Home / Romance / The Miracle Between Us (RATED SPG 18+) / Chapter 7 - Did We Know Each Other Back Then?

Share

Chapter 7 - Did We Know Each Other Back Then?

Author: Anoushka
last update publish date: 2026-02-16 13:16:04

Nakapaghukay si Alice ng isang pares ng pambatang pajama na may disenyo ng Pikachu. Napangiti siya nang makita iyon. Nabili niya iyon noon habang part-time siyang nagtatrabaho, at basta na lamang itinabi sa aparador, walang tiyak na paglalagyan. Hindi niya akalaing magagamit niya iyon sa ganitong pagkakataon.

Mas madali namang humanap ng pamalit na damit para kay Zedhryx. May ilang set ng damit ang nakababatang kapatid niyang si Alden na naiwan sa kanya. Mula nang muli siyang makasama ng kanyang tunay na mga magulang, palagi niyang nararamdaman ang guilt sa kanyang adoptive parents. Pakiramdam niya ay parang ipinagpalit niya ang mga ito, kaya nahihiya siyang makipagkita. Bihira na siyang makipag-ugnayan sa kanila, tanging si Alden na lamang ang patuloy niyang kinukumusta.

Matapos makahanap ng mga damit, bumalik siya sa silid upang kumuha ng bagong bedsheets at punda ng unan. Inayos niya ang sala para kay Zedhryx . Maliit ang sofa at halatang hindi sapat para sa tangkad ng lalaki, kaya nagdagdag siya ng isang matibay na bangkito sa dulo upang kahit paano ay maunat nito ang mahahabang binti. Habang ginagawa iyon, hindi niya maiwasang matawa sa sarili. “Mr. Romero, sa ganitong setup ka matutulog? Diyos ko…” bulong niya sa sarili, bahagyang naiilang.

Samantala, hindi na niya kailangang alalahanin si Zex. Ang bata ay tahimik na pumasok sa banyo, naglinis ng sarili nang walang tulong, at sinuot ang cute na Pikachu pajamas. Paglabas nito, agad siyang umakyat sa kama na para bang likas na alam kung saan ang kanyang pwesto. Para siyang maliit na nilalang na kusa nang nakahanap ng tahanan.

Nang matapos maligo si Alice, nagsuot siya ng mas konserbatibong pajama, isang simpleng set na walang anumang nakakaakit na detalye. Tinali niya ang kanyang buhok sa isang maayos na bun at sinigurong presentable ang itsura bago lumabas ng kwarto.

“Ah… Mr. Romero, mauuna na po akong matulog. Call me if you need anything,” magalang niyang sabi.

“Mm.” Saglit na natigilan ang titig ni Zedhryx  sa kanya. Bagong ligo siya, sariwa ang mukha, at may natural na pamumula ang kanyang balat dahil sa singaw ng mainit na tubig. 

Sa kabila nito ay tila lalong naging mapanganib ang dating niya. Hindi maintindihan ni Zedhryx  kung bakit ganoon ang epekto nito sa kanya. Ramdam niyang may unti-unting paggising sa kanyang katawan, isang reaksyong pilit niyang pinipigil. Napapikit siya sandali, pilit inaayos ang sarili.

Samantala, pagpasok ni Alice sa kanyang silid, napatigil siya. May dagdag na presensya sa kanyang kama, isang maliit at napaka-cute na nilalang. Napangiti siya nang todo. 

“Matulog ka na, okay?” malambing niyang sabi. Pinatay niya ang ilaw sa kisame at iniwan ang maliit na lamp sa tabi ng kama. Humiga siya sa tabi ni Zex.

Ngunit tila wala pang balak matulog ang bata. Nakadilat pa ang mga mata nito, kumikislap sa mahinang ilaw.

Napabuntong-hininga si Alice. “Mukhang kailangan ng bedtime story, huh?” bulong niya sa sarili. Hindi siya sanay magkwento. Wala siyang karanasan sa ganitong bagay.

“Hindi ako marunong magkwento,” amin niya sa bata. “What if kantahan na lang kita?”

Agad namang tumango si Zex, puno ng inaasahan ang mga mata.

Marahang tinapik ni Alice ang likod ng bata habang marahang umaawit. Mahina at magaan ang kanyang boses, tila hinahaplos ang katahimikan ng gabi.

Sa kalagitnaan ng kanta, bigla siyang napatigil. Naalala niya ang susunod na linya at napakunot ang noo. “Ay naku…” bulong niya sa sarili. Hindi pambata ang susunod na bahagi. Bahagya siyang napatawa sa sariling kalokohan.

“Magpapalit na lang si Tita ng kanta, nakalimutan ko na yung next line,” paliwanag niya. Muling tumango ang bata, walang reklamo.

Nag-isip siya ng mas pambatang kanta at sa huli ay napunta sa isang English nursery rhyme. Tatlong ulit niya iyong inawit bago tuluyang marinig ang mahina at pantay na paghilik sa tabi niya.

Napangiti siya nang makita ang payapang mukha ni Zex. “Ang hirap pala pagpalaki ng bata,” mahina niyang sabi. Bigla siyang nakaramdam ng paghanga kay Zedhryx. Dahil bilang isang single dad, paano niya nagagawa ang lahat ng ito?

Hindi niya maiwasang mapaisip. Sino kaya ang ina ni Zex? Bakit niya iniwan ang ganitong klaseng lalaki at ang napakabuting batang ito? Dahil ba hindi siya tinanggap ng pamilya Romero? O may ibang dahilan?

Habang lumilipad ang kanyang isip sa samu’t saring haka-haka, unti-unti siyang nilamon ng antok.

Bandang hatinggabi, nagising siya dahil sa isang mahinang ingay mula sa sala. Agad siyang bumangon nang marahan, sinigurong hindi magigising si Zex na mahimbing ang tulog.

Paglabas niya ng silid, nakita niya si Zedhryx  na nakatayo sa kusina, nagbubuhos ng tubig sa baso. Isang kamay ang nakahawak sa kanyang tiyan at kapansin-pansin ang pamumutla ng kanyang mukha.

“Mr. Romero, are you okay?” nag-aalalang tanong ni Alice habang lumalapit.

“Nothing serious,” maikli nitong sagot, ngunit halatang may iniinda.

“Sumasakit ba ang tiyan mo?” diretsahang tanong niya.

Hindi sumagot si Zedhryx, ngunit sapat na ang kanyang katahimikan para kumpirmahin ang hinala ni Alice.

Napakunot ang noo ni Alice. “Wait, hindi ka pwede sa maanghang, ‘no?” tanong niya, pero hindi parin sumagot si Zedhryx. Bigla niyang naramdaman ang kakaibang bigat sa dibdib. “Bakit mo kinain kung alam mong hindi mo kaya?” mahina ngunit puno ng pag-aalala ang boses niya.

Sa gitna ng malakas na ulan sa labas at katahimikan ng gabi, tila mas malinaw ang bawat tibok ng puso, at bawat hindi masabing dahilan kung bakit may mga bagay na ginagawa ang isang tao, kahit alam niyang masasaktan siya.

“Wait lang, kukuha ako ng gamot para sa tiyan mo,” mabilis na sabi ni Alice habang patakbong pumunta sa maliit niyang kabinet ng mga gamot. Mabuti na lamang at sanay siyang mag-imbak ng mga karaniwang gamot sa bahay, para sa lagnat, ubo, at pati na rin sa pananakit ng tiyan.

Ilang sandali pa ay bumalik siya dala ang isang baso ng tubig at dalawang tableta. “Kailangan mong inumin pareho,” mariin ngunit may pag-aalalang sabi niya habang inilalahad ang palad.

Kinuha ni Zedhryx  ang mga tableta mula sa kanyang kamay. Sa pagdampi ng malamig nitong mga daliri sa kanyang palad, tila may kuryenteng dumaloy sa buong katawan ni Alice. Hindi iyon simpleng paghawak lamang, parang may bahagyang kumalabit sa pinakaloob ng kanyang dibdib. Bigla siyang nakaramdam ng panghihina, na para bang isang iglap lang ay mawawala ang kontrol niya sa sarili.

Tahimik na inusal ni Alice sa isip ang mga numero hanggang sampu, paulit-ulit, hanggang sa bahagyang kumalma ang mabilis na tibok ng kanyang puso. Hindi siya maaaring magpadala sa ganitong klaseng sitwasyon.

Pinanood niya si Zedhryx  habang iniinom nito ang gamot. Hindi siya agad umalis, pakiramdam niya’y hindi magalang na iwan ito kaagad sa ganoong kalagayan. “Mas okay na ba ang pakiramdam mo?” maingat niyang tanong. “Do you need to go to the hospital? Pasensya na talaga… hindi ko alam na bawal ka pala sa spicy food.”

Kanina, ang inaalala niya ay si Zex. Sa huli, walang nangyari sa bata, pero si Zedhryx  pa ang nasaktan. Hindi niya alam kung ano ang dapat itawag doon, irony ba iyon o kapalaran?

“Hindi mo kasalanan,” kalmadong sagot ni Zedhryx . “Matagal na itong problema.”

Sandaling namayani ang katahimikan sa pagitan nila. Ang ilaw mula sa sala ay mahina lamang, sapat para maaninag ang seryosong ekspresyon sa mukha ng lalaki.

Pagkaraan ng ilang sandali, nagsalita ito. “Ang totoo, kaya kami nakituloy ngayong gabi… dahil gusto kang makita ni Zex.”

Bahagyang napakunot ang noo ni Alice. “Gusto niya akong makita?” hindi makapaniwalang ulit niya.

“Malaki ang naging takot niya sa nangyari sa warehouse,” paliwanag ni Zedhryx . “Ikaw ang nagligtas sa kanya. Since then, naging masyado siyang attached sa’yo.”

Sa tuwing napag-uusapan si Zex, kapansin-pansing nababawasan ang malamig at matalim na aura ni Zedhryx. Mas nagiging tao siya, hindi ang CEO na kinatatakutan ng marami, kundi isang ama na may iniingatang anak.

“Ah… kaya pala,” mahina niyang tugon. Unti-unti niyang nauunawaan.

Dahil sa tahimik ng gabing iyon, parang mas madaling magtanong ng mga bagay na matagal nang gumugulo sa isip niya. “Umm… pasensya na kung medyo personal,” maingat niyang panimula, “pero… hindi ba talaga nagsasalita si Zex?”

Hanggang ngayon, ni isang salita ay hindi niya narinig mula sa bata. Puro tango at iling lamang ang sagot nito.

“Hindi sa hindi siya marunong magsalita,” sagot ni Zedhryx  matapos ang maikling paghinto. “Ayaw lang niya.”

“Ah… so it’s psychological?” maingat niyang hinuha.

“Medyo sarado siya sa sarili,” diretso ngunit hindi nagkukubli ang lalaki. “Mahilig siyang magkulong sa sarili niyang mundo.”

Tumango si Alice. Iyon din ang pakiramdam niya. Gayunpaman, hindi na siya naglakas-loob pang magtanong kung bakit ganoon ang bata. Alam niyang ang mga ganitong bagay, lalo na sa mga pamilyang may mataas na katayuan, ay hindi basta-basta pinag-uusapan.

Bigla siyang tinawag ni Zedhryx, at nang iangat niya ang tingin ay nasalubong niya ang diretso at matalim nitong mga mata.

“Miss Alice.”

Napasinghap siya nang bahagya. “Yes?”

“May pagkakataon bang nagkita na tayo noon?”

Kung ibang lalaki ang nagsabi nito, tiyak na iisipin niyang lumang style iyon ng pang-aakit. Pero ang nasa harap niya ay si Zedhryx, at ang pagkalito sa mga mata nito ay tunay, walang halong biro.

“Sa tingin ko… hindi pa,” maingat niyang sagot. “Kung nakita na kita noon, imposible namang hindi ko maalala.” Bahagya siyang ngumiti upang pagaanin ang sitwasyon. “Pero… may problema ba?”

Sa kanyang katayuan, hindi niya maisip kung paano sila magkakakilala. Kahit noong siya pa ang kinikilalang nag-iisang anak na babae ng mge dela Cerna, malabong magkaroon siya ng koneksyon sa isang taong tulad ni Zedhryx .

“Wala naman,” sagot nito habang inililihis ang tingin sa bintana. Sa repleksyon ng salamin, tila mas naging malalim ang anino sa kanyang mukha. May kakaibang lungkot na bumalot sa kanya, isang damdaming hindi maipaliwanag.

Napansin ni Alice na tila nagiging mas mabigat ang atmospera habang tumatagal ang kanilang pag-uusap. May kung anong hindi niya matukoy, parang may pader na unti-unting lumalapit sa kanya.

“Mr. Romero… kung okay ka na, babalik na muna ako sa kwarto?” maingat niyang tanong.

Tila nabasa ni Zedhryx  ang pagnanais niyang makatakas sa sitwasyon. Itinaas nito ang isang kamay bilang senyas. “No need to rush. Umupo ka muna.”

Sa loob-loob ni Alice, halos mapasigaw siya. Nagmamadali siya, sobra. Sa bawat segundo na magkatabi sila sa ganitong katahimikan, pakiramdam niya’y mas lalo siyang nahuhulog sa isang bagay na hindi niya dapat galawin.

Ngunit sa labas, nanatili siyang kalmado. Umupo siya muli, pilit pinipigilan ang sariling emosyon, habang ang ulan sa labas ay patuloy na bumabagsak, tila sumasabay sa kaguluhan ng kanyang puso.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Miracle Between Us (RATED SPG 18+)   Chapter 64

    Pagdating ni Alice sa set, agad siyang sinalubong ng balita na nagbago ang buong filming schedule. Ayon sa staff, nag-leave si Theo dahil sa isang family matter.Sandaling natigilan si Alice.‘Family matter?’Hindi niya maiwasang mapakunot ang noo. Sa mga maliliit na bagay nga, kayang magreklamo ni Theo sa kanya nang kalahating araw. Pero sa ganitong kalaking problema, wala man lang siyang nasabi?Agad niyang kinuha ang phone at tinawagan ito.Pagkasagot pa lang, ramdam na niya agad na hindi maganda ang mood nito.“Bakit ko sasabihin sa’yo?” malamig nitong sagot. “Hindi ba ayaw mong ginugulo kita? Hindi ba gusto mong i-mind ko na lang sarili ko? Hindi ba gusto mong lumayo ako sa’yo? Well… congrats. Nakuha mo na gusto mo.”Bahagyang napasinghap si Alice, sabay tumaas ang kilay.“Theo, ano’ng problema mo? Kumain ka ba ng pulbura?” sagot niya, halatang napipikon na rin.Sa kabilang linya, mariing napahinga si Theo. Halatang pinipigilan ang emosyon. Sa totoo lang, galit siya, pero mas gal

  • The Miracle Between Us (RATED SPG 18+)   Chapter 63

    Sumandal si Theo sa sofa habang hinihimas ang kanyang sentido, halatang sumasakit ang ulo sa dami ng iniisip.“Pero paano ’yung mga pelikulang ongoing pa?” tanong niya, puno ng pag-aalala. “Don’t tell me kailangan ko silang i-cancel lahat?”Tahimik na nag-isip si Jay sandali, bago marahang sumagot, tila binubuo na sa isip ang pinaka-praktikal na solusyon.“Hindi naman siguro kailangan,” paliwanag niya. “’Yung Land Under Heaven, period film ’yon, maraming malalaking eksena at matagal talaga ang production. Puwede kong kausapin si Director Jam na ilipat muna sa dulo ang lahat ng scenes mo. Tayo na rin ang sasagot sa anumang magiging losses habang wala ka. I think papayag siya.”Napabuntong-hininga si Theo at napakamot sa ulo.“Mukhang iyon na nga lang ang choice…” bulong niya, halatang hindi pa rin mapakali. “Damn it… bakit parang sunod-sunod ang malas ko these days? ’Yung deal sa HN, dapat final na ’yon, walang dahilan para magkaproblema. Tapos kanina… umulan habang may kissing scene?

  • The Miracle Between Us (RATED SPG 18+)   Chapter 62

    Nang makabalik si Alice sa mesa, saka pa lamang tuluyang nakahinga si Theo nang maluwag. Kanina pa siya patingin-tingin sa direksyon ng pinto, halatang hindi mapakali.“Ang tagal mo naman,” reklamo niya agad. “Akala ko nahulog ka na sa inidoro.”Napangiwi si Alice at pabagsak na sumandal sa sofa, halatang pagod at may bahid pa ng takot ang mukha.“Mas malala pa doon,” sagot niya, mahina ang boses. “Parang napunta ako sa lungga ng mga lobo.”Agad na kumunot ang noo ni Theo. “Anong ibig mong sabihin?”Napabuntong-hininga si Alice bago nagkuwento, pilit pinapakalma ang sarili.“Napunta ako sa maling room. Puro big shots ng city nando’n… tapos may isang matabang manyak na hinawakan ako at ayaw akong pakawalan. Pinipilit pa akong uminom kasama niya.”Sa isang iglap, nagbago ang ekspresyon ni Theo. Nawala ang kalasingan sa mga mata niya.“What?!” agad niyang sabi, sabay tingin kay Alice mula ulo hanggang paa, tila sinisigurong wala itong nasaktan. “Paano ka nakabalik dito?”Bahagyang ngumit

  • The Miracle Between Us (RATED SPG 18+)   Chapter 61

    Bahagyang tinaasan ni Alice ang kilay at ngumiti nang may halong pang-aasar.“Sa buong bansa, may babaeng hindi gustong matulog kasama si Zedhryx?” balik niyang tanong, tila ba obvious na ang sagot.Hindi napigilan ni Theo ang sarili.“Well, halos lahat din naman ng babae gustong matulog kasama ako,” mabilis niyang sagot, may halong yabang. “Pero ikaw? Never mo naman naisip ’yon tungkol sa’kin!”Bahagyang tumingala si Alice, saka siya tinignan nang diretso.“Paano mo nasabing hindi ko naisip?” tanong niya, bahagyang tinaasan ang boses.Natigilan si Theo.Sa loob ng isang segundo, parang nag-freeze ang mundo niya, at kasunod noon, agad na namula ang kanyang tenga.Isang mahinang tawa ang kumawala mula kay Alice.Doon lang napagtanto ni Theo na niloloko lang siya.“Alice!” halos mapasigaw siya, halatang napahiya. “Just you wait! Hindi pa tayo tapos!”Kung hindi lang niya iniisip ang ibang tao sa paligid, baka kanina pa siya tumayo at pinatulan si Alice.Samantala, tila kuntento na si Al

  • The Miracle Between Us (RATED SPG 18+)   Chapter 60

    “Alice! Don’t change the topic!” halos mapataas ang boses ni Theo, halatang hindi na maitago ang inis at selos sa tono nito. Lalong sumikip ang dibdib niya habang pinipilit unawain ang sitwasyon. Sa loob-loob niya, hindi niya mapigilang ikumpara ang sarili sa lalaking kararating lang.‘Paano ako magiging ex-lover? Paano ako makakatapat sa ‘childhood sweetheart’ mong si Harvey? Eh kahit sa panaginip mo, siya pa rin ang tinatawag mo…’ mapait niyang naisip.Napabuntong-hininga si Alice, halatang napapagod na sa drama nito.“Fine, fine… hindi ako umiiwas sa topic,” mahinahon ngunit may bahid ng pagkapikon niyang sagot. “Pero anong balak mo? Gusto mo bang ipangalandakan dito sa lahat ang kung an

  • The Miracle Between Us (RATED SPG 18+)   Chapter 59

    “Ah! Umuulan!” sunod-sunod na sigaw ng mga tao sa paligid.Sa isang iglap, nabasag ang perpektong ambience ng set. Dahil karamihan sa mga parol at lanterns ay gawa lamang sa papel at pandikit, at nakalagay pa sa bukas na espasyo, mabilis silang namatay sa buhos ng ulan.Si Alice, na ilang segundo na lang sana ay sisimulan na ang eksenang halikan, ay biglang natigilan. Para bang naputol ang koneksyon niya sa eksena. Agad niyang itinaas ang kamay upang takpan ang ulo.“Ha? Bakit biglang umulan?” nagtatakang sabi niya. “Parang… may tumatama?”Sa kabilang banda, si Theo ay halos mapatigil ang tibok ng puso kanina pa lang. Nang biglang itigil ang eksena, parang nabunutan siya ng hininga, at muntik pa siyang masamid.

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status