sa ina. 

Um-oo ang ina niya. He sighed. That fast? 

“Actually, Son. May isa pang sinabi ang parents ng Abigail mo,” biro ng ina niya nang dugtungan nito ng ‘mo’ ang pangalan ng babae. 

“Mom!” sigaw niya. 

Tumawa lang ang nasa kabilang linya, “Anyway, Jerome said that his daughter wants to tell you that, she will meet you and to tell you that she accepted the MI- err thingy?” His mother said unsure. “And, that she said yes to be engage with you, son.” His mother said.

That silence him. She said yes? Does she even know how old I am? Does she even know what kind of life she will have with me? Tanong n'ya sa isipan. 

“But,” His mother said waking him up from his thoughts.

But, what? His mind asked.

“But what, Mom?” He asked.

“The wedding. If it's okay with you, she wants to be wed with you after she graduate. Is that okay with you, son?” His mother asked.

Of course! sigaw ng isip niya. 

“Mom, of course, It's okay. I told you that don't force her or anything, didn't I?’’ he said. He felt so happy.

Agad namang um-oo ang ina, “So, son. Meet her tomorrow at Cafe Innamorata. Same time. Son, be good.” anang ina niya. 

Be good? I'm always good! Sigaw muli ng isipan niya.

“I'm good, Mom.” sagot niya sa ina pero hindi nito iyon pinansin. 

“Impress her. I really like that girl. Make her fall for you hard, Son. Kung hindi, itatakwil kita.” Banta ng ina niya. 

This is the first time. Kaya hindi siya nakapagsalita. Ito ang unang beses na ganyan ang sinasabi ng kanyang ina. 

That his Mom wants him to impress the woman. That his Mom likes the girl for him. That make her fall for him hard or his Mom will disown him. 

“Son! Tell me, you will!” Sigaw ng ina niya na nagpawala sa kanya sa mga iniisip. 

“No need to remind me, Mom. I will,” sagot niya rito. 

Hindi para manahimik ito kung hindi dahil gusto rin niya ang mga suhestiyon nito para magustuhan siya ng dalaga. 

“Right! I know, you will. Anyway, good luck! And, fighting!” Excited na paalam sa kanya ng ina. 

Napailing nalang siya, “Yeah, bye.” aniya at pinatay ang tawag. 

Napasandal siya sa sandalan ng sofa at bumaling sa kusina. Tumunog muli ang telepono niya ngunit isa naman itong mensahe galing sa kanyang ina.

From: Mom;

I swear, son. You will like her. <3

He laughed at what he just read. His mother even used a heart at the end of message.

Maybe, I will like her, Mom. But, that thoughts scares me. What if, he'll be left alone, again? His mind asked as he shrugged.

Hindi na niya nireplyan pa ang mensaheng iyon at mas piniling hayaan na lang.

Mahulog man ako sa kanya o hindi, Good luck na lang, aniya sa sarili at saka tumayo.

Nagugutom ako. Magluluto ba ako o hindi? tanong niya sa sarili. 

Hindi man lang ako pinakain sa bahay, tsk. Reklamo niya sa kanyang isip, “I should call for a delivery. I'm tired, I can't cook. My life when I'm alone,” he sighed. 

Naka-tingala siya sa kisame. Minsan lang siya magluto kapag pumupunta ang Nanay at kapatid niya, “Should I ask Abigail to live with me?” Pag-kausap niya sa sarili. 

“Oh, shit! What am I thinking!” he shrugged his own thoughts. 

Nababaliw na yata siya. Bakit naman iniisip niyang yayain ang dalagang tumira kasama niya? 

“This is crazy. I'm going crazy as hell,” Komento niya sa sariling naiisip. 

“I should call for a delivery now. I'm going crazy thinking here.” Naiiling na tumayo siya sa sofa para tumawag sa fast food na paborito niya at magpadeliver. 

---

Agad na bumaling ang mata ni Alelie sa pinto nang makitang pumasok na sa condo niya ang dalawa niyang kaibigan.

Alam ng mga ito ang passcode ng condo niya. Ganoon din siya. Alam niya ang mga passcode ng condo ng mga ito. 

“You two took so long.” aniya sa dalawa. 

Agad namang reklamo ng kaibigan niyang si Sharmaine. 

Sharmaine snorted, “Huh. FYI, Ms. Alelie Garcia, we bought everything we thought is necessary.” ani Sharmaine. 

Dumiretso naman sa kusina niya ang kaibigang si Charisse saka sumigaw. 

“You mean, Ssen. YOU bought. H’wag mo akong idamay!” sigaw nito mula sa kusina. 

She looked at Sharmaine. Sharmaine rolled her eyes on her.

“What's with the sleep over?” Tanong niya kay Charisse ng nakalabas na ito mula sa kusina. 

Charisse pointed her lips towards the unsmiling Sharmaine, “She kept on bugging me. But, that's okay for me, too. Para sa sabay-sabay na tayong pumasok bukas.” Charisse said.

She nodded, “For how long? Spend your time here with me.” She suggests.

Charisse shooked her head, “Maybe next time, Alelie-babe. Lolo needs us.” Charisse said.  

Oh, shit! I have to meet Khalid, tomorrow. Why did I even forget about it? aniya sa sarili. 

Alelie have to do something and stop her friends to come over to her condo. She have to be careful!

She nodded her head, “You guys bought pizza and cake, right?” She asked, changing the topic. 

That's her favorites. 

“Yup. I do know what your stomach wants, Alelie-babe.” ani Charisse. 

Alam ng mga ito ang mga gusto niyang pagkain, “Thanks, Cha~.” aniya at yumakap dito. 

“At sa akin hindi ka magpapasalamat?” Sabat naman ni Sharmaine. 

Nilingon nila ito at kita sa itsura nito na naiinis. Natawa silang sabay ni Charisse, “Thank you, too, Ms. Sharmaine Martin,” aniya, “Though, I'm not sure if you deserve a thank you from me.” aniya saka ngumisi sa nakangusong si Sharmaine. 

Sharmaine's eyebrows arched, “And, why not?” Tanong ni Sharmaine sa kanya.

“Tell me, Shar. Among the goods you brought here, is there anything that you suggest and bought it for me? What is it, then?” Tanong niya sa kaibigan. 

Agad naman itong tumingin sa pinsan bago sa kanya saka umiwas muli ng tingin. 

Got 'ya! ngisi niya sa sarili. 

Umirap ito, “E'di, h'wag ka na mag thank you. Tsk.” Simangot na sagot naman ni Sharmaine sa kanya. 

Ganito sila lagi. Laging si Sharmaine ang kabangayan niya. 

That's why Charisse named them, Charisse's human Tom and Jerry. 

What the hell was that? 

“Still, thank you for coming here.” She said while giving Sharmaine a wink as Sharmaine looked at her.

Sharmaine just rolled her eyes on her. 

“So, who will cook our dinner?” She asked them.

Everytime they had an overnight in her condo or even Sharmaine or Charisse's condo, one of them should cook. Depends on who would volunteered.

“I'll cook. What do you want for dinner?” Sharmaine volunteered. 

Oo nga at mga business student sila. Pero pag dating sa pagluluto, daig pa nila nag aral ng culinary. 

“I'm fine with anything. What do you want, Cha?” Tanong niya kay Charisse. 

“This is me being serious. I'm hungry. I swear. I'm about to pass out.” sagot ni Charisse na ikinakunot ng noo niya. 

Okay? Nasaan ang sagot sa tanong ko? aniya sa sarili. 

Tumingin ito sa kanya at ngumiti bago tumingin kay Sharmaine, “Let's have adobo for dinner. Lagyan mo patatas, a? Marami akong biniling patatas. Tapos limang takal ng bigas. ” ani Charisse kay Sharmaine. 

Sharmaine and Alelie looked at each other and just shrugged.

Sharmaine went to the kitchen while shaking her head.

She was left with Charisse. 

“Alelie-babe, your birthday is coming. 23 ka na.” ani Charisse na ikinangiwi niya. 

Birthday? 

“Baliw ka? Ang layo-layo pa ng birthday ko. 2 months pa. Nababaliw ka na naman,” Naiiling na sagot niya rito. 

Ngumuso ito sa kanya, “It's just 2 months not 2 years.” anito. 

Napailing siya, “Ewan ko sa’yo, Cha.” aniya. 

Umayos ito ng upo, “Wala ka pa rin bang nagugustuhan? H’wag ka naman gumaya kay Ssen. Dapat may nagugustuhan ka na rin.” anito. 

“Oh, please, my dearest cousin, Charisse! I can fucking hear you from here! Saka hayaan mo nga si A! Titibok din ang laman-loob niyan!” Rinig nilang sigaw ni Sharmaine mula sa kusina. 

Napailing siya. Napatingin siya kay Charisse na naiiling din. Tumingin itong muli sa kanya, “So?” pangungulit nito.

Umiling siya. 

“Sabagay. Mahirap din. Look at me. Buset na Pascuelo, iyon! Hindi man lang ba niya naaalala na may naghihintay sa kanya?” Charisse tsked saka sumandal sa sofa, “May pa-promise-promise pa siya. Kaharutan naman pala ngayon si Azrea.” Charisse tsked. 

Sumandal din siya sa sofa. 

Paano kapag nalaman nila ang about sa MI niya? Na pumayag siyang ma-engage kay Khalid Allada? Kaibigan pa naman iyon ng Pascuelo’ng binabanggit ng kaibigan niyang si Charisse. 

She sighed. Should she tell her friends?

She shrugged. H’wag na muna siguro, saka na lang. Pagkausap niya sa sarili. 

She sighed, again. Mas malamin kaysa sa kanina. 

“Ang lalim no'n, ha?” 

Napabaling siya kay Charisse sa sinabi nito, “Huh?” Tanong niya rito. 

Umiling ito, “'Yong buntung-hininga mo kako ang lalim. Galing pa ba sa balon 'yan?” Naiiling na tanong nito sa kanya. 

Umiling lang siya. Hindi muna siya magkukwento ngayon, saka nalang.

“Wala naman ito. Naputol kasi tulog ko kanina. Galing ako sa bahay, e. Kinuha ko 'yung ibang libro ko na nadala ko ro'n.” Paliwanag niya rito kahit hindi naman ito nagtatanong. 

Nagsalubong ang kilay ng kaharap. Napalunok siya saka umiwas ng tingin. 

“Mahabang paliwanag iyon, a. Na-appreciate ko tuloy lalo,” ani Charisse saka tumawa ng mahina. 

Napailing na lang siya. Kinakagat niya ang sariling dila. 

Nice! Good job, my tongue! Dami mong alam. Naiiling na saway niya sa sarili.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status