Share

The Miracle Between Us (RATED SPG 18+)
The Miracle Between Us (RATED SPG 18+)
Penulis: Anoushka

Chapter 1 - Alice

Penulis: Anoushka
last update Tanggal publikasi: 2026-02-05 21:06:27

Naglalagablab ang buong katawan niya sa init, parang kumukulong lava mula sa isang bulkan. At sa sandaling iyon, iisa lang ang malinaw sa kanyang isipan, ang lalaking nasa harap niya ang tanging makapagliligtas sa kanya.

Kumapit siya nang mahigpit sa malamig, halos marmol na balat nito, na para bang iyon na lang ang natitirang salbabida sa gitna ng nag-aapoy na bangungot. Unti-unting nanaig ang instinct niyang mabuhay, at tuluyan na niyang binitiwan ang lahat ng pagtutol na kanina’y pilit pa niyang kinakapitan.

Kasabay ng sakit ay ang dahan-dahang pagsiklab ng kakaibang sarap, paunti-unti, palalim, na parang sunod-sunod na paputok sa loob ng kanyang isipan. Nalulunod siya sa init, pakiramdam niya’y isa siyang nag-iisang bangka na inaanod sa dagat ng apoy. Paangat, pabagsak, paikot-ikot, at kahit anong pilit, hindi niya magawang kumawala.

“Hey, wake up… It’s cold here. Baka malamigan ka—”

Ang bigat ng mga kamay na nakapatong sa kanyang balikat ang biglang gumising kay Alice. Napamulagat siya, humahabol ang hininga, at ang unang sumalubong sa kanyang paningin ay ang nag-aalalang mga mata ng isang nurse. Sa isang iglap, tila binuhusan ng mainit na tubig ang kanyang mukha. Namula siya sa hiya, at agad na iniwas ang tingin, halos gusto na lang maglaho at magtago sa ilalim ng lupa.

‘Lintik na panaginip iyon.’ isip niya.

Matagal na ang lumipas mula noong gabing iyon, ang gabing nalasing siya, ngunit paulit-ulit pa ring bumabalik sa kanyang panaginip ang maalab at magulong gabing kasama niya si Harvey Zamora. Siguro kung hindi siya nalasing hanggang sa mawalan ng ulirat, mas malinaw sana ang alaala niya. 

Nang makitang tuluyan na siyang gising, iniabot ng nurse ang mga papel na hawak nito. “Nakalimutan mong kunin ang pregnancy check-up results mo. Sabi ni Dr. Cortel, bumalik ka ulit next week.”

Tinanggap ni Alice ang report, ngumiti nang maayos kahit may bahid pa ng kahihiyan, at maingat na inilagay ang mga papeles sa kanyang bag.

Nasa abroad pa si Harvey noon, patuloy sa kanyang pag-aaral. Ngunit ngayong gabi, babalik na ito. Sa pag-iisip pa lang ng muli nilang pagkikita, hindi niya napigilang mapahigpit ang hawak sa strap ng bag. Kusang nanigas ang kanyang katawan, may kaba na hindi niya maipaliwanag.

Dahil liblib ang lugar na kinaroroonan ni Harvey, pitong buwan na ang ipinagbubuntis niya bago pa siya tuluyang nakontak nito. Nang maalala niya ang reaksyon ni Harvey noong una nitong malaman ang tungkol sa pagbubuntis niya, muling sumiksik ang kaba sa kanyang dibdib.

‘Hindi ba siya masaya na buntis ako?’ tanong niya sa isipan.

Naisip niya naman dahil buntis siya kaya masyado lang siyang sensitibo. Iyon ang sabi ng doktor, normal daw iyon, lalo na sa mga lalaking unang beses magiging ama. Kailangan lang daw ng panahon para magbago ang mindset nila.

Pero kahit ganoon… napapatanong siya sa sarili kung siya pa rin ba ang kailangang magbukas ng usapan tungkol sa kasal?

Matingkad ang sikat ng araw nang lumabas siya ng ospital. Pilit niyang inalalayan ang kanyang bewang, at nang iaangat na sana ang kamay para pumara ng taxi, biglang may isang pulang sports car ang rumaragasa papunta sa kanya.

Kumabog ang dibdib ni Alice. Napaatras siya nang ilang hakbang, halos mawalan ng balanse.

Sumirit ang matinis na tunog ng preno. Ang kotse ay huminto nang biglaan, bahagya na lang at masasagi na ang laylayan ng kanyang damit. Halos tumigil ang tibok ng puso niya. Nang unti-unti siyang makabawi, nakita niya ang isang babaeng bumaba mula sa sasakyan, nakapulang hapit na damit, at marahang inihagis ang kulot nitong buhok na parang nasa isang fashion show.

“Angela! Are you crazy?” galit at gulat na sigaw ni Alice.

Tumawa si Angela, ang ngiting may malalim na kahulugan. Nakahalukipkip ang mga braso, marahang naglakad na tila nagmamayabang, hanggang sa tumigil sa harap ni Alice. Dahil sa matataas na takong, may kalamangan ito sa tangkad at aroganteng tiningnan ang malaking tiyan ni Alice. 

“What? Natakot ka bang mapatay ko ang bastard sa tiyan mo?”

Awtomatikong tinakpan ni Alice ang kanyang tiyan at umatras ng isang hakbang, puno ng pagbabantay ang kanyang mga mata. “Angela! Don’t go too far!”

Alam niyang matagal na silang magkaaway, ngunit hindi niya inakalang ganito kalupit ang mga salitang lalabas sa bibig nito.

“Too far?” sarkastikong sagot ni Angela. “Ikaw ang lumagpas! Nalasing ka, nakipagtalik sa kung sinong wild man, nabuntis ka pa, tapos gusto mong ipapasan kay Harvey ang pagiging ama? Tsk tsk… Alice, wala ka bang hiya?”

Nanigas si Alice sa kinatatayuan niya. “Anong pinagsasasabi mo?”

“Don’t tell me,” sabay halakhak ni Angela, “na talagang naniniwala ka na si Harvey ang lalaking kasama mo noong gabing iyon?” Bahagya itong sumandal, puno ng panunuya ang mga mata. “Paulit-ulit mong sinasabing childhood sweethearts kayo, na sabay kayong lumaki. Pero hindi mo man lang alam kung anong klaseng katawan meron siya?”

Habang nakikinig, lalo pang namutla si Alice. Kahit tirik ang araw sa ibabaw nila, parang unti-unting nilalamig ang buong katawan niya.

Ang lalaki noong gabing iyon…

Inisip niya noon na baka mas fit lang si Harvey kaysa sa inaasahan niya nang sila’y tumanda.

Ngunit dahil sa malisyosong paalala ni Angela, biglang bumalik ang ilang pira-pirasong alaala. Oo, bukod sa katawan, malinaw na malinaw ngayon na ang lalaking iyon ay hindi talaga katulad ni Harvey.

“Tama na ang paligoy-ligoy,” patuloy ni Angela, malamig ang boses. “Ang ininom mong alak noong gabing iyon, nilagyan ko ng kaunting ‘something’. Out of kindness, humanap pa ako ng dalawang malalakas na lalaki para masatisfy ka. Who knew na magiging ganoon ka ka-walang modo? Pumasok ka sa kwarto ng kung sinong lalaki at walang kahihiyang, ” Napangiwi siya sa disgust. “Masyadong mabait si Harvey. Natakot siyang hindi mo kayanin ang katotohanan, kaya sinabi niyang siya ang kasama mo noong gabing iyon.”

Sa sandaling iyon, tila may isang bagay sa loob ni Alice ang tuluyang gumuho.

“Ikaw…” nanginginig sa galit si Alice. Hindi na niya kinayang pigilan ang sarili; mahigpit niyang hinawakan ang pulso ni Angela. “Bakit mo ginawa sa akin ’to? Bakit? Hindi pa ba sapat ang lahat ng pinsalang ginawa mo sa buhay ko?”

Sa una, nagtaas ng kilay si Angela, halatang magtutulak na sana pabalik. Ngunit sa gilid ng kanyang paningin, nasilayan niya ang isang pamilyar na pigura sa likuran ni Alice. Sa isang iglap, nagbago ang ekspresyon niya. Lumambot ang mga mata, bumaba ang boses, at nagpakita ng kaawa-awang anyo. “Ate, alam kong mali ako. Kung may gusto kang saktan o sisihin, ako na lang. Please, huwag mo nang idamay si Harvey…”

Nanigas si Alice. At bago pa niya maunawaan ang nangyayari, bigla na lamang bumagsak si Angela sa lupa. Ang itsura nito, tila ba siya ang itinulak.

“Alice! Anong ginagawa mo?!” isang galit na boses ang umalingawngaw mula sa likuran.

Nagulat si Alice at napalingon. Doon niya nakita si Harvey, malamig ang mukha, walang bakas ng pag-aalinlangan sa mga mata.

Nilampasan siya ni Harvey na parang wala siya roon at agad inalalayan si Angela. “Angela, are you okay?” puno ng pag-aalala ang tinig niya.

Halos isandal ni Angela ang buong katawan kay Harvey, mahina at umiiyak. “Harvey… hindi ko sinasadya. Alam kong ako ang may kasalanan. Dapat ako ang humingi ng tawad kay Angela dahil sa lahat ng nangyari…”

“Enough,” mariing sabi ni Harvey habang marahang tinatapik ang balikat nito. “Ako na ang aayos ng lahat.” Pinapasok niya si Angela sa kotse bago tumingin kay Alice. “Ipapaliwanag ko ang lahat sa’yo.”

Ngunit huli na.

Parang nabura ang buong mundo ni Alice. Nakatayo lang siya roon, walang laman ang isipan, habang pinapanood si Harvey na lumalapit. Nakita niyang gumagalaw ang mga labi nito, ngunit hirap na hirap siyang intindihin ang bawat salitang lumalabas.

Matagal nagsalita si Harvey.

Ikinuwento niya ang pinagsamahan nila bilang childhood sweethearts, ang sariling pakikipaglaban niya sa damdamin nang mahalin niya si Angela, ang galit na naramdaman niya nang malaman ang ginawa nito, at ang pagkabigla at guilt na bumalot sa kanya nang malaman niyang buntis si Alice. Ikinuwento rin niya kung paano niya tinanggap ang paghingi ng tawad ni Angela, at kung paano unti-unting nagbago ang lahat.

Hanggang sa wakas, sinabi niya ang mga salitang tuluyang pumatay sa huling pag-asa ni Alice.

“Alice, I’m sorry. Hindi kita maaaring pakasalan. Hindi ito dahil sa gabing iyon o dahil sa batang dinadala mo, kundi dahil… hindi ko kayang ipagkanulo si Angela. At ayokong lokohin ang sarili ko at ang nararamdaman ko.”

Sa mga buwang iyon, magkasama silang nanirahan sa abroad. Araw-araw, magkatabi, magkasama sa lahat. Lalo lamang naging malinaw sa kanya kung sino ang tunay niyang pinili. Kahit pa inamin niya noon na siya ang lalaking kasama ni Alice sa gabing iyon para protektahan ito sa sakit ng katotohanan, sa puso niya, matagal na niyang pinili si Angela.

Kaya nang malaman niyang buntis si Alice, hindi na niya kinaya. Pumunta siya kasama ang pamilya niya sa dela Cerna para ipaliwanag ang lahat sa kanilang mga magulang, at para sabihin ang buong katotohanan kay Alice.

“Kung ganoon…” mahina ngunit nanginginig ang tinig ni Alice nang muli niyang mahanap ang sarili niyang boses. Tinitigan niya si Harvey na tila ba kalmado at buo, habang siya nama’y parang wala na ang kaluluwa. “Alam mo na pala simula pa lang na si Angela ang naglagay ng droga sa ininom ko? Alam mo na sinira niya ang pagkatao ko? At para lang protektahan siya, sinabi mong ikaw ang lalaking kasama ko noong gabing iyon?”

“Alice,” sagot ni Harvey, pilit pa ring mahinahon, “hindi sinasadya ni Angela iyon. Bata pa siya noon, impulsive lang—”

“Paano naman ako?” biglang itinaas ni Alice ang ulo niya. Ang mga mata niya’y punô ng kawalan at sakit. “Naalala mo man lang ba ako? Kahit konti?”

Nanahimik si Harvey. Matagal ang lumipas bago siya umabot ng kamay patungo kay Alice. “Masyadong mainit dito. Let’s go home first…”

“Huwag mo akong hawakan, ” marahas na itinulak ni Alice ang kamay niya, at bigla siyang tumawa. Malakas. Mapait. Walang bakas ng tuwa.

Sa sandaling iyon, pakiramdam ni Alice ay isang malaking biro ang buong buhay niya.

Para lang manatili sa iisang lungsod kasama si Harvey, ibinuhos niya ang lahat sa pag-aaral para makapasok sa University. Para mapasaya siya, isinuko niya ang pangarap niyang maging aktres. Para maging karapat-dapat sa kanyang pamilya at pinanggalingan, iniwan niya ang mga umampon sa kanya at bumalik sa dela Cerna, pilit na iniaangkop ang sarili sa mga tinatawag na “high society.”

At sa huli, iisa lang ang kapalit ng lahat ng iyon, 

“Hindi ko kayang ipagkanulo si Angela.”

Hindi lang pagkatao at tunay na magulang ang inagaw ni Angela sa kanya. Ngayon, pati ang lalaking minahal niya mula pagkabata.

Hindi man lang niya alam kung sino ang lalaking kasama niya noong gabing iyon.

Tinakpan ni Alice ang mukha niya. Nanginginig ang buong katawan niya habang unti-unti siyang nilalamon ng ganap na kawalan ng pag-asa.

Nakita ni Harvey si Alice na naglalakad patungo sa kalsada, tila wala sa sarili, parang nasa ulap. Agad niyang itinapon ang sigarilyong hawak at balak na siyang humabol, ngunit biglang hinawakan ni Angela ang manggas niya mula sa likuran. “Harvey, saan ka pupunta?”

At sa sandaling iyon ng pag-aalinlangan, isang malakas na tunog ang umalingawngaw.

Si Alice, na naglalakad sa pedestrian lane, ay biglang tumilapon sa ere bago bumagsak nang mabigat sa semento.

“Tulong, tulong! May nabanggang buntis!”

Sa nakasisilaw na liwanag, nakita ni Alice ang mga aninong gumagalaw at ang dalawang mukhang labis niyang kinamumuhian. Isang matinding kirot ang sumiklab mula sa kanyang tiyan, unti-unting ninanakaw ang kanyang malay. Minsan lang siyang kumurap, at ang mainit na dugo mula sa kanyang noo ay pumatak sa kanyang mga mata.

At doon, tuluyang nagdilim ang mundo.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • The Miracle Between Us (RATED SPG 18+)   Chapter 82

    Bahagyang kumislap ang malamig na liwanag sa mga mata ni Zedhryx. “Walang kailangang madaliin,” mahinahon ngunit matigas niyang sabi.Napangiti si Zane habang hinihimas ang baba, tila agad na naintindihan ang plano. “Tama,” sagot niya, may halong aliw sa tono. “May alas naman tayo. Hayaan na muna natin siyang gumawa ng gulo. Mas masarap panoorin kapag bumagsak na siya.”Hindi na siya pinansin ni Zedhryx at diretsong nagbigay ng panibagong utos. “Maghanda ka ng kontrata para kay Alice.”Agad na nagliwanag ang mga mata ni Zane. “Kontrata?” halos mapatalon siya sa excitement. “Bro, ibig sabihin… ipapasok mo na si Sister-in-law sa Golden Age?”Hindi direktang sumagot si Zedhryx. Sa halip, nagpatuloy siya, “Maghanda ka rin ng profiles ng lahat ng managers sa Golden Age. I need to review them.”Para kay Zane, sapat na iyon bilang sagot.“Gets ko na!” masigla niyang sabi. “Ikaw mismo pipili ng manager niya, ‘no? Grabe… kung kahit 0.001% lang ng treatment na binibigay mo kay Alice ang ibigay

  • The Miracle Between Us (RATED SPG 18+)   Chapter 81

    Pagkarinig ni Alice, agad niyang itinulak sa likod ng isipan ang lahat ng hiya at awkwardness na naramdaman kanina. Bigla siyang napalapit kay Zedhryx, halatang hindi makapaniwala. “Tapos na? Lahat ng ‘yon?” tanong niya, puno ng pagkamangha.Tahimik na tumango si Zedhryx at bahagyang itinuro ang laptop, hudyat na siya na mismo ang tumingin.Sa una, inisip ni Alice na baka hindi niya maintindihan ang makikita niya, lalo na’t puro komplikadong code ang kaninang nakikita niya. Ngunit laking gulat niya nang mapagtanto na hindi iyon ang ipinapakita ni Zedhryx. Sa halip, malinaw na resulta ang nasa screen.Natunton ang IP address ng nagpadala hanggang sa apartment building kung saan nakatira si Angela, ang River Grand View. At ang may-ari ng anonymous overseas account? Si Cythia… ang assistant ni Angela.Nanlaki ang mga mata ni Alice, hindi makapaniwala sa nakita. “Akala ko sa TV lang nangyayari ‘to… ‘yung hacking, lalo na sa anonymous accounts,” halos pabulong niyang sabi, nanginginig sa e

  • The Miracle Between Us (RATED SPG 18+)   Chapter 80

    Pagkarinig sa tanong na iyon, bahagyang natigilan si Alice. Kumamot siya sa ulo, halatang nahihirapang ipaliwanag ang sarili. “Siya 'yong nabanggit ko na sa’yo dati… yong ex-boyfriend ko. We only dated for a day,” maingat niyang sagot.Muling bumalik sa isip ni Zedhryx ang lalaking iyon. Kung isang araw lang naman silang nagkarelasyon, bakit tila napakarami na nilang naging koneksyon at pinagsamahan?Unti-unting tumalim ang ekspresyon ni Zedhryx, at naging mabigat ang aura sa paligid. “Alam mo bang ang mga ruta na ginagamit sa pagpasok ng ganitong klaseng baril ay kontrolado ng tatlong grupo?” malamig niyang saad. “Kahit alin sa mga grupong iyon ang kinabibilangan ng ‘kaibigan’ mo, siguradong target sila ng pulisya. At malamang, pati 'yong diamond… ilegal din ang pinanggalingan.”Unti-unting yumuko si Alice, tila lumiit sa kinatatayuan. “Alam ko…” mahina niyang tugon.“Alam mo?” Biglang bumigat lalo ang tono ni Zedhryx, at mas tumalim ang tingin. Hindi niya maintindihan kung bakit, pe

  • The Miracle Between Us (RATED SPG 18+)   Chapter 79

    Nabalot ng mabigat na katahimikan ang buong sala.Ilang sandali ang lumipas bago napalunok si Alice, pilit na binabasag ang tensyon. Pinilit niyang ngumiti at magbiro, kahit halatang hindi na akma ang sitwasyon.“Big Boss, ang galing ng shooting skills mo,” pilit niyang papuri. “Impressive talaga. Medyo sayang lang… mukhang mahal 'yong plorera, ‘di ba?”Ngunit nanatiling malamig ang mga mata ni Zedhryx, walang kahit anong pagbabago sa ekspresyon nito.“Kung ayaw mong magsalita, hindi mo kailangang pilitin ang sarili mo,” mababa at diretso nitong sabi.Unti-unting bumaba ang ulo ni Alice. Para siyang batang nahuli sa kasalanan ngunit ayaw pang umamin. “Pero… parang handa ka nang i-cut off ako kung hindi ako magsasabi ng totoo,” mahina niyang sagot, may bahagyang tampo. “Hindi ka rin fair…”Napabuntong-hininga siya.Sa totoo lang, wala naman siyang ibang pagpipilian. Hindi niya kayang itago pa ito, lalo na sa harap ng lalaking iyon.“Naalala mo 'yong sinabi ko sa’yo tungkol sa aksidente

  • The Miracle Between Us (RATED SPG 18+)   Chapter 78

    Handa na sanang sipain ni Zane ang pinto at sumugod para “iligtas” si Alice, ngunit nang masilayan niya ang eksena sa loob, kung paanong baliktad na ang sitwasyon, napatigil siya sa kinatatayuan, tuluyang napako ang mga paa sa sahig habang nakatitig nang tulala.“Singlehandedly… damn…” bulong niya, halos hindi makapaniwala. “May dala pala siyang baril? Wait, kung tama ako… Beretta 92F ‘yan ah… saan niya nakuha ‘yon?”Saglit siyang napatahimik, at saka dumaan sa isip niya ang isang napakasakit na realization, ang pangalawa niyang pagkakataon na maging bayani at sumagip ng damsel in distress… tuluyan na namang nasayang.Sa loob ng silid, naninigas ang buong katawan ni John habang nakatutok ang tingin sa baril na hawak ni Alice. Hindi niya maalis ang takot, lalo na’t ilang segundo pa lang ang nakakalipas nang magpaputok ito nang walang babala. Wala siyang pagkakataong makaiwas. Wala siyang laban.“I, I swear… lahat ng sinabi ko, totoo!” halos mautal niyang sabi, nanginginig ang boses. “W

  • The Miracle Between Us (RATED SPG 18+)   Chapter 77

    Pagbalik ni Alice sa kanyang apartment, hindi na siya nag-aksaya ng oras. Diretso siyang lumapit sa malaking aparador at mula sa ilalim nito ay inilabas ang isang metal na briefcase. Tahimik ngunit maingat ang bawat galaw niya habang binubuksan iyon. Isa-isa niyang sinuri ang laman, may mga kagamitang tila matagal nang hindi nagagamit, at pinunasan pa nang maigi, para bang sinisigurong walang kahit anong pagkukulang.Matapos iyon, mabilis niyang sinulyapan ang oras sa kanyang phone. Halos walang pag-aalinlangan, isinilid niya ang mga gamit sa kanyang bag at agad na bumaba ng apartment.Sa kabilang banda, hindi kalayuan mula roon, tahimik na minamasdan ni Zane ang bawat kilos niya habang nagmamaneho. Nakasuot ang Bluetooth earpiece, patuloy siyang nagre-report.“Bro, kakabalik lang ni Alice sa apartment niya, tapos within five minutes, bumaba agad ulit,” mahinang sabi niya habang sinusundan ang motor nito. “Nasa Edsa Road na kami ngayon, papunta sa outskirts…”Lumipas ang kalahating or

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status