ANMELDEN5 Years Later…
***
Sa Eton Bar, sa isang tahimik at bakanteng pasilyo sa pinakataas na palapag ng gusali, mabigat ang bawat hakbang ni Alice. Buong magdamag siyang umiinom upang samahan ang ilang investors, at ngayon ay parang hinahati sa dalawa ang ulo niya sa tindi ng sakit. Ang gusto lang niya ay makahanap ng malinis at tahimik na lugar para kahit paano ay mahimasmasan. Hindi niya inaasahan na susundan pa siya ni Rosa.
Pinilit niyang tipunin ang natitirang lakas at hinaharap ito nang maayos. “Rosa, may sasabihin ka ba?” kalmado niyang tanong, kahit ramdam niya ang pagkairita sa loob.
“Alice,” diretsong bungad ni Rosa, matalim ang tingin, “nag-register ka ba para mag-audition sa female lead ng Land Under Heaven?”
“Oo,” walang pag-aalinlangang sagot ni Alice. Bahagya siyang ngumiti. “Why?”
“Hindi ka pupunta bukas.” Mariin ang tono ni Rosa, parang wala nang puwang para sa pagtutol. Kahit manager niya ito, malinaw na hinaharangan siya nito sa isang role na pinag-aagawan ng malalaking entertainment companies.
Hindi na nagulat si Alice. Tinaasan lang niya ng kilay ang kausap. “Reason?”
“May lakas ka pa talagang magtanong?” singhal ni Rosa. “Alam mo bang may naka-assign na ang kumpanya para sa audition? Si Angela!”
“Hindi naman yata conflict iyon,” mahinahon ngunit may bahid ng pangungutya ang sagot ni Alice. “Si Angela ba ang nag-utos sa’yo na kausapin ako? Don’t tell me… natatakot siya na maagaw ko ang role niya? Ako? Isang small-time actress na halos walang nakakakilala?”
Napatawa si Rosa, puno ng panlilibak. “Sa tingin mo kaya mong maagaw ang role ni Angela? Panaginip lang ’yan. Let me tell you this, ang Dela Cerna Group ay nag-invest ng 30 million sa pelikulang ’to. Sigurado na ang role na ’yan kay Angela.”
“Kung ganoon,” malamig na tanong ni Alice, “bakit parang masyado kang kinakabahan?”
“Dahil artista kita,” mariing sagot ni Rosa, parang iyon na ang pinakahuling paliwanag. “At obligasyon mong sundin ang arrangements ko.”
Napangiti si Alice, ngunit walang init ang ngiti. “Ah, so naaalala mo pa pala na artista mo ako.”
“Alice,” napuno na si Rosa, “wala akong oras makipagtalo. Kung ayaw mong sumunod, huwag mo akong sisihin kung gagamit ako ng ibang paraan.”
Hindi pa man niya natatapos ang salita, bigla na lang nakaramdam si Alice ng malakas na tulak mula sa likuran. Hindi siya handa. Nawalan siya ng balanse at itinulak papasok sa isang maliit na bodega sa sulok ng pasilyo. Kinuha rin ang cellphone niya bago tuluyang isara ang pinto.
Malakas na sumara ang pinto, at iniwan siyang mag-isa sa loob.
Unti-unting nawala ang tunog ng mga yabag sa labas.
Alam ni Alice na walang saysay ang sumigaw. Tahimik siyang napasandal sa pinto, at dahan-dahang dumulas pababa hanggang sa maupo sa sahig. Walang emosyon ang mukha niya, pero magulo ang isip.
Noong una siyang pumasok sa kumpanya, marunong pang magpigil si Angela. Sa pinakamasama, pinapagawa lang sa kanya ang mga kontrabida o maliliit na papel. Pero ngayon, parang wala na itong pakialam kung gaano kababa ang gagawin, pati ganitong murang taktika, nagagawa na nito.
Kung mabigo siya sa role na ito, malinaw na kailangan na niyang humanap ng paraan para umalis sa Starlight Entertainment.
Habang abala siya sa magulong pag-iisip, may isang munting tunog ang umabot sa kanyang pandinig.
Isang kaluskos.
‘Mouse?’ isip niya.
Sumunod ang tingin ni Alice sa pinanggagalingan ng tunog, at napatigil siya.
Sa likod ng mga nakasalansang kahon, may isang maliit na bata.
Mukhang apat o limang taong gulang pa lang ito. Maputi, malambot ang itsura, parang isang maliit na piraso ng pinong jade, o isang cute na little bun. Nanginginig itong nakasiksik sa sulok, at ang maiitim na mata nito ay puno ng pagbabantay at takot.
Saglit na natigilan si Alice.
‘Bakit may bata sa bodega ng isang bar? Hindi naman siguro ganoon kabaliw ang isang customer para magdala ng anak sa ganitong lugar… hindi ba?’ naisip niya.
“Hey,” mahinang tawag ni Alice, sinubukang gawing friendly ang boses. “Bata, sino ka? Paano ka napunta dito?”
Walang sagot.
“Did you sneak in?” tanong niya ulit, bahagyang yumuko.
Tahimik pa rin ang bata.
“Na-lock ka rin ba dito ng someone?” dagdag pa niya.
Wala pa ring reaksyon, bagkus ay lalo pang nanginig ang bata, parang isang munting hayop na na-trap.
“Gusto mo ng candy?” huling tanong niya, may bahid ng biro.
Matapos ang sunod-sunod na tanong, nanatiling tahimik ang bata. Sa halip, mas lalo pa itong tila natakot.
Napabuntong-hininga si Alice. Hindi na siya nag-abala pang magsalita. Tutal, wala naman siyang kinalaman sa bata.
Kaya’t sa loob ng madilim na bodega, ang isang babae at isang bata ay tahimik na umupo sa magkabilang sulok, parang dalawang estrangherong pinagsama ng pagkakataon.
Mayamaya, biglang kumislap ang ilaw sa itaas. Isang beses, dalawang beses, saka tuluyang namatay.
Sa dilim, may narinig si Alice na mahinang tunog.
Nang makinig siyang mabuti, napagtanto niyang iyon ay tunog ng nagngangalit na ngipin.
Hindi niya napigilang matawa nang mahina. Lumingon siya sa direksyon ng bata. “Takot ka sa dilim?”
Saglit na tumigil ang tunog, at pagkatapos ay mas lalong lumakas.
‘Grabe, sobrang duwag naman nito.’ reklamo niya sa isipan.
Tumayo si Alice, tinapik ang puwitan dahil sa alikabok, at dahan-dahang lumapit sa bata.
Sa takot, namutla ang mukha ng bata.
Ngunit sa halip na gawin ang inaakala nito, umupo lang si Alice sa tabi niya. Wala siyang sinabi, wala siyang ginawa. Isinandal niya ang likod sa pader, ipinikit ang mga mata, at agad na nakatulog.
Pagod na pagod siya. Buong gabi siyang pinilit ni Rosa uminom kasama ang kung sinu-sino, at pakiramdam niya’y sasabog ang ulo niya anumang oras.
Makalipas ang ilang sandali, nagising si Alice na may kakaibang init sa tabi ng kanyang binti. Napayuko siya, at doon niya nakita na ang bata ay nakadikit na sa kanya. Mahigpit na hawak ng munting kamay nito ang laylayan ng kanyang damit, parang natatakot na mawala siya.
Hindi napigilan ni Alice ang mapangiti.
Noong nasa probinsya pa siya dati, may alaga siyang pusa. Sobrang duwag nito at takot sa tao, tatakbo sa oras na may makita.
Habang tinitingnan ang batang mahimbing na nakasandal sa kanya, hindi maiwasang maisip ni Alice, parang ganoon din ang batang ito.
Nararamdaman ng munting bata ang titig niya. Bahagyang namula ang maliit nitong mukha, ngunit wala na ang kaninang bakas ng takot sa mga mata nito. Sa halip, puno iyon ng inosenteng pag-uusisa, malalaki, malinaw, at parang may sariling mundo. Sa kung anong paraan, talagang kahawig nito ang isang munting alagang pusa, mula sa kilos hanggang sa tingin ng mga mata.
Hindi napigilan ni Alice ang sarili. Bahagyang kumurba ang mga labi niya sa isang ngiti, at tila may sariling buhay ang mga kamay niyang gustong-gustong haplusin ang bata. Sumuko na rin siya sa pagtitimpi at dahan-dahang inabot ang malambot at mabuhok na ulo nito.
Ngunit sa sandaling dumikit ang palad niya sa noo ng bata, biglang nagbago ang ekspresyon ni Alice.
“May lagnat ka?” mahinang tanong niya, bakas ang pag-aalala sa boses.
Alam niyang hindi sila basta-basta makakaalis. Siguradong ikukulong sila ni Rosa hanggang matapos ang audition kinabukasan, at kung magpapatuloy ang mataas na lagnat ng bata nang ganoon katagal, delikado iyon.
Habang pinipilit niyang mag-isip ng paraan at kinakain ng kaba ang dibdib niya, may isang bagay na biglang pumasok sa isip niya. ‘Nasira na ang bombilya sa loob ng bodega, pero bakit may liwanag pa ring pumapasok?’
Napatingala siya at doon niya nakita ang isang maliit na skylight sa itaas. May manipis na sinag ng liwanag na dumadaloy mula roon, sapat lang para makita ang paligid.
Agad na naghanap si Alice sa loob ng bodega hanggang sa makita niya ang isang lumang hagdan. Hinila niya iyon palapit sa pader at tumingala muli sa maliit na bintana.
“Bata,” malumanay niyang tawag, pilit pinapakalma ang sarili. “Come here. I’ll help you get out.”
Sa unang pagkakataon mula nang magkasama sila roon, malinaw na tumugon ang bata sa mga salita niya. Ngunit imbes na lumapit, mariin itong umiling, seryoso ang mga mata, parang malinaw ang pasya nito.
Naunawaan ni Alice ang ibig sabihin noon. Hindi niya napigilan ang isang mahinang tawa, sabay pisil sa magkabilang pisngi ng bata. “Ang loyal mo naman. Gusto mo bang mag-suffer tayo together?” biro niya, kahit mabigat ang dibdib. “Go up. Masyadong maliit ang bintana para sa’kin. Kapag nakalabas ka na, hanap ka ng taong pwedeng tumulong. You can save me.”
Nakita niyang nag-aalangan pa rin ang bata, kaya wala na siyang inaksaya pang oras. Dahan-dahan niya itong binuhat at inilagay sa hagdan. “Bilisan mo. If you’re a man, don’t hesitate,” sabi niya, may halong lambing at tapang sa boses. “I’ll protect you from below.”
Matapos ang ilang sandali ng hirap at kaba, sa wakas ay nailusot niya ang bata palabas ng maliit na bintana. Ngunit sa oras na iyon, biglang sumiklab ang hilo sa ulo ni Alice. Nanghina ang mga tuhod niya, at bago pa niya mapigilan ang sarili, nawalan siya ng balanse at tuluyang nahulog mula sa hagdan.
Mula sa gilid ng bintana, nasilayan ng munting bata ang lahat. Ang dati’y tahimik at walang emosyon na mukha nito ay napalitan ng matinding gulat at takot. Nanlaki ang mga mata nito habang pinagmamasdan ang pagbagsak ni Alice.
Pinilit ni Alice na manatiling gising, hinahabol ang huling lakas na natitira sa kanya. Bahagya siyang ngumiti at binigkas ang isang salita, halos pabulong na lamang, “Go…”
Sa ilalim ng malamlam na liwanag ng mga bituin, maputla at tila marupok ang mukha ng babae. Ngunit kahit ganoon, hindi pa rin natatakpan ang nakakasilaw niyang ganda, lalo na ang mga matang mamasa-masa at buhay na buhay, na para bang dagat na puno ng walang katapusang mga bituin.
Hindi na siya ang inosenteng probinsyanang babae, hindi na rin ang ugly duckling na minamaliit ng lahat. Ngunit ano pa ang silbi noon ngayon?
Mapait na ngumiti si Alice. Bago pa man niya makamit ang paghihiganti na matagal niyang pinanghahawakan, dito na ba siya matatapos? Sa isang madilim at tahimik na bodega, mag-isa.
Gayunpaman, kahit sa huling sandali, may kaunting ginhawa sa puso niya. Kahit papaano, may nagawa siyang mabuti, nailigtas niya ang munting batang iyon.
Kung hindi lamang namatay ang sarili niyang anak noon, marahil ay kaedad din nito ngayon…
Matapos ang car accident limang taon na ang nakalipas, itinaboy siya ng pamilya dela Cerna, puno ng hiya at pagtatakwil. Ipinadala siya sa isang unibersidad sa Amerika na kilala sa pagtanggap ng mga pasaway na anak ng mga elite, at iniwan siyang mag-isa upang mabuhay sa sarili niyang paraan.
Hindi nagtagal, umalis siya roon at muling nag-apply sa University of Southern California. Halos mabaliw siya sa walang tigil na pag-aaral at paghahabol sa kaalaman, dahil iisa lang ang malinaw sa isip niya, kailangan niyang talunin si Angela at bawiin ang lahat ng dapat ay sa kanya.
At higit sa lahat, ang pag-arte ang pinakamatagal at pinakamalaking pangarap ng buhay niya.
Pagbalik niya sa sariling bansa, gamit ang mukha niyang hinubog ng panahon at ang matibay na pundasyon ng husay sa pag-arte, napansin siya ni Rosa. Sa tulong nito, matagumpay siyang nakapasok sa pinakamalaking kumpanya sa industriya, ang Starlight Entertainment.
Doon sana magsisimula ang maliwanag niyang kinabukasan.
Ngunit sinundan siya ni Angela hanggang sa Starlight. Sa pamamagitan ng panunuhol at lihim na kasunduan kay Rosa, sinimulan siyang durugin mula sa lahat ng direksyon, dahan-dahan ngunit walang awa… hanggang sa umabot siya sa puntong ito.
Kasabay ng mga pangyayaring iyon, mabigat at nakakasakal ang hangin sa reception room ng Eton Bar. Nakatayo sa isang mahabang hanay ang may-ari ng bar, mga manager, mga guwardiya, at lahat ng staff na may kinalaman sa operasyon ng lugar. Nanginginig ang mga kamay nila, bakas sa mga mukha ang takot na para bang anumang sandali ay may babagsak na kapahamakan sa kanila.At hindi iyon walang dahilan.Nawala sa loob mismo ng kanilang bar ang munting prinsipe ng Romero Corporation, ang nag-iisang anak at pinakamahalagang kayamanan ni Zedhryx Romero.Sa gitna ng silid, nakaupo si Zedhryx sa sofa. Tulad ng dati, malamig at walang mabasang emosyon ang kanyang mukha, tila isang estatwang yari sa yelo. Ngunit ang tahimik na presensiya niya ay mas nakakatakot kaysa sa anumang sigaw. Ang bigat ng awtoridad niya ay parang nakadagan sa dibdib ng lahat, dahilan upang manghina ang kanilang mga tuhod at tumulo ang pawis na tila ulan. Walang sinuman ang naglakas-loob na magsalita.Sa sahig, may isang bi
5 Years Later…***Sa Eton Bar, sa isang tahimik at bakanteng pasilyo sa pinakataas na palapag ng gusali, mabigat ang bawat hakbang ni Alice. Buong magdamag siyang umiinom upang samahan ang ilang investors, at ngayon ay parang hinahati sa dalawa ang ulo niya sa tindi ng sakit. Ang gusto lang niya ay makahanap ng malinis at tahimik na lugar para kahit paano ay mahimasmasan. Hindi niya inaasahan na susundan pa siya ni Rosa.Pinilit niyang tipunin ang natitirang lakas at hinaharap ito nang maayos. “Rosa, may sasabihin ka ba?” kalmado niyang tanong, kahit ramdam niya ang pagkairita sa loob.“Alice,” diretsong bungad ni Rosa, matalim ang tingin, “nag-register ka ba para mag-audition sa female lead ng Land Under Heaven?”“Oo,” walang pag-aalinlangang sagot ni Alice. Bahagya siyang ngumiti. “Why?”“Hindi ka pupunta bukas.” Mariin ang tono ni Rosa, parang wala nang puwang para sa pagtutol. Kahit manager niya ito, malinaw na hinaharangan siya nito sa isang role na pinag-aagawan ng malalaking e
Naglalagablab ang buong katawan niya sa init, parang kumukulong lava mula sa isang bulkan. At sa sandaling iyon, iisa lang ang malinaw sa kanyang isipan, ang lalaking nasa harap niya ang tanging makapagliligtas sa kanya.Kumapit siya nang mahigpit sa malamig, halos marmol na balat nito, na para bang iyon na lang ang natitirang salbabida sa gitna ng nag-aapoy na bangungot. Unti-unting nanaig ang instinct niyang mabuhay, at tuluyan na niyang binitiwan ang lahat ng pagtutol na kanina’y pilit pa niyang kinakapitan.Kasabay ng sakit ay ang dahan-dahang pagsiklab ng kakaibang sarap, paunti-unti, palalim, na parang sunod-sunod na paputok sa loob ng kanyang isipan. Nalulunod siya sa init, pakiramdam niya’y isa siyang nag-iisang bangka na inaanod sa dagat ng apoy. Paangat, pabagsak, paikot-ikot, at kahit anong pilit, hindi niya magawang kumawala.“Hey, wake up… It’s cold here. Baka malamigan ka—”Ang bigat ng mga kamay na nakapatong sa kanyang balikat ang biglang gumising kay Alice. Napamulaga







