"Ano ba 'yan?! Bakit ang malas-malas ko today?" Paiyak ko ng sabi nang makalabas ako mula sa restaurant. At biglang sinipa ang nakita kong basurahan sa sobrang inis ko.
Nagulat ang mga taong nakakita sa ginawa ko pero wala na 'kong pakialam. Mabuti na nga lang na sa basurahan ko binuntong ang inis ko hindi sa kung sino. At kulang na nga lang maglupasay na naman ako rito sa daan katulad no'ng ginawa ko kanina. Kasi ba naman pinagalitan ako ng manager sa kadahilanang mali ang table na pinaghatiran ko ng pagkain. Inaway ako ng customer, at pinagalitan hanggang sa pinatawag nito ang manager ko. "Why is this the food you served us? We didn't order this, miss." Wika ng isang ginang ngunit pansin ko ang disappointment sa mga mata nito. Bigla akong kinabahan at agad napatingin sa listahan na hawak ko. At doon ko lang na realize na mali nga ang table na pinaghatiran ko ng pagkain. Table 8 'tong pinuntahan ko, at wala sa listahan nila ang mga pagkaing nasa lamesa. "I apologize, ma'am .. na mislook ko lang po 'ata ang mga nakasulat—" "Bago ka lang ba rito? Ngayon lang 'ata kita nakita," putol ng lalaki sa akin na sa tingin ko ay asawa nito. Sa sobrang kaba ko ay tanging pagtango na lang ang isinagot ko sa kaniya. Pero bigla siyang napangisi na mas lalong nagpakaba sa akin. "That's why .. just bring the manager here, please," seryosong sambit nito. At ayun na nga ang nangyari. After niyon, pinagalitan ako ng manager ko, at muntikan ng matanggal sa trabaho. Pero buti na lang napakiusapan ko ang manager ko kaya hindi natuloy ang pagtanggal sa akin. "Nakakabadtrip! Kainis! Nasiraan na nga ng bike, nabasa na ng ulan tapos napagalitan pa nang boss. Hay naku! Wala nang magandang nangyari sa'kin sa araw na 'to," naiinis na sambit ko habang naglalakad sa daan pauwi ng apartment. Kanina pa 'ko nagsasalita ng mag-isa simula no'ng umalis ako sa restaurant. Nagmumukha na 'kong baliw sa kalagayan ko ngayon, pero wala na talaga akong pakialam. Nababadtrip na 'ko magmula pa kaninang umaga. "Grr! Puro kamalasan na lang ang nangyari sa'kin!" Galit na sigaw ko ngunit nagdadabog habang naglalakad. Pinagtitinginan ako ng mga taong nakakasalubong ko, pero dahil sa badtrip ako ay sinamaan ko sila ng tingin. "Lord, anak mo naman ako, 'di ba? Bakit wala man lang magandang nangyari sa'kin ngayong araw? Sign na ba 'to para umuwi na 'ko sa'min?" Paiyak ko nang sabi habang nakatingin sa madilim na kalangitan. "No! Hindi p'wede! Never! Pagsubok mo lang sa'kin 'to, 'di ba? Kaya ko 'to, G! Fighting!" Pasigaw ko ng sabi at napabuntong hininga ng malalim. Ngayon pa ba 'ko susuko kung kailan kontento na 'ko sa buhay na meron ako? Na kung kailan masaya na 'ko? Hindi, kasi kaya ko 'to, at kakayanin ko! "OH, MY GOD!!" Malakas na sigaw ko ngunit gulat na gulat nang makita ko ang isang sasakyan na gumewang-gewang sa daan at biglang nahulog sa tulay. Mukhang nawalan ito ng preno! Hindi ako makaalis mula sa kinatatayuan ko sa sobrang gulat at matinding kaba. Nakatakip pa rin ang dalawang kamay ko sa bibig ko, at gulat na gulat na nakatingin sa direksyon kung saan nahulog 'yong sasakyan. "Oh, my God! Oh, my God! Ano'ng nangyari? Anong gagawin ko?" Kinakabahan na sambit ko habang pabalik-balik ng lakad. Walang ibang tao rito, at tanging ako lang ang nakakita sa nangyaring aksidente. Wala ring dumaang sasakyan no'ng nangyari 'yon. Bakit kasi dito pa 'ko dumaan sa tulay na 'to?! Jusko! Ano ang gagawin ko? Baka madamay ako rito! Ayokong makulong! "Ba't makukulong? Eh, wala naman akong ginawang masama?" Sabi ko sa sarili at humakbang na ulit paalis. Pero bigla akong dinalaw ng aking konsensya kaya bigla akong napasigaw sa sobrang inis. Lord, bakit na naman ako? Bakit na naman sa'kin nangyari 'to? "Okay! Erina, kalma .. kalma ka lang. Tutulungan mo lang siya, then p'wede ka nang umalis. Okay!" Sabi ko sa sarili at tumakbo na patungo sa paroroonan nung sasakyan. "Ba't kasi naiwan ko pa ang cellphone ko sa shop?" Natatarantang sabi ko habang nakatingin sa ilalim ng tulay. Hindi ito gaanong kataas kaya sigurado ako na kaya ko itong talunin at sagipin ang driver no'ng sasakyan. Marunong akong lumangoy pero langya natatakot ako! Kasi baka ako naman 'tong mapahamak. "Kaya mo 'to, Erina!" At nagdesisyon na 'kong tumalon sa tulay after kong bumuntong hininga ng malalim. Jusko, ang lalim pala ng ilog! Hindi pa gaanong lumulubog ang sasakyan, pero nahimatay ang lalaking nakita ko sa loob. Nahirapan akong buksan ang pinto kasi paunti-unti nang lumulubog ang sasakyan, at malapit na rin akong maubusan ng hininga. Ngunit buong p'wersa kong binasag ang salamin hanggang sa nabuksan ko na ang pinto, at tinulungang makaalis ang walang malay na lalaki. Habol ang aking hininga nang makaalis na kaming dalawa mula sa ilog. Napaubo ako ng malakas dahil sa tubig na aksidenteng nainom ko. Pero agad ko ng binalingan ng atensiyon ang binata dahil wala pa rin itong malay at hindi siya humihinga. "Please, gumising ka .." kinakabahan na sabi ko habang ginagawa ang chest compressions. "Tulong!" Malakas na sigaw ko pero walang dumating na tao. Tsk! Bakit kasi wala man lang dumaan? "Tsk! Bahala na." May iniisip akong ibang paraan, 'yon ay ang e-CPR siya. Nagdadalawang-isip ako lalo na't hindi kami magkakilala at baka magalit siya sa oras na malaman niya ang ginawa ko. Pero wala na 'kong ibang choice, kailangan ko na siyang iligtas! "Oh, my God! Thank you, lord!" Gulat na sambit ko nang magsimula na siyang huminga at unti-unting nagising. Kaya dahan-dahan ko siyang inangat at pinahiga sa braso ko. Hindi siya nagulat nang makita ako. Nakatingin lang siya sa akin na parang hindi niya alam kung ano ang nangyari sa kaniya. "Kailangan na kitang dalhin sa ospital," sabi ko at agad na siyang hinawakan sa braso. Pero pinigilan niya ang kamay ko, at napatingin siya sa paligid. "W-What happened? Where am I? W-Who are you?" Naguguluhan na sambit niya bago tumingin sa akin. Ngunit bigla siyang napahawak sa noo niya at napadaing ng malakas. At saka ko lang nakita na dumudugo pala ang noo niya. "N-Naaksidente ka .. nahulog ang sasakyan mo sa tulay. Tara na, kailangan na kitang dalhin sa ospital," nag-aalangan na sambit ko at inalalayan na siyang makatayo. "D-Do you know who I am?" Biglang sabi niya nang makarating na kami sa itaas ng tulay. Pero nagulat at nagtataka ako dahil sa sinabi niya. "I-I don't remember my name .." Diyos ko, ano 'tong pinasok ko?I shouldn’t have lied to her, now she thinks my dad kidnapped her and killed her mother. But I can’t tell her that my dad is the one looking for her because it would just ruin all my plans. Dad is looking for her because of me, not because of her father.That was all a lie.The situation suddenly got complicated, and now she plans to have him imprisoned.Fuck! What should I do?Lumabas ako sa kwarto niya at nagtungo sa labas ng apartment. Parang hindi ako makahinga sa loob dahil sa mga sinabi ni Erina. Now I can feel the fear—fear that she might discover the truth, and everything I've done to hide the real me.I took the cellphone from the pocket of my shorts and immediately dialed Deo’s number. But my hands were trembling, and I didn’t know why. I had never felt this kind of feeling before, not once in my entire life.[Hello, boss, ba't kayo napatawag? Nagkaproblema ba d'yan?]“Nothing happened, I just have something I need you to do,” I replied, stepping back a little in case Erina
Nakatulala ako habang nakatitig sa litrato ng nanay ko na nakalagay sa ibabaw ng study table. Kanina ko pa ito ginagawa simula nang makauwi ako sa apartment galing sa trabaho. Hindi ko rin naiwasang mapaluha habang nakatingin dito.I miss my mom so much. Hanggang ngayon, sarili ko pa rin ang sinisisi ko kahit alam ko na kung sino ang dahilan ng pagkawala niya sa amin, sa buhay ko. Kung hindi niya ako niligtas, sana hanggang ngayon kasama ko pa siya, at sana hindi ako ang sinisisi ni Dad sa pagkamatay niya."I miss you, Mom," hikbi kong sambit habang patuloy na umaagos ang luha sa pisngi ko. Parang bawat patak nito'y nagpapaalala sa akin ng bigat ng pagkawala niya sa buhay ko.Tuluyan na akong napahiga at napayakap sa unan, saka napahagulgol nang sariwa na namang bumalik sa isip ko ang araw na binaril siya sa mismong harapan ko.That was the most painful thing that happened in my life—the moment I witnessed my mother’s death."Erina..."Bumaling ang tingin ko sa direksyon ng pinto nang
Ilang segundo muna ang lumipas bago sinagot ni Dad ang tanong ko. "Yes, I know him very well," he said seriously, which left me speechless.He knows, but why didn’t he tell me when I was old enough to know this?"But you don’t need to know who that is anymore," Dad added, then looked away from me."B-Bakit po? Karapatan ko rin naman po 'atang malaman kung sino po 'yon," puno ng hinanakit na sambit ko, dahilan para mag-angat siya ng tingin sa akin."Even when I was still a child, I already managed to blame myself for Mom’s death. You blamed me too, Dad, even though I never wanted that to happen," dugtong ko, ngunit tuluyan ng bumuhos ang mga luha ko. "Kaya karapatan ko rin naman sigurong malaman kung sino ang taong naging dahilan ng lahat para mangyari 'yon sa akin."Hindi nakasagot si Dad, nanatili siyang tahimik habang nakatingin sa akin. Pero bigla siyang yumuko at napabuntong hininga ng malalim."It was my best friend..." pag-amin nito, bago nag-angat ng tingin sa akin. At doon ko
"Ugh, kaloka," sabi ko, sabay buntong hininga ng malalim. Naii-stress ako dahil sa nalaman ko kanina. Naguguluhan ako, na nalilito dahil doon. Hindi pa rin ako makapaniwala na mangyayari ang bagay na iyon, lalo na't nasa isang lugar ito kung saan ligtas at protektado, kung saan ang pangyayaring 'yon ay malabong mangyari. Paano mangyayari ang pagpatay sa kaniya kung may mga pulis namang nakabantay sa paligid, or else nando'n lang din sa loob ng presinto ang pumatay sa kaniya? "Erina, ayos ka lang ba?" Kaagad kong hininto ang ginagawa kong pagpunas sa mesa nang marinig ko ang boses ni Lean. Nasa tabi ko na pala siya, pero hindi ko man lang napansin dahil sa iniisip ko. "Uhh, oo ayos lang naman ako. Bakit mo natanong?" tugon ko, bahagyang ngumiti sa kaniya. "Wala naman, napansin ko kasi na kanina ka pa tulala d'yan. Tapos ilang beses mo na ring pinunasan 'yang mesa," aniya, dahilan para mapatingin ako sa tinutukoy niya. Tama nga siya—malapit ng magmukhang crystal ang mesa da
"Umm.. Louie," tawag ko sa kaniya nang makalabas na ako ng kwarto.Kasalukuyan siyang nasa kusina, naghuhugas ng mga pinanggamitan niya sa pagluluto. Pero kaagad naman siyang lumingon sa akin no'ng narinig niya na ang boses ko."Aalis ka na ba?" tanong niya, at tumango na lamang ako bilang sagot. "I've prepared your lunch. Here, finish that."Kaagad ko namang tinanggap ang inabot niya sa akin, at nilagay sa loob ng bag ko. Pero hindi ko magawang tumingin sa kaniya ng diretso nang dahil sa nangyari kagabi.Nahihiya pa rin ako hanggang ngayon, at hindi ko pa rin siya makausap ng maayos. Pero samantalang siya, kinakausap ako na parang nakalimutan niya ang nangyari kagabi, na parang wala siyang ginawa sa akin na hindi ko inaasahan."S-Salamat dito. Sige, alis na 'ko. Mag-ingat ka rito," halos pautal ko nang sabi, at kaagad na siyang tinalikuran.Hindi ko na hinintay na makasagot siya, pero bigla akong napahinto nang tawagin niya 'ko."Erina..."Hindi ko siya nilingon, nakatingin lang ako
Wala akong ideya kung bakit niya 'ko hinalikan. Wala namang rason para gawin niya sa akin 'yon.Ilang beses niya na 'kong hinalikan, pero ito ang mas hindi ko inaasahan. Halik na parang puno ng pagmamahal, halik na kailanman hindi ko makakalimutan.Hindi ko siya nagawang itulak, hinayaan ko siyang halikan ako kahit na tutol ang utak ko sa ginawa niya. I returned his kisses with the same feelings and the same intensity. Hindi ko alam kung ano ang dahilan ko para tumugon sa halik niya—kung gusto ko na ba siya o dahil sa reaksyon lang ito ng katawan ko?Bigla siyang huminto sa paghalik sa akin at unti-unti nilayo ang mukha niya, pero napatitig ang mga mata niya sa labi ko bago nag-angat ng tingin sa akin."Ano'ng ginawa ko? I-I'm sorry, Erina. Fuck! I'm such an idiot," aniya, na parang hindi alam kung ano ang ginawa.Bigla siyang umatras at umiwas ng tingin sa akin na ipinagtaka ko. Hindi ako nakapagsalita dahil sa sinabi niya. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin dahil hindi ko rin alam