Wala ni isa sa amin ang nagtangkang magsalita. Hindi ako nakatingin sa kaniya, pero sigurado akong nakatingin siya sa akin ngayon.
Ayoko sana siyang kausapin kaso pinagpaalam niya 'ko kay boss Yuki kaya wala na rin akong nagawa kundi ang umalis sa counter at puntahan siya. Pero hanggang ngayon hindi pa rin kami nagpapansinan at hindi pa siya nagsisimula magsalita. Asa naman na kakausapin ko siya. Over my dead body! Pero napatingin ako sa kaniya nang may nilagay siya sa harapan ko. Isang sobre, at alam ko namang pera ang laman niyan. "Take it, it will help with your daily expenses." Aniya at bigla na lang sumama ang timpla ng mukha ko. Last week ito rin ang ginawa niya. Inabutan ako ng pera, pero hindi ko tinanggap. Walang kadala-dala itong si kuya. Alam niya naman na hindi ko tatanggapin at wala siyang mahihita sa akin, pero panay punta pa rito at bigay sa'kin ng pera. "Paulit-ulit na lang tayo, kuya. Hindi ka ba napapagod?" Naiinis na sambit ko, at napahalukipkip sa kaniya. "No, I'm not." "Then why?" "Cause you're my sister!" Sister my ass! Bigla na lang akong napangisi dahil sa sinabi niya. After all these years, ngayon niya lang 'yan sinabi. "Kapatid pa pala ang turing mo sa'kin?" Dismayadong tanong ko at bigla na lang natawa. "What do you expect? That just because you left the house, I won't consider you my sister anymore?" Tugon niya ngunit malungkot na nakatingin sa akin. "Erina, kailanman hindi ko inisip na talikuran ka. I'm always on your side, and I've always got your back. You're the one who left me hanging. Bigla kang umalis sa bahay without any explanation, without even telling me where you were going. I was looking for you everywhere, even though Dad was stopping me from doing it," dugtong niya na nagpaiyak sa akin. Pinigilan ko na bumuhos ang mga luha ko, pero hindi ko na kinaya nang makita kong umiyak si kuya. Isa 'yan sa mga kahinaan ko, ang makita siyang umiiyak. Pero galit pa rin ako sa kaniya, at hindi na 'yon magbabago. "But why, during the time I needed you most, weren't you there? Kailangan ko ng kakampi no'n, kuya. Kailangan ko ng kapatid na ipaglalaban ako mula kay Dad, pero wala ka sa tabi ko. You're the one who left me hanging kasi naaabot mo na ang mga pangarap mo! Nakukuha mo na lahat ng gusto mo kaya nawawalan ka na ng paki sa'kin!" Galit na sambit ko at marahas na pinunasan ang mga luha sa pisngi ko. Hindi siya nakasagot, nakatingin lang siya sa akin ngunit patuloy pa rin ang pag-agos ng mga luha sa pisngi niya. Pinagtitinginan na kami ng ibang mga customers, pero hindi ko na lamang ito pinansin. Bahala na kung ano ang isipin nila. Ang gusto ko lang ay makaalis na siya rito at lubayan niya na 'ko. "That’s the day I’ve regretted the most because I wasn’t there when you needed me. I came home that day, but you were already gone. I looked for you immediately, but I couldn't find you," malungkot na sambit niya, at agad na 'kong umiwas ng tingin sa kaniya. Ayoko na siyang tingnan, at mas lalo ng ayoko na siyang makita. Kahit magpaliwanag pa siya sa'kin, hindi na magbabago na iniwan at kinalimutan niya 'ko. "I wanted to apologize to you. I’m sorry if I failed to be a brother to you during those times. But please, come back home. Come with me. You’ve been away from us for six years—" "But for 18 years, I've been treated like I’m not even our father’s child!" I cut him off in a way that shocked him. Napasigaw na 'ko sa sobrang galit at pagtitimpi ko. Hindi lang siya ang nagulat kundi pati na rin ang mga tao rito sa shop, pero wala na 'kong pakialam. "Ayoko nang umuwi sa pamamahay na 'yon, kuya. Ayoko nang makasama si Dad! Ayoko nang makasama ang isang tao na puro pagkakamali ko na lang ang nakikita niya. Ayoko na, kuya, pagod na 'kong makasama siya," mahinahon na sambit ko ngunit ramdam ko pa rin ang galit sa katawan ko. "If Mom were still alive, she wouldn't like that you're not home, that we're not together," aniya at malungkot na tumingin sa akin. "If Mom were still alive, she would be happy with what I did and her heart would be at peace. She wouldn't stop me, but she would let me," pagtatama ko sa kaniya at agad ng tumayo. "Huwag ka ng bumalik dito, baka tuluyan na kitang kalimutan bilang kapatid ko," matigas na sambit ko at agad na ring umalis. Hindi ako dumiretso sa counter, sa halip pumunta ako ng restroom para doon umiyak. Ito na ang huling beses na iiyak ako. Kung iiyak man pero hindi nang dahil sa pamilya ko. "Okay ka lang, Erina?" Tanong ni Lean nang makabalik ako sa working area. Tumango na lamang ako bilang sagot at muli ng sinuot ang apron ko. "Mas'yadong mabigat ang pinag-usapan niyo nang kuya mo. Sure ka, na okay ka lang?" "Oo naman, wala na sa'kin 'yon." Napatingin ako sa inupuan namin ni kuya kanina. Mabuti na lang umalis na siya dahil baka ako na ang kusang magpaalis sa kaniya rito. "Iyong Derick pala, kaaalis lang din. Pero may sinabi siya bago umalis. Kapag may kailangan ka raw, pumunta ka lang sa condo niya." Muntikan ko pang matampal ang noo ko. Ba't ko biglang nakalimutan na nandito nga pala kanina si Derick? Nakakahiya, hindi man lang ako nakapagpaalam sa kaniya bago siya umalis. "Ako na rito, 'di ba may work ka pa?" Aniya na ikinagulat ko. "Shucks! Muntikan ko pang makalimutan. Mabuti na lang pina-remind mo sa'kin," sabi ko sabay na tumingin sa relo ko. Malapit na palang mag-alas dose, at 1 pm ang shift ko. Kaya umalis na 'ko sa counter at nagtungo sa locker's area para makapagpalit na ng damit. Nagtatrabaho ako bilang waitress sa isang restaurant na malapit mula rito sa shop. Nalaman ni Faye na may job hiring sila kaya nag-apply ako agad kahit na below ako sa standards nila. Pero dahil na rin sa may experience na 'ko pagdating do'n kaya isa ako sa mga tinanggap at nakapasa. Nakakapagod man na dala-dalawa ang trabaho ko pero kailangan lalo na't namumuhay ako ng mag-isa at may binabayaran pa 'kong apartment hanggang ngayon. Hindi naman ako nagsisisi na umalis ako sa bahay namin, natuwa pa nga 'ko kasi kahit papa'no may natutunan ako tungkol sa buhay. "Alis na 'ko, Lean. Nakapagpaalam na ako kay boss Yuki." At lumabas na 'ko ng shop matapos kong magpaalam sa kaniya. Agad ko na ring kinuha ang bike ko, pero langya! Sira pala 'to. Bakit ang malas ko ngayong araw?!I shouldn’t have lied to her, now she thinks my dad kidnapped her and killed her mother. But I can’t tell her that my dad is the one looking for her because it would just ruin all my plans. Dad is looking for her because of me, not because of her father.That was all a lie.The situation suddenly got complicated, and now she plans to have him imprisoned.Fuck! What should I do?Lumabas ako sa kwarto niya at nagtungo sa labas ng apartment. Parang hindi ako makahinga sa loob dahil sa mga sinabi ni Erina. Now I can feel the fear—fear that she might discover the truth, and everything I've done to hide the real me.I took the cellphone from the pocket of my shorts and immediately dialed Deo’s number. But my hands were trembling, and I didn’t know why. I had never felt this kind of feeling before, not once in my entire life.[Hello, boss, ba't kayo napatawag? Nagkaproblema ba d'yan?]“Nothing happened, I just have something I need you to do,” I replied, stepping back a little in case Erina
Nakatulala ako habang nakatitig sa litrato ng nanay ko na nakalagay sa ibabaw ng study table. Kanina ko pa ito ginagawa simula nang makauwi ako sa apartment galing sa trabaho. Hindi ko rin naiwasang mapaluha habang nakatingin dito.I miss my mom so much. Hanggang ngayon, sarili ko pa rin ang sinisisi ko kahit alam ko na kung sino ang dahilan ng pagkawala niya sa amin, sa buhay ko. Kung hindi niya ako niligtas, sana hanggang ngayon kasama ko pa siya, at sana hindi ako ang sinisisi ni Dad sa pagkamatay niya."I miss you, Mom," hikbi kong sambit habang patuloy na umaagos ang luha sa pisngi ko. Parang bawat patak nito'y nagpapaalala sa akin ng bigat ng pagkawala niya sa buhay ko.Tuluyan na akong napahiga at napayakap sa unan, saka napahagulgol nang sariwa na namang bumalik sa isip ko ang araw na binaril siya sa mismong harapan ko.That was the most painful thing that happened in my life—the moment I witnessed my mother’s death."Erina..."Bumaling ang tingin ko sa direksyon ng pinto nang
Ilang segundo muna ang lumipas bago sinagot ni Dad ang tanong ko. "Yes, I know him very well," he said seriously, which left me speechless.He knows, but why didn’t he tell me when I was old enough to know this?"But you don’t need to know who that is anymore," Dad added, then looked away from me."B-Bakit po? Karapatan ko rin naman po 'atang malaman kung sino po 'yon," puno ng hinanakit na sambit ko, dahilan para mag-angat siya ng tingin sa akin."Even when I was still a child, I already managed to blame myself for Mom’s death. You blamed me too, Dad, even though I never wanted that to happen," dugtong ko, ngunit tuluyan ng bumuhos ang mga luha ko. "Kaya karapatan ko rin naman sigurong malaman kung sino ang taong naging dahilan ng lahat para mangyari 'yon sa akin."Hindi nakasagot si Dad, nanatili siyang tahimik habang nakatingin sa akin. Pero bigla siyang yumuko at napabuntong hininga ng malalim."It was my best friend..." pag-amin nito, bago nag-angat ng tingin sa akin. At doon ko
"Ugh, kaloka," sabi ko, sabay buntong hininga ng malalim. Naii-stress ako dahil sa nalaman ko kanina. Naguguluhan ako, na nalilito dahil doon. Hindi pa rin ako makapaniwala na mangyayari ang bagay na iyon, lalo na't nasa isang lugar ito kung saan ligtas at protektado, kung saan ang pangyayaring 'yon ay malabong mangyari. Paano mangyayari ang pagpatay sa kaniya kung may mga pulis namang nakabantay sa paligid, or else nando'n lang din sa loob ng presinto ang pumatay sa kaniya? "Erina, ayos ka lang ba?" Kaagad kong hininto ang ginagawa kong pagpunas sa mesa nang marinig ko ang boses ni Lean. Nasa tabi ko na pala siya, pero hindi ko man lang napansin dahil sa iniisip ko. "Uhh, oo ayos lang naman ako. Bakit mo natanong?" tugon ko, bahagyang ngumiti sa kaniya. "Wala naman, napansin ko kasi na kanina ka pa tulala d'yan. Tapos ilang beses mo na ring pinunasan 'yang mesa," aniya, dahilan para mapatingin ako sa tinutukoy niya. Tama nga siya—malapit ng magmukhang crystal ang mesa da
"Umm.. Louie," tawag ko sa kaniya nang makalabas na ako ng kwarto.Kasalukuyan siyang nasa kusina, naghuhugas ng mga pinanggamitan niya sa pagluluto. Pero kaagad naman siyang lumingon sa akin no'ng narinig niya na ang boses ko."Aalis ka na ba?" tanong niya, at tumango na lamang ako bilang sagot. "I've prepared your lunch. Here, finish that."Kaagad ko namang tinanggap ang inabot niya sa akin, at nilagay sa loob ng bag ko. Pero hindi ko magawang tumingin sa kaniya ng diretso nang dahil sa nangyari kagabi.Nahihiya pa rin ako hanggang ngayon, at hindi ko pa rin siya makausap ng maayos. Pero samantalang siya, kinakausap ako na parang nakalimutan niya ang nangyari kagabi, na parang wala siyang ginawa sa akin na hindi ko inaasahan."S-Salamat dito. Sige, alis na 'ko. Mag-ingat ka rito," halos pautal ko nang sabi, at kaagad na siyang tinalikuran.Hindi ko na hinintay na makasagot siya, pero bigla akong napahinto nang tawagin niya 'ko."Erina..."Hindi ko siya nilingon, nakatingin lang ako
Wala akong ideya kung bakit niya 'ko hinalikan. Wala namang rason para gawin niya sa akin 'yon.Ilang beses niya na 'kong hinalikan, pero ito ang mas hindi ko inaasahan. Halik na parang puno ng pagmamahal, halik na kailanman hindi ko makakalimutan.Hindi ko siya nagawang itulak, hinayaan ko siyang halikan ako kahit na tutol ang utak ko sa ginawa niya. I returned his kisses with the same feelings and the same intensity. Hindi ko alam kung ano ang dahilan ko para tumugon sa halik niya—kung gusto ko na ba siya o dahil sa reaksyon lang ito ng katawan ko?Bigla siyang huminto sa paghalik sa akin at unti-unti nilayo ang mukha niya, pero napatitig ang mga mata niya sa labi ko bago nag-angat ng tingin sa akin."Ano'ng ginawa ko? I-I'm sorry, Erina. Fuck! I'm such an idiot," aniya, na parang hindi alam kung ano ang ginawa.Bigla siyang umatras at umiwas ng tingin sa akin na ipinagtaka ko. Hindi ako nakapagsalita dahil sa sinabi niya. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin dahil hindi ko rin alam