Share

Chapter 9

Sinabi ng kausap ko na nasa Muntinlupa ang pamilya na naghahanap ng nawawala nilang anak. Nag-ayos na ako ng mga kailangan ko. Simpleng itim na t-shirt lang at denim jeans ang sinuot ko. Para mas komportable ang mga gagawin ko ngayong araw, nag-suot na lang ako ng isang rubber shoes. 

Kinuha ko ang cellphone ko at nakitang 7:30 na nang umaga. May pasok ako dapat ngayong araw pero aabsent na muna ako. Tinawagan ko na lang si Lily para ipaalam ang gagawin ko. 

"Lily," bungad ko sa kaniya. 

"Hello, Ms. Morint. Malapit na pong mag-alas otso nang umaga," paalala niya. 

"Yes, yes, I know. I called you because I won't go to work today. I have some important things to do," sabi ko sa kaniya. 

"Oh. Out of town business?" tanong ni Lily. 

"Uh, I think I found my family, Lily," pagsasabi ko sa kaniya. 

"What?! Really?! Oh my gosh! I'm happy for you!" tuwang-tuwa na sabi niya. Napatawa naman ako pero sinabihan ko siya kaagad. 

"Thank you. Hindi pa 'to sigurado pero sana, sila na nga," sabi ko. 

"Good luck, Abby!" sabi niya. 

"Salamat. And please, if ever Raze is looking for me, tell him I had a business meeting or whatever. Help me out, okay?" I plead. 

"Sure! Ako na bahala. Go! Talk to you later!" she said. Napangiti naman ako, Lily is always very supportive that's why I love her. 

"Thanks, Ly! I owe you one!" I said before turning off my phone. 

I sighed after putting down my phone. I am nervous, really nervous. I gathered all my things and turned off everything in my condo and locked the door. I pressed the parking lot level of the elevator and immediately got in my car. 

I drove to Muntinlupa with a nervous but excited heart. I don't know why but time passed by so quickly and I am already here in Muntinlupa. 

Medyo mahirap papunta sa bahay nila. Kung sasakay ka ng tren papunta dito, siguro aabutin ng dalawa o tatlong oras galing Maynila. Pagbaba ay sasakay pa ng jeep papunta sa bayan at pagdating sa bayan ay sasakay pa ng tricycle papunta sa village nila. Malayo-layo ang mga kabahayan kaya kung hindi mo kaya maglakad ng mahaba, pwede kang sumakay ng tricycle o mag-pedicab. 

Mapapansin kaagad ang hirap ng buhay ng mga tao dito. Sa totoo lang, bilang lang sa daliri ang may-kaya dito. Ang pangunahing kabuhayan ng mga pamilya ay pagt-tricycle dahil ito ang pinakamalakas na kita. Labas-pasok kasi ang mga tao mula sa village nila papunta sa bayan. May mga tao naman na nagtinda na lang sa mga bahay nila. Lutong-bahay, tindahan ng mga laruan, nagtitinda sa palengke at sari-sari store. 

Bawat bahay ay gawa sa hollow blocks at depende na lang sa mga pamilya na nakatira dito kung paano nila aayusin ang mga bahay. Ang ibang nadaanan ko ay nakita ko na may mga second floor sila sa loob ng bahay. 

Nag-drive pa ako papaloob at huminto na sa isang bahay na may sari-sari store sa harap. Tinignan ko ang notes ko sa phone at tinignan ang address ng bahay pabalik kung tama ba nang makumpirma ko ay napa-buntong hininga ako. This is it. Pinark ko na ang sasakyan ko sa tapat ng bahay nila at bumaba na. 

Nasilip ko ang isang babae na nag-aayos ng mga paninda nila. Halos wala na rin sila gaanong matinda dito at pansin ko na parang hinati ang bahay nila. Ang parte nila ay medyo magulo at ang kalahati ay maayos at bagong pintura pa. 

Lumapit ako sa bahay at nakita ko sa baba ang mga aso na naglalaro sa makipot na daanan nila. 

"Magandang umaga ho," bati ko sa babae. Napatingin naman ito sa akin at binitawan ang ginagawa niya. Ngumiti ito sa akin kaya nginitian ko rin ito pabalik. 

"Magandang umaga rin. Ano hong sadya nila?" tanong niya sa akin nang nakangiti. 

"Nakita ko ho kasi sa balita na, may hinahanap ho kayo?" medyo nag-aalangan na sabi ko sa kaniya. 

"Ay oo! May manugang kasi ako na matagal ng nawawala, kapatid ng asawa ko," pagkukwento nito. "Bakit?" pagtatanong nito. 

"Ah–" may sasabihin sana ako ng putulin ako nito. "Pasok ka nga pala! Naku, nakakahiya naman," sabi niya. 

Pumasok ako sa bahay nila at may mga case pa ng beer sa gilid at isang malaking styro na box. Nakakalat din ang mga tsinelas sa sahig at mula dito, mapapansin kaagad na masikip at maliit lang ang bahay nila. 

"Pagpasensyahan mo na itong bahay namin ha. Nakakahiya, mukhang mayaman ka pa," sabi nito at nahihiyang ngumiti sa akin. 

"Okay lang po," sabi ko. 

"Sino 'yan, Maria?" tanong ng isang lalaki na mukhang kakagising pa lang. Medyo payat ito at inuubo-ubo pa. 

"Magandang umaga ho," bati ko sa kaniya. 

"Toto, siya pala si…?" tanong nito sa akin. Hindi ko alam kung ano ba ang pangalan na dapat kong ipakilala pero napag-isipan ko na itago na lang ang totoong ako. 

"Cassiea po," pagpapakilala ko. 

"Si Cassiea. Nakita niya ang balita tungkol sa nawawala mong kapatid at mukhang may alam siya," sabi ng babaeng nagngangalang 'Maria'. 

"Talaga? May alam ka kung nasaan siya?" napuno ng sigla at kagalakan ang mukha ng lalaki. 

"Hindi pa ho sigurado pero kaparehas ho kasi nang taon kung kailan nawala ang kakilala ko. Dalawampu't isang taon na rin niyang hinahanap ang pamilya niya," nakangiting sabi ko. Nakita ko naman na nangingilid ang luha ng lalaking kausap ko. 

"Naku, sana siya na nga ang kapatid ko. Miss na miss ko na siya," sabi ng lalaki. 

"Sana nga ho," sabi ko. 

"Kain ka muna, baka hindi ka pa kumakain. Ayos lang ba sa'yo na pandesal lang ang maipapakain ko?" tanong ni Maria. 

"Ayos lang. Masarap 'yan sa umaga," sabi ko at tumawa. 

Binigyan niya ako ng pandesal at isang baso ng kape. Sa totoo lang, ayoko sanang inumim kaso magmumukha naman akong bastos sa harap nila kaya, ininom ko na rin. 

Nagkwentuhan lang kami ni Maria tungkol sa kanila. Nalaman ko na may dalawa pala silang anak ni Kuya Toto. Isang high school student na at isang elementary student. Honor student daw ang panganay nila kaya parang napapawi raw ang hirap at pagod nila kapag nakikita nila ang simpleng tagumpay ng anak nila. 

Nakatira rin sa kanila ang nanay ni Kuya Toto. Sumalo ito sa amin at kapansin-pansin ang sobrang pangangayayat nito dahil na rin siguro sa kahirapan. Mabait ang pamilya nila at napaka-masayahin. Halata rin ang pagmamahal ng nanay ni Kuya Toto sa nawawala niyang anak na kahit ilang taon na ang lumipas ay hinahanap niya pa rin ito. 

"Bakit po kalahati na lang ang bahay niyo?" tanong ko. Nakita ko naman ang biglang paglungkot ng mukha ni Ate Maria kaya parang gusto kong batukan ang sarili ko bigla. 

"Nanakawan kasi kami ng pera noon at para makapagbayad kami sa renta at mga gastusin sa bahay, napilitan kaming ibenta ang kalahati. Mabuti na lang at mabait ang napagbentahan namin at minsan ay tinutulungan niya kami," pagkukwento ni Ate Maria. 

"Magbihis po kayo. May gagawin tayo," sabi ko. Mabilis naman silang naligo lahat at nagbihis. Mabuti na lamang at medyo malaki ang sasakyan ko kaya nagkasya kami lahat. 

Una ko silang dinala sa hospital kung saan ako nagbigay ng sample ko para sa dna test. Nagbigay rin si Kuya Toto ng sample at si Aling Cora. Pagkatapos ay may pinapirma lang sa kanila. 

"In two or three days, malalaman natin ang resulta. Tatawagan ko ho kayo kung pwede na kunin ang resulta," pagsasabi ng doctor. Ngumiti naman ako at nakipagkamay sa kaniya. 

"Kung ayos lang ho sa inyo, gusto ko ho kayo bilhan ng mga gamit," pagsasabi ko sa kanila. Nagkatinginan naman si Kuya Toto at Ate Maria dahil doon. 

"Hindi ba parang nakakahiya naman 'yon?" nag-aalala na tanong ni Ate Maria. 

"Wala ho iyon. Ayos lang ho, tara na," yaya ko at pinasakay na sila sa kotse. Dumiretso kami sa isang mall na pagmamay-ari namin dahil kumpleto ang mga tindahan dito. 

"Ang gara naman masiyado dito. Lipat tayo," bulong sa akin ni Ate Maria. 

"Huwag ho kayo mag-alala pagmamay-ari ho namin ito," sabi ko at kitang-kita ko ang pagkamangha sa mukha niya. 

Una ko silang niyaya sa grocery at pinakuha ko sila lahat ng kailangan nila. Napansin ko naman na ang konti lang ng kinuha nila at puro mga gamit at pang-kain lang nila kaya ako na mismo ang pumili pa ng iba. Naglagay ako sa cart ng mga pagkain at snacks nila pati na rin ng mga bata. Naglagay rin ako ng mga extra pang grocery pandagdag sa kanilang sari-sari store. 

Tatlong big cart ang napuno ko bago ko binayaran. Sinabihan ko na ipadala ito sa office ng admin ng mall dahil ipabibitbit ko iyon lahat sa truck. Binilhan ko rin sila ng foam ng kama dahil napansin ko kanina na sa sahig lang sila natutulog at isang manipis na kumot lang ang hinihigaan nila. 

Pagkatapos ay binilhan ko sila ng mga damit. Una ay pinapili ko ang mga bata ng mga damit at sapatos na gusto nila at sumunod naman ay sila Ate Maria, Kuya Toto at Aling Cora ang binilhan ko. Nakakataba ng puso na makita ang bakas ng kasiyahan sa mukha nila. 

Nakita ko rin na keypad pa rin ang gamit nilang cellphone at naghihiraman pa sila dito kaya naisipan ko na bilhan sila ng tig-isang mga cellphone at binigyan ng isang laptop para na rin sa pag-aaral ng mga bata. Binayaran ko na lahat at kumain na kami sa isang fast food chain. 

"Ma'am Cassiea," pag-agaw ni Ate Maria ng pansin ko. 

"Huwag mo na po ako i-ma'am, kahit Cassiea na lang po," sabi ko sa kaniya. Tumulo naman ang isang butil ng luha sa mata niya kaya na-alarma ako. 

"Hala, ay–" naputol ang dapat kong sasabihin nang magsalita rin siya. 

"Maraming-maraming salamat sa lahat ng binigay mo sa amin. Sobra-sobra ang biyayang natanggap namin mula sa'yo," sabi niya. Namuo naman ang luha sa mga mata ko habang pinapanood ko siya na sinasabi ang mga iyon. 

"Wala po iyon, Ate Maria. Lahat po tayo deserve na makatanggap ng blessings, maliit man 'yan o malaki," sabi ko sa kaniya. 

"Gusto ko rin ho na magpasalamat sa inyo," sabi ko at ngumiti. "Salamat ho sa mainit na pagtanggap sa akin kahit ngayon niyo pa lang ho ako nakikilala. Naramdaman ko kung gaano kaganda ang pamilya niyo. Kahit na naghihirap na kayo sa buhay, hindi nawala ang pagkakaroon ninyo ng mabuting kalooban," pagpapatuloy ko. Ngumiti ito sa akin at pinisil ang kamay ko. 

"Tara na ho, kumain na tayo ulit," sabi ko at tumawa. Nagpatuloy lang kami sa pagkain at puro kwentuhan ang naganap habang kumakain kami. Hindi namin naubos kaya ipinabalot ko ang natira at ipinauwi sa kanila. 

Kasabay ng pag-uwi namin ay ang pagdating ng truck na puno ng mga binili ko sa kanila. Agad namin itong ipinasok sa bahay nila at inayos na. 

Natuwa ako sa araw na ito dahil nakilala ko sila at nalaman ko ang klase ng pamumuhay nila dito. Saglit pa akong nakipagkulitan sa kanila. Tinignan ko ang orasan at nakita na maga-ala sais na ng gabi kaya napagpasyahan kong umuwi na. 

"Mauuna na ho ako, babalik ho ako kapag may resulta na," pagpapa-alam ko sa kanila. Nagpaalam na rin sila sa akin. Lumabas na ako at sumakay sa kotse ko, pag-start ko ng sasakyan ay kumaway muna ako sa kanila bago umalis. 

Buong byahe ko ay nakangiti ako at magaan ang pakiramdam. Ganoon pa rin ang ayos ko hanggang makauwi at makatapat sa condo ko pero napawi ang ngiti ko ng mabungaran si Raze na seryosong nakaupo sa sofa ko. 

"B-bakit naman napaka-seryoso mo?" nauutal na tanong ko. Pinanliitan ako nito ng mata at tumayo. 

"Saan ka galing?" seryosong tanong niya. 

"M-may meeting lang," sabi ko. Ano ba'ng sinabi ni Lily dito? 

"Ano'ng oras na pero ngayon ka lang?" sabi niya. 

"Napatagal kasi kumain pa kami," kinakabahang sagot ko. 

"Babae o lalaki?" tanong niya. Nagsalubong ang kilay ko. Bakit kailangan pati 'yun tanungin niya?

"Babae," sagot ko na lang. Nakahinga ako ng maluwag ng lumayo siya sa akin at ngumiti. Bumalik na rin siya sa pagkakaupo sa sofa. Tumabi ako sa kaniya at nakinood. 

"So, how's your day?" tanong niya. Napangiti naman ako sa tanong niya at sinandal ang ulo ko sa balikat niya. 

"Great," and fulfilling. Gusto kong idagdag pero pinigilan ko ang sarili ko. 

"Glad to hear that," sabi niya. Natutuwa rin ako dahil mukhang mahahanap ko na ang pamilya ko. Sana sila na nga. 

Sana.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status