Share

Chapter 10

10.

I was sipping my coffee while reading some reports and updates when Lily knocked on my door. 

"Ms. Morint, your meeting will start in 15 minutes. Lunch will be provided later," Lily informed me. I nodded while still reading. 

"Thank you, Ly," sabi ko. Huminga ako nang malalim bago binitawan ang mga papel na hawak ko. Hinagilap ko ang bag ko para kahit papaano ay makapag-ayos ako. 

Today's the day. Pwede na malaman ang resulta ngayon pero naghihintay pa ako sa tawag ng doctor. Sobra-sobra ang kaba na nararamdaman ko ngayon at parang gustong tumalon ng puso ko mula sa dibdib ko. 

Naglagay na lang ako ng kaunting lipstick ulit at nagpabango. Pagkatapos ay tumayo na ako at lumabas na rin sa office ko. Sumunod sa akin si Lily at sabay kaming bumaba sa conference room. Pagdating namin doon sa conference room ay nandoon na ang ibang head ng bawat department. 

Umupo na ako sa upuan na para sa akin at binuklat ang mga nakalahad na papel sa bawat tao. Reporting of sales pala today at napapatango ako sa laki ng itinaas ng benta ng kompanya at paglago ng mga iba't ibang business na hawak namin. Inilibot ko ang tingin ko at nakitang kumpleto na lahat. 

"You can now start," sabi ko at agad naman na tumayo ang magp-present sa harap at ang taga-lipat ng slides. The presentor properly delivered and informed us about the agenda for today. 

I was so engrossed on his presentation when Lily poked me. Sinilip ko siya at nginunguso niya ang cell phone ko na nasa mesa. Kinuha ko ito at nakitang may text na dumating. 

From: Medical Center

Ms. Morint, the results are ready. You can get them later at 4 pm. 

Lalong tumindi ang kaba ko sa nabasa ko kaya napainom ako ng tubig at napasandal sa upuan ko. Saglit na lang naman na ang presentation bago mag-break time kaya hinintay ko na. Sinabi na nang presentor ang panapos niyang mga salita kaya agad ko ng sinabihan si Lily. 

"Lily, half day ako ngayon, I have something important to do," sabi ko at nagulat naman si Lily. Half days were not my thing kaya ganiyan na lang ang reaksyon niya. 

"S-sige po. I'll cancel one meeting of yours po," sabi ni Lily. Tumango ako sa kaniya at humarap sa mga tao sa conference room. Ngumiti ako ng tipid bago nagsalita. 

"Thank you for today. Meeting adjourned," sabi ko at nag-ayos na sila ng mga gamit. Pumasok naman na ang mga may dala ng lunch para sa kanila. 

"I'm sorry, I can't eat with you, I have something important to do. Have a great day," sabi ko at naglakad na ng diretso palabas. Umakyat ako saglit sa opisina ko para kunin ang bag ko at ang iba pang mga importanteng gamit ko. 

Dire-diretso akong lumabas at sumakay sa elevator pababa ng parking lot. Binuhay ko na ang makina ng sasakyan ko at pinaandar na. Mabuti na lang at wala gaanong traffic ngayong araw kaya mabilis lang ang byahe papuntang Muntinlupa. 

Bago ako dumiretso sa bahay nila, dumaan muna ako sa jollibee para bumili ng pagkain para sa kanila. Pagkakuha ko na ng inorder ko ay nagmaneho na ako diretso sa bahay nila Ate Maria. 

Pagbungad pa lamang sa lugar nila ay kapansin-pansin na piyesta ngayon sa lugar nila dahil sa mga banderitas na nakapalibot at nakasabit sa mga kable. Nakakatuwa tignan dahil bawat bahay o kanto ay may iba't ibang pakulo. May mga nag-iinuman, may nagpapalaro, may nagv-videoke at ang nakakatuwa ay may perya sila. Masiyado pang maaga kaya hindi pa bukas ang perya pero may ilan na nagpapalaro na. 

Hininto ko na ang sasakyan ko sa tapat ng bahay nila Ate Maria at nakitang may mga nagbibigay ng pagkain sa kanila at sila rin naman ay nagbibigay pabalik. Nakakatuwa 'yung mga tao dito, para bang, isang buong pamilya sila sa lugar na ito. 

Nakangiti akong bumaba sa sasakyan at sinalubong naman ako ng tumatakbong si Brian at Jayjay–mga anak nila Ate Maria.

"Hello, Ate Cassiea!" masayang bati nila at yumakap sa baywang ko. Pinatong ko naman ang mga kamay ko sa mga ulo nila at ngumiti rin. 

"Naku, Cassiea! Hindi mo sinabi na darating ka, maraming tao sa bahay ngayon at masikip," sabi ni Ate Maria. 

"Ayos lang ho. Happy fiesta po pala," sabi ko at inabot ang binili kong pagkain. 

"Naku, nag-abala ka pa pero salamat," sambit ni Ate Maria. "Pasok ka," yaya niya sa akin. Tumango ako at inakay na rin ang mga bata papasok sa bahay. Nakita ko ang iba nilang mga kapitbahay sa loob at bumati sa kanila. 

"Magandang hapon po. Happy fiesta po sa inyo," bati ko rin sa loob. Nandoon rin si Kuya Toto at Aling Cora. Nag-aasikaso sila ng mga bisita at nakikipag-usap na rin sa kanila. 

"Ang ganda mo naman hija," sabi ng isang matanda na katabi ko. 

"Salamat po," tugon ko at ngumiti pabalik. 

"Panigurado may kasintahan ka na, sa ganda mo ba naman na iyan?" biro ng matanda sa akin. Natawa naman ako sa sinabi niya. 

"Naku, wala ho. May mga importanteng bagay pa ho akong dapat asikasuhin bago ko ho, isipin 'yan," malumanay na sabi ko. Napangiti naman ang matanda. 

"Mabuti at alam mo ang mga dapat mong gawin. Ramdam ko na isa kang mabait at responsableng tao. Makakamit mo rin ang mga bagay na gusto mo," nakangiting sabi ng matanda. 

"Salamat ho," pagpapasalamat ko sa kaniya. Kinalabit naman ako ng isang matanda sa tabi ko. 

"Naku, matandang dalaga na kasi 'yan, kaya ganiyan magsalita," pang-aasar niya sa matandang kausap ko kanina. Natawa ako ng mahina dahil mukhang magkaibigan pa sila. 

"Nako, tignan mo naman ako ngayon. Napagtapos ko ang mga kapatid ko at may magaganda na silang buhay at saka, hindi pa naman nalalaos ang ganda ko 'no," sabi ng matanda at umakto pa na parang isang maria clara at ipinaypay ang hawak niyang papel. Natawa naman ako sa kanila.

"Mukhang mayaman ka pa, hija," sabi ng isang matandang kausap ko. 

"May-kaya lang po," sabi ko. 

"Mabuti 'yan para kapag sa panahon na nagkapamilya ka na, hindi gugutumin ang pamilya mo at hindi ka mangangapa na humanap ng pera na ipantutustos sa kanila," seryosong sabi ng matanda at sumubo na ng lumpia na nasa plato niya. 

"Tatandaan ko ho iyan," sabi ko habang tumatango-tango. 

Dumaan naman si Kuya Toto sa gilid ko kaya kinalabit ko siya. 

"Bakit, Cassiea? May problema ba?" tanong niya. Umiling naman ako. 

"Gusto ko ho sana kayo makausap ni Ate Maria," sabi ko sa kaniya. 

"Sige, tara. Tatawagin ko lang si Maria," anyaya ni Kuya Toto. Tumango ako at tumayo na sa kinauupuan ko. Nginitian ko naman ang dalawang matanda bago umalis. 

"Ano iyon, Cassiea?" tanong ni Ate Maria. 

"Uh... Dumating na ho kasi 'yung resulta at mamayang alas kwatro ng hapon ho natin pwede makuha," sabi ko. Nakita ko naman na bumakas ang pagkasabik sa tuwa ng dalawa. 

"Naku, sana ito na," hiling nila. Ngumiti lang ako ng tipid sa kanila. 

Pumasok na sila ulit sa loob at nakipag-usap at kulitan sa mga bisita pero sinabihan nila ang mga ito na aalis sila nang alas kwatro ng hapon. 

Mabilis naman lumipas ang oras at ito na kami ngayon, papunta na sa ospital. Kinakabahan ako at nagha-halo na ang mga nararamdaman ko. 

Pagka-park ko ng sasakyan ay dumiretso na kami sa loob ng ospital at agad akong binati ng doctor na nagsagawa ng test. 

"Magandang hapon, Doc," bati ko sa kaniya. Ngumiti naman ito at bumati pabalik. 

"Magandang hapon din," sagot nito. "So, are you ready for the result?" tanong nito at sinulyapan ko naman sila Kuya Toto. Tumango sila kaya napatango na rin ako.

Niyaya na niya kami sa opisina at pinapasok niya kami. May hinalungkat lang siya sa mga folder na nasa gilid niya at maya-maya'y inilahad na sa amin ang resulta. 

Tinignan ko sila Ate Maria pero mukhang pati sila ay kinakabahan kaya, ako na mismo ang kumuha roon. Nanginginig ang kamay ko habang binubuksan ang resulta. Nagsimulang magsalita si Doc at parang nabingi ako sa sobrang kaba na nararamdaman ko. Binasa ko mula simula hanggang sa makarating sa pinakababang parte nito. 

"...and from the samples that you gave us, the result says negative," sabi nito na parang isang bomba sa akin. Narinig ko naman ang impit na iyak ni Ate Maria. Natulala naman ako habang nakatingin sa nakalagay sa papel. Isang malaking 'NEGATIVE'. 

Nanlumo ako sa nalaman ko at sunod-sunod ng tumulo ang luha ko pero itinago ko iyon at pasimpleng pinahiran ang luha ko. 

"Pasensya na, Kuya Toto," sabi ko na lang. Umiling na lang ito sa akin habang namamasa ang mga mata niya. 

"Wala kang kasalanan, Cassiea. Gusto ko pa ngang magpasalamat sa iyo dahil sa mga tulong mo sa amin kahit hindi mo naman kami kaano-ano," sabi nito. 

"Masaya ho akong makatulong sa inyo," sabi ko na lang at niyakap ko sila. 

Nagpasalamat lang kami sa doctor at lumabas na ng ospital. Hinatid ko na sila sa bahay nila. 

"Hindi ho ito ang huling beses na pupuntahan ko kayo," panimula ko. "Bibisitahin ko ho kayo palagi," sabi ko at ngumiti sa kaniya. 

"Hala, hindi mo na kailangan gawin iyon, Cassiea," sabi ni Ate Maria. 

"Tinuring ko na rin ho kayong pamilya kaya, ayos lang ho talaga," sambit ko. 

"Salamat, Cassiea," malumanay na sabi nito. Niyakap ko naman siya ng mahigpit. 

"Mauuna na ho ako, baka gabihin na rin ho kasi ako sa daan," pagpapaalam ko kanila. Tumango naman ito. Niyakap ko na rin si Kuya Toto at Aling Cora. Ginulo ko naman ang buhok ni Brian at Jayjay. 

Sumakay na ako sa kotse at kumaway na sa kanila. Nagmaneho na ako papalayo sa kanila at doon pa lang bumuhos ang mga luha na pinipigilan ko kanina pa. 

Naramdaman ko na naman ito. Umasa na naman ako ng sobra kahit alam kong masasaktan lang ako. Too much expectation can really hurt you so bad. 

Medyo nakakalayo na ako sa kanila pero hindi pa rin ako tumitigil kakaiyak kaya nang makita ko ang isang parke. Itinigil ko muna ang sasakyan ko doon at bumaba. Umupo ako sa isang bench at doon ibinuhos lahat ng kalungkutan at kadismayahan. Akala ko sa wakas, nahanap ko na sila. Isang malaking akala lang pala. 

Naramdaman ko maya-maya ang mga tubig sa balikat ko. Malalaking patak na paisa-isa hanggang sa dumami sila at bumuhos ang malakas na ulan. Hindi ko na iyon inalintana pa at iniyak na ang nararamdaman ko. 

Kasabay ng pagbuhos ng ulan ay ang pagbuhos ng luha ko mula sa mga mata ko at ang pagdagsa ng kalungkutan sa buong sistema ko. 

Hindi ko akalain na ganito kasakit ang mararamdaman ko. Ganoon ba kahirap makamit ang kasiyahan ng isang tao? Hanggang kailan pa ba ako mangungulila sa totoong pamilya ko?

Patuloy pa rin ang pagtulo ng mga luha ko pero hindi na sobrang tindi ng nararamdaman ko kanina. Medyo nilalamig na rin ako kaya napagpasyahan ko na bumalik na sa sasakyan. Binuksan ko ang likod ng sasakyan ko at kinuha ang maliit na towel doon. Pinunasan ko ang mukha ko at sinubukan na patuyuin ang katawan ko kahit papaano. 

Sinara ko na iyon at mabilis na tumakbo sa driver's seat at sumakay. Sinindihan ko na ang sasakyat at nagmaneho na pauwi. Hininaan ko na ang aircon dahil malamig na masiyado. Tahimik lang ako buong biyahe at umakyat na sa condo nang mai-park ko ang sasakyan ko. 

Malamya kong pinipindot ang password sa condo ko at pagbukas ay naramdaman ko kaagad ang isang mahigpit na yakap sa akin. Hindi ko alam bakit pero nang maramdaman ko ang init no'n ay naging panatag ang loob ko at napaiyak na lang ako. 

"Hey, what happened?" Raze asked and he tried to look at my face but I shooked my head and hugged him tighter. 

"Where have you been? I cannot contact your phone. I was worried, Love," he calmly said and I don't know how we got into the sofa. He let me sat on his lap while I am still crying. I also ignored what he called me. 

"Hush now, I'm here now," he said and kissed the top of my head. 

I nodded and sighed. Yes, I'm really glad that I met you, Raze. 

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status