"Maupo ka muna .." sabi ko at dahan-dahan siyang pinaupo sa maliit na sofa.
Agad akong napabuga ng hangin nang makaupo na siya, pero hindi ko iyon ipinahalata sa kaniya. Matangkad siya, malaking tao, at may kakisigan, malayong-malayo sa katawan ko. Kaya parang nagbuhat ako ng isang sako ng bigas dahil sa bigat niya. Hindi naman ako nagrereklamo sad'yang napagod lang ako sa pag-alalay sa kaniya papunta rito sa apartment ko. Yes, sa apartment ko, kasi ayaw niyang dalhin ko siya sa ospital. Nagpumilit ako lalo na may sugat ang noo niya, at kailangang magamot ng doktor. Kaso nagpumilit siya na huwag na, at dalhin ko na lang daw siya sa place ko kaya hindi na 'ko nakatanggi. Alangan naman pabayaan ko siya, edi ako 'yong masisisi kapag may nangyaring masama sa kaniya ro'n. "Kukunin ko lang ang first-aid kit ko," paalam ko sa kaniya at agad ng nagtungo sa kwarto ko. "Tss, bakit kasi dito mo pa siya dinala, Erina?" Naiinis na sabi ko sa sarili. Kinakausap ko na naman ang sarili ko dahil sa inis na nararamdaman ko. Bakit kasi sa dinami-rami ng tao sa mundo, ako pa ang nakakita no'ng nangyaring aksidente kanina? "Aray ko po!" Biglang daing ko nang mag-inat ako ng braso. Nangalay kasi dahil siguro sa pagbuhat ko sa kaniya kanina. Wrong timing ba naman kasi dahil walang dumaan na jeep o taxi roon kaya nawalan na 'ko ng choice kundi ang alalayan na lang siya papunta rito dahil baka kung ano pa ang mangyari sa kaniya kapag 'di ko nagamot agad ang sugat sa noo niya. "Sorry natagalan, hinanap ko pa kasi," paumanhin ko nang muli na 'kong makaupo sa tabi niya. Pero hindi siya sumagot, at pansin ko na parang nag-iisip siya. "Okay ka lang? May iba pa bang masakit sa katawan mo?" Tanong ko ngunit may bahid na ng pag-alala. Hindi pa rin kasi siya nagsasalita, at tahimik lang siyang nag-iisip. Siguro inaalala niya kung ano ang puno't dulo ng lahat bago pa man naganap 'yong aksidente. "I really can't remember who I am. The only thing I can recall is that the brakes failed, and the car crashed into the bridge," aniya bago ako binalingan ng tingin. Hindi ako nakasagot sa halip bigla akong napatitig sa mukha niya. Jusko, ang gwapo pala niya! Bakit ngayon ko lang napansin?! "H-Huwag mo na lang munang pilitin baka makasama lang sa 'yo 'yan," tugon ko, at biglang umiwas ng tingin sa kaniya. Bakit 'yon pa ang inuna kong isipin at hindi ang gamutin na ang noo niya? Tss, hindi lang naman siya ang gwapo sa paningin ko, pero ang unique ng mukha niya. Starting with his not-so-thick eyebrows, well-defined brown eyes, a perfectly shaped nose, down to his reddish and perfect lips, sharp jawline, and clear skin. He has symmetrical features. Ang perfect niya, men! "Um, sigurado ka bang hindi na kita kailangang dalhin sa ospital? Baka may iba ka pang nararamdaman bukod dito sa sugat mo," sabi ko habang ginagamot ang noo niya. Tapos ko ng linisan ang sugat at ngayon nilalagyan ko na ito ng betadine. Mabuti na lang hindi ito malalim, at kaya kong gamutin. Kasi kung malalim, isusugod ko talaga siya sa ospital kahit ayaw pa niya. "I'm fine, m-masakit lang ang katawan ko, but I can handle it," tugon niya ngunit parang nahihirapan magsalita. Halatang masakit nga ang katawan niya, mahina kasi siyang napapadaing pero napapansin ko pa rin ito. Pero kahit ano pang reaksyon ang ipakita niya, ang gwapo pa rin niya. Sa totoo lang hindi ako maka-concentrate sa paggamot sa kaniya kasi hindi ko talaga mapigilan na mapatitig sa mukha niya. Ewan ko lang kung napapansin niya, pero sana hindi kasi nakakahiya. Baka isipin niya na pinagnanasaan ko siya. "Okay, sige, pero magsabi ka sa'kin kapag hindi mo na talaga kaya. After nito, hahayaan na muna kitang magpahinga at tatawagan ko ang pamilya mo para malaman nila na nandito ka. Baka kasi hinahanap ka na nila—" "I lost my phone," putol niya sa akin na ikinagulat ko. "And I can't remember if I have a family," dugtong niya dahilan para bigla kong bitawan ang hawak kong bulak. Pa'no na 'to ngayon? Ano ang gagawin ko? *WAYNE LOUIE ANDERSON POV It was obvious that she was shocked by what I said, but I had to say it so she wouldn't make me leave. I will pretend that I lost my memory so she'll let me stay here. She looks kind, so I'm sure she'll feel sorry for me and allow me to stay. "Pa'no na 'yan? Ano'ng gagawin ko?" She said it softly, but it seemed problematic. I was just looking at her, but I let out a deep sigh because of the situation. When I had the accident earlier, I thought it was the end for me, but it wasn’t. I thought no one would help me, but I later found out that someone did save me, and it was a woman. I couldn’t believe it, but I’m still thankful to her because she helped me from drowning and, most especially, from death. "Nand'yan ba ang wallet mo? I just want to check if may ID ka para malaman ko kung sino ka," she said, and I immediately checked my pocket, but my wallet wasn’t here. I think it’s in my coat that I left in the car. But I’m thankful it’s not here because I don’t want her to know who I am. I don’t want her to know because I don’t want to ruin what I’m planning. "Wala rin? Ano na ngayon ang gagawin natin? Um, gusto mo bang dalhin na lang kita sa presinto para ma-report ang nangyari sa 'yo?" "No! .." She gasped at what I said, but then she suddenly became curious because of it. "I-I mean, you don't have to. Maybe my memories will come back. Just let me stay here." I suddenly said it so she wouldn't get suspicious. I don’t want her to think that I’m a bad person, so I’ll do everything I can to make sure she doesn’t suspect me. "Can I stay here until my memory comes back?" I said it sadly while staring into her eyes. "Okay, hanggang sa bumalik ang mga ala-ala mo," she replied and let out a small smile. I forced a smile at her, but deep inside, I was freaking happy because my plan worked. "Um, can I know your name?" "Erina .. 'yon ang pangalan ko. P-Pero ano ang itatawag ko sa 'yo kung hindi mo naman maalala ang pangalan mo?" F*ck! I cursed under my breath because I didn’t think about that. "I-I don't know, could you think of a name for me?" I asked, and she immediately started thinking of a name for me. "Uh, Louie? P'wede na ba 'yon?" "Sure, that's a nice name." When luck is on my side, she happened to think of a name that matches my second name. "Thank you, Erina, thank you for saving me and letting me stay here," I sincerely said and smiled at her. Because of what happened earlier, I know there’s someone behind it. I know someone planned to kill me. So what I thought of doing was to keep my true identity from her, lived as someone else while staying with her, hide and figure out who was behind the accident. My car wasn’t damaged, and I’m sure someone sabotaged it. I won’t let that slide. They will pay for what they did.I shouldn’t have lied to her, now she thinks my dad kidnapped her and killed her mother. But I can’t tell her that my dad is the one looking for her because it would just ruin all my plans. Dad is looking for her because of me, not because of her father.That was all a lie.The situation suddenly got complicated, and now she plans to have him imprisoned.Fuck! What should I do?Lumabas ako sa kwarto niya at nagtungo sa labas ng apartment. Parang hindi ako makahinga sa loob dahil sa mga sinabi ni Erina. Now I can feel the fear—fear that she might discover the truth, and everything I've done to hide the real me.I took the cellphone from the pocket of my shorts and immediately dialed Deo’s number. But my hands were trembling, and I didn’t know why. I had never felt this kind of feeling before, not once in my entire life.[Hello, boss, ba't kayo napatawag? Nagkaproblema ba d'yan?]“Nothing happened, I just have something I need you to do,” I replied, stepping back a little in case Erina
Nakatulala ako habang nakatitig sa litrato ng nanay ko na nakalagay sa ibabaw ng study table. Kanina ko pa ito ginagawa simula nang makauwi ako sa apartment galing sa trabaho. Hindi ko rin naiwasang mapaluha habang nakatingin dito.I miss my mom so much. Hanggang ngayon, sarili ko pa rin ang sinisisi ko kahit alam ko na kung sino ang dahilan ng pagkawala niya sa amin, sa buhay ko. Kung hindi niya ako niligtas, sana hanggang ngayon kasama ko pa siya, at sana hindi ako ang sinisisi ni Dad sa pagkamatay niya."I miss you, Mom," hikbi kong sambit habang patuloy na umaagos ang luha sa pisngi ko. Parang bawat patak nito'y nagpapaalala sa akin ng bigat ng pagkawala niya sa buhay ko.Tuluyan na akong napahiga at napayakap sa unan, saka napahagulgol nang sariwa na namang bumalik sa isip ko ang araw na binaril siya sa mismong harapan ko.That was the most painful thing that happened in my life—the moment I witnessed my mother’s death."Erina..."Bumaling ang tingin ko sa direksyon ng pinto nang
Ilang segundo muna ang lumipas bago sinagot ni Dad ang tanong ko. "Yes, I know him very well," he said seriously, which left me speechless.He knows, but why didn’t he tell me when I was old enough to know this?"But you don’t need to know who that is anymore," Dad added, then looked away from me."B-Bakit po? Karapatan ko rin naman po 'atang malaman kung sino po 'yon," puno ng hinanakit na sambit ko, dahilan para mag-angat siya ng tingin sa akin."Even when I was still a child, I already managed to blame myself for Mom’s death. You blamed me too, Dad, even though I never wanted that to happen," dugtong ko, ngunit tuluyan ng bumuhos ang mga luha ko. "Kaya karapatan ko rin naman sigurong malaman kung sino ang taong naging dahilan ng lahat para mangyari 'yon sa akin."Hindi nakasagot si Dad, nanatili siyang tahimik habang nakatingin sa akin. Pero bigla siyang yumuko at napabuntong hininga ng malalim."It was my best friend..." pag-amin nito, bago nag-angat ng tingin sa akin. At doon ko
"Ugh, kaloka," sabi ko, sabay buntong hininga ng malalim. Naii-stress ako dahil sa nalaman ko kanina. Naguguluhan ako, na nalilito dahil doon. Hindi pa rin ako makapaniwala na mangyayari ang bagay na iyon, lalo na't nasa isang lugar ito kung saan ligtas at protektado, kung saan ang pangyayaring 'yon ay malabong mangyari. Paano mangyayari ang pagpatay sa kaniya kung may mga pulis namang nakabantay sa paligid, or else nando'n lang din sa loob ng presinto ang pumatay sa kaniya? "Erina, ayos ka lang ba?" Kaagad kong hininto ang ginagawa kong pagpunas sa mesa nang marinig ko ang boses ni Lean. Nasa tabi ko na pala siya, pero hindi ko man lang napansin dahil sa iniisip ko. "Uhh, oo ayos lang naman ako. Bakit mo natanong?" tugon ko, bahagyang ngumiti sa kaniya. "Wala naman, napansin ko kasi na kanina ka pa tulala d'yan. Tapos ilang beses mo na ring pinunasan 'yang mesa," aniya, dahilan para mapatingin ako sa tinutukoy niya. Tama nga siya—malapit ng magmukhang crystal ang mesa da
"Umm.. Louie," tawag ko sa kaniya nang makalabas na ako ng kwarto.Kasalukuyan siyang nasa kusina, naghuhugas ng mga pinanggamitan niya sa pagluluto. Pero kaagad naman siyang lumingon sa akin no'ng narinig niya na ang boses ko."Aalis ka na ba?" tanong niya, at tumango na lamang ako bilang sagot. "I've prepared your lunch. Here, finish that."Kaagad ko namang tinanggap ang inabot niya sa akin, at nilagay sa loob ng bag ko. Pero hindi ko magawang tumingin sa kaniya ng diretso nang dahil sa nangyari kagabi.Nahihiya pa rin ako hanggang ngayon, at hindi ko pa rin siya makausap ng maayos. Pero samantalang siya, kinakausap ako na parang nakalimutan niya ang nangyari kagabi, na parang wala siyang ginawa sa akin na hindi ko inaasahan."S-Salamat dito. Sige, alis na 'ko. Mag-ingat ka rito," halos pautal ko nang sabi, at kaagad na siyang tinalikuran.Hindi ko na hinintay na makasagot siya, pero bigla akong napahinto nang tawagin niya 'ko."Erina..."Hindi ko siya nilingon, nakatingin lang ako
Wala akong ideya kung bakit niya 'ko hinalikan. Wala namang rason para gawin niya sa akin 'yon.Ilang beses niya na 'kong hinalikan, pero ito ang mas hindi ko inaasahan. Halik na parang puno ng pagmamahal, halik na kailanman hindi ko makakalimutan.Hindi ko siya nagawang itulak, hinayaan ko siyang halikan ako kahit na tutol ang utak ko sa ginawa niya. I returned his kisses with the same feelings and the same intensity. Hindi ko alam kung ano ang dahilan ko para tumugon sa halik niya—kung gusto ko na ba siya o dahil sa reaksyon lang ito ng katawan ko?Bigla siyang huminto sa paghalik sa akin at unti-unti nilayo ang mukha niya, pero napatitig ang mga mata niya sa labi ko bago nag-angat ng tingin sa akin."Ano'ng ginawa ko? I-I'm sorry, Erina. Fuck! I'm such an idiot," aniya, na parang hindi alam kung ano ang ginawa.Bigla siyang umatras at umiwas ng tingin sa akin na ipinagtaka ko. Hindi ako nakapagsalita dahil sa sinabi niya. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin dahil hindi ko rin alam