Fleur Academy
Rinig na rinig ko ang huni ng ibon mula sa kawalan, ang banayad na pag ihip ng hangin sa aking buhok. Maging ang anino ng mga puno ay mas nagbigay buhay sa lugar.
Maliwanag ang paligid at kitang kita ang bawat detalye nito, tila ipininta ng isang magaling na pintor ang bawat kurba at disenyo. Sa aking harapan ay ang naglalakihang kastilyo. Namangha ako sa lawak nito. Tila sakop nito ang isang maliit na pulo! Ilang metro din layo nito mula sa aming kinalalagyan.
Naku! delikado, mukhang maliligaw ako dito!
Nanatili ang pagkamanghang ekspresyon ko habang nililibot ang paningin sa paraisong ito. Nagsimulang maglakad ang mga tao sa aking harapan kaya't wala sa sarili ko rin silang sinundan.
Nasa harapan namin ang babaeng bruha. Diretso ang lakad niya, parang isang sundalo ang galawan. Ganun din ang ginawa ng dalawa niyang alalay. Taliwas na taliwas sa kilos ng lalaking nasa aking tabi, paano ba naman at ngiting - ngiti ito, pag tinitingnan ko siya para siyang lumiliwanag. Parang ang saya saya ng awra niya, punong puno ng liwanag. Hindi ko parin makalimutan ang pagpapalit anyo niya kanina.
Kung alam ko lang na ganon, edi sana 'di ko nalang siya binuhat buhat!
Lumapit sa akin ng bahagya ang lalaki at bumulong. "Nalulugod ka ba sa iyong nakikita Binibining Liway?"
Gulat akong dumistansya sa kanya at nagtataka ko siyang tiningnan. Ngumiti siya ng bahagya sa naging reaksiyon ko. Sumisilip na naman ang kumikinang niyang ngipin!
Anong brand ng toothpaste mo Sir?
"Anong 'Binibini' ang sinasabi mo dyan?"
Kumunot ang kanyang noo na parang mayroong iniisip bago siya umiling at nagsalita.
"Sa panoong paraan ba dapat tawagin ng isang Prinsipeng tulad ko ang tulad mong Binibini?"
Natawa ako ng bahagya sa tinuran niya. Napaka pormal niya namang magsalita, kanina'y bulol bulol pa siya, ngayon nama'y kitang kita na ang layo ng aming katayuan sa isa't isa.
Nang makita niyang di ako sumagot ay nagbigay siya ng mga suhestyon.
"Nais mo bang tawagin kitang bestie? bff? friend? frenny? tol? pre? brad? "
Doon na ako humagalpak ng tawa. Paano ba naman, ginagaya niya rin ang tono kung paano ito bigkasin ng mga tao. Hindi ko inaasahang lalabas iyon sa bibig niya! Sinong nagturo ng mga katagang iyon sa kanya?
Nang makita niyang pinagtatawanan ko siya ay bahagya siyang lumayo sa akin at sumimangot. Mukhang nagtatampo siya sa lagay niya. Akalain mo yun, lumaki ang katawan ngunit naiwan ang utak.
Parang nakikisabay din sa pakiramdam niya ang mga halaman sa paligid dahil unti - unting nawala ang sigla nito at parang malapit nang malanta.
Napatigil ako sa paglalakad.
Anong nangyayari sa mga halaman?
Napansin din siguro ng nasa harapan namin kaya tumigil din sila. Yun nga lang, hindi ko inaasahan ang paglingon ng babaeng bruha kasabay ang matalim niyang tingin na nakatutok sa akin.
Ako? Ba't ako na naman?!
Lumapit sa akin si Aoife habang galit ang mga mata niya. Nakakatakot ang presensya niya. Kaya na paatras ako kahit medyo malayo pa naman siya mula sa kinalalagyan ko.
"Anong ginawa mo?!"
Napaigtad ako sa biglaan niyang pagsigaw sa harapan ko. Nanlilisik ang mata niya, parang mapapatay niya ako ng di oras!
"W-wala akong ginagawa." Iwinasiwas ko pa ang aking dalawang kamay upang ipakitang wala akong kinalaman sa nangyayari sa paligid.
Wala naman talaga!
Pagkasabi ko nun ay huminahon siya ng kaunti. Iniwan niya ako at nilapitan ang Prinsipeng nakasimangot parin hanggang ngayon.
"Mahal na Prinsipe, hindi makabubuti ang kalungkutan niyo sa kapaligiran." May pagtitimpi sa boses ng babae.
Huh? Ang Prinsipe ang may gawa nito? Buong kagubatan ang handang mamatay para sa kalungkutan ng Prinsipeng iyan?!
Hindi ko lubusang maunawaan ang gustong sabihin ni Aoife o ayaw lang talagang tanggapin ng isipan ko na may kinalaman ito sa mahika.
Nag angat ng tingin ang lalaki at lalong sumimangot. Lalo ring nalanta ang mga bulaklak sa paligid at ang masama pa, namamatay na sila! Nangingitim na ang ibang parte ng mga ito.
Kahit ang dalawang alalay ng babae ay mukhang kinakabahan na din sa nangyayari. Sumama din ang timpla sa mukha ng babae. Kung kanina'y nagtitimpi pa ito, ngayon ay wala na siyang tinatagong emosyon. Kitang kita ko ang pagkairita, galit at pamumula ng kanyang mukha. Para bang sagad na sagad na ang pasensya niya.
Sa hindi inaasahang pangyayari ay bigla niyang hinawakan ang tenga ng 'Prinsipe' at hinila ito habang naglalakad!
"Kapitan!" Sigaw ng dalawang alalay.
"Aoife! A-aray!!" sigaw ng Prinsipe at sinusubukang tanggalin ang pagkakapingot sa kanya.
Parang kinakaladkad na siya ni Aoife. Napangiwi ako sa nakikita ko sabay hawak sa sariling tenga. Pakiramdam ko ang sakit sakit nun!
"Bilisan niyo ang kilos niyo!"
Halos tumakbo na ako, nakakatakot siyang magalit!
Napansin ko ring nabuhay nang muli ang mga halaman sa paligid. Bumalik na ang dating sigla nito, mas matingkad panga ang kulay nito kaysa kanina.
Ibig bang sabihin nito masaya na ang Prinsipe?
Pinagmasdan ko muli ang dalawa sa harapan at napangiwi muli. Mukha bang masaya ang Prinsipe sa lagay niya? Parang maiiyak na ito sa sakit e!
"Aoife! Bitaw na!" Hindi nakinig ang babae. Nagmistula itong bingi at patuloy ang pagkaladkad sa mahal na Prinsipe.
Ilang sandali pa'y kakaibang awra ang bumalot sa paligid. Nakita ko kung paano nawalan ng emosyon ang Prinsipe. Tila ibang tao na ang nasa aking harapan. Lalong tumingkad ang kulay luntian niyang mata.
Binitawan ni Aoife ang Prinsipe at dali daling lumuhod at yumuko. Ganun din ang ginawa ng dalawa niyang alalay, nanginginig panga ito habang nakayuko. Parang takot na takot sa Prinsipeng nasa harapan namin ngayon.
Hindi ko alam ang gagawin ko! Gagayahin ko ba sila o mananatili akong nakatayo? Nalilito na ako!
Lumingon sa akin ang Prinsipe at sa hindi malamang dahilan ay kusang lumuhod at yumuko ang katawan ko.
Nasa tabi ko ang dalawang alalay ni Aoife. Kapwa pinagpapawisan na sa tensiyon na mayroon sa paligid. Walang sinuman ang nangahas mag angat ng tingin.
"Humihingi ako ng kapatawaran sa aking marahas na kilos, mahal na Prinsipe" Boses iyon ni Aoife.
Kung papakinggan mo'y parang normal lamang ang kanyang pananalita ngunit oras na sulyapan mo siya'y makikita mo ang kaba sa kanyang mukha.
Hindi ko alam kung tinanggap ng Prinsipe ang paghingi niya ng tawad dahil walang kumikibo. Huni lang ng ibon ang maririnig sa paligid.
Nakarinig ako ng yapak papalayo kasabay ang tunog ng mga tuyong dahon, kaya naman nakahinga na ako ng maluwag. Mukhang wala na ang Prinsipe.
Nag angat ako ng tingin. Gulat akong napaupo ng makita kong may tao pa pala sa harap ko! Ang Prinsipe nga ito!
Nakangiti! Hindi ko alam kung namamalikmata ako o ano. Lumiliwanag na naman siya dahil sa masayang awra na nagmumula sa kanya.
Paanong..
Ngumuso siya ng mapansing hindi pa ako nakakabawi sa pagkagulat. Sa takot na maging masama na naman ang timpla niya ay sinubukan kong bawiin agad ang hindi kaaya ayang ekspresyon sa mukha ko at ngumiti.
"O! Prinsipe! Nandyan ho pala kayo ano? Haha haha." Pilit ko man itong gawing natural ay hindi ko talaga magawa, paano'y umaalingasaw ang kaplastikan ng ngiti ko sa kanya.
Pasimple kong sinilip ang tatlo sa gilid. Kita kong nakatayo na sila at nakatingin din sa amin na parang walang nangyari.
"Hindi ko kailangan ang huwad mong ngiti." Humakbang siya ng isa papalayo at naglahad ng kamay.
"Kanina pa naghihintay ang mga bulaklak sa paraiso, Binibini. Maari bang humayo na tayo?"
May pag aatubili man ay inabot ko parin ang kamay niya tulad ng kanina. Ngumiti naman siya lalo ng makita niyang tinanggap ko ito. Tumingin ako sa harapan at nakita ko ang pasimpleng pag irap ni Aoife sa kawalan. Siguro'y kumukulo nang talaga ang dugo niya sa akin!
Napansin ko ring malapit na kami sa tarangkahan ng kastilyong kanina ay tanaw tanaw ko lang mula sa distansya. Ganun katagal na pala kaming naglalakad.
Nang maabot namin ang harapan ay binitawan na ng Prinsipe ang aking kamay at humakbang sa harap naming lahat.
Ang dalawang alalay ni Aoife ay tumayo ng tuwid at nagmartsa papunta sa magkabilang gilid ng tarangkahan. Inangat nila ang espada sa paraang pagpupugay.
"Dumating na ang mahal na Prinsipe at ang Kapitan! Buksan ang tarangkahan!" Napakalakas ng sigaw ng dalawa at sabay na sabay pa! Parang ilang beses nilang inensayo ang sasabihin nila.
Ilang saglit pa'y bumukas na ang tarangkahan. Akala ko ang pinakamaganda na ang nakita ko kanina, hindi ko inaasahang may hihigit pa pala rito!
Sa pagbukas ng tarangkahan, isang kumikinang sa kastilyo ang sasalubong sa iyong paningin. May magarbo itong disenyo, hango sa modernong kastilyo na makikita ko lamang sa libro ng arkitektura tuwing hinihiram ko ang libro ng anak ni ate Lilit na isang arkitekto. May malaking fountains, marmol na sahig. Iba't - ibang uri ng mayayabong na halaman at bulaklak ngunit napupuna kong higit na marami ang bulaklak na mirasol sa buong lugar. Malawak na damuhan sa gilid. Kumikinang na mga figurines na gawa sa ginto at tanso. Ang malalaking bintana, matatas na gusali na nakakalulang tingnan.
Lumakbay ang aking tingin sa itaas na bahagi, nakita ko doon ang gintong mga letrang nakaukit sa itaas.
Fleur Academy
Academy? Hindi ba't parang paaralan ang ibig sabihin nun? Ano? Ibig sabihin paaralan lamang ito?
Sa ibaba ng mga katagang iyon ay mayroon ding nakaukit na baybayin, hindi ko ito mabasa ang ibig sabihin nun ngunit alam ko lang na ang mga karakter na ginamit sa pagbuo ng mga katagang iyon ay tinatawag na 'Baybayin'
Lumigon ako kay Aoife. Gusto kong magtanong pero nakakatakot siya. Nanlaki ang mata ko ng lumingon din siya sa akin.
"Maligayang pagdating sa aming munting paaralan, Talulot." Seryoso ang pagkakasabi niya ngunit ngumisi siya sa nakakakilabot na paraan ng bigkasin niya ang 'Talulot'. Tumindig ang balahibo ko. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako sa pagbati niya o matatakot sa paraan ng pagkakasabi niya nito!
Wala akong alam sa lugar na ito! Pakiramdam ko'y nawawala na ako kahit nasa harap lang naman ako ng taong ngayon ko lang nakilala.
Ano bang nangyayari Ina? Ang sabi nila'y ibabalik ka niya sa akin kung susunod ako sa gusto niyang gawin. Ano po ba 'tong pinasok ko?
aeliag © 2022
All rights reserved.PagsusulitNanatili akong tulala sa mga pangyayari. Hindi ko inaasahan ang mga ito. Mga bagay na ibang iba sa kinalakihan ko. Ang mahika, mga bulalaklak, kakaibang nilalang at ang paaralang nasa aking harapan. Ang Unibersidad ng Fleur. Sinong mag aakala na ang imahinasyon ng mga manunulat ay totoo at hindi produkto ng imahinasyon lamang? Kung tutuusin, napakalaki ng mundo, marami pa tayong mga bagay na hindi natutuklasan mula rito, ngayon pa lang ay natatakot na akong malaman.Nauna nang humakbang ang Prinsipe sa harapan.Ang kanyang tikas ay katulad ng matatag na puno ng narra, ang bawat kilos ay maihahalintulad sa mabangis na leon, siguradong sigurado ang bawat hakbang at may paninindigan. Sulyap na kasing lalim ng karagatan, may kakayahang kilalanin ang iyong tinatagong kaanyuan. Ang kanyang maamong mukha na kasing liwanag ng araw at kasing tapat ng mirasol. Walang duda, siya ay isang Prinsipe.Yumuko ang bawat nilalang na kanyang dinadaanan, maging ang dalawang kawal na kasama n
Bulaklak ng LiryoNasa madilim na parte na kami ng kagubatan at patuloy parin sa paglalakad si Puti. Habang papalayo kami ng papalayo sa pinaghulugan ko kanina mas nararamdaman ko ang simoy ng hangin, mas malamig iyon kumpara sa nakasanayan.Maraming tuyong dahon sa aming nilalakaran kaya't rinig na rinig ang bawat hakbang ko. Makikita rin ang malalaking anino ng mga puno habang sumasabay ito sa ritmo ng hangin.Pinagkrus ko ang aking kamay at niyakap ang aking magkabilang bisig. Masyado nang malamig, hiyang hiya naman ang sleeveless na suot ko."Puti saan ba tayo pupunta?" Alam kong isa siyang aso pero baka sakaling marunong siyang magsalita, baka katulad din siya ng mga kakaibang nilalang na nakita ko kanina.Ilang saglit pa'y tumigil bigla sa paglalakad si Puti. Huminto rin ako dalawang hakbang mula sa aso."Puti?"Imposibleng dito ang daan palabas. Dahil wala akong makitang lagusan kung saan, ngunit mayroong isang bangin sampung hakbang mula sa aming kinalalagyan.Nanlaki ang mata
RepleksyonHindi maganda ang pakiramdam ko. Sapat na ang mga salitang iyon upang sumahin ang takot at kaduwagan na nararamdaman ko. Pakiramdam ko'y nahihilo at masusuka na ako anumang oras. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko, hindi makahinga ng maayos at nanginginig ang dalawang kamay. Hindi pa man ako nakakapasok sa loob ng pintuang iyon ay sunod sunod na ang rehistro sa utak ng mga posibleng mangyari nang oras na pumasok ako doon."Hoy Tao, ayos ka lang? " Boses ni Adeem ang nakapagpabalik sa akin sa reyalidad."Hindi." Dahil yun naman ang totoo. Hindi ako ayos! Walang maayos sa sitwasyon na 'to! Ito namang lalaking katabi ko, pangisi ngisi lang na para bang walang masamang mangyayari ilang minuto mula ngayon.Ang pakiramdam ko'y hinahatid na ako sa huling hantungan!"Lilipas din yan." Sagot niya.Anong 'lilipas din yan' ang sinasabi ng isang 'to? Lilipas din yan kung hindi na ako makalabas sa pintong 'yan?!Hindi ko na nasabi ang dapat kong sasabihin sa kanya dahil biglang may lumi
BalatkayoNawiwirduhan ako sa paraan ng pakikipag usap sa akin ni Adeem ngayon. Paano'y pagkatapos kong makalabas ng pinto, masyado nang masaya ang persona niya. Madalas na rin siyang nakangiti kahit mukha siyang galit sa mundo nang una ko siyang makausap.Anong nangyayari?"Alam mo ba Liwayway, napakaraming ginto sa aming kaharian, nais mo bang dalhin kita roon?" Itinaas niya ang kanyang kamay upang imuwestra kung gaano karami ang gintong sinasabi niya habang ako nama'y tahimik na nakikinig at kasabay siyang maglakad.Napangiwi ako.Mukha siyang sabik na sabik habang nagkukwento ng mga bagay na gustong gusto niya sa kaharian ng Vinetus. Sa katunayan, kumikinang pa ang kanyang mga mata habang nagsasalita."Liwayway?" Tumigil siya bigla sa paglalakad."Huh?" Nagtataka kong tingin sa kanya. Hindi ko na nasundan ang pinagsasabi niya kanina."Ang sabi ko nagugutom ka na ba?" Tiningnan ko nang maigi ang mukha niya. Wala akong makitang bakas ng kaibahan ng itsura niya ngayon sa itsura niya
MalayaNagkamali ako. Hindi siya nagbabalatkayo tulad ng inaakala ko. Hindi siya nagkukunwari, hindi siya ang impostor kundi ako.Hindi ko inaasahang paglabas ko sa unang pinto ay dadalhin agad ako nito sa ikalawa't ikatlo. Ako ang naliligaw at hindi siya. Simula umpisa palang ay totoo na lahat ng mga sinabi niya.Bakit hindi ko agad iyon nakita?GLUTTONY & WRATHIyan ang dalawang pintuang pinasok ko nang hindi namamalayan. Masyado akong naging pabaya at inisip na ako lamang ang tama. Ang sabi ko'y hindi ko ibaba ang aking depensa ngunit salungat ang aking nagawa.'Latak ng kasinungalingan, Tiyak na ika'y pagsasarhan.'Hindi lahat ng bagay na maganda ang panlabas na kaanyuan ay mayroong mabuting kalooban.Nalinlang kami ng aming mga mata. Nilason ang kakayahan naming makakita.Latak ng kasinungalingan mula sa pagkaing nakahain sa aming harapan. Sinarado ang isipan sa posibilidad na ito'y maaring maging ugat ng kapahamakan.Hindi nakikita ng mata ang lahat. Hindi nito lubusang nasusur
SimulaIsang malakas na sampal sa mukha ang gumising sa akin. Nagulat ako kaya naman gumalaw nang mabilis ang katawan ko at tumayo mula sa pagkakahiga sa damuhan. Ang katawan ko'y nasa tindig na handang makipaglaban. Ngunit naudot iyon nang makita ko ang mukha ng walang hiyang gumising sa akin.Masamang tingin ang binigay ko sa kanya. "Finally." Aniya.Walang kabuhay buhay ang pagkakasabi niya no'n, gaya ng aking pagkakaalala hindi siya masayahing tao. Tumingin siya sa akin nang nakabusangot.Aba! Ma-attitude din ang isang 'to."Hey, Tao!" Kinaway niya ang isang kamay sa harap ko habang nakapamewang. Mukha siyang problemado. Natulala na pala ako sa kawalan, hindi ko man lang 'yon namamalayan.Pasensya naman, ikaw kaya makipaglaban sa kamukha mo, mag analisa ng nakakasira sa ulong tula, muntik nang makakain ng daga at masaksak sa puso, tingnan natin kung kakayanin mo.Hindi ko na naisatinig ang mga salitang 'yon dahil wala na akong lakas makipag argumento. Pagod na ang katawan at utak
BaguhanSinundan ko si Aoife hanggang sa marating namin ang labas ng gusali. Isa iyong malawak na damuhan. May mga bench sa gilid at malalaking punong maaring silungan.Nagawi ang tingin ko sa gitna. Agaw pansin ang napakalaking estatuwa ng anghel na nakabuka ang pakpak habang hawak hawak ang punyal na mayroong nakaukit na iba't ibang uri ng bulaklak.Pamilyar iyon sa akin dahil ang punyal na hawak hawak nito ay kahawig na kahawig ng logo ng paaralan. Sa paahan ng anghel umaagos ang tubig.Sa ibabang parte naman ng fountain makikita ang maliliit na anghel na tila masayang naglalaro sa bawat patak ng tubig sa uluhan nila.Napakaganda no'ng tingnan.Pinagpatuloy namin ang paglalakad at itong si Aoife, imbis na maglakad sa malilim na daan, gusto niya pang maglakad sa gitna ng initan.Nakita kong unti unti nang nang naglabasan ang mga estudyante mula sa kani kanilang silid.Baka break time?Namangha ako nang makita ko ang unipormeng suot suot nila.Ang mga babae ay nakasuot ng high-waisted
Bakas ng Lotus Habang nag iisip kung paano ako makakalabas ng restroom na 'to, hindi ko maiwasan ang pag gawi ng mata ko sa lalaking naka upo sa gilid ng kwarto. Magulo ang kanyang buhok, basa ang suot suot na uniform, mukhang galing sa pag iyak dahil namumula ang kanyang mata, makapal ang kilay, mahabang pilikmata, kulay dagat na mga mata, ilong na matangos, pulang pulang labi at ang perpektong hubog ng panga. Halos hindi ko maalis ang tingin ko sa kanya. Namamangha ako sa kaperpektuhan ng kanyang itsura. Siguro kung babae lang siya, siguradong mas maganda pa siya sa akin. Nag angat siya ng tingin dahilan upang mag salubong ang aming mga mata. Mukhang napansin niya ang paninitig ko. Patay malisya kong iniwas ang tingin. Wala akong narinig na reklamo mula sa kanya. Sinawalang bahala ko na lamang iyon at mas tinuon ang aking atensiyon sa sarili. Halos maubos ko na ang tisyung binigay niya kanina. Ipagpapatuloy ko pa sana ang ginagawa ko nang makarinig ako ng hikbi mula sa kung sa