*ERINA ISABEL TUAZON POV
"Papasok pa lang ako, Faye. Na late kasi ako ng gising. Hindi nag-alarm ang phone ko kanina," sabi ko habang tinatanggal ang kadena na kinabit ko sa bisikleta. Nilalagyan ko ng ganito kasi wala akong tiwala sa mga tao rito sa barangay kung saan ako nakatira. Marami kasing snatcher dito lalong-lalo na mga magnanakaw. May gate naman ang apartment na tinutuluyan ko, pero kailangan ko pa ring mag-doble ingat. [Seryoso ka, Erina? Tanghali na ah, paniguradong bubungangaan ka na naman ng boss mo. Dalian mo na, alam mo namang maagang pumapasok 'yon hindi ka pa nagising ng maaga] Natawa na lang ako dahil sa mga sinabi ng kaibigan ko. Mukhang siya pa ‘yong mas stress kaysa sa akin. Hindi ko naman kasi kasalanan na ‘di tumunog ang alarm ng cellphone ko o sad’yang hindi ko lang talaga narinig dahil sa sobrang pagod? “Ito na nga nagmamadali na, pero hindi nakikisama ‘tong bisikleta na binigay mo sa’kin,” pabirong sabi ko at narinig ko siyang huminga ng malalim sa kabilang linya. Itong bisikleta ay regalo niya sa’kin no’ng birthday ko noong nakaraang taon. Ito lang ang nagsilbing transportasyon ko araw-araw sa pagpasok sa trabaho, at sobrang nakatulong ito sa akin. Pero ngayon na nagmamadali ako saka pa siya nasira. [Wow, ah! Sinisi mo pa ang bike na binigay ko sa ‘yo. Ang sisihin mo ‘yang cellphone mong sira na. Bakit kasi ‘di ka pa bumili ng bago? Eh, may naipon ka naman ng pera] “May mas importante akong pinaglalaanan ng pera. Alam mo naman kung ano ‘yon. ‘Tsaka, kaya pa naman nitong cellphone ko. Gumagana pa naman siya at magagamit ko pa.” Tama si Faye, may naipon na ‘kong pera. Pero inipon ko ‘yon kasi balak kong mag-aral ulit. Gusto kong ipagpatuloy ang pag-aaral ko. Simula kasi no’ng umalis ako sa puder ng tatay ko ay hindi na ‘ko pumasok kinabukasan. Kaya naisipan kong ituloy ang pag-aaral ko dahil gusto kong makapagtapos, at baka ipagmalaki na ‘ko ng tatay ko kapag may pinatunayan na ‘ko sa kaniya. “Sige na, Faye, mamaya na lang. Papasok na ‘ko sa trabaho, at ikaw mag-ingat ka d’yan sa school.” Agad ko na ring binulsa ang cellphone ko matapos naming mag-usap ng kaibigan ko. Sumakay na rin ako sa bisikleta at umalis na ng apartment. Binilisan ko na ang pagpapatakbo ng bisikleta ko kasi super late na talaga ako. Mabuti na lang bike lane ang dinaanan ko kaya wala akong nakakasalubong na mga sasakyan sa daan at iwas na rin sa anumang disgrasya. “Sh*t! Kapag minamalas ka nga naman!” Bigla pang bumuhos ang malakas na ulan. Tirik naman ang araw kanina no’ng paalis na ‘ko ng apartment, pero bakit bigla na lang umulan? Jusko naman! Kung kailan pa na late na ‘ko sa trabaho saka pa umulan ng malakas. At wala akong makitang shed dito na p’wede kong masilungan. “Sh*t! Sh*t! Sh*t!” Sunod-sunod na mura ko nang biglang maggewang-gewang ang bisikleta ko. Kaya napa-preno ako ng wala sa oras, at mabuti na lang hindi ako tumalsik sa daan. Napaupo ako sa daan habang habol ang aking hininga nang makababa ako sa bisikleta. Kahit basang sisiw na 'ko pero ramdam ko na parang pinagpapawisan ako dahil sa nangyari. Jusko! Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Akala ko madidisgrasya na 'ko. Kinabahan ako ro'n, mabuti na lang talaga nakapreno ako agad. "Thank you, lord," mahinang usal ko habang nakatingin sa kalangitan. Nagsimula nang magkulimlim ang kalangitan, may kasama na rin itong kulog, at lumalakas na rin ang pagbuhos ng ulan. Biglang sumama ang kutob ko, 'di kaya may mangyayaring masama sa'kin ngayon? Huwag naman sana, pero muntikan na 'kong madisgrasya kanina. "Shucks! Ba't ngayon ka pa nasira?" Parang maiiyak ko nang sabi habang nakatingin sa bisikleta ko. Na flat ang gulong nito at naputol ang kadena. Bigla akong nanghina at tuluyan ng napahiga sa daan. Bahala na kung ano ang isipin ng mga taong nakakakita sa akin basta naiinis na 'ko. Sign na ba 'to para umuwi na lang ako at hindi na pumasok? Pero sayang ang kikitain ko ngayong araw kapag 'di ako pumasok. "Erina Isabel, kaya mo 'to! Huwag maging mahina, huwag magpalinlang sa negativity," sabi ko sa sarili at bigla akong bumangon mula sa pagkakahiga sa daan. At napabuga ng hangin, at agad ng tumayo. "Inhale .. exhale .. stay away negativity! Lubayan mo 'ko!" Malakas na sabi ko at muling napabuntong hininga ng malalim. Mukha akong baliw sa sitwasyon ko ngayon, pero wala na 'kong pakialam sa sasabihin ng iba. "Erina, ba't ngayon ka lang? Kanina ka pa hinahanap ng boss natin," sabi ni Lean nang makapasok ako sa coffee shop. Isa siya sa mga katrabaho ko rito at very punctual pagdating sa trabaho. "Tsaka, ba't ka basa? Don't tell me sinuong mo ang malakas na ulan?" Dagdag niya pa habang nakasunod sa akin papuntang locker's area. Tumango ako bilang sagot bago siya nilingon. "Wala na 'kong ibang choice, 'tsaka nasiraan ako ng bike kanina at wala akong mahanap na shed," pagdadahilan ko at agad ng binuksan ang locker ko para makakuha ng pamunas. Mabuti na lang may iniiwan akong extrang pants at t-shirt dito sakaling magkaroon ng emergency. At may nangyari nga na hindi ko inaasahan. "Magkakasakit ka niyan, sana hindi ka na lang pumasok." "Sayang ang sahod today kapag 'di ako pumasok." Sumandal siya sa locker ko at napahalukipkip habang nakaharap sa akin. "Okay na 'yon kaysa naman makatanggap ka ng sermon sa boss natin," aniya na ikinatawa ko. "Ano ba ang tricks d'yan?" Tanong ko, at napabuga siya ng hangin. Halatang frustrated na sa'kin. "Pasok sa kaliwang tenga, at ilabas sa kanang tenga," walang ganang sagot niya. "Exactly! Kaya huwag ka nang mag-alala sa'kin. Saglit lang, magbibihis na muna ako. Hintayin mo na lang ako sa labas." At agad na 'kong nagtungo sa banyo para makapagbihis na ng damit bago pa 'ko sipunin. Mahina pa naman ang immune system ko kaya hindi ako nagpapatuyo ng pawis o 'di kaya sumusuong sa ulan. Pero 'yong nangyari kanina, nawalan na 'ko ng choice kaya I'll face the consequences na lang. "Erina, pinapatawag ka ni boss," biglang sabi ni Rome, ang bartender nitong shop. Kalalabas ko lang mula sa locker's area pero 'yon na agad ang bungad niya sa akin. Pero agad na 'kong nagtungo sa opisina ng boss ko bago pa ito ang lumapit sa akin. "Boss, pinapatawag niyo raw po ako?" Sabi ko nang makapasok na 'ko sa loob. Agad siyang nag-angat ng tingin at masamang tumingin sa akin. Jusko, lagot na 'ko. Mapapatalsik na ba 'ko sa trabaho?I shouldn’t have lied to her, now she thinks my dad kidnapped her and killed her mother. But I can’t tell her that my dad is the one looking for her because it would just ruin all my plans. Dad is looking for her because of me, not because of her father.That was all a lie.The situation suddenly got complicated, and now she plans to have him imprisoned.Fuck! What should I do?Lumabas ako sa kwarto niya at nagtungo sa labas ng apartment. Parang hindi ako makahinga sa loob dahil sa mga sinabi ni Erina. Now I can feel the fear—fear that she might discover the truth, and everything I've done to hide the real me.I took the cellphone from the pocket of my shorts and immediately dialed Deo’s number. But my hands were trembling, and I didn’t know why. I had never felt this kind of feeling before, not once in my entire life.[Hello, boss, ba't kayo napatawag? Nagkaproblema ba d'yan?]“Nothing happened, I just have something I need you to do,” I replied, stepping back a little in case Erina
Nakatulala ako habang nakatitig sa litrato ng nanay ko na nakalagay sa ibabaw ng study table. Kanina ko pa ito ginagawa simula nang makauwi ako sa apartment galing sa trabaho. Hindi ko rin naiwasang mapaluha habang nakatingin dito.I miss my mom so much. Hanggang ngayon, sarili ko pa rin ang sinisisi ko kahit alam ko na kung sino ang dahilan ng pagkawala niya sa amin, sa buhay ko. Kung hindi niya ako niligtas, sana hanggang ngayon kasama ko pa siya, at sana hindi ako ang sinisisi ni Dad sa pagkamatay niya."I miss you, Mom," hikbi kong sambit habang patuloy na umaagos ang luha sa pisngi ko. Parang bawat patak nito'y nagpapaalala sa akin ng bigat ng pagkawala niya sa buhay ko.Tuluyan na akong napahiga at napayakap sa unan, saka napahagulgol nang sariwa na namang bumalik sa isip ko ang araw na binaril siya sa mismong harapan ko.That was the most painful thing that happened in my life—the moment I witnessed my mother’s death."Erina..."Bumaling ang tingin ko sa direksyon ng pinto nang
Ilang segundo muna ang lumipas bago sinagot ni Dad ang tanong ko. "Yes, I know him very well," he said seriously, which left me speechless.He knows, but why didn’t he tell me when I was old enough to know this?"But you don’t need to know who that is anymore," Dad added, then looked away from me."B-Bakit po? Karapatan ko rin naman po 'atang malaman kung sino po 'yon," puno ng hinanakit na sambit ko, dahilan para mag-angat siya ng tingin sa akin."Even when I was still a child, I already managed to blame myself for Mom’s death. You blamed me too, Dad, even though I never wanted that to happen," dugtong ko, ngunit tuluyan ng bumuhos ang mga luha ko. "Kaya karapatan ko rin naman sigurong malaman kung sino ang taong naging dahilan ng lahat para mangyari 'yon sa akin."Hindi nakasagot si Dad, nanatili siyang tahimik habang nakatingin sa akin. Pero bigla siyang yumuko at napabuntong hininga ng malalim."It was my best friend..." pag-amin nito, bago nag-angat ng tingin sa akin. At doon ko
"Ugh, kaloka," sabi ko, sabay buntong hininga ng malalim. Naii-stress ako dahil sa nalaman ko kanina. Naguguluhan ako, na nalilito dahil doon. Hindi pa rin ako makapaniwala na mangyayari ang bagay na iyon, lalo na't nasa isang lugar ito kung saan ligtas at protektado, kung saan ang pangyayaring 'yon ay malabong mangyari. Paano mangyayari ang pagpatay sa kaniya kung may mga pulis namang nakabantay sa paligid, or else nando'n lang din sa loob ng presinto ang pumatay sa kaniya? "Erina, ayos ka lang ba?" Kaagad kong hininto ang ginagawa kong pagpunas sa mesa nang marinig ko ang boses ni Lean. Nasa tabi ko na pala siya, pero hindi ko man lang napansin dahil sa iniisip ko. "Uhh, oo ayos lang naman ako. Bakit mo natanong?" tugon ko, bahagyang ngumiti sa kaniya. "Wala naman, napansin ko kasi na kanina ka pa tulala d'yan. Tapos ilang beses mo na ring pinunasan 'yang mesa," aniya, dahilan para mapatingin ako sa tinutukoy niya. Tama nga siya—malapit ng magmukhang crystal ang mesa da
"Umm.. Louie," tawag ko sa kaniya nang makalabas na ako ng kwarto.Kasalukuyan siyang nasa kusina, naghuhugas ng mga pinanggamitan niya sa pagluluto. Pero kaagad naman siyang lumingon sa akin no'ng narinig niya na ang boses ko."Aalis ka na ba?" tanong niya, at tumango na lamang ako bilang sagot. "I've prepared your lunch. Here, finish that."Kaagad ko namang tinanggap ang inabot niya sa akin, at nilagay sa loob ng bag ko. Pero hindi ko magawang tumingin sa kaniya ng diretso nang dahil sa nangyari kagabi.Nahihiya pa rin ako hanggang ngayon, at hindi ko pa rin siya makausap ng maayos. Pero samantalang siya, kinakausap ako na parang nakalimutan niya ang nangyari kagabi, na parang wala siyang ginawa sa akin na hindi ko inaasahan."S-Salamat dito. Sige, alis na 'ko. Mag-ingat ka rito," halos pautal ko nang sabi, at kaagad na siyang tinalikuran.Hindi ko na hinintay na makasagot siya, pero bigla akong napahinto nang tawagin niya 'ko."Erina..."Hindi ko siya nilingon, nakatingin lang ako
Wala akong ideya kung bakit niya 'ko hinalikan. Wala namang rason para gawin niya sa akin 'yon.Ilang beses niya na 'kong hinalikan, pero ito ang mas hindi ko inaasahan. Halik na parang puno ng pagmamahal, halik na kailanman hindi ko makakalimutan.Hindi ko siya nagawang itulak, hinayaan ko siyang halikan ako kahit na tutol ang utak ko sa ginawa niya. I returned his kisses with the same feelings and the same intensity. Hindi ko alam kung ano ang dahilan ko para tumugon sa halik niya—kung gusto ko na ba siya o dahil sa reaksyon lang ito ng katawan ko?Bigla siyang huminto sa paghalik sa akin at unti-unti nilayo ang mukha niya, pero napatitig ang mga mata niya sa labi ko bago nag-angat ng tingin sa akin."Ano'ng ginawa ko? I-I'm sorry, Erina. Fuck! I'm such an idiot," aniya, na parang hindi alam kung ano ang ginawa.Bigla siyang umatras at umiwas ng tingin sa akin na ipinagtaka ko. Hindi ako nakapagsalita dahil sa sinabi niya. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin dahil hindi ko rin alam