Share

Chapter 3

last update Last Updated: 2021-05-08 14:02:09

Naniniwala ba kayo sa mga hero? Ako, oo. 

"You need to learn the proper etiquette," sabi ni Kuya Steve, ang butler sa mansion ng mga Morint. 

Dumating si Kuya Steve at ang isang babae sa ampunan noong araw ng kaarawan ko. Hindi naman talaga namin alam kung kailan ang eksaktong birthday ko pero ginamit namin ang araw ng pagdating ko sa ampunan. At nakagisnan ko ng mag-celebrate kapag dumadating ang araw na iyon. I made June 13, my official birthday. 

Nawawalan na ako nang pag-asa pero mabuti na lang, dumating sila sa buhay ko. Blessing in disguise, ika nga nila. 

Labis ang tuwa ko ng marinig ko na gusto nila akong ampunin at masayang-masaya sila Sister para sa akin. Nayakap ko pa ang babaeng kasama ni Kuya Steve noon sa tuwa pero hindi ko na siya nakita pa kahit kailan pagkatapos no'n. 

Pagkatapos maayos ng mga papel ko ay dumiretso na kami sa isang bahay, hindi, mansyon ito. Napaka-lawak ng hardin nila, parang sa mga napapanood namin na bahay ng mga mayayaman. Mayaman si Kuya Steve? Isip ko habang manghang-mangha pa rin sa paligid. May isang magandang fountain sa harap ng pinto. Huminto naman ang sasakyan sa may pinto, nagulat ako ng may dalawang parang gwardya ng presidente ang nagbukas ng pinto ko. 

Ibang klase ang bahay ni Kuya Steve! Puri ko pagbukas ng pinto. Nakahilera ang sunod-sunod na mga katulong doon, nakita ko rin na may mga nagbitbit ng gamit ko paakyat. Kinalabit ko naman si Kuya Steve at yumuko naman ito sa akin. 

"Kuya Steve, ang gara ng bahay mo grabe," bulong ko sa tainga niya. Tinawanan naman ni Kuya Steve ang sinabi ko at ginulo ang buhok ko. 

"Hindi akin ang bahay na ito, butler lang ako dito," sabi ni Kuya Steve. Agad na napuno ang dibdib ko ng kaba. 

"Hala, Kuya Steve! Kinabahan ako bigla," sabi ko. 

"Kalma ka lang, mababait ang may-ari nito," sambit ni Kuya Steve. 

Mabait si Kuya Steve. Akala ko nung una ay hindi dahil diretso palagi ang tingin niya at walang karea-reaksyon ang mukha pero nang kinausap ko siya, hindi naman pala siya masungit. Nakapalagayan ko na rin ng loob si Kuya Steve dahil may pagka-madaldal din siya. Natutuwa raw siya sa akin dahil naaalala niya ang nakababata niyang kapatid sa akin. Kasing edad ko lang din daw 'yon, labinganim na taong gulang din. 

"Feel free to roam around, sasabihan ko lang sila Madam na nandito ka na," sabi ni Kuya Steve at naglakad na papalayo. 

Nakakatakot naman maglibot dito, masiyadong magara ang mga gamit. Feeling ko, mas mahal pa kaysa sa buhay ko ang halaga ng bawat gamit dito. Marami rin kasi akong gintong nakikita. Maihahalintulad mo sa isang ballroom ang laki ng sala nila, idagdag pa ang isang malaking chandelier sa kisame na nagbibigay ng liwanag sa sala. Pati ang mga sofa, napakalambot, bagay na bagay sa mga mayayaman. 

Pwede na yata kami maghabulan dito at hindi pa rin ako mahahabol ng kalaro ko. Naglakad-lakad ako saglit at napansin ang mga picture frame, lumapit ako dito dahil sa kuryosidad. Nakita ko ang litrato ng isang mag-asawa. Ang ganda at ang gwapo nila! Mukha silang mababait, kaya napangiti ako. Napukaw naman ng atensyon ko ang litrato ng isang bata, ang ganda niya… Bata pa lang siya pero makikita mo na napaka-elegante niya. 

"Sino kaya siya?" bulong ko pero nagulat ako sa nagsalita sa gilid ko. 

"That is my daughter but she's already gone, 12 years ago," a beautiful woman appeared. I looked back at the picture that I saw earlier and realized that she is the woman from the picture. 

"G-good afternoon po," mabilis kong sabi at binitawan dahan-dahan ang litrato. 

"Good afternoon, you must be Abegail?" tanong nito. 

"Yes po, nice to meet you po," sabi ko at napatungo. 

"It was nice meeting you rin. Huwag ka mahihiya sa amin ha? Pamilya ka na rin namin," malumanay na sabi niya na para akong hinehele. Komportable ako sa presensya niya at para sa akin, magandang senyales iyon. 

"Alam mo ba kung bakit ka nandito?" biglang tanong niya. Napailing naman ako at sumagot. 

"Hindi po ba inampon niyo ako?" dahan-dahan kong tanong. 

"Yes pero dahil kailangan magkaroon ng papalit sa isa ko pang anak dito sa Pilipinas. She needs to study abroad and she requested that she wants to have a normal life there pero alam namin na hindi magiging posible iyon dahil sa pangalan namin," pagpapaliwanag niya sa akin. 

"Kaya napagpasyahan namin ng asawa ko na kumuha ng isang tao na gagamit ng pangalan niya dito at papalabasin na nandito pa rin siya sa Pilipinas, para maagaw ang atensyon ng media at maniwala sila na dito siya sa nag-aaral," pagpapatuloy niya. 

"Po? Hindi ko po kayo maintindihan," naguguluhan kong tanong. Kailangan kong gumamit ng ibang pagkakakilanlan? 

"In short, you're going to pretend that you are my daughter. Starting today, you won't be Abegail Valdez. Instead, you will be Cassiea Dail Morint, the heiress," sabi ni Mrs. Morint. 

"Mrs. Morint, paano po kung ayaw ko?" tanong ko. 

"We will provide everything you need. Papag-aralin ka namin, bibihisan at libre kang mamili ng gusto mong aralin. Kahit kapag nagkatrabaho ka na, kahit anong gusto mong trabaho, okay lang," sabi niya. 

"Talaga po? Makakapag-aral ako?" paninigurado ko at tumango siya sa akin nang nakangiti. 

"Oo naman," sagot niya. Huminga ako ng malalim. Para sa pangarap ko. 

"Pumapayag na ho ako."

At doon nagsimula ang trabaho ko. Ang bayad nila ay ang pagpapa-aral sa akin. Wala namang kaso iyon sa akin, basta makapag-aral ako at mahanap ko ang pamilya ko. Kuntento na ako doon. Unang hakbang pa lang ito. 

Sinabihan nila ako na kailangan kong matuto sa mga ginagawa ng mga mayayaman para hindi ako makuwestiyon. Tinanong ko rin si Kuya Steve kung hindi ba ako mapaghihinalaan at ang sagot niya ay hindi. Homeschooled daw kasi si Cassiea at ngayon lang lumabas. Sayang nga at hindi ko siya nakilala dahil dalawang araw bago ako makarating dito, nakalipad na siya ng ibang bansa. 

Pagkatapos ng pag-uusap namin ni Mrs. Morint ay dinala ako ni Kuya Steve sa magiging kwarto ko raw. Lalo akong namangha ng makita ang hagdan nila. Napakalaki at malawak ito, siguro kung sabay-sabay kaming anim na aakyat nang magkakatabi dito ay may puwang pa rin para sa iba. Pero nagulat ako ng makita na may elevator din! Wow, grabe ang yaman nila, Ma'am! Sumakay kami doon at nakita ko na pinindot ni Kuya Steve ang third floor. 

"Kuya Steve, bakit sa third floor? Okay lang naman ako kahit sa maid quarters na lang," sabi ko sa kaniya. 

"Utos ni Madam na dito ka raw at saka, mas komportable dito," paliwanag ni Kuya Steve. Napatango na lang ako sa sinabi niya. Pagdating namin ay tatlong pinto lang ang nandoon. Ang dalawa ay sakto lamang ang laki pero ang nasa dulo ay ang pinakamalaki.

"Ang dulong kwarto ay kay Cassiea. Ito naman ang magiging kwarto mo," sabi ni Kuya Steve at inilahad sa akin ang katapat na pinto ni Cassiea. 

Maganda rin ang kwarto. Binubuo ito ng pastel pink na kulay at puti. Stripes ito na naka-ayos sa dingding at may chandelier din sa kisame. May walk-in closet din na karugtong ng banyo. May vanity mirror din sa may bintana na puno ng mga iba't ibang cosmetics. Malaki ang kama at naka-comforter pa ito. Hala, may aircon din! Ngayon lang ako makakaranas ng ganitong kwarto. Tumakbo ako sa kama, hinubad ang sapatos ko at nagtatatalon sa kama habang tumatawa. Narinig ko naman ang pagtikhim ni Kuya Steve. 

"Ay hala, sorry po! Masisira po ba? Naku, wala po akonv pambayad," sabi ko. Mabilis akong bumaba sa kama at yumuko. Naramdaman ko naman na ginulo ni Kuya Steve ang buhok ko. 

"Okay lang. Natutuwa naman akong makita na masaya ka dito. Magbihis ka na at kakain na nang tanghalian," nakangiting sabi ni Kuya Steve. 

Lumabas na siya pagkatapos no'n. Hinanap ko naman ang gamit ko pero hindi ko alam kung nasaan na siya. Pumasok ako sa walk-in closet at nakita doon na maayos na nakasalansan ang mga damit at sapatos ko. May mga magaganda at magagarang damit din! Nakakahiya naman idikit ang mga damit ko, mukhang mamahalin ang mga ito at napakabango pa. 

Pinili ko na lang ang isang black na t-shirt at pambahay na short na nakita ko. Sinuot ko na rin ang bunny na slippers na nakita ko sa lapag ng closet. Pagkatapos ko magbihis ay bumaba na ako, gamit ang elevator. Tinuruan naman ako ni Kuya Steve kung paano gumamit nito, kaso ang problema, hindi ko alam kung nasaan ang dining room nila. 

Paglabas ko ay nakita ko ang isang katulong na may bitbit na pamunas. Kinalabit ko ito, humarap naman siya sa akin ng nakangiti. 

"Ano po ang maitutulong ko, Ma'am?" tanong niya. 

"Nasaan po ang kainan? At saka, Abby na lang po or Abegail," sabi ko. Iginiya naman niya ako sa dining room at nakita ko doon si Mrs. Morint at isang lalaki na nakaupo sa kabisera ng lamesa. 

"Iha, maupo ka na," nakangiting anyaya ni Mrs. Morint. 

Sumunod naman ako at umupo sa tapat niya. Nasa kaliwa ko naman ang lalaki at nakangiti ito sa akin. 

"Siya nga pala, ito ang asawa ko, si Dalen," pagpapakilala niya. Nginitian ko naman ang lalaki at nagmano sa kaniya. Tinuro kasi ito sa amin nila sister. Magmano raw sa mga nakatatanda sa amin. 

"Magandang tanghali po, Mr. Morint," magalang na pagbati ko dito. Natawa naman silang dalawa na labis kong ipinagtaka. 

"Masiyado ka namang pormal iha, magiging mga magulang mo na rin kami. Just call us 'Mom and Dad' or 'Mama and Papa' kung saan ka komportable," nakatawang sabi ni Mrs. Morint este M-mom? 

"Sige po, M-mom, Dad," medyo nauutal na sabi ko dahil hindi ako gaanong sanay pero ang sarap lang banggitin iyon. Nangingilid ang luha ko pero pinigilan ko iyon. 

"Oh, let's eat!" pagkasabi ni mom no'n ay sunod-sunod na nagsipasok ang mga katulong, bitbit ang napakaraming pagkain. Fiesta ba? Ang dami nito! 

Kumuha na ako ng pagkain at kakain na sana ako nang mapatingin sa mga kubyertos sa mesa. Napakaraming kutsara at tinidor, naka-ayos sila sa pinakamaliit hanggang sa pinakamalaki. 

"Iyan ang unang ituturo namin sa iyo," sabi ni Mom. Napatango naman ako at sinimulan na niya akong turuan. Buti na lang ay fast learner ako kaya, agad ko siyang nagets at nagamit. 

At ito ako ngayon, tinuturuan ni Kuya Steve ng tamang postura, tamang pagsakay at pagbaba sa sasakyan, maayos na pagsusuot ng bag at higit sa lahat, maayos na pananalita. Tinuruan niya ako paano mamuhay bilang mayaman, bilang isang tagapagmana. 

Noong una ay mahirap. Sobrang hirap dahil hindi ito ang nakagisnan kong buhay. Sanay ako sa isang kutsara't tinidor lang kapag kumakain, sanay ako na isa o dalawang ulam lang ang nakahapag sa lamesa, sanay ako sa hindi gaanong malambot na kama, sanay ako na electric fan lang at kahit nilalamok ay ayos lang. In short, sanay ako sa mga pang-ordinaryong pamumuhay lamang. 

Pero tinulungan nila ako, tinulungan ako ni Kuya Steve at nina Mom and Dad. Hindi nila pinaramdam na sampid lang ako dito, na nandito lang ako dahil kailangan ko magpanggap. Bagkus, tinuring pa nila ako na tunay na kapamilya at komportableng-komportable na ako dito. Nakakatakot dahil ayokong masanay kasi alam ko na pansamantala lang ito at lahat ng ito ay hindi sa akin. 

"Grabe, Abegail! Ang galing mo mag-british accent! Ang bilis mong natuto! Nakakaproud ka, anak," sabi ni Kuya Steve habang nagpupunas ng kunwaring luha niya. Nilabas pa niya ang panyo na kunwari sumisinga. 

"Ang over ng acting mo, Kuya Steve ha!" sabi ko at kunwari nandidiri sa ginagawa niya. 

"Ewww! You look like a duck, Kuya Steve!" sigaw ko nang nag-pout siya bigla. 

Nasanay na ako mag-english dahil ipinakausap nila ako sa mga amerikano na hinire nila. Para raw masanay ako kaagad sa pagsasalita ng Ingles at sobrang effective naman no'n. 

Ngayon ay pupunta kami sa mall. Unang beses ko itong makakalabas dahil sa nakaraan na halos dalawang buwan, sa bahay lang ako naglagi at nag-aaral. Ito rin ang unang beses na mararanasan ko ang titig at tingin ng ibang tao. 

Pagkapasok ko sa mall ay iba't ibang uri ng tingin ang ibinato sa akin ng mga tao. Sino ba naman kasi ang hindi mapapansin lalo na kung may kasama akong tatlong bodyguard? Dumiretso lang kami sa isang stationery store para bumili ng mga gamit ko para sa school at dumiretso sa Louis Vuitton. Alam ko na ang mga bagay na 'yan dahil itinuro rin sa akin ni Kuya Steve ang mga iyan. Para raw may alam na ako sa ganiyan at hindi na ako magulat dahil panigurado gagamit ako niyan. 

Kinuha lang namin ang pinacustomize na bag ni Mom para sa akin. Pagkatapos no'n ay dumiretso na kami pauwi. Nagulat naman ako pag-uwi ko, bumungad sa akin ang maraming gadgets. May cellphone, laptop, tablet at may computer pa na sine-set up na raw sa kwarto ko. Nalula ako sa mga pinagbibigay nila pero kailangan kong masanay kasi ganito na ang magiging buhay ko simula ngayon pero hindi ko pa rin inaalis sa isipan ko na, mawawala din ito pagdating ng panahon. 

At ito na, huminto na ang sasakyan sa tapat ng school na pag-aaralan ko, isang prestihiyosong paaralan na tanging mga pinakamayayaman lang sa bansa ang nakakapag-aral. Bumaba na ako at tumitig sa gate ng school ko. 

This is it. New life, new beginning. 

Sa ngayon, itatago ko muna si Abegail Valdez, dahil ako ngayon si Cassiea Dail Morint.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Mask She Wore   Finished

    Last.I dreamed about a kid. She wants me to fight. Gusto ko siyang hawakan pero palagi niyang sinasabi na 'hindi pa po ngayon'. I don't know why but I feel like crying because I know, she's a part of me."I miss you so much. Please, wake up. We still need to arrange our wedding," I heard a voice say.Hinahanap ko kung saan nanggagaling ang boses na iyon. Was it on my mind?"Don't give up, please. I love you," he added. Wait, I know that voice. Raze…Kahit nananakit ang buong katawan ko at halos hindi ko maigalaw ang mga kamay ko, pinilit ko pa rin.Sinimulan

  • The Mask She Wore   Chapter 30

    30.I didn't know that I could fall in love at a very young age. I don't even know what the word 'love' truly means at that time but all that I can say is that my heart goes crazy whenever she's near.I love how sparkly and lively her eyes were. I must be crazy about crushing on a kid. Well, it's not bad because I'm a kid also… I think?I was just staring at the little kid who's busy smiling at their guests. She looks cute, a voice in my mind said. She glanced at me and smiled. I unconsciously smiled back but she looked away."Hello! Thank you sa pagpunta!" masayang sabi niya. Akala ko matatapos ang araw na 'to na hindi kami mag-uusap.

  • The Mask She Wore   Chapter 29

    29.Maraming gawain ang hinarap ko sa mga sumunod na araw. Medyo nagulat ako na ganito pala karami ang ginagawang trabaho ng mga CEO pero kinakaya ko naman dahil nasanay na rin ako sa trabaho ko noon as the Chief Operating Officer of the company. Mas maraming paperworks pero fulfilling.Dalen Morint has filed for his retirement as the CEO and since I am the current COO, the position has been vacant. Our dad gave that position to Andrea and as far as I can remember, she’s handling it pretty well.Simula nang araw na ‘yon, lalong lumayo ang loob niya sa akin. Gusto ko siyang kausapin ng maayos. I just want to end our feud kasi, nakakapagod din pala. Hindi ko alam kung paano nakakakaya ng ibang tao ang magtanim ng galit sa iba sa napakahabang panahon.

  • The Mask She Wore   Chapter 28

    28.Naguilty naman ako sa ginawa ko pero she deserves it. She's been bitching out on me since day one.Naabutan ko si Raze at si Daddy na galing sa swimming pool area. They were still talking when their gaze flew towards me. I smiled at them. Dad nodded his head to Raze."So, are you going to stay here?" tanong ni Raze na na-awkwardan siguro sa presensya ni Daddy."Yes, will you… will you stay here with me?" tugon ko. Nanlaki ang nga mata nito at sinilip si Daddy. Pinipigilan ko ang tawa ko habang tinitignan ko siya na parang batang nagpapaalam kay Daddy.Akala mo talaga inosente oh.

  • The Mask She Wore   Chapter 27

    27.Tumayo ako mula sa pagkakaupo sa harapan ng matanda habang nagpupunas ng luha matapos nito sabihin ang buong kwento. Hinawakan ko ang kamay ni Lola Maricar."Babalik po ako ha?" sabi ko rito at parang naintindihan naman niya ako kaya tumango siya."Babalik ako," sambit ko pagkaharap kay Mara."Hihintayin ka po namin," tugon nito. Nginitian ko lang ito bago kami naglakad palayo ni Raze.Mabilis kaming umalis sa lugar na iyon para bumalik sa mansyon. Sunday ngayon kaya panigurado ay nandoon silang lahat. Nanginginig ako habang nakaupo at rumaragasa ang mga emosyon sa dibdib ko.

  • The Mask She Wore   Chapter 26

    26."Kailan pa siya ganyan?"Tanong ko habang nakatanaw kay mama. Hindi ko alam kung ano bang dapat kong maramdaman. Matutuwa ba ako dahil nahanap ko na sila? O malulungkot dahil ganito naman ang kalagayan niya?"Last year po. 'Yan siguro po 'yung impact ng pagkamatay ni lolo," tugon nito habang nakatingin din kay mama. Humarap ito sa akin at ngumiti."Pasensya na po pero kailangan na pong matulog ni lola. Kung gusto niyo po, bumalik na lang po kayo bukas," magalang na sabi nito. Huminga ako ng malalim bago sumagot."Sige, salamat. Maaga na lang kami babalik dito bukas," sabi ko.

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status