Warning! Story contains violence, SA, domestic violence/abuse. This story is purely fictional. Read at your own risk. Pagsasamang sinira ng isang kasinungalingan. Pagmamahal na niyurakan at sinaktan. Pag-ibig na tunay ngunit nabahiran ng dikta. Sino ang mananalo sa huli? Sino ang tunay na maysala? Si Joanne, ang orihinal na asawa. She has everything: beauty, wealth, but not a faithful husband. Si Earl, ang asawa. Ang lalaking mayaman na, guwapo pa at may mapagmahal na asawa, ngunit nagpadaig sa tukso. nagtaksil sa asawa. Si Tiffany, ang kabet. Bestfriend ni Earl na inahas ang kaibigan at siyang dumidikta ng kung ano-anong kasinungalingan sa lalaki. Ang anay sa relasyon ng mag-asawa. Magpapadaig ba sa tukso si Earl? kaya bang depensahan ni Joanne ang asawa kahit pinaghihinalahan na siya ni Earl na siya ang may ibang lalaki? or will Tiffany win this battle and ruin the marriage of the two?
View MoreJoanne's pov
"Damn, woman!" Naipikit ko ang mga mata nang muling marinig ang sigaw ng aking asawa pagkapasok na pagkapasok pa lang niya sa pinto. Madaling-araw na naman itong umuwi at lasing na lasing. This has been his behavior for the past weeks. Naghihintay ako sa kanya sa aming salas dahil hindi ako makatulog kapag hindi pa siya umuuwi. "Mahal. . ." Mabilis akong tumayo mula sa aking kinauupuang sofa upang salubungin siya. Nakahanda na rin ang matamis na ngiti sa aking labi upang kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam niya at mawala ang pagkadilim ng mukha. Ngunit sa aking paglapit ay isang malakas na sampal ang dumako sa aking mukha. Hindi ko inasahan 'yon at kaagad na namula ang aking pisngi kasabay ng pagbalong ng luha sa aking mata. My husband didn't hurt me since the day of our marriage. Napahawak ako sa aking mukha upang takpan ang sakit niyon at tumingala upang tingnan siya. Langhap na langhap ko ang alak sa hininga niya ngunit hindi ako nagreklamo tungkol doon. "Mahal. . . Bakit? Ano ba'ng problema?" tanong ko sa nanginginig na boses. Tinatanong siya kung bakit niya ako sinaktan dahil hindi pa niya ito nagagawa sa akin. Kahit kailan ay hindi pa ako nakaranas na saktan ng pisikal. Mahal na mahal ako ng aking magulang at hindi nila ako pinagbubuhatan ng kamay. Ngayon lang ako naka-experience ng ganito, sa kamay pa mismo ng aking asawa, ng lalaking pinili kong mahalin. Pilit na tumatakas ang luha sa aking mata ngunit matigas ko iyong pinigilan at tiningnan nang buong pagmamahal ang aking asawa. "Problema? You still dare to ask what's the problem? Ikaw. Ikaw ang problema ko!" muling umigkas ang kamay niya sa pisngi ko na ikinabiling ng mukha ko. Napamulagat ang aking mata dahil sa ginawa niya. Nag-init ang pisngi ko dahil sa sakit ng pagkasampal nito. "Mahal, bakit? Ano ba'ng ginawa ko? Wala naman akong ginawang masama bakit mo ako sinasaktan? Bakit tayo nagkaganito?" Luhaan kong tanong at ang aking boses ay puno ng pagmamakaawa. Wala akong ka-ide-ideya kung bakit niya sinasabi sa akin na ako ang problema niya. "Nagsisisi ako na pinakasalan kita. Sana'y hindi na lang kita nakilala." Ipiniksi niya ang kamay ko ngunit kaagad ko rin siyang inabot at mahigpit na hinawakan. "Ayos tayo 'di ba? Mahal, sabihin mo naman sa'kin kung bakit tinatrato mo ako ng ganito. Bakit ka nagsisisi sa pagpapakasal sa'kin? Mahal kita—" "Sana nga totoo 'yang sinasabi mo na mahal mo ako, Joanne. Dahil kapag napatunayan ko na niloloko mo ako ay hinding-hindi kita mapapatawad!" Lalo akong napaluha dahil sa sinabi niya. Hinigpitan ko ang paghawak sa kamay niya upang hindi ito makalayo at upang pakinggan ako. "Mahal, hindi kita niloloko. Paano mo nasabi 'yan?" nagtatakang tanong ko. Hindi ko matanggap na sinasaktan niya ako ng ganito. Mahal na mahal ko ang asawa ko, at kahit siya ay ganoon din sa akin. Mahal na mahal namin ang isa't-isa kaya ang malaking pagbabago niya ay labis kong ipinagtaka. Kahit maigsi pa lang ang aming pagsasama ay ramdam ko ang pagmamahal sa akin ng asawa ko. Araw-araw ay lagi niya iyong pinapadama sa akin. Araw-araw ay masaya ang aming pagsasama simula noong ikasal kami, isang taon na ang nakakalipas. Hindi niya ako pinagbuhatan ng kamay o pinagsalitaan ng masasakit na salita. Wala sa hitsura niya ang manakit. Mabait na lalaki si Earl kaya kaagad na nahulog ang loob ko sa kanya. Kahit ngayong nasa harapan ko siya, at puno ng galit ang mukha ay ramdam ko pa rin ang pagmamahal niya sa akin na pilit niyang sinasakluban ng galit. Alam kong may dahilan ang asawa ko kung bakit niya ako tinatrato ng ganito. Kailangan ko itong alamin upang maging maayos ang pagsasama namin. "Joanne, alam kung maikling panahon pa lang ang pinagsamahan natin. Pero alam mong kahit kailan ay hindi ako nagloko dahil may tiwala ako sa'yo. Pero bakit ganito pa ang iginanti mo sa'kin?" Ramdam ko ang pait sa boses niya at parang pinilipit ang aking puso sa narinig. Hindi ko siya kayang makita na nasasaktan, kailangan kong alamin ang dahilan kung bakit siya nagagalit sa akin. "Mahal, patawarin mo ako pero wala talaga akong ideya kung bakit ka nagagalit sa 'kin. Ano ba ang kasalanan ko?" Alam kong paulit-ulit na ako pero kahit kasi anong pagpiga ko sa isip ay wala akong maisip na kasalanan na ginawa ko sa aking asawa. Mahal na mahal ko si Earl at hindi ko kayang magloko sa kanya kaya hindi ko maintindihan kung bakit pinaparatangan niya ako ng ganito. Lalong tumalim ang tingin niya sa 'kin at ramdam na ramdam ko ang galit doon. Ngunit hindi ako bumitaw sa pagkakahawak sa braso niya at sinalubong ko ng malamlam ang madilim niyang tingin. Hindi sumagot si Earl. Bagkus ay muling dumapo ang malakas na palad niya sa aking pisngi. Ramdam ko ang sakit ng kanyang sampal at lalo akong napaluha habang sapo-sapo ang aking pisngi na nag-init dahil sa lakas ng kanyang palad. "Liar!" Dinuro niya ako at akmang magsasalita pa ngunit hindi na siya nagpatuloy at mabilis niya akong tinalikuran matapos niyang pilit na tinanggal ang pagkakahawak ko sa braso niya. Napaupo ako sa sahig at nagpatuloy sa pag-iyak. Hindi ako umiiyak sa sampal ng aking asawa kundi sa sakit ng pambabalewala niya sa akin, ng pambibintang niya sa akin. Hindi ko maintindihan kung bakit bigla siyang nagkakaganito at kung bakit niya ako pinaghihinalaan. Isang taon pa lamang mula ng ikasal kami ng asawa ko at nagsama sa isang bubong. Ngunit hindi nasusukat ng panahon kung gaano kalalim ang pagmamahal ko sa kanya. Noong una ko siyang nakita ay alam ko na agad na siya ang nais kong makasama habambuhay. Kaya masayang-masaya ako noong nagtapat siya ng pag-ibig sa akin na hindi ko naman tinanggihan. Hindi ko inakalang magkapareho pala kami ng nararamdaman. It was a dream come true that I didn't expect. A dream that I didn't expect to be a nightmare. If I could only get inside a time capsule, I would go back to the past where I haven't met my husband. The cold floor was weeping together with me, the wind from the open curtain were seeping through my bones, it's drying my tears ang giving me shivers. Lalo akong nakadama ng kamiserablihan. Gusto kong sumigaw, gusto kong magmakaawa sa asawa ko ngunit hindi ko kaya dahil baka kapag sundan ko siya ay lalo niya akong pagalitan. Napatingin ako sa aming wedding photo na nakasabit sa dingding malapit sa pintuan. Mapait akong napangiti habang inaalala ang masayang araw ng aming kasal. "Where did it go wrong?" Wala sa sariling tanong ko habang nakatitig sa kawalan. Ang luha sa aking mata ay muling tumulo pero hinayaan ko iyon habang muling bumabalik sa aking isip ang eksena ng unang pagtatagpo naming mag-asawa.Next Joanne La Senza Habang naghihintay kay Earl na bumalik sa hapagkainan ay agad ko namang inayos ang sarili sa banyo sa ibaba at doon ay naghilamos ako. Napangiwi ako sa sakit dahil sa aking mga sugat na nabasa pero tiniis ko iyon para lang kahit papaano ay presentable ang itsura ko habang kaharap si Earl sa hapagkainan. Ngunit nakatapos na akong mag-ayos ay hindi pa rin bumabalik si Earl kaya naman napagdesisyunan ko na umakyat sa taas upang tawagin ito. Dahil sa paglalatigo ni Earl ay masakit ang mga binti ko at hita at napakahirap humakbang kaya dahan-dahan ang aking kilos. Mas madali kanina dahil pababa ako. Pawisan na ako bago pa makarating sa kwarto namin sa taas. Wala siya sa loob ng kuwarto nang makapasok ako pero rinig ko ang lagaslas ng tubig sa banyo kaya doon ako dumiretso. Bahagyang nakaawang ang pinto at akma akong sisilip doon pero agad akong nakarinig ng dalawang magkaibang boses sa loob. Hindi lang iyon basta boses na nag-uusap kundi mga ungol na alam kong minsa
Earl SarmientoPagkalabas ko ng kwarto namin Joanne ay agad akong dumiretso sa study at kumuha ng bote ng alak. Hindi na ako nag-aabalang isalin iyon sa baso dahil diretso ko iyong nilagok. Hindi ko alam kung bakit nagawa kong saktan si Joanne. Alam kong nadala ako ng selos dahil nakita ko ang lalaking kinamumuhian ko sa lugar kung saan nandoon din ang asawa ko pero sana ay hindi ko sinaktan nang ganoon ang asawa ko. Nangangalahati na ako ng bote nang biglang pumasok si Tiffany. Marahil ay nakauwi na ito matapos ang photoshoot nito para sa bagong produkto ng brand na nirerepresenta nito. “Why are you drinking in the middle of the day, Earl? May problema ba?” Agad na lumapit sa akin si Tiffany nang makita akong lumalaklak sa bote mismo. Sinubukan nitong agawin sa akin ang bote pero hindi ko siya hinayaang magtagumpay. “How's your shoot?” kaswal na tanong ko. Hindi ko sinalubong ang kanyang labi ng akma niya akong halikan. I could smell her perfume drifting on my nose, but the lustfu
NextJoanne La Senza “Anong karapatan mo para saktan sa Tiffany, Joanne?” Napasiksik ako sa pader sa lakas ng boses ng asawa ko at ang patuloy nitong paghampas sa latigo. Hindi pa man iyon lumalapat sa katawan ko ay ramdam ko na ang hapdi at sakit. Nanginig ang katawan ko dahil sa takot. Patuloy sa pag-agos aking luha at kahit nagmamakaawa ako ay wal itong pakiramdam. Matalim pa rin ang tingin niya sa akin.“Earl, please… nagmamakaawa ako sa ‘yo. Pakinggan mo ako. Hindi ko sinasadyang saktan si Tiffany. Gusto ko lang sanang… gusto ko lang hubarin niya ang damit na ibinigay ko sa ‘yo.” “Goddamnit, Joanne! Isang damit lang ipinagdadamot mo pa? Ano’ng problema mo? Dahil doon sinaktan mo si Tiffany?”“Earl, hindi naman gano’n yun, eh. Alam mo kung gaano kahalaga sa akin ang mga binibigay ko sa ‘yo. Oo, damit nga lang iyon, pero, Earl… sinabi mo sa akin na walang nangyayari sa inyong dalawa. But, tingnan mo ang trato mo sa kanya. Oo, alam kong bestfriend kayong dalawa pero…” “Stop you
Next:Joanne la Senza“Mabuti naman at gising ka na.” Ang nang-aasar na boses ang bumungad sa akin matapos lumiwanag ang buong paligid dahil sa pagsindi ng ilaw. Sandali kong naipikit ang aking mata dahil nabigla sa liwanag at nang imulat ko iyon ay ang nakangising mukha ni Tiffany ang naghihintay sa akin. Agad na nanibugho ang damdamin ko nang makita ang damit ng asawa ko na suot niya. “Why are you wearing my husband’s shirt?” Tumayo ako at agad siyang nilapitan saka pilit na pinahubad sa kanya ang damit. Ininda ko ang pagkahilo dahil sa gutom dahil nilukob ako ng galit. “Take it off, Tiffany!” Hindi ko maatim na ang paboritong damit ng asawa ko, na siyang niregalo ko sa kanya sa birthday niya, ay suot-suot ng babaeng ito. Lantaran na ang ginagawa nilang panloloko sa akin… pero bakit? Bakit hindi ko pa rin kayang iwan si Earl? Why am I still hoping na itakwil niya si Tiffany at piliin ako?Nanlaban si Tiffany at dahil wala akong lakas mula sa pagkawala ng malay at gutom ay matagump
Next: Joanne la Senza Muli, buong gabi ay hindi na naman maayos ang tulog ko at nahalata na iyon ni Creed kinabukasan nang muli kaming magkita para sa meeting kasama ang ibang kasama namin kahapon. Ngayon ay kasama na namin ang investors na mag-i-invest para sa project na ito. Umabot ang meeting hanggang lunch time bago ma-finalize ang lahat. Pagkatapos noon ay tapos na rin ang trabaho ko. I was hoping to see my husband in the hotel when I got back, only to see it was empty. Mapait akong napangiti. Talunan na naman ako. I quickly showered, got changed and was about to head out to hop by myself. Plano ko sana na magkasama naming i-explore ni Earl ang lugar dahil kahit matagal-tagal na rin kaming mag-asawa ay hindi pa namin napupuntahan ang lugar na ito sa Palawan. Ngunit paglabas ko ng banyo ay isang may taong naghihintay sa akin. Nakaupo ito sa kama at sa sobrang dilim ng mukha nito ay halos hindi na maipinta iyon. “Earl?” Gulat na sambit ko. Hindi ako makapaniwala na nand
Next: Joanne La Senza “Creed…” mahinang ulit ko sa pangalan ni Creed. I composed myself and smiled softly at everyone present while slowly walking towards the long table. Hindi lang si Creed ang naroon kundi may iilan pang naroon. Dalawang matandang lalaki saka isang babae, si Nessy, ang kaibigan ni Creed. Isa sa pinakamagaling na arkitekto sa Pilipinas si Nessy at natuwa ako dahil napapayag ko siyang magkita kami. Nandito ito sa Palawan ngayon dahil sa isang proyekto at nabanggit din sa akin ni Creed na mayroon itong bagong proyekto. Hindi ko akalain na magkasama pala ang dalawang ito. “I didn't know your project was here,” I glanced at Creed and smiled at Nessy and the others. “I heard from Nessy that you were meeting with her. I might as well come since the land where you want to build the hotel was mine.” Nagulat ako sa narinig. Dahil ang sekretarya ko ang pinag-aasikaso ko tungkol dito sa bago kong proyekto ay hindi ko alam na pamilya pala ni Creed ang pinagbilhan nito ng l
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments