Next:Joan La Senza Ang buong akala ko, makikita at makakausap ko na ang aking magulang, ngunit isa pala iyong malaking panaginip. Nang dumating ang aking ama't ina aynakagapos pa rin ako sa kama. Sinadya pa ni Earl na buksan ang pinto sa kwarto para siguradong marinig ko ang pinag-uusapan nila mula sa salas sa ibaba. My parents were delighted when they arrived at our house. Rinig na rinig ko sa boses nila ang tuwa at galak na makita ako pero… nang magsalita si Earl ay biglang namatay ang ilaw ng pag-asa sa aking puso. “Bakit wala akong nabalitaan na nasa Palawan pala si Joanne? Bakit hindi man lang nagpaalam sa akin ang babaeng iyon?” Narinig ko ang nagtataka at nagtatampong tanong ng ang aking ina. Sandaling katahimikan ang namayani at hindi ko pa naririnig na magsalita ang aking ama. Habang si Earl ay nakikipag-usap sa magulang ko, si Tiffany naman ay nasa kwarto naming mag-asawa at nakataas ang kilay habang binabantayan ako. I wanted to shout, but I couldn't. Nakabusal ang bib
Joanne La Senza Hindi lang nakuntento si Earl sa sampal at hinaklit niya ako sa braso saka muling ibinalik sa basement upang doon ikulong.“Bakit ba ang tigas ng ulo mo, Joanne, ha!? Ilang beses ko na bang sinabi sa ‘yo na nakikitira lang dito si Tiffany kaya pwede ba, itrato mo siya nang maayos?” bulyaw sa akin ni Earl na ikinasindak ko dahil sa lakas ng boses niya. Hawak ang pisngi na nasampal ng asawa ay nagmamakaawa ko siyang tiningnan. “Pero, Earl. Nagsisinungaling si Tiffany sa ‘yo. Natapos ko na ang paglilinis sa kusina at nagpapahinga lang ako nang maabutan mo. Please, maniwala ka naman sa akin, Earl….Sino ba ang asawa mo sa aming dalawa ni Tiffany? Bakit siya kaya mong paniwalaan pero ako hindi?”Sinubukan kong hawakan sa mga braso ang asawa upang muling magmakaawa rito habang panay ang tulo ng luha. Ngunit walang awang nakatingin lang sa akin ang asawa. Matalim pa rin ang mata nitong nakatitig sa akin. “Kahit kailan ay hindi ko iniisip na isa kang sinungaling, Joanne. Pe
Next Joanne La Senza Habang naghihintay kay Earl na bumalik sa hapagkainan ay agad ko namang inayos ang sarili sa banyo sa ibaba at doon ay naghilamos ako. Napangiwi ako sa sakit dahil sa aking mga sugat na nabasa pero tiniis ko iyon para lang kahit papaano ay presentable ang itsura ko habang kaharap si Earl sa hapagkainan. Ngunit nakatapos na akong mag-ayos ay hindi pa rin bumabalik si Earl kaya naman napagdesisyunan ko na umakyat sa taas upang tawagin ito. Dahil sa paglalatigo ni Earl ay masakit ang mga binti ko at hita at napakahirap humakbang kaya dahan-dahan ang aking kilos. Mas madali kanina dahil pababa ako. Pawisan na ako bago pa makarating sa kwarto namin sa taas. Wala siya sa loob ng kuwarto nang makapasok ako pero rinig ko ang lagaslas ng tubig sa banyo kaya doon ako dumiretso. Bahagyang nakaawang ang pinto at akma akong sisilip doon pero agad akong nakarinig ng dalawang magkaibang boses sa loob. Hindi lang iyon basta boses na nag-uusap kundi mga ungol na alam kong minsa
Earl SarmientoPagkalabas ko ng kwarto namin Joanne ay agad akong dumiretso sa study at kumuha ng bote ng alak. Hindi na ako nag-aabalang isalin iyon sa baso dahil diretso ko iyong nilagok. Hindi ko alam kung bakit nagawa kong saktan si Joanne. Alam kong nadala ako ng selos dahil nakita ko ang lalaking kinamumuhian ko sa lugar kung saan nandoon din ang asawa ko pero sana ay hindi ko sinaktan nang ganoon ang asawa ko. Nangangalahati na ako ng bote nang biglang pumasok si Tiffany. Marahil ay nakauwi na ito matapos ang photoshoot nito para sa bagong produkto ng brand na nirerepresenta nito. “Why are you drinking in the middle of the day, Earl? May problema ba?” Agad na lumapit sa akin si Tiffany nang makita akong lumalaklak sa bote mismo. Sinubukan nitong agawin sa akin ang bote pero hindi ko siya hinayaang magtagumpay. “How's your shoot?” kaswal na tanong ko. Hindi ko sinalubong ang kanyang labi ng akma niya akong halikan. I could smell her perfume drifting on my nose, but the lustfu
NextJoanne La Senza “Anong karapatan mo para saktan sa Tiffany, Joanne?” Napasiksik ako sa pader sa lakas ng boses ng asawa ko at ang patuloy nitong paghampas sa latigo. Hindi pa man iyon lumalapat sa katawan ko ay ramdam ko na ang hapdi at sakit. Nanginig ang katawan ko dahil sa takot. Patuloy sa pag-agos aking luha at kahit nagmamakaawa ako ay wal itong pakiramdam. Matalim pa rin ang tingin niya sa akin.“Earl, please… nagmamakaawa ako sa ‘yo. Pakinggan mo ako. Hindi ko sinasadyang saktan si Tiffany. Gusto ko lang sanang… gusto ko lang hubarin niya ang damit na ibinigay ko sa ‘yo.” “Goddamnit, Joanne! Isang damit lang ipinagdadamot mo pa? Ano’ng problema mo? Dahil doon sinaktan mo si Tiffany?”“Earl, hindi naman gano’n yun, eh. Alam mo kung gaano kahalaga sa akin ang mga binibigay ko sa ‘yo. Oo, damit nga lang iyon, pero, Earl… sinabi mo sa akin na walang nangyayari sa inyong dalawa. But, tingnan mo ang trato mo sa kanya. Oo, alam kong bestfriend kayong dalawa pero…” “Stop you
Next:Joanne la Senza“Mabuti naman at gising ka na.” Ang nang-aasar na boses ang bumungad sa akin matapos lumiwanag ang buong paligid dahil sa pagsindi ng ilaw. Sandali kong naipikit ang aking mata dahil nabigla sa liwanag at nang imulat ko iyon ay ang nakangising mukha ni Tiffany ang naghihintay sa akin. Agad na nanibugho ang damdamin ko nang makita ang damit ng asawa ko na suot niya. “Why are you wearing my husband’s shirt?” Tumayo ako at agad siyang nilapitan saka pilit na pinahubad sa kanya ang damit. Ininda ko ang pagkahilo dahil sa gutom dahil nilukob ako ng galit. “Take it off, Tiffany!” Hindi ko maatim na ang paboritong damit ng asawa ko, na siyang niregalo ko sa kanya sa birthday niya, ay suot-suot ng babaeng ito. Lantaran na ang ginagawa nilang panloloko sa akin… pero bakit? Bakit hindi ko pa rin kayang iwan si Earl? Why am I still hoping na itakwil niya si Tiffany at piliin ako?Nanlaban si Tiffany at dahil wala akong lakas mula sa pagkawala ng malay at gutom ay matagump