MasukKasabay ng mga pangyayaring iyon, mabigat at nakakasakal ang hangin sa reception room ng Eton Bar. Nakatayo sa isang mahabang hanay ang may-ari ng bar, mga manager, mga guwardiya, at lahat ng staff na may kinalaman sa operasyon ng lugar. Nanginginig ang mga kamay nila, bakas sa mga mukha ang takot na para bang anumang sandali ay may babagsak na kapahamakan sa kanila.
At hindi iyon walang dahilan.
Nawala sa loob mismo ng kanilang bar ang munting prinsipe ng Romero Corporation, ang nag-iisang anak at pinakamahalagang kayamanan ni Zedhryx Romero.
Sa gitna ng silid, nakaupo si Zedhryx sa sofa. Tulad ng dati, malamig at walang mabasang emosyon ang kanyang mukha, tila isang estatwang yari sa yelo. Ngunit ang tahimik na presensiya niya ay mas nakakatakot kaysa sa anumang sigaw. Ang bigat ng awtoridad niya ay parang nakadagan sa dibdib ng lahat, dahilan upang manghina ang kanilang mga tuhod at tumulo ang pawis na tila ulan. Walang sinuman ang naglakas-loob na magsalita.
Sa sahig, may isang binatang nakaluhod sa paanan niya, humahagulgol habang puno ng luha at sipon ang mukha. “Kuya, I’m sorry… kasalanan ko ‘to! Hindi ko dapat dinala si Zex sa bar!” nanginginig niyang sabi. “Kung may mangyaring masama sa kanya… I won’t live with myself!”
Hindi pa man natatapos ang kanyang mga salita ay isang malakas na sipa ang tumama sa dibdib niya.
Isang nakakapangilabot na tunog ang umalingawngaw, sapat upang mangilabot ang anit ng lahat ng naroon. Napaatras ang ilan, hindi maiwasang manginig sa takot.
Napahawak si Zane sa kanyang dibdib, napahigop ng hangin habang sunod-sunod ang pag-ubo. Ngunit kahit halos hindi makahinga, pilit pa rin siyang bumangon at muling lumuhod nang tuwid, tila ba mas mahalaga ang pagtanggap ng parusa kaysa sa sariling sakit.
Nasa ibang bansa pa ang kanilang mga magulang, bakasyon at walang kaalam-alam sa pagkawala ni Zex. Alam ni Zane na kapag nalaman nila ito, hindi matatapos sa isang sipa ang kaparusahan niya, baka literal pa siyang buhay na balatan.
Sa sandaling iyon, tila abo na ang puso niya, puno ng pagsisisi at kahihiyan.
Biglang may kumatok sa pintuan ng reception room.
Ang may-ari ng bar, na pinakamalapit sa pinto, ang nagbukas nito. Ngunit nang wala siyang makitang tao sa labas, nagtaka pa siya. Yumuko siya upang silipin, at biglang nanlaki ang kanyang mga mata.
“Li… Little young master?!” halos mapasigaw siya sa gulat.
“Zex?” Napatalon si Zane at gumapang palapit, agad niyakap ang munting bata na parang mawawala ulit ito kapag binitawan niya. “Diyos ko! Zex! Precious baby ni Uncle! Saan ka ba nagpunta?!” humahagulgol niyang sabi, yakap-yakap ang bata.
Sa buong silid, sabay-sabay ang paghinga ng lahat, para bang kakaligtas lang nila mula sa bingit ng kamatayan.
Tumayo si Zedhryx at lumakad patungo sa pinto. Walang sabi-sabi, hinila niya ang kwelyo ni Zane at itinulak palayo. Pagkatapos ay yumuko siya sa harap ng kanyang anak, ang boses ay mababa ngunit puno ng awtoridad. “What happened?”
Matapos makawala sa mahigpit na yakap ng kanyang ikalawang tiyuhin, mahigpit na hinawakan ni Zex ang kamay ng kanyang ama at pilit siyang hinihila palabas, halatang nagmamadali.
Paglapit ni Zedhryx sa bata, biglang tumama sa ilong niya ang matapang na amoy ng alak. Kasabay nito ay may isang banayad at malamig na halimuyak. Isang preskong samyo na misteryosong pamilyar, sapat upang mapatigil siya sandali at mapalaktaw ang tibok ng kanyang puso.
Nang mapansing hindi pa rin gumagalaw ang ama, itinuro ni Zex ang isang direksyon. Mula sa kanyang lalamunan, pilit siyang gumawa ng mga paos na tunog, “uh… uh…”, puno ng pagkabalisa.
Hindi na nag-alinlangan si Zedhryx. Binuhat niya ang kanyang anak at tahimik na naglakad patungo sa direksyong itinuturo nito.
Nagkatinginan ang mga taong naiwan sa likod, kasama si Zane. Ramdam nilang may mali, kaya walang nagsalita at mabilis silang sumunod.
Pagkalipas ng limang minuto, huminto ang buong grupo sa harap ng isang bodega sa pinakamataas na palapag ng gusali.
Biglang nagpumiglas si Zex at tumalon mula sa bisig ng kanyang ama. Gamit ang maliit niyang mga kamay, malakas niyang hinampas ang pinto ng bodega, halatang balisa at desperado.
“Zex, anong meron? What’s inside?” naguguluhang tanong ni Zane.
Walang emosyon ang mukha ni Zedhryx nang magsalita. “Open the door.”
“O-Opo! Yes, yes!” mabilis na tumango ang may-ari ng bar. Lumingon siya sa babaeng manager sa tabi niya at halos pasigaw na pinagalitan ito. “Manager Jane! Ano pang hinihintay mo? Buksan mo na! Nasaan ang susi?”
“Ha? B-Buksan po?” natigilan ang babaeng manager, biglang namutla ang mukha.
Nandoon pa si Alice. Siya mismo ang nangakong ikukulong ang babae roon hanggang matapos ang audition, alinsunod sa utos ni Rosa.
Ngunit sa harap ng dalawang malalaking tao sa mayamang pamilya at ng may-ari ng bar, paano pa siya makakatanggi? Nanginginig ang mga kamay niyang inilabas ang susi at dahan-dahang binuksan ang pinto.
Pagbukas ng pinto, tumambad ang isang babaeng nakahandusay sa sahig, walang malay at maputla ang mukha.
“Anong kaguluhan ‘to? Bakit may babae sa loob?” galit na sigaw ng may-ari ng bar.
“A-Ako po… hindi ko alam!” pilit na paliwanag ng babaeng manager, nilulunok ang konsensya. “Wala naman pong tao rito noong huli kong chineck!”
“Wala nang tanong-tanong! Save her first!” sigaw ng isa sa mga staff.
Ngunit nang may tangkang lumapit kay Alice, biglang sumugod si Zex at ibinagsak ang sarili sa ibabaw ng babae. Mariin ang tingin ng bata, parang isang munting hayop na nagpoprotekta sa kanyang kayamanan, hindi hinahayaang may sinumang lumapit.
“Sir Zed, this…” litong-lito ang may-ari ng bar, hindi na maunawaan ang sitwasyon.
Tahimik na pinagmasdan ni Zedhryx ang babaeng manager na halatang puno ng guilt ang mukha. Pagkatapos ay sumulyap siya sa hagdan sa sahig at sa maliit na skylight na kasya lamang ang isang bata. Sa isang iglap, nabuo na sa isip niya ang halos buong pangyayari.
Itinaas niya ang kamay bilang hudyat na umatras ang lahat. Lumapit siya at siya mismo ang yumuko upang buhatin ang walang malay na babae.
Sa kanyang mga bisig, mas lalo niyang naamoy ang malamig at banayad na halimuyak na iyon.
Nang makitang si Zedhryx na mismo ang bumuhat kay Alice, hindi na umangal si Zex. Ngunit bakas sa kanyang mukha ang hindi pagsang-ayon, isang ekspresyong malinaw na nagsasabing, ‘If I were bigger, I would have carried her myself.’
***
Sa hospital, tahimik ang paligid, tanging mahihinang tunog lamang ng mga makina ang maririnig.
Nang magising si Alice, sumilip na ang liwanag ng umaga sa bintana. Mabigat pa ang kanyang pakiramdam, ngunit malinaw na malinaw ang una niyang nasilayan, isang lalaki na nakaupo sa silyang malapit sa bintana, tahimik ngunit may presensiyang hindi maaaring balewalain.
Nakasandal siya roon nang kaswal, magkapatong ang mahahabang binti. Suot niya ang isang maayos at eksaktong akmang suit na malinaw na tinahi para sa kanya, hinuhubog ang malapad niyang balikat at payat na baywang. Ang puting polo niya ay nakasara hanggang sa kuwelyo, walang bahid ng gusot, parang kahit ang umaga ay walang karapatang guluhin ang kaayusan niya. Bagama’t tinatamaan siya ng sikat ng araw, tila balot pa rin ang buong katawan niya ng malamig at sinaunang yelo, parang isang hari sa loob ng medieval na kastilyo, tahimik ngunit mapanganib lapitan.
Napansin ng lalaki ang tingin niya.
Bigla nitong itinaas ang mga mata, tumama kay Alice ang malamig na titig nito. Para bang kayang butasin ng tingin niya ang kaluluwa ng sinumang masalubong. Napanginig si Alice sa ilalim ng titig na iyon, pakiramdam niya’y isa siyang pahinang unti-unting hinihiwa ng matalim na scalpel, hubad sa bawat lihim.
Ilang sandali niyang sinubukang ipagsawalang-bahala ang presensiya ng estrangherong iyon, ngunit nanaig ang kaba at pag-aalala sa kanyang dibdib. Hindi na niya inalintana ang hindi komportableng pakiramdam at agad siyang nagsalita, bakas ang pagkataranta sa boses.
“Excuse me, mister… paano po ako napunta rito?” tanong niya, bahagyang napasinghap. “At may nakita po ba kayong bata? Mga four or five years old siguro. Tahimik, hindi masyadong nagsasalita. Super white and soft, parang laging lutang pero… cute siya.”
‘Cute…’ banggit ni Zedhryx sa isipan niya.
Bahagyang tumaas ang kilay ng lalaki sa paglalarawang iyon. Walang emosyon ang mukha niya, ngunit may kung anong kakaibang kislap sa kanyang mga mata. Dahan-dahan niyang inilipat ang tingin sa gawing kanan ni Alice at malamig na nagsalita, kapareho ng lamig ng kanyang aura.
“Si Zex ang tinutukoy mo?”
Agad na sinundan ni Alice ang direksiyon ng kanyang tingin, at doon niya nakita ang isang pamilyar na tanawin. Sa maliit na kama sa tabi niya, mahimbing na natutulog ang munting batang parang tinapay na puti at malambot, may nakakabit na suwero sa likod ng kanyang kamay.
“Siya!” halos mapabulalas si Alice. “Siya nga ‘yon! Zex pala ang pangalan niya?”
Hindi niya napigilan ang isang malalim na buntong-hininga ng ginhawa. Dahan-dahan siyang bumaling at hinaplos ang noo ng bata. Mainit-init pa, ngunit malinaw na bumaba na ang lagnat. Sa wakas, bahagyang gumaan ang dibdib niya.
Bigla siyang nakaramdam ng kaunting pagsisisi. Noong mga sandaling pinilit niyang palabasin ang bata sa bodega, akala niya iyon ang pinakamabuting desisyon. Pero ngayon, iniisip niya, bata pa lang iyon, may lagnat pa, at mag-isa niyang hinarap ang gulo ng isang bar. Paano kung may nangyaring masama sa kanya?
Bahagyang kinabahan si Alice at muling tumingin sa lalaking may malamig na presensiya. “Kayo po ay… kamag-anak niya?” maingat niyang tanong.
Pagkabigkas pa lang ng mga salitang iyon, napagtanto ni Alice kung gaano iyon ka-walang saysay.
Magkamukha sila. Hindi lang basta kahawig, para bang hinulma sila mula sa iisang molde. Mula sa hugis ng mga mata hanggang sa tahimik na lamig ng ekspresyon, malinaw na malinaw ang ugnayan.
Tila kinumpirma ng lalaki ang iniisip niya nang sagutin ito nang diretso at walang paligoy-ligoy. “Father.”
Bago pa makasagot si Alice, may biglang sumulpot na malaking mukha mula sa gilid.
“Hey, pretty! Gising ka na pala!” masiglang bati ng lalaki. “Ako ang uncle ni Zex!”
Napaatras si Alice dahil sa gulat. Nang makita niya nang malinaw ang mukha ng nagsasalita, nanlaki ang kanyang mga mata at napatitig siya rito, halos hindi makapaniwala. “Romero… Zane Romero?”
Ang ikalawang anak ng Romero Corporation. Ang may-ari ng Golden Age Entertainment. Ang lalaking mas kilala sa diyaryo at magasin kaysa sa karamihan ng mga artista, dahil sa guwapong mukha at kilalang babaero.
Hindi siya puwedeng magkamali.
‘Kung ang ice statue na ito ang ama ni Zex, at si Zane ang tiyuhin… Ibig sabihin, Ang lalaking nakaupo roon, tahimik ngunit nangingibabaw sa buong silid, ay walang iba kundi si Zedhryx Romero.’ sa isipan niya.
Si Zedhryx, isa sa pinakamayamang lalaki sa buong mundo.
Hindi kailanman naisip ni Alice, kahit sa pinakawild niyang imahinasyon, na ang munting batang iniligtas niya sa madilim na bodega ay magiging anak ni Zedhryx, ang maalamat at napakayamang munting prinsipe, ang kumikislap na gintong hiyas ng pamilya Romero.
Bahagyang kumislap ang malamig na liwanag sa mga mata ni Zedhryx. “Walang kailangang madaliin,” mahinahon ngunit matigas niyang sabi.Napangiti si Zane habang hinihimas ang baba, tila agad na naintindihan ang plano. “Tama,” sagot niya, may halong aliw sa tono. “May alas naman tayo. Hayaan na muna natin siyang gumawa ng gulo. Mas masarap panoorin kapag bumagsak na siya.”Hindi na siya pinansin ni Zedhryx at diretsong nagbigay ng panibagong utos. “Maghanda ka ng kontrata para kay Alice.”Agad na nagliwanag ang mga mata ni Zane. “Kontrata?” halos mapatalon siya sa excitement. “Bro, ibig sabihin… ipapasok mo na si Sister-in-law sa Golden Age?”Hindi direktang sumagot si Zedhryx. Sa halip, nagpatuloy siya, “Maghanda ka rin ng profiles ng lahat ng managers sa Golden Age. I need to review them.”Para kay Zane, sapat na iyon bilang sagot.“Gets ko na!” masigla niyang sabi. “Ikaw mismo pipili ng manager niya, ‘no? Grabe… kung kahit 0.001% lang ng treatment na binibigay mo kay Alice ang ibigay
Pagkarinig ni Alice, agad niyang itinulak sa likod ng isipan ang lahat ng hiya at awkwardness na naramdaman kanina. Bigla siyang napalapit kay Zedhryx, halatang hindi makapaniwala. “Tapos na? Lahat ng ‘yon?” tanong niya, puno ng pagkamangha.Tahimik na tumango si Zedhryx at bahagyang itinuro ang laptop, hudyat na siya na mismo ang tumingin.Sa una, inisip ni Alice na baka hindi niya maintindihan ang makikita niya, lalo na’t puro komplikadong code ang kaninang nakikita niya. Ngunit laking gulat niya nang mapagtanto na hindi iyon ang ipinapakita ni Zedhryx. Sa halip, malinaw na resulta ang nasa screen.Natunton ang IP address ng nagpadala hanggang sa apartment building kung saan nakatira si Angela, ang River Grand View. At ang may-ari ng anonymous overseas account? Si Cythia… ang assistant ni Angela.Nanlaki ang mga mata ni Alice, hindi makapaniwala sa nakita. “Akala ko sa TV lang nangyayari ‘to… ‘yung hacking, lalo na sa anonymous accounts,” halos pabulong niyang sabi, nanginginig sa e
Pagkarinig sa tanong na iyon, bahagyang natigilan si Alice. Kumamot siya sa ulo, halatang nahihirapang ipaliwanag ang sarili. “Siya 'yong nabanggit ko na sa’yo dati… yong ex-boyfriend ko. We only dated for a day,” maingat niyang sagot.Muling bumalik sa isip ni Zedhryx ang lalaking iyon. Kung isang araw lang naman silang nagkarelasyon, bakit tila napakarami na nilang naging koneksyon at pinagsamahan?Unti-unting tumalim ang ekspresyon ni Zedhryx, at naging mabigat ang aura sa paligid. “Alam mo bang ang mga ruta na ginagamit sa pagpasok ng ganitong klaseng baril ay kontrolado ng tatlong grupo?” malamig niyang saad. “Kahit alin sa mga grupong iyon ang kinabibilangan ng ‘kaibigan’ mo, siguradong target sila ng pulisya. At malamang, pati 'yong diamond… ilegal din ang pinanggalingan.”Unti-unting yumuko si Alice, tila lumiit sa kinatatayuan. “Alam ko…” mahina niyang tugon.“Alam mo?” Biglang bumigat lalo ang tono ni Zedhryx, at mas tumalim ang tingin. Hindi niya maintindihan kung bakit, pe
Nabalot ng mabigat na katahimikan ang buong sala.Ilang sandali ang lumipas bago napalunok si Alice, pilit na binabasag ang tensyon. Pinilit niyang ngumiti at magbiro, kahit halatang hindi na akma ang sitwasyon.“Big Boss, ang galing ng shooting skills mo,” pilit niyang papuri. “Impressive talaga. Medyo sayang lang… mukhang mahal 'yong plorera, ‘di ba?”Ngunit nanatiling malamig ang mga mata ni Zedhryx, walang kahit anong pagbabago sa ekspresyon nito.“Kung ayaw mong magsalita, hindi mo kailangang pilitin ang sarili mo,” mababa at diretso nitong sabi.Unti-unting bumaba ang ulo ni Alice. Para siyang batang nahuli sa kasalanan ngunit ayaw pang umamin. “Pero… parang handa ka nang i-cut off ako kung hindi ako magsasabi ng totoo,” mahina niyang sagot, may bahagyang tampo. “Hindi ka rin fair…”Napabuntong-hininga siya.Sa totoo lang, wala naman siyang ibang pagpipilian. Hindi niya kayang itago pa ito, lalo na sa harap ng lalaking iyon.“Naalala mo 'yong sinabi ko sa’yo tungkol sa aksidente
Handa na sanang sipain ni Zane ang pinto at sumugod para “iligtas” si Alice, ngunit nang masilayan niya ang eksena sa loob, kung paanong baliktad na ang sitwasyon, napatigil siya sa kinatatayuan, tuluyang napako ang mga paa sa sahig habang nakatitig nang tulala.“Singlehandedly… damn…” bulong niya, halos hindi makapaniwala. “May dala pala siyang baril? Wait, kung tama ako… Beretta 92F ‘yan ah… saan niya nakuha ‘yon?”Saglit siyang napatahimik, at saka dumaan sa isip niya ang isang napakasakit na realization, ang pangalawa niyang pagkakataon na maging bayani at sumagip ng damsel in distress… tuluyan na namang nasayang.Sa loob ng silid, naninigas ang buong katawan ni John habang nakatutok ang tingin sa baril na hawak ni Alice. Hindi niya maalis ang takot, lalo na’t ilang segundo pa lang ang nakakalipas nang magpaputok ito nang walang babala. Wala siyang pagkakataong makaiwas. Wala siyang laban.“I, I swear… lahat ng sinabi ko, totoo!” halos mautal niyang sabi, nanginginig ang boses. “W
Pagbalik ni Alice sa kanyang apartment, hindi na siya nag-aksaya ng oras. Diretso siyang lumapit sa malaking aparador at mula sa ilalim nito ay inilabas ang isang metal na briefcase. Tahimik ngunit maingat ang bawat galaw niya habang binubuksan iyon. Isa-isa niyang sinuri ang laman, may mga kagamitang tila matagal nang hindi nagagamit, at pinunasan pa nang maigi, para bang sinisigurong walang kahit anong pagkukulang.Matapos iyon, mabilis niyang sinulyapan ang oras sa kanyang phone. Halos walang pag-aalinlangan, isinilid niya ang mga gamit sa kanyang bag at agad na bumaba ng apartment.Sa kabilang banda, hindi kalayuan mula roon, tahimik na minamasdan ni Zane ang bawat kilos niya habang nagmamaneho. Nakasuot ang Bluetooth earpiece, patuloy siyang nagre-report.“Bro, kakabalik lang ni Alice sa apartment niya, tapos within five minutes, bumaba agad ulit,” mahinang sabi niya habang sinusundan ang motor nito. “Nasa Edsa Road na kami ngayon, papunta sa outskirts…”Lumipas ang kalahating or







