MasukBahagyang kumislap ang malamig na liwanag sa mga mata ni Zedhryx. “Walang kailangang madaliin,” mahinahon ngunit matigas niyang sabi.Napangiti si Zane habang hinihimas ang baba, tila agad na naintindihan ang plano. “Tama,” sagot niya, may halong aliw sa tono. “May alas naman tayo. Hayaan na muna natin siyang gumawa ng gulo. Mas masarap panoorin kapag bumagsak na siya.”Hindi na siya pinansin ni Zedhryx at diretsong nagbigay ng panibagong utos. “Maghanda ka ng kontrata para kay Alice.”Agad na nagliwanag ang mga mata ni Zane. “Kontrata?” halos mapatalon siya sa excitement. “Bro, ibig sabihin… ipapasok mo na si Sister-in-law sa Golden Age?”Hindi direktang sumagot si Zedhryx. Sa halip, nagpatuloy siya, “Maghanda ka rin ng profiles ng lahat ng managers sa Golden Age. I need to review them.”Para kay Zane, sapat na iyon bilang sagot.“Gets ko na!” masigla niyang sabi. “Ikaw mismo pipili ng manager niya, ‘no? Grabe… kung kahit 0.001% lang ng treatment na binibigay mo kay Alice ang ibigay
Pagkarinig ni Alice, agad niyang itinulak sa likod ng isipan ang lahat ng hiya at awkwardness na naramdaman kanina. Bigla siyang napalapit kay Zedhryx, halatang hindi makapaniwala. “Tapos na? Lahat ng ‘yon?” tanong niya, puno ng pagkamangha.Tahimik na tumango si Zedhryx at bahagyang itinuro ang laptop, hudyat na siya na mismo ang tumingin.Sa una, inisip ni Alice na baka hindi niya maintindihan ang makikita niya, lalo na’t puro komplikadong code ang kaninang nakikita niya. Ngunit laking gulat niya nang mapagtanto na hindi iyon ang ipinapakita ni Zedhryx. Sa halip, malinaw na resulta ang nasa screen.Natunton ang IP address ng nagpadala hanggang sa apartment building kung saan nakatira si Angela, ang River Grand View. At ang may-ari ng anonymous overseas account? Si Cythia… ang assistant ni Angela.Nanlaki ang mga mata ni Alice, hindi makapaniwala sa nakita. “Akala ko sa TV lang nangyayari ‘to… ‘yung hacking, lalo na sa anonymous accounts,” halos pabulong niyang sabi, nanginginig sa e
Pagkarinig sa tanong na iyon, bahagyang natigilan si Alice. Kumamot siya sa ulo, halatang nahihirapang ipaliwanag ang sarili. “Siya 'yong nabanggit ko na sa’yo dati… yong ex-boyfriend ko. We only dated for a day,” maingat niyang sagot.Muling bumalik sa isip ni Zedhryx ang lalaking iyon. Kung isang araw lang naman silang nagkarelasyon, bakit tila napakarami na nilang naging koneksyon at pinagsamahan?Unti-unting tumalim ang ekspresyon ni Zedhryx, at naging mabigat ang aura sa paligid. “Alam mo bang ang mga ruta na ginagamit sa pagpasok ng ganitong klaseng baril ay kontrolado ng tatlong grupo?” malamig niyang saad. “Kahit alin sa mga grupong iyon ang kinabibilangan ng ‘kaibigan’ mo, siguradong target sila ng pulisya. At malamang, pati 'yong diamond… ilegal din ang pinanggalingan.”Unti-unting yumuko si Alice, tila lumiit sa kinatatayuan. “Alam ko…” mahina niyang tugon.“Alam mo?” Biglang bumigat lalo ang tono ni Zedhryx, at mas tumalim ang tingin. Hindi niya maintindihan kung bakit, pe
Nabalot ng mabigat na katahimikan ang buong sala.Ilang sandali ang lumipas bago napalunok si Alice, pilit na binabasag ang tensyon. Pinilit niyang ngumiti at magbiro, kahit halatang hindi na akma ang sitwasyon.“Big Boss, ang galing ng shooting skills mo,” pilit niyang papuri. “Impressive talaga. Medyo sayang lang… mukhang mahal 'yong plorera, ‘di ba?”Ngunit nanatiling malamig ang mga mata ni Zedhryx, walang kahit anong pagbabago sa ekspresyon nito.“Kung ayaw mong magsalita, hindi mo kailangang pilitin ang sarili mo,” mababa at diretso nitong sabi.Unti-unting bumaba ang ulo ni Alice. Para siyang batang nahuli sa kasalanan ngunit ayaw pang umamin. “Pero… parang handa ka nang i-cut off ako kung hindi ako magsasabi ng totoo,” mahina niyang sagot, may bahagyang tampo. “Hindi ka rin fair…”Napabuntong-hininga siya.Sa totoo lang, wala naman siyang ibang pagpipilian. Hindi niya kayang itago pa ito, lalo na sa harap ng lalaking iyon.“Naalala mo 'yong sinabi ko sa’yo tungkol sa aksidente
Handa na sanang sipain ni Zane ang pinto at sumugod para “iligtas” si Alice, ngunit nang masilayan niya ang eksena sa loob, kung paanong baliktad na ang sitwasyon, napatigil siya sa kinatatayuan, tuluyang napako ang mga paa sa sahig habang nakatitig nang tulala.“Singlehandedly… damn…” bulong niya, halos hindi makapaniwala. “May dala pala siyang baril? Wait, kung tama ako… Beretta 92F ‘yan ah… saan niya nakuha ‘yon?”Saglit siyang napatahimik, at saka dumaan sa isip niya ang isang napakasakit na realization, ang pangalawa niyang pagkakataon na maging bayani at sumagip ng damsel in distress… tuluyan na namang nasayang.Sa loob ng silid, naninigas ang buong katawan ni John habang nakatutok ang tingin sa baril na hawak ni Alice. Hindi niya maalis ang takot, lalo na’t ilang segundo pa lang ang nakakalipas nang magpaputok ito nang walang babala. Wala siyang pagkakataong makaiwas. Wala siyang laban.“I, I swear… lahat ng sinabi ko, totoo!” halos mautal niyang sabi, nanginginig ang boses. “W
Pagbalik ni Alice sa kanyang apartment, hindi na siya nag-aksaya ng oras. Diretso siyang lumapit sa malaking aparador at mula sa ilalim nito ay inilabas ang isang metal na briefcase. Tahimik ngunit maingat ang bawat galaw niya habang binubuksan iyon. Isa-isa niyang sinuri ang laman, may mga kagamitang tila matagal nang hindi nagagamit, at pinunasan pa nang maigi, para bang sinisigurong walang kahit anong pagkukulang.Matapos iyon, mabilis niyang sinulyapan ang oras sa kanyang phone. Halos walang pag-aalinlangan, isinilid niya ang mga gamit sa kanyang bag at agad na bumaba ng apartment.Sa kabilang banda, hindi kalayuan mula roon, tahimik na minamasdan ni Zane ang bawat kilos niya habang nagmamaneho. Nakasuot ang Bluetooth earpiece, patuloy siyang nagre-report.“Bro, kakabalik lang ni Alice sa apartment niya, tapos within five minutes, bumaba agad ulit,” mahinang sabi niya habang sinusundan ang motor nito. “Nasa Edsa Road na kami ngayon, papunta sa outskirts…”Lumipas ang kalahating or







