*ERINA ISABEL TUAZON POV
Isang malakas na sampal ang natanggap ko kay dad nang makita nito ang report card na inabot ko sa kaniya. Hindi na ‘ko nagulat kasi inaasahan ko nang mangyari ‘to. No’ng nakita ko pa lang ang grades ko kahapon, alam ko ng mangyayari ‘to kaya hindi na ‘ko nagulat na gagawin sa’kin ‘to ng tatay ko. “Filipino na nga lang ibabagsak mo pa?! Anong klaseng estudyante ka? Hindi ka ba pumapasok sa subject na 'yan, ha? Pinaaral kita sa mamahaling eskwelahan para marami kang matutunan tapos ito lang ang grades na ipapakita mo sa'kin? Do you really think na matatanggap ko 'yan?" Galit na sambit nito bago tinapon sa akin ang report card ko. Napayuko na lang ako at napapunas ng pisngi dahil tuluyan ng pumatak ang mga luha ko. Pinangako ko pa naman sa sarili ko na hindi ako iiyak, pero heto ako ngayon gabalde na ang luha dahil sa panenermon sa akin ng tatay ko. "B-Babawi na lang po ako, Dad. Second quarter pa lang naman po—" "I don't care kung anong quarter pa 'yan! Bagsak ka pa rin at hindi mo na 'yan mababago!" Putol nito sa akin. "Tsaka huwag ka nang magdahilan kasi kahit ano pa ang sabihin mo hindi ko tatanggapin 'yan. Ewan ko ba kung kanino ka nagmana? Kung nandito lang ang mommy mo, for sure hindi niya rin 'yan matatanggap," dagdag pa niya. Hindi na 'ko sumagot kasi kahit ano pa ang idahilan ko, mali pa rin para sa kaniya. Hindi na magbabago ang tingin niya sa akin. Mananatili akong bobo at walang kwenta sa paningin niya. Kung nabubuhay pa si mommy, maiintindihan niya 'ko at ipaglalaban niya 'ko mula kay daddy. Siya na lang ang nag-iisa kong kakampi sa pamamahay na 'to pero nawala pa sa akin. "Bakit hindi mo gayahin ang kuya mo? Matataas ang marka simula no'ng first year college siya, at tingnan mo siya ngayon malayo na ang naabot. Hindi na umaasa sa akin pero ikaw—" "Palamunin pa rin ninyo? Tama ba, Dad?" Putol ko sa kaniya bago nag-angat ng tingin. I laughed bitterly and harshly wiped my cheek. Ito ang pinakaayaw ko na marinig mula sa kaniya. Ang ikumpara niya 'ko kay kuya na parang hindi ako nagsusumikap sa pag-aaral ko. Ginagawa ko naman lahat pero hindi naman agad-agad naiintindihan ko ang isang lesson once na i-discussed ng professor. Hindi ako kasing-talino ni kuya pero kahit papa'no may natutunan naman ako. "Nag-aaral naman po ako ng mabuti, dad. Pero huwag niyo naman po sana akong ikumpara kay kuya. Magkaiba kami ng learning capacity pero nag-aaral naman po ako ng mabuti para maging proud po kayo sa'kin," umiiyak na sambit ko na ikinatahimik ni dad. Bigla siyang nag-iwas ng tingin sa akin at napahilamos ng mukha. "May isang beses po ba na naging proud kayo sa'kin? Na hindi lang si kuya ang ipinagmamalaki ninyo? Anak niyo rin naman po ako, ah .. pero bakit—" Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko kasi napahagulgol na 'ko. Ang sakit kasi at nakakasama ng loob na ang sarili kong tatay ay kailanman hindi ako nagawang ipagmalaki sa ibang tao pero pagdating kay kuya, kulang na lang ipa-billboard niya sa sobrang pagka-proud sa anak. Pero pagdating sa akin, kinakahiya ako at kulang na lang itakwil niya. "B-Bakit parang .. hindi anak ang turing niyo sa'kin? Ni isang beses hindi ko narinig mula sa inyo na proud kayo sa'kin. Lagi na lang si kuya .. si kuya na lang lagi ang paborito ninyo! Paano naman ako, Dad? Anak niyo rin ako pero bakit kailangan ko pang bilhin ang atensiyon at pagmamahal ninyo?!" Sinigaw ko na ang sakit na nararamdaman ko. Hindi ko na kayang itago ang sama ng loob ko. Gusto kong ilabas lahat para malaman niya ang matagal ko nang kinikimkim mula sa kaniya. Ayoko na ng ganito, na lagi na lang mali ko ang nakikita niya, na parang wala akong ginawang tama sa pamilyang 'to."Alam ko naman na galit kayo sa'kin dahil sa pagkamatay ni mommy. Pero huwag niyo naman sanang iparamdam sa'kin na hindi ako parte ng pamilyang 'to."
Ayoko nang tumira dito, hindi ko na kayang tiisin ang ugali ng tatay ko. "Huwag kang mag-alala, Dad, mawawala na sa pamamahay na 'to ang nag-iisang palamunin ninyo," matigas na sambit ko at agad na siyang tinalikuran. Nagtungo na 'ko agad sa kwarto ko para ayusin ang mga gamit ko at makaalis na sa pamamahay na 'to. *WAYNE LOUIE ANDERSON POV "Sir, there are reporters outside your office. Should I let them in?" My secretary asked, but I didn’t respond. I simply nodded, and she immediately understood what I meant. It's still early, yet there are already reporters here to ruin my day. Why do I have to deal with issues so early in the morning? The endless attempts of people to destroy me never seem to stop. I stood up and immediately loosened my necktie. I could feel anger and stress building up again in my body because of those worthless people. Why does society have such kinds of people? Great at accusing others, but when I fight back, they beg like a helpless puppy. "Okay, everyone, listen up. I don’t want to repeat this, so pay close attention," I said as the reporters and media personnel started filing into my office one by one. Another day to clear my name from the ignorance of these foolish people. "I didn't do what they are accusing me of. I have not assaulted, harmed, or beaten any woman. Whatever news has reached you is nothing but lies meant to ruin my reputation. I work diligently and serve society with integrity. There is no solid evidence to prove that I am guilty, and my lawyer will make that clear to you. I have not done anything wrong, and I have never harmed anyone, especially women. You know me—I’m a businessman, and the only thing that runs through my mind is how to grow my company and help my employees. I work every day, so I have no time to do what they’re accusing me of," I said seriously, looking into the camera and letting out a deep sigh. I noticed that some agreed with what I said, but most of them seemed doubtful and didn’t believe my words. I understand, though, because I know that many of them harbor resentment towards me for having dismissed them from their previous jobs due to their smear campaigns against me in the media. But I don’t care, they deserved it because they chose to go against someone like me—a powerful man, the one many envy. No one will ever be able to bring me down. "How is it going?" I asked immediately when Deo answered the call. He's my right hand, the one I rely on for everything. I wanted to know who was behind the attempt to ruin my reputation. "Nahanap ko na, boss. Anak siya no'ng lalaking sumaksak sa'yo noong nakaraang linggo. Mukhang balak ka niyang gantihan," he answered, and I couldn't help but smirk. Idiot! She's just doing something that will only make things worse for her. "Ano ang gagawin ko sa kaniya, boss?" "Make her suffer, but don't kill her. I want her to be destroyed through the lies and accusations of the people. After that, visit her father and let him know what his daughter has done to me." I slammed my phone onto the table after our conversation, but I couldn't help but smirk at the thoughts running through my mind. No one can bring Wayne Louie Anderson down. Whoever tries to do that, I’ll take the first move. I will make them suffer until they beg me for mercy. No one can stop me. No one.*ERINA ISABEL TUAZON POV "Papasok pa lang ako, Faye. Na late kasi ako ng gising. Hindi nag-alarm ang phone ko kanina," sabi ko habang tinatanggal ang kadena na kinabit ko sa bisikleta. Nilalagyan ko ng ganito kasi wala akong tiwala sa mga tao rito sa barangay kung saan ako nakatira. Marami kasing snatcher dito lalong-lalo na mga magnanakaw. May gate naman ang apartment na tinutuluyan ko, pero kailangan ko pa ring mag-doble ingat. [Seryoso ka, Erina? Tanghali na ah, paniguradong bubungangaan ka na naman ng boss mo. Dalian mo na, alam mo namang maagang pumapasok 'yon hindi ka pa nagising ng maaga] Natawa na lang ako dahil sa mga sinabi ng kaibigan ko. Mukhang siya pa ‘yong mas stress kaysa sa akin. Hindi ko naman kasi kasalanan na ‘di tumunog ang alarm ng cellphone ko o sad’yang hindi ko lang talaga narinig dahil sa sobrang pagod? “Ito na nga nagmamadali na, pero hindi nakikisama ‘tong bisikleta na binigay mo sa’kin,” pabirong sabi ko at narinig ko siyang huminga ng malalim sa kabi
Halatang galit na ito sa akin. Sa titig pa lang niya alam ko nang ginagalit ko na siya. Ito pa lang naman ang unang beses na late akong pumasok. Pero talagang hindi ko na uulitin. "Ilang buwan ka na ngang nagtatrabaho rito?" Tanong nito na ipinagtaka ko. Bigla siyang tumayo at sumandal sa mesa sabay na napahalukipkip mula sa akin. "P-Pitong .. buwan .. po," kinakabahan na tugon ko ngunit bigla akong napaatras nang lumapit siya sa akin. Wala na 'kong makitang reaksyon sa mukha niya, pero sigurado akong galit ito. Pogi siya pero talagang strikto pagdating sa trabaho. "Pero bakit hindi mo ginagawa nang tama ang trabaho mo?! In-explain naman sa 'yo ang mga rules ko rito pero bakit kinakalimutan mo? Hindi porket na kaibigan ka nang pinsan ko ay hindi na kita p'wedeng pagalitan at p'wede mo nang gawin lahat ng gusto mo," galit na sambit nito na ikinagulat ko. Hindi ako nakasagot sa halip palihim na lang akong nanalangin mula sa itaas na sana huwag niya 'kong tanggalin sa trabaho. "H-H
Wala ni isa sa amin ang nagtangkang magsalita. Hindi ako nakatingin sa kaniya, pero sigurado akong nakatingin siya sa akin ngayon. Ayoko sana siyang kausapin kaso pinagpaalam niya 'ko kay boss Yuki kaya wala na rin akong nagawa kundi ang umalis sa counter at puntahan siya. Pero hanggang ngayon hindi pa rin kami nagpapansinan at hindi pa siya nagsisimula magsalita. Asa naman na kakausapin ko siya. Over my dead body! Pero napatingin ako sa kaniya nang may nilagay siya sa harapan ko. Isang sobre, at alam ko namang pera ang laman niyan. "Take it, it will help with your daily expenses." Aniya at bigla na lang sumama ang timpla ng mukha ko. Last week ito rin ang ginawa niya. Inabutan ako ng pera, pero hindi ko tinanggap. Walang kadala-dala itong si kuya. Alam niya naman na hindi ko tatanggapin at wala siyang mahihita sa akin, pero panay punta pa rito at bigay sa'kin ng pera. "Paulit-ulit na lang tayo, kuya. Hindi ka ba napapagod?" Naiinis na sambit ko, at napahalukipkip sa kaniya. "N
"Ano ba 'yan?! Bakit ang malas-malas ko today?" Paiyak ko ng sabi nang makalabas ako mula sa restaurant. At biglang sinipa ang nakita kong basurahan sa sobrang inis ko. Nagulat ang mga taong nakakita sa ginawa ko pero wala na 'kong pakialam. Mabuti na nga lang na sa basurahan ko binuntong ang inis ko hindi sa kung sino. At kulang na nga lang maglupasay na naman ako rito sa daan katulad no'ng ginawa ko kanina. Kasi ba naman pinagalitan ako ng manager sa kadahilanang mali ang table na pinaghatiran ko ng pagkain. Inaway ako ng customer, at pinagalitan hanggang sa pinatawag nito ang manager ko. "Why is this the food you served us? We didn't order this, miss." Wika ng isang ginang ngunit pansin ko ang disappointment sa mga mata nito. Bigla akong kinabahan at agad napatingin sa listahan na hawak ko. At doon ko lang na realize na mali nga ang table na pinaghatiran ko ng pagkain. Table 8 'tong pinuntahan ko, at wala sa listahan nila ang mga pagkaing nasa lamesa. "I apologize, ma'am
"Maupo ka muna .." sabi ko at dahan-dahan siyang pinaupo sa maliit na sofa. Agad akong napabuga ng hangin nang makaupo na siya, pero hindi ko iyon ipinahalata sa kaniya. Matangkad siya, malaking tao, at may kakisigan, malayong-malayo sa katawan ko. Kaya parang nagbuhat ako ng isang sako ng bigas dahil sa bigat niya. Hindi naman ako nagrereklamo sad'yang napagod lang ako sa pag-alalay sa kaniya papunta rito sa apartment ko. Yes, sa apartment ko, kasi ayaw niyang dalhin ko siya sa ospital. Nagpumilit ako lalo na may sugat ang noo niya, at kailangang magamot ng doktor. Kaso nagpumilit siya na huwag na, at dalhin ko na lang daw siya sa place ko kaya hindi na 'ko nakatanggi. Alangan naman pabayaan ko siya, edi ako 'yong masisisi kapag may nangyaring masama sa kaniya ro'n. "Kukunin ko lang ang first-aid kit ko," paalam ko sa kaniya at agad ng nagtungo sa kwarto ko. "Tss, bakit kasi dito mo pa siya dinala, Erina?" Naiinis na sabi ko sa sarili. Kinakausap ko na naman ang sarili ko dahi
*ERINA ISABEL TUAZON POV Parang gusto kong umiyak o 'di kaya sumigaw sa sobrang inis na nararamdaman ko. Ewan ko ba kung bakit bigla akong pumayag sa pakiusap niya na manatili siya rito sa apartment ko. Nawalan ako bigla ng choice dahil sa awa na nararamdaman ko mula sa kaniya. Ayoko rin naman kasi siyang paalisin lalo na't wala siyang naaalala, at baka kung ano pa ang mangyari sa kaniya kapag pinaalis ko siya. Bukod doon ayaw niya ring dalhin ko siya sa ospital o 'di kaya sa presinto. Nabubuang na 'ko sa kakaisip kung ano ang gagawin para mapaalis siya rito. "Erina, kalma lang. Malalampasan mo rin 'to. Sabi nga niya 'di ba, once na bumalik na ang alaala niya aalis na siya rito," sabi ko sa sarili at napabuntong hininga ng malalim. Nandito ako ngayon sa kusina, nagluluto ng kakainin naming hapunan. Mabuti na lang may natira pang kalahating baboy sa ref kaya 'yon na lang ang niluto ko. Nakakahiya naman kasi na delata ang ipapakain ko sa kaniya at baka hindi siya kumakain niyon. Sa
*ERINA ISABEL TUAZON POV "Seryoso ka? Pinatira mo sa apartment mo?" Gulat na tanong ni Faye nang ikuwento ko sa kaniya ang nangyari kahapon at tungkol sa pagpapatira ko kay Louie sa apartment ko. Dahan-dahan akong tumango bilang sagot at napanganga siya bigla dahil do'n. Hindi siya makapaniwala sa ginawa ko kasi alam niya na hindi ako agad-agad pumapayag kapag may taong nanghingi ng pakiusap sa'kin. "Isang buwan muna ang lumipas bago mo 'ko pinayagan na mag-stay d'yan sa apartment mo pansamantala. Pero pagdating sa lalaking 'yan, na hindi mo pa lubusang kilala ay pinayagan mo agad-agad. Nakakatampo ka, alam mo ba 'yon?" Naiinis na sambit niya, pero bigla niya 'kong inirapan at napahalukipkip sa akin. "Sorry na, magkaiba naman kasi kayo ng sitwasyon, eh," agap na sagot ko pero mas lalo lang siyang nainis dahil sa sinagot ko. "Aba, pinagtatanggol mo pa siya? Erina, ako 'yong kaibigan mo rito," aniya at biglang napainom ng kape. Palihim na lang akong natawa at napailing dahil s
Parang biglang sumakit ang sentido ko dahil sa kakatalak ng landlady sa akin nitong apartment. Hindi ko alam kung pa'no niya nalaman ang nangyaring insidente, pero sa talas ng pandinig niya malalaman niya kaagad anumang oras. Wala pang alas otso dumating na siya rito para pagalitan ako. Para na 'kong nabibingi sa malakas niyang boses, pero wala naman akong karapatan na magreklamo kasi siya ang may-ari nito at kahit hindi naman sinasad'ya ang nangyari, may karapatan pa rin siyang magalit. "Hay naku na lang talaga! Ang mahal nitong materyales pero hindi man lang iningatan ng mabuti. Ano ka ba naman, Erina? Ba't 'di ka nag-iingat? Ano na lang ang ipapalit mo rito? Late ka na nga nagbabayad ng renta, pero sinira mo pa 'tong apartment ko," rinig kong pagtatalak nito. Napabuga na lang ako ng hangin at sabay na napahawak sa ulo ko. Ang aga-aga pero naii-stress na 'ko dahil sa kaniya. "Tsk! Ang aga naman ng sermon, lord," inis na sambit ko at sabay na ginulo ang buhok ko. Nandito ak
Napabuga ako ng hangin bago humarap sa kaniya. Hindi lang pala siya nag-iisa, kasama niya na si Kuya at ang girlfriend nito na nakatingin na sa'kin ngayon.I blankly looked at the three of them, but my brother's girlfriend, Rachel, smiled and hugged me unexpectedly. Hindi ko inaasahan na gagawin niya 'to since hindi naman kami gano'n ka close. If it's her way of trying to get close to me, well then, it's not effective on me.Ayoko na nagiging feeling close sa akin ang tao lalo na't kapag ayaw naman nito sakin para lang makuha ang loob ko."Hi, Erina... it's so nice to see you here. I heard from your brother that the coffee shop you work at is the one he booked for this event," nakangiting pagkakasabi ni Rachel, pero hindi ako natutuwa.Kailangan pa ba talagang sabihin? Right in front of my dad, who’s now seriously staring at me."Ah, yes... if I hadn’t forgotten, you probably wouldn’t be seeing me here right now," I said sarcastically and forced a smile at her. "Umm, aalis na 'ko... m
"Aalis ka na, Erina?"Agad akong lumingon nang marinig ko ang boses ni Louie. Nagbabalak na sana akong buksan ang pinto pero hindi ko na natuloy. "Uh... oo, madami kasi kaming orders na gagawin mula sa isang company event. Kaya napaaga ako gumayak," tugon ko sa kaniya, at humakbang siya papalapit sa akin. Bigla akong umatras, at umiwas ng tingin sa kaniya. Hindi sa kinakabahan ako, pero kasi baka may gawin na naman siya sa'kin na hindi ko inaasahan. Hindi sa nag-e-expect ako ng kiss mula sa kaniya—baka higit pa ro'n ang gawin niya. Assuming talaga ako, pero nag-iingat lang. "Hindi pa ako nakapagluto ng breakfast mo. I thought 8 am pa ang pasok mo kaya—" "A-Ayos lang, sa shop na 'ko kakain," putol ko sa kaniya, at maliit na ngumiti. "Umm, sige alis na 'ko. Magluto ka nalang nang kakainin mo. Mag-ingat ka rito," dugtong ko, at agad ng tumalikod. Pero hindi natuloy ang pagbukas ko ng pinto nang bigla akong may naisip. "Ikaw na ang bahala rito sa apartment. 'Yong kurtina pala nilabh
Nakahiga lang ako ngayon sa kama, pero napapatingin pa rin ako sa paligid ng kwarto ko. Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na magagawa 'to ni Louie.Hindi ko siya sinabihan kaninang umaga na pati kwarto ko ay linisan niya. Pero pati rin pala 'to ay sinama niya. Mas lalo tuloy akong nakaramdam ng hiya sa katawan. Lalaki pa talaga ang naglinis ng kwarto ko imbes na ako."Shucks! Nakakahiya talaga... pero magpapasalamat ba 'ko sa kaniya? Gosh, ano ang sasabihin ko?" sabi ko habang nakasabunot sa buhok ko.Naloloka na 'ko, parang ayoko nang lumabas ng kwarto.Hindi naman ako galit na pumasok siya rito nang hindi nagpapaalam sa'kin, sa halip mas nangibabaw ang hiya sa katawan ko dahil sa ginawa niya."Lord, ano ang gagawin ko? Tama ba 'tong ginawa ko? Huwag ka sanang magalit sa'kin, at sana huwag mo 'kong parusahan," usal ko habang nakatingin sa taas.My gosh! Pati si Lord kinakausap ko na dahil sa kabaliwan ko."Pero hindi ako titigil, tatapusin ko 'tong nasimulan 'ko," dugtong
Katatapos lang ng shift ko at nakaalis na 'ko sa resto. Kasalukuyan akong nasa supermarket—bumili lang nang kaunting groceries at stocks ng ulam. Tamang-tama na pinahiram ako ni Faye ng pera kaya nakabili ako, at sa wakas may kakainin na rin kami ni Louie this week.Speaking of him... kumusta na kaya siya sa apartment?Kailangan ko na talagang umuwi para malaman ko na kung ginawa niya ba ang inutos ko sa kaniya kaninang umaga."Oh, my gosh!"Napahinto ako sa paglalakad nang tumama ang cart ko sa cart ng isang babae na bigla na lang tumambad sa harapan ko. Napasinghap ako sa gulat dahil sa naging reaksyon niya. Pero napansin kong biglang sumama ang tingin niya sa akin.Oh, ba't siya pa 'tong galit? Siya 'tong bigla-bigla na lang sumusulpot."Are you blind? Hindi mo ba nakita na dumaan ako?" asik niya sa akin. Napatingin tuloy ang mga tao na nasa paligid namin dahil napalakas ang pagkakasabi niya.Nakaramdam na 'ko agad ng hiya dahil sa babaeng 'to. Mukhang magkasing-edad lang kami kaya
*ERINA ISABEL TUAZON POV Nagpakawala ako ng malalim na buntong hininga matapos kong suotin ang sapatos ko. Tumayo na rin ako at kinuha ang bag ko bago lumabas ng kwarto. I need to work harder now 'cause I no longer have a source for my daily needs. Nagdadalawang-isip ako sa naging desisyon ko kahapon. Ayoko sanang gawin 'yon pero kailangan lalo na't hindi lang ako ang magdudusa kundi pati na rin siya. It’s not that I want to ask him to leave, but the truth is hitting me hard—I can no longer afford to support his needs. May natitira pa namang pagmamalasakit sa puso ko pero wala na 'kong ibang choice kundi ang gawin ang sinabi ni Faye. Bahala na kung ano man ang mangyari, pero sana tama 'tong gagawin ko at sana hindi ko pagsisisihan. "Are you leaving, Erina? Kumain ka muna ng breakfast bago ka umalis," salubong sa'kin ni Louie nang palabas na 'ko ng apartment. Hindi ako nakasagot, sa halip nakatingin lang sa kaniya. Ngunit bigla na naman akong dinalaw ng aking konsensiya. Ju
*THIRD PERSON'S POVAng pagkawala ni Wayne ay naging usap-usapan na ng maraming tao. Naging laman na rin ito ng mga balita at kalat na sa lahat ng mga social media platforms sa bansa. Ngunit wala pa ring nakakaalam kung ano ang totoong nangyari sa kaniya at kung ano ang dahilan kung bakit siya nawawala. Pagkalipas ng isang linggo, nakarating ang balita sa tatay ni Wayne na si Mr. William Anderson. Nanggaling pa ito sa bansang Russia para sa isang business trip nang malaman nito ang balita na nawawala ang kaniyang panganay na anak. Nagpautos agad siya ng mga tao para hanapin ang anak ngunit hindi nito naisip na humingi ng tulong sa kapulisan. Para sa kaniya ay aksaya lamang ito sa oras ngunit ang pinakadahilan niya—hindi niya ito pinagkakatiwalaan. "Sir, wala pa rin po akong nakuhang update doon sa tao na inutusan niyo. Hanggang ngayon hindi niya pa rin nahahanap ang anak ninyo," malungkot na balita ng lalaking sekretarya nito. Nagpakawala ng malalim na buntong hininga si Mr. Willia
Napabuga ako ng malalim na buntong hininga bago ako nagdesisyon na katukin na ang pinto ng banyo kung saan naghihintay na si Louie sa akin sa loob magmula pa kanina. Agad itong bumukas at bumungad sa akin ang mukha niya, pero wala akong makitang emosyon sa mga mata niya. Hindi ko alam kung narinig niya ang napag-usapan namin ni Derick kanina pero sana hindi.I didn’t know what to say to him—we just looked at each other, but I was the first one to look away. Baka mabasa pa nito ang iniisip ko, at mag-aalala na naman siya sa'kin."A-Are you okay?" nag-aalangan na sambit niya nang makalabas na siya ng banyo. Hindi ako sumagot, sa halip maliit na ngiti ang isinagot ko sa kaniya bago marahang tumango."Umalis na ba siya?""Uhh, oo... may ibinalita lang siya sa'kin at nag-usap lang din kami saglit bago siya umalis."Naglalakad ako patungong kusina at nakasunod lang siya sa likuran ko. Pero alam kong nagtataka na 'yan sa kung sino ang lalaking dumating kanina at ano ang napag-usapan namin.N
Dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko nang maramdaman ko ang sinag ng araw na tumatama sa pisngi ko. Hindi ko alam kung anong oras na, pero sa tingin ko tanghali na. Ang sakit pa rin ng katawan ko, pero nawala na ang sakit ng ulo ko dahil siguro sa gamot na ininom ko kagabi, at dahil na rin sa mahabang pahinga.Nagdesisyon na 'kong bumangon—kailangan ko nang maghanda sa pagpasok sa trabaho kahit na ang bigat ng katawan ko. Hindi na 'ko p'wedeng umabsent kasi baka tuluyan na talaga akong mawalan ng trabaho."Ay anak ng—"Bigla kong natutop ang bibig ko dahil sa pagkagulat. Hindi ko inaasahan na makikita ko rito sa kwarto si Louie na nakahiga sa sahig, at mahimbing na natutulog.Ibig sabihin ba niyan, dito siya sa kwarto ko natulog??Jusko, ba't hindi ko man lang napansin?"Kahit tulog pero ang pogi pa rin," sabi ko sa aking isipan habang nakatingin sa kaniya. Pero biglang nanlaki ang mga mata ko nang mapansin kong unti-unti siyang nagigising, at heto ako ngayon hindi alam kung ano a
Katatapos lang nang trabaho ko sa resto at palabas na rin ako para makauwi na. Masakit ang ulo ko at parang lalagnatin din ako. Hindi ko alam kung bakit, pero sa tingin ko dahil sa mga mabibigat na ginawa ko kanina. Bukod kasi sa pagse-serve ng mga order, tumulong din ako sa pagbuhat ng mga supplies at stocks sa kitchen. Natuyuan din ako ng pawis at na ambunan ng ulan kanina, kaya ko siguro nararamdaman 'to. Kailangan ko talagang magpahinga mamaya kapag nakauwi na 'ko sa apartment. "Hello, Faye..." sabi ko nang sagutin ko ang tawag niya. Kasalukuyan akong naghihintay ng jeep na masasakyan pauwi. Gusto ko sanang maglakad na lang para maka-save sa pamasahe, pero hindi na kaya ng katawan ko ang maglakad. [Tinawagan ko na si Kuya Erick about dito sa binigay mo sa'kin kanina, pero ayaw niyang tanggapin. He wants you to be the one to return this to your dad] Napabuga ako ng hangin sabay na napahilot sa noo ko. Ang tinutukoy ni Faye ay tungkol do'n sa pera na binigay sa'kin ni Dad.