LOGINPagkauwi ni Alice, ang unang ginawa niya ay humiga at bumawi sa kulang na tulog. Ilang gabi na rin siyang halos hindi nagpapahinga dahil sa paghahanda para sa audition. Nang magising siya, mas magaan na ang pakiramdam niya.
Hindi siya nag-aksaya ng oras. Dumiretso siya sa supermarket at bumili ng mga sangkap para sa hot pot, karne, gulay, seafood balls, tofu, at siyempre, ilang lata ng beer. Ngayong panalo na ang unang laban niya, karapat-dapat lang na ipagdiwang iyon. Kahit mag-isa.
Sanay na rin naman siyang kumain mag-isa. Sa tagal niyang namuhay na halos walang kasama, hindi na bago ang tahimik na hapunan. Pero sa totoo lang, may kirot pa rin sa puso tuwing naiisip niyang wala siyang mapagbahaginan ng simpleng tagumpay.
Nagsisimula na siyang mag-ayos sa kusina nang biglang may kumatok sa pinto.
Napakunot ang noo niya. “Sino naman ang bibisita sa ganitong oras?” saad niya sa sarili.
May bahid ng pag-aalinlangan habang binuksan niya ang pinto, at tuluyang natigilan.
Nakatayo sa labas si Zedhryx, sa braso niya ay buhat ang maliit na si Zex, at sa kabilang kamay ay may hawak na makulay na basket ng prutas.
Para siyang isang CEO na nagmula sa business meeting, kasama ang isang prinsipe.
“Mr. Romero?” halos mapalunok si Alice. “Bakit po kayo nandito? May nangyari ba?”
Manipis ang labi ni Zedhryx nang magsalita siya. “Sick visit.”
Saglit na natulala si Alice. Nalilito sa sinasabi ng lalaki.
Maliit lang ang sugat niya. Buhay na buhay pa siya.
“Ah… masyado naman po kayong formal,” nagmamadali niyang sabi habang isinasantabi ang pagkabigla. “Medyo magulo po sa loob, pasok muna kayo.”
Halos mag-panic siya habang nagliligpit. Ang mga kalat sa sofa ay mabilis niyang tinambak at itinago kung saan-saan, ang mga damit ay isiniksik sa ilalim ng kama.
‘Ngayon pa talaga siya pumunta?’ sa loob-loob niya.
“Umupo po kayo. May gusto ba kayong inumin? Juice, water or soft drinks?" alok niya habang pilit inaayos ang sarili.
“Sure,” sagot ni Zedhryx, seryoso at diretso, parang sumasagot sa report ng isang tauhan.
Mas lalo tuloy siyang nalito. Naghanda siya ng isang baso ng juice para kay Zedhryx at isang baso ng gatas para kay Zex.
Maliit ang sala ng apartment. Nang maupo ang mag-ama sa makitid na sofa, halos magmukhang masikip ang buong lugar. Magkatabi sila, at hindi lamang magkahawig sa mukha, pati sa ekspresyon. Parehong walang emosyon. Parehong tahimik.
‘Ang awkward naman nito. Ano ba talaga ang sadya nila?’ saad ni Alice sa isipan.
Sa kabilang sofa, halos maiyak si Alice sa kaba. Sa gitna ng katahimikan, kumulo ang sabaw sa kusina at kumalat ang maanghang at nakakaengganyong amoy ng hot pot. Para maibsan ang tensyon, nagsalita siya.
“Kumain na ba kayo? Magho-hot pot sana ako. If you don’t mind, sabay na kayo?”
“Okay,” agad na sagot ni Zedhryx.
Tumango si Zex.
Napakurap si Alice. Courtesy invite lang iyon. Hindi niya inasahang tatanggapin agad.
Isang CEO at isang batang young master, sigurado siyang sanay ang mga ito sa mamahaling pagkain. Kaya napaisip ulit siya kung bakit sila pupunta sa maliit niyang apartment para makisalo sa simpleng hot pot.
Gayunpaman, siya ang nag-alok. Kaya ngumiti siya at inayos ang mesa, nagdagdag ng dalawang pares ng chopsticks.
“Maanghang po ang sabaw,” babala niya. “Kaya n’yo ba?”
“Kaya,” maikling sagot ni Zedhryx.
Tumango muli si Zex, tila handang-handa.
Wala na siyang nagawa kundi ihain ang mga sangkap. Karamihan sa oras, si Zedhryx ang nagluluto sa palayok, maingat na inilulubog ang karne at gulay. Hindi siya gaanong kumakain. Mas abala siyang tiyaking maayos ang pagkain ng dalawa.
Samantala, si Zex ay halatang nasasarapan sa maanghang na sabaw. Kahit napapadila siya sa sobrang anghang, patuloy pa rin siyang kumakain.
Napakunot ang noo ni Alice. “Hindi ba masama sa bata ang masyadong maanghang?”
Hindi niya kayang akuin ang responsibilidad kung may mangyari dito.
“Hindi siya gano’n ka-delicate,” kalmadong sagot ni Zedhryx, tila walang bahid ng pag-aalala.
Napatahimik si Alice at hindi na nagkomento pa.
Pagkatapos ng ilang sandali ng tahimik na pagkain, biglang nagsalita si Zedhryx.
“Kumusta ang audition?”
Saglit siyang natigilan bago napagtantong siya ang kinakausap. “Ah… maayos naman po,” sagot niya, hindi maitago ang bahagyang saya sa tinig. “Nakuha ko ang role. Kaya nga nagluto ako ng hot pot para mag-celebrate.”
Bahagyang tinaas ni Zedhryx ang baso niya. “Congratulations.”
Napatitig si Alice sa kanya, bahagyang nagulat. Hindi niya inasahan na ang unang taong babati sa kanya ay si Zedhryx. May kung anong init na dahan-dahang pumasok sa puso niya, mas mainit pa kaysa sa kumukulong sabaw sa harap nila.
Marahang itinaas ni Alice ang baso ng beer at mahinang itinapik iyon sa hawak na baso ni Zedhryx. May ngiti sa kanyang mga labi na hindi pilit, kundi isang ngiting nagmumula sa pinakaloob ng kanyang puso.
“Thank you,” malumanay niyang sabi, at sa simpleng dalawang salitang iyon ay naroon ang taos-pusong pasasalamat.
Sa sandaling namulaklak ang kanyang ngiti, tila may kung anong bahagyang gumalaw sa dibdib ni Zedhryx. Para siyang natigilan sa isang iglap, wari’y may alon na dumaan sa kanyang puso. Hindi man siya nagsalita, may banayad na kislap ang kanyang mga mata, isang lihim na init na siya lamang ang nakakaalam.
Lumingon si Alice kay Zex na tahimik na nakaupo sa tabi. “Mas lalo akong nagpapasalamat kay Zex,” masigla niyang sabi, bahagyang yumuko para abutin ang tingin ng bata. “Kung hindi dahil sa’yo, hindi ako makakarating sa audition nang maaga. Here, darling, cheers tayo!”
Tiningnan ni Zex ang hawak niyang baso ng gatas, saka ang mga beer ng daddy niya at ni Alice. Kitang-kita sa kanyang mukha ang pag-aalinlangan, ngunit sa huli ay marahan niyang itinaas ang kanyang baso at tinapik iyon sa baso ni Alice. Tila, parang isang seryosong may edad na umiinom para kalimutan ang problema, inubos niya ang gatas sa isang lagok.
Napahagikhik si Alice sa sobrang tuwa. “Grabe, ang seryoso mo,” pabirong bulong niya. “Para kang adult na nagdo-drown ng sorrows ah.” Hindi niya mapigilang kiligin sa cute nitong asal.
Sa kalagitnaan ng hapunan, tumayo si Zedhryx at nagpaalam na sasagot ng tawag sa balkonahe. Pagkasara ng pintuan, agad na lumapit si Alice kay Zex, tila may lihim na balak. Inabot niya ang kanyang beer at palihim na iniabot sa bata.
“Curious ka ba sa lasa?” pabulong niyang tanong, nakangiting parang batang may ginagawang kalokohan. “Quick lang, taste mo habang wala si Daddy. One small sip lang, okay?”
Nagliwanag ang mga mata ni Zex na parang mga bituin sa gabi. Maingat siyang yumuko at sumimsim ng kaunti. Nang malasahan niya ang pait ng beer, bahagya siyang napangiwi, ngunit hindi nabawasan ang saya sa kanyang mukha. Kahit hindi masarap, pakiramdam niya ay kasama siya sa isang mahalagang sikreto.
Mabilis na umayos ng upo si Alice nang marinig ang pagbukas ng pinto. Umakto siyang parang walang nangyari. si Zex naman ay mas propesyonal pa, dahan-dahan niyang ininom ang natitirang gatas, kalmado at walang bakas ng pagkakagulo.
Pagbalik ni Zedhryx, tila wala siyang napansin. Subalit sa kaibuturan ng kanyang mga mata ay may munting kislap ng lambing. Tahimik siyang naupo at ipinagpatuloy ang pagkain na parang walang kakaiba.
Masarap ang naging hapunan. Kahit marami ang binili ni Alice, naubos nila ang lahat. Habang iniisip niya kung oras na para umuwi ang mag-ama dahil gabi na, biglang kumislap ang kidlat sa kalangitan. Sunod-sunod ang malalakas na kulog at humampas ang hangin sa mga bintana. Ilang sandali pa, bumuhos ang malakas na ulan.
“I think may bagyo raw ngayong gabi,” bulong ni Alice habang nakatanaw sa labas. Nakakunot ang kanyang noo, halatang nag-aalala. Parehong nakatingin sa kanya sina Zedhryx at Zex, para bang hinihintay ang kanyang desisyon.
Dahil sa mga titig na iyon, napabuntong-hininga siya. “It’s dangerous to drive back this late… lalo na may bata.” Bahagya siyang napakamot sa batok bago nagsalita muli. “If you don’t mind… pwede kayong mag-stay muna dito tonight.”
Sa isip niya, pormalidad lang iyon. Sigurado siyang tatanggi si Zedhryx. Ngunit hindi man lang nagdalawang-isip ang lalaki.
“Okay,” kalmadong sagot nito.
Tumango rin si Zex, tila matagal nang handa.
Nanlaki ang mga mata ni Alice. ‘WHAT?! Bakit pumayag agad?!’ sigaw niya sa isipan.
Parang hinihintay lang talaga nila na siya ang mag-alok. Lalong naguluhan ang isip niya. Napakagadaling kausap ng dalawa. Parang siya tuloy ang napasubo.
At ganoon nga ang nangyari. Mananatili ang mag-ama sa kanyang apartment ngayong gabi.
Hindi kalakihan ang unit na ipinagkaloob sa kanya ng kumpanya, may maliit na sala at isang kwarto lamang. Nagsimulang sumagi sa isip niya ang problema sa tulugan.
“Ako na lang sa sala,” kusang loob niyang alok, kahit bahagyang kinakabahan. “Mr. Romero, you can sleep in my room with Zex. Papalitan ko na lang ang bedsheets.”
Agad namang umiling si Zedhryx, matatag ang boses. “No. I’ll sleep in the living room. You and my son take the bedroom.”
Lalong nakaramdam ng hiya si Alice. Siya na nga ang nag-imbita sa CEO na kumain ng simpleng hotpot, siya pa ang magpapatulog dito sa sala. Sa totoo lang, kung si Zedhryx lamang ang naroon, hindi niya ito papayagang manatili. Lalo na’t sariwa pa sa kanyang isip ang mga sinabi nito kanina. Ang ideya na silang dalawa lamang sa iisang bubong ay sapat na para pabilisin ang tibok ng kanyang puso.
Ngunit may bata. At hindi niya kayang ipagsapalaran ang kaligtasan ni Zex sa gitna ng bagyo. Pero naisip niya rin na hindi naman ito matatawag na “alone together,” dahil may kasama silang inosenteng saksi.
Sa huli, napabuntong-hininga na lamang siya. “I’ll see kung may mahahanap akong pamalit na damit para sa inyo,” mahina niyang sabi, pilit pinapakalma ang sarili.
Naghalungkat siya sa kanyang aparador, hinahanap ang kahit anong maaaring magkasya sa mag-ama. Habang isa-isang inilalabas ang mga damit, hindi niya maiwasang mapangiti at sabay kabahan. Hindi niya inasahan na ang simpleng pasasalamat at hapunan ay hahantong sa ganitong gabi, na sa gitna ng ulan at kulog, may dalawang dalawang bisitang bigla na lang naging bahagi ng kanyang maliit na mundo.
Pagdating ni Alice sa set, agad siyang sinalubong ng balita na nagbago ang buong filming schedule. Ayon sa staff, nag-leave si Theo dahil sa isang family matter.Sandaling natigilan si Alice.‘Family matter?’Hindi niya maiwasang mapakunot ang noo. Sa mga maliliit na bagay nga, kayang magreklamo ni Theo sa kanya nang kalahating araw. Pero sa ganitong kalaking problema, wala man lang siyang nasabi?Agad niyang kinuha ang phone at tinawagan ito.Pagkasagot pa lang, ramdam na niya agad na hindi maganda ang mood nito.“Bakit ko sasabihin sa’yo?” malamig nitong sagot. “Hindi ba ayaw mong ginugulo kita? Hindi ba gusto mong i-mind ko na lang sarili ko? Hindi ba gusto mong lumayo ako sa’yo? Well… congrats. Nakuha mo na gusto mo.”Bahagyang napasinghap si Alice, sabay tumaas ang kilay.“Theo, ano’ng problema mo? Kumain ka ba ng pulbura?” sagot niya, halatang napipikon na rin.Sa kabilang linya, mariing napahinga si Theo. Halatang pinipigilan ang emosyon. Sa totoo lang, galit siya, pero mas gal
Sumandal si Theo sa sofa habang hinihimas ang kanyang sentido, halatang sumasakit ang ulo sa dami ng iniisip.“Pero paano ’yung mga pelikulang ongoing pa?” tanong niya, puno ng pag-aalala. “Don’t tell me kailangan ko silang i-cancel lahat?”Tahimik na nag-isip si Jay sandali, bago marahang sumagot, tila binubuo na sa isip ang pinaka-praktikal na solusyon.“Hindi naman siguro kailangan,” paliwanag niya. “’Yung Land Under Heaven, period film ’yon, maraming malalaking eksena at matagal talaga ang production. Puwede kong kausapin si Director Jam na ilipat muna sa dulo ang lahat ng scenes mo. Tayo na rin ang sasagot sa anumang magiging losses habang wala ka. I think papayag siya.”Napabuntong-hininga si Theo at napakamot sa ulo.“Mukhang iyon na nga lang ang choice…” bulong niya, halatang hindi pa rin mapakali. “Damn it… bakit parang sunod-sunod ang malas ko these days? ’Yung deal sa HN, dapat final na ’yon, walang dahilan para magkaproblema. Tapos kanina… umulan habang may kissing scene?
Nang makabalik si Alice sa mesa, saka pa lamang tuluyang nakahinga si Theo nang maluwag. Kanina pa siya patingin-tingin sa direksyon ng pinto, halatang hindi mapakali.“Ang tagal mo naman,” reklamo niya agad. “Akala ko nahulog ka na sa inidoro.”Napangiwi si Alice at pabagsak na sumandal sa sofa, halatang pagod at may bahid pa ng takot ang mukha.“Mas malala pa doon,” sagot niya, mahina ang boses. “Parang napunta ako sa lungga ng mga lobo.”Agad na kumunot ang noo ni Theo. “Anong ibig mong sabihin?”Napabuntong-hininga si Alice bago nagkuwento, pilit pinapakalma ang sarili.“Napunta ako sa maling room. Puro big shots ng city nando’n… tapos may isang matabang manyak na hinawakan ako at ayaw akong pakawalan. Pinipilit pa akong uminom kasama niya.”Sa isang iglap, nagbago ang ekspresyon ni Theo. Nawala ang kalasingan sa mga mata niya.“What?!” agad niyang sabi, sabay tingin kay Alice mula ulo hanggang paa, tila sinisigurong wala itong nasaktan. “Paano ka nakabalik dito?”Bahagyang ngumit
Bahagyang tinaasan ni Alice ang kilay at ngumiti nang may halong pang-aasar.“Sa buong bansa, may babaeng hindi gustong matulog kasama si Zedhryx?” balik niyang tanong, tila ba obvious na ang sagot.Hindi napigilan ni Theo ang sarili.“Well, halos lahat din naman ng babae gustong matulog kasama ako,” mabilis niyang sagot, may halong yabang. “Pero ikaw? Never mo naman naisip ’yon tungkol sa’kin!”Bahagyang tumingala si Alice, saka siya tinignan nang diretso.“Paano mo nasabing hindi ko naisip?” tanong niya, bahagyang tinaasan ang boses.Natigilan si Theo.Sa loob ng isang segundo, parang nag-freeze ang mundo niya, at kasunod noon, agad na namula ang kanyang tenga.Isang mahinang tawa ang kumawala mula kay Alice.Doon lang napagtanto ni Theo na niloloko lang siya.“Alice!” halos mapasigaw siya, halatang napahiya. “Just you wait! Hindi pa tayo tapos!”Kung hindi lang niya iniisip ang ibang tao sa paligid, baka kanina pa siya tumayo at pinatulan si Alice.Samantala, tila kuntento na si Al
“Alice! Don’t change the topic!” halos mapataas ang boses ni Theo, halatang hindi na maitago ang inis at selos sa tono nito. Lalong sumikip ang dibdib niya habang pinipilit unawain ang sitwasyon. Sa loob-loob niya, hindi niya mapigilang ikumpara ang sarili sa lalaking kararating lang.‘Paano ako magiging ex-lover? Paano ako makakatapat sa ‘childhood sweetheart’ mong si Harvey? Eh kahit sa panaginip mo, siya pa rin ang tinatawag mo…’ mapait niyang naisip.Napabuntong-hininga si Alice, halatang napapagod na sa drama nito.“Fine, fine… hindi ako umiiwas sa topic,” mahinahon ngunit may bahid ng pagkapikon niyang sagot. “Pero anong balak mo? Gusto mo bang ipangalandakan dito sa lahat ang kung an
“Ah! Umuulan!” sunod-sunod na sigaw ng mga tao sa paligid.Sa isang iglap, nabasag ang perpektong ambience ng set. Dahil karamihan sa mga parol at lanterns ay gawa lamang sa papel at pandikit, at nakalagay pa sa bukas na espasyo, mabilis silang namatay sa buhos ng ulan.Si Alice, na ilang segundo na lang sana ay sisimulan na ang eksenang halikan, ay biglang natigilan. Para bang naputol ang koneksyon niya sa eksena. Agad niyang itinaas ang kamay upang takpan ang ulo.“Ha? Bakit biglang umulan?” nagtatakang sabi niya. “Parang… may tumatama?”Sa kabilang banda, si Theo ay halos mapatigil ang tibok ng puso kanina pa lang. Nang biglang itigil ang eksena, parang nabunutan siya ng hininga, at muntik pa siyang masamid.







