Share

Chapter 8

"So, ayun, Raze threatened them." 

Pagtatapos ko sa kwento at tumingin na lang sa bintana. Pinanood ko na lang ang mga dinadaanan namin kahit palagi ko naman ito nakikita. 

"That's harassment! Magsama sila ng jowa niya, parehas mga tanga!" gigil na sigaw ni Lily. 

"She missed one important detail," biglang sabi ni Raze. 

"Ano?" kuryosong tanong ni Lily. Agad ko naman binigyan ng masamang tingin si Raze na nakangisi na ng nakakaloko ngayon. 

"She became my girlfriend," mabilis na sagot ni Raze kaya hinampas ko siya sa braso ng malakas. 

"AH!" daing niya at hinimas pa ang braso niya. 

"OMG, KAYO NA?!" gulat na sigaw ni Lily. Ang taas, ha. 

"No! Hindi kami!" pagpapaliwanag ko. “He just blurted that out para lang matakot ‘yong dalawa.”

"Wushu, mapupunta rin naman kayo doon, okay na 'yan," sabi ni Lily. 

"Ewan ko sa inyo," sabi ko at sakto naman na nakarating na kami sa condo. 

"Raze, hatid mo na si Lily," sabi ko at tumango naman siya, kaya bumaba na ako ng sasakyan. Dumiretso na ako kaagad sa building at umakyat sa floor ko. 

Pagkarating ng elevator sa floor ay naglakad na ako papunta sa condo. Hinubad ko ang sapatos ko at nagsuot ng tsinelas. Maya-maya na ako maliligo at pagpapahingahin ko lang ang katawan ko. 

I browse through netflix, finding a good movie or series to watch and I stumbled through Four Sisters and A Wedding. Maraming nagr-recommend sa akin nito at nangunguna na roon si Lily kaya papanoorin ko na. 

I played the movie and it already caught my attention because the beginning of the movie already talks about the significance of a… family.

It is a 2-hour movie and it is so good that it gave me a roller coaster ride. The first part was like it is all fun and mushy but when I reached the confrontation part, my tears kept flowing from my eyes. 

Throughout the movie, I was just feeling one thing. Envy. Naiinggit ako na may ganiyan silang pamilya, na may pamilya sila. May pamilya rin naman ako pero mas maganda at mas masaya siguro ako kung ang totoong pamilya ko ang kasama at kinalakihan ko. I will do whatevernit takes just to find them. 

"Why are you crying?" 

Tanong ni Raze nang makapasok sa condo ko. Dire-diretso siyang pumunta sa kinauupuan ko at umupo sa tabi ko. 

"Ang ganda nung movie," sagot ko at tinuro ang pinanood ko kanina. 

"Four Sisters and a Wedding?" tanong niya. Tumango ko habang sumisinghot pa rin. "Why do you always cry on films like this?" 

"Films like what?" tanong ko pabalik. 

"Family-related movies," tipid na sabi niya at tinitigan ako. Napa-iwas naman ako ng tingin sa kaniya. 

"Nakakaiyak naman kasi talaga," sabi ko na lang. 

"You're too soft when it comes to family topics," he noticed. 

"Everyone is soft when it comes to their families," I quickly replied while browsing again for another movie. 

I remembered when we were still in college. We had a subject that tackled in understanding the self more. It was a fun subject and it made me realize so many things but there is one memory that I can't forget. 

I was smiling throughout the whole discussion but my professor has one topic left for us to complete to finalize the discussion for that day. 

"So, all of us were raised by our parents," he started and I immediately felt uncomfortable. 

"They have different techniques on how to raise a child well and on how to teach them good manners," he added. "I want to ask each one of you a question regarding that and let's start with…" he looked around and stopped at my direction. 

"Let's start with you, Ms. Morint," he said and smiled. I nervously raised my hand. 

"How did your parents raise you? What is your clear memory on how they discipline you?" he asked. 

Hindi ko alam paano sasagutin iyon dahil sa totoo lang, hindi ko naman alam. I felt like, it was a question that I don't have to answer. Paano nga naman kasi nila ako papalakihin kung hindi ko naman sila nakilala kahit kailan? Gusto kong matawa ng mapait doon. 

Pero naalala ko bigla na, ako nga pala si Cassiea, isang Morint at may pamilya. Nakatulala lang ako ng mga sandaling iyon at nabalik lang sa katinuan ng kalabitin ako ni Raze. 

"H-huh?" tanong ko sa kaniya pero itinuro lang niya ang professor namin na nasa harap. Napatayo ako ng maayos at napatikhim. 

"Are you okay, Ms. Morint?" our professor asked. 

"Yes sir, I'm fine. I'm sorry, I spaced out for a minute," I explained and he nodded. 

"What is your answer?" tanong niya. 

"My mother and father did not harm me in a physical way every time I made a mistake, instead they talked to me in a soft manner and they are always telling me to learn from my mistakes so that I won't do it again next time," I shortly replied. The professor nodded and moved on to another student. 

When I sat down, I saw Raze looking at me intently. It made me nervous. That's why I laughed at his face to hide it. 

"What's the matter? You're weird," I said to him and he just sighed. 

"Nothing," he just replied and continued listening to the discussion.

That was the first time, I was caught off-guard from a question. At simula noon, sinanay ko na ang sarili ko na makatanggap ng mga ganoong tanong. Matagal bago ako nakapag-adjust bilang ibang tao. Hindi madali pero kinaya at kakayanin ko pa, para sa pamilya ko. 

"You haven't even changed your clothes," he pointed out my office clothes. 

"Yeah, nagpahinga lang ako dapat pero ang ganda kasi ng movie, kaya ayun," sabi ko at napansin ko naman na nakabihis na siya. 

"Kanina ka pa nakarating?" tanong ko.

"Yeah, I had to take a call at dumiretso na muna ako sa condo para maligo at magbihis," pagpapaliwanag niya. 

"Do you want some koko crunch?" tanong niya. Tumango ako. Iyon kasi ang gusto kong kinakain kapag kakagaling ko lang sa iyak, I don't know why but it helps me to calm down. 

"Go, mag-shower ka muna," sabi niya kaya tumayo na ako at pumunta na sa kwarto ko. 

Hinubad ko na ang mga damit ko at tumapak sa banyo. Mabilis lang ako naligo at ginawa na rin ang skincare routine ko. Oversized shirt at gray na cotton shorts lang ang sinuot ko pantulog. Paglabas ko ng banyo, nakita ko si Raze na seryosong-seryoso na gumagawa ng dalawang bowl ng koko crunch. 

Natawa ako habang pinapanood siya kasi parang hirap na hirap siya gumawa no'n kahit sobrang simple lang gawin kaya, nilabas ko ang phone ko and I decided to took a picture and a short video for my i*******m story.

Nilagay ko sa i*******m story iyon at may caption na "Hirap sis?" with a laughing emoji. I was laughing when he looked up to me.

"What's so funny?" he asked and I stopped laughing. "Oh, great, you stole another shirt from me."

"Oh, nothing and for your information, I didn't steal it! You said I could get this!" I replied while smiling. 

"Yeah right,” He said as he rolls his eyes. “Here, it's done," sabi niya at inilapit na ang isang bowl sa akin. 

"Yey, thank you!" I happily said at mabilis na kumuha ng kutsara at sumubo. 

"Dahan-dahan baka mabulunan ka na naman," masungit na sabi niya. 

"Ang sungit!" sabi ko pero sinamaan niya lang ako ng tingin. "Sabi ko nga, dahan-dahan ako kakain."

"You sure you're okay?" nag-aalalang tanong niya. I smiled. 

"Yes, don't worry. Nagulat lang ako dahil unang beses iyon nangyari sa akin pero, I'm fine naman," sabi ko. 

"If ever something happened like that again, don't hesitate to call me," seryosong sabi niya. 

"Roger that!" mapagbirong sabi ko. 

Inubos lang niya ang kinakain niya bago bumalik sa condo niya. Naiwan naman ako dito sa sala habang tinatapos ang pinapanood ko. Parang na-drain ang energy ko sa nangyari ngayong araw at dahil doon sa iniyak ko kanina, kaya ito ako ngayon, inaantok na. Pinipilit kong tapusin ang movie pero hikab na ako ng hikab at gustong-gusto na pumikit ng mata ko kaya pinatay ko na ang television. 

Pumunta na ako sa kwarto at nag-toothbrush na. I applied some lip balm on my lips to keep it moisturized. I turned off my lights and turned on the lamp. Without having any thoughts, I drifted to sleep. 

"Yaya, saan tayo pupunta?" tanong ng bata sa babaeng kasama niya. 

"Pupunta tayo sa mommy mo 'di ba?" sabi ng yaya niya habang nakangiti. Magiliw na napangiti naman ang bata ng maalala niya kung ano ang ganap sa araw na iyon. 

"Oh my! It's mommy's birthday!" she squealed and giggled. She hopped her way to the venue and she was immediately greeted by the people in the party. 

"Mommy!" tili ng bata at lumapit sa mommy niya na para bang hinihintay siya. Makikita na niya ang mukha ng babae pero biglang nagbago ang paligid. Nasa isang kalsada na sila at umuulan. Kasama pa rin niya ang yaya niya pero hindi na ito gumagalaw. 

Iyak lang nang iyak ang bata hanggang sa may lumapit na babae dito at inakay siya. Palakas nang palakas ang iyak ng bata hanggang makalayo sila. 

Nagising ako bigla dahil sa panaginip na iyon. Sino ba 'yon? At bakit parang pamilyar ang lahat? Kinapa ko ang leeg ko at naramdaman na pawis na pawis iyon maging ang t-shirt na suot ko. 

I checked the time and noticed that it is still 5:30 am in the morning. Bumangon ako sa kama at dumiretso sa banyo. I want to take a half bath. 

Ginawa kong maligamgam ang tubig dahil mas relaxing sa pakiramdam at para kumalma kahit papaano ang katawan ko dahil sa hindi malamang dahilan, nanginginig ang buong katawan ko. 

Pagkatapos ko maligo, inayos ko na ang kama ko at lumabas na ng kwarto. I decided to warm my milk at pumunta na muna sa sala para buksan ang television. Manonood na lang muna ako ng news. 

Sakto naman na tumunog na ang takure hudyat na mainit na ang tubig. Naghanda na ako nang dalawang kutsara ng gatas sa baso ko. Nakikinig lang ako sa balita habang ginagawa 'to. 

"Isang pamilya ang naghahanap sa kanilang nawawalang anak, dalawampu't isang taon na ang nakalilipas," sabi ng announcer sa tv. Napatigil ako sa ginagawa ko dahil doon. Iniwan ko ang baso sa mesa at tumakbo sa sala. 

"Matagal nang nangungulila ang pamilya sa pagkawala ng bunso nilang anak nang mawala ito noong apat na taong gulang pa lamang ito. Maari niyong ipagbigay alam kaagad sa mga kinauukulan kung may nakakaalam tungkol sa kanilang nawawalang anak. If-flash sa screen ang contact ng pulis na tumutulong sa kanila at ang contact ng pamilya," pagtatapos ng reporter sa tv. Agad kong pinicturan gamit ang cellphone ko ang contact number ng pamilya. 

I checked the time from the wall clock and it is exactly 6 am in the morning. Pupunta ako doon ngayon. 

Baka ito na ang pamilya ko.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status